COTABATO CITY - Nadagdagan pa ng 27 na mga bagong nagpositibo sa Covid 19 ang Soccsksargen ngayong araw.
Dahil dito umaabot na sa 1,880 ang bilang ng COVID 19 Infections sa Rehiyon.
Sa 27 paibagong kaso na naitala ng DOH-Soccsksargen region, 12 ang mula sa South Cotabato, siyam General Santos City, tatlo taga North Cotabato, dalawa Cotabato City at isa sa Sultan Kudarat.
Nakapagtala naman ng 19 pang COVID 19 recoveries ang rehiyon.
Sa ngayon, meron nang 1,240 ang bilang ng mga gumaling.