Sa Banisilan, naaresto ng PNP ang tatlo na sina Mombawira Akil, Japar Cosain, at Khalid Sarif, parehong taga Natangcopan, Amai Manabilang town sa Lanao del Sur sa ginawang drug buy bust operation.
Nakuha ang P170,000 na halaga ng shabu mula sa mga suspsect na tinaguriang high value target ng PNP.
Samantala, higit P500,000 na halaga ng shabu ang kaumpiksa ng PNP at PDEA 12 operatives sa anti-drug operation sa Barangay Poblacion 7, Midsayap, North Cotabato.
Kinilala ang mag-asawang suspect sa aliases na sina Akrima na isang negosyante at ang asawa nitong si Mandi.