NAMATAY ON THE SPOT ang isang barangay kagawad matapos barilin sa Barangay Labungan, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Kinilala ng Datu Odin PNP ang biktima na si Kagawad Macmod Masiangal na taga Barangay Labungan.
Sinabi ni Datu Odin municipal police deputy chief Lt. Guiseppe Tamayo na nagpapatuloy pa ang kanilang imbesigasyon sa motibo ng krimen at kung sino ang may gawa nito.
Sa pahayag ng isa sa kaanak ng biktima, naglalakad si kagawad patungong barangay hall kahapon ng tanghali nang barilin ng di pa nakilalang mga suspect.