Monday Jun, 24 2019 11:23:52 PM

Retired Cardinal Quevedo celebrates 80th natal day March 11

Church • 21:30 PM Tue Mar 12, 2019
220
By: 
NDBC
Photos from Monaliza Tabangcura Baradi

NAGDIWANG kahapon ng kanyang ika-80 kaarawan si Cotabato Archbishop-emeritus Orlando Cardinal Quevedo.

Ito rin ang hudyat na hindi na maaari pang bomoto si Quevedo sa “papal conclave” na pumili ng susunod na pinuno ng buong simbahang katoliko.

Tanging si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na lamang ang natitirang kinatawan ng Pilipinas sa papal conclave.

Si Quevedo ang ikawalong Pinoy na naging kardinal sa kasaysayan ng simbahan at kauna-unahan na mula sa Mindanao.

Siya rin ang Catholic church leader na nakiisa sa pagsusulong ng Bangsamoro Organic Law o BOL na nagtatag ng bagong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Ginawang cardinal ni Pope Francis si Quevedo noong 2014. November 2018 naman nang tinanggap ng pontiff ang resignation ni Quevedo bilang archbishop of Cotabato at siya ay pinalitan ni Archbishop Angelito Lampon.

Nabatid na bukod kay Cardinal Quevedo, ilan pang mga kardinal ang mag o-otsienta anyos na ngayong taon gaya nina Cardinal Edwin O'Brien ng United States at Poland's Cardinal Stanislaw Dziwisz.

Sa ngayon, mayroon na lamang tatlong mga buhay na kardinal sa Pilipinas; sina Quevedo, Tagle at Manila Archbishop-emeritus Gaudencio Cardinal Rosales.

Kabilang sa kanyang mga bisita sina Papal Nuncio Archbishop Gabriele Giordano Caccia, Manila Archbishop Cardinal Tagle at dating Ilocos Sur Gov. Luis Chavit Singson.

NDBC BIDA BALITA (6.24.19)

NEWSCAST

June 24, 2019 (MON)
7:00 AM

HEADLINES:

1. Pulis, patay sa pamamaril sa...

Gunmen kill Maguindanao cop in Midsayap

COTABATO CITY - Gunmen killed a police sergeant in Midsayap Saturday that preceded six similar incidents in the region the week before.

The...

Dating Barangay Chairman ng Maguindanao, patay sa pamamaril sa Tacurong City

TACURONG CITY - Patay ang isang dating barnagay official ng Gen. SK Pendatun, Maguindanao habang namimili ng prutas sa fruitstand ng Tacurong City...

feast of St. John the Baptist

 

Reading 1 IS 49:1-6

Hear me, O coastlands,
listen, O distant peoples.
The LORD called me from birth,
from my...

3 drug suspects fall in Maguindanao

COTABATO CITY -- Three drug suspects, two apprehended in a checkpoint, led to the seizure of PHP10,000 worth of shabu, a firearm...