UPDATE: Isa patay, tatlo sugatan kabilang ang 1-year-old na bata sa nangyaring ambush sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur
NANGYARI ang ambush sa Barangay Lower Salbu,Datu Saudi Ampatuan,Maguindanao del Sur pasado ala 1:00 ng hapon kanina.
Ayon kay Maguindanao PNP Public Information Officer Major Reggie Albellera, dead on arrival sa pagamutan ang mismong padre de pamilya na si Junior Sumlay, 42, siyang driver ng minamaneho nitong pulang mutlicab.