Monday Jun, 24 2019 11:28:37 PM

SK kagawad, pinsan patay sa vehicular crash sa Kidapawan City

NEWS BRIEFS • 10:00 AM Tue Jun 4, 2019
540
By: 
DXND Kidapawan
Rescue workers respond to a highway crash in Kidapawan where one of the victims was a SK council member in North Cotabato. (Photo courtesy of Mhi Mi Boloron)

KIDAPAWAN CITY - Dalawa ang nasawi ilang oras matapos na masangkot sa vehicular crash sa Barangay Mateo, Kidapawan City.

Naganap ang aksidente alas 7:00 ng gabi nitong linggo.

Nakilala ang mga nasawing biktima na sina Nilo Catihan, 21 anyos SK kagawad ng Barangay Ganatan, Arakan, Cotabato at ang pinsan nitong si Lady Catihan, 22 anyos na kapwa nakatira sa Barangay Ganatan.

Ayon sa ulat, binabaybay ng mga biktima ang National Highway na minamaneho ng lalaking si Catihan.

Nang pagsapit sa lugar na pinangyarihan ng insidente ay sumalpok ito sa parating na sasakyan na minamaneho ni Teofilo Malon Siago, 66 years old, magsasaka at nakatira sa Barangay Pangao-an Magpet na nasa magkasalungat na direksyon.

Binawian ng buhay ang SK kagawad alas 3:30 ng madaling araw kahapon habang ibinabyahe sa isang ospital sa Davao City.

Samantala, pasado alas 7:00 naman ng umaga kahapon binawian din ng buhay ang pinsan nitong ni lady Catihan.

Nagtamo din ng kasiraan ang dalawang mga sasakyan na nasa kustodiya na ng Kidapawan City.

NDBC BIDA BALITA (6.24.19)

NEWSCAST

June 24, 2019 (MON)
7:00 AM

HEADLINES:

1. Pulis, patay sa pamamaril sa...

Gunmen kill Maguindanao cop in Midsayap

COTABATO CITY - Gunmen killed a police sergeant in Midsayap Saturday that preceded six similar incidents in the region the week before.

The...

Dating Barangay Chairman ng Maguindanao, patay sa pamamaril sa Tacurong City

TACURONG CITY - Patay ang isang dating barnagay official ng Gen. SK Pendatun, Maguindanao habang namimili ng prutas sa fruitstand ng Tacurong City...

feast of St. John the Baptist

 

Reading 1 IS 49:1-6

Hear me, O coastlands,
listen, O distant peoples.
The LORD called me from birth,
from my...

3 drug suspects fall in Maguindanao

COTABATO CITY -- Three drug suspects, two apprehended in a checkpoint, led to the seizure of PHP10,000 worth of shabu, a firearm...