Isang principal ng paaralan sa bayan ng Paglat ang biktima ng pamamaril sa Pandag, Maguindanao kaninang alas tres ng hapon.
Ito mismo ang kinumpirma ni Pandag Chief of Police PLt. Elmar Elarcosa sa DXMS Radyo Bida.
Kinilala ni Lt. Elarcosa ang biktima na si Baimhon Ambalgan, 58 years old at residente ng Tacurong City.
Dagdag sa imbestigasyon ng Pandag PNP, sakay ang biktima ng isang kulay puting honda fit kasama ang kaniyang anak na isa ring guro.
Sugatan ang principal habang hindi nadamay ang anak nito ayon kay Plt. Elarcosa.