MANILA - Ngayong 4 PM, Enero 10, 2022, ang Department of Health ay nakapagtala ng 33,169 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 3,725 na gumaling at 145 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.3% (157,526) ang aktibong kaso, 93.0% (2,788,711) na ang gumaling, at 1.74% (52,293) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 8, 2022 habang mayroong 10 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).