NAARESTO NG PINAGSANIB na pwersa ng PNP at AFP ang walo katao na hinihinalang may kinalaman sa pagpatay sa isang barangay kagawad at BPAT member sa Midsayap, North Cotabato.
Sila ay nahuli sa ikinasang joint police at military operations alas 4 ng hapon sa Barangay Kudarangan, Midsayap na sakop na ngayon ng Special Geographic Area ng BARMM.
Kahapon ng madaling araw, nakasagupa ng grupo ni Tho Puyo Singh, 73-anyos, Barangay Kagawad ng nasabing barangay at Bayao Mohamad Uka, 58-anyos, BPAT member. Sila parehong MNLF members na nasawi sa labanan.