NAITALA KAHAPON NG Dept of Health Soccsksargen region ang highest single-day record ng Covid-19 positive.
Naitala ang 22 bagong kaso ng coroanvirus sa rehiyon at lima rito ay mula North Cotabato, 10 ang Sarangani, tatlo sa Gen. Santos City, 2 sa South Cotabato at 2 sa Sultan Kudarat.
Lahat sila pawang mga Locally Stranded Individual, ayon sa DOH, at nasa stable condition at mula sa Metro Manila at Luzon.
Dahil dito, abot na sa 147 ang positive cases sa Region 12 habang 65 naman ang naka-recover.
Anim naman ang naka-recover, ayon sa DOH.