KORONADAL CITY - Umabot na sa 293 na kaso ng Hand, Foot, and Mouth Disease o HFMD ang naitala sa bayan ng Banga, South Cotabato.
Ayon kay Banga Municipal Health Officer Dr. Ellen Quidilla ito ay maituturing nang outbreak.
Ipinahayag ni Quidilla na para mapigilan ang pagkalat ng HFMD pinalakas ng health office ang kanilang information dessimination sa mga komunidad.
Dagdag pa nito nagbibigay din ng anti-biotic ang kanilang tanggapan sa mga may malalang kaso.
Ayon kay Quidilla, apektado ng HFMD ang 19 sa 22 na mga barangay sa Banga.