KIDAPAWAN CITY - HINDI bababa sa 15 ang sugatan matapos araruhin ng Bonggo ang tiangge ng prutas sa gilid ng National Highway sa Old Bulatukan, Makilala, North Cotabato ngayong hapon, December 11, 2023.
Ayon sa impormasyon sa ilang bystanders at nakasaksi, patungong Davao area ang Bonggo nang maaksidente.
Nabatid na mga taga Sarangani Province ang sakay ng nasabing sasakyan na nakilibing sa President Roxas, North Cotabato.
Wasak ang tiangge ng prutas na inararo.
Agad isinugod sa bahay pagamutan ang mga lubhang nasugatan sa insidente.