Monday Jul, 13 2020 10:21:56 PM

Pulis sa Tampakan, South Cotabato positibo sa COVID-19

HEALTH • 11:15 AM Thu Jun 25, 2020
146
By: 
RADYO BIDA KORONADAL

TAMPAKAN, South Cotabato - Nakabalik na sa pinatatrabahuhang lugar ang isa katao na taga Tampakan,South Cotabato nang malaman na positibo ito sa COVID-19.

Kaya ayon kay Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido, walang dapat ikabahala ang mga mamamayan ng lalawigan.

Sa katunayan ayon kay Aturdido, nalaman lamang nila ito nang magtanong ang mga taga Regional Epidemiology and and Surveillance Unit o RESU Region XI sa Provincial Epidemiology and Surveillance unit kung nakauwi sa kanilang lugar ang nasabing pasyente.

Kinumpirma din ni Aturdido na ang nagpositibo sa COVID-19 ay kasapi ng Special Action Force o SAF ng PNP.

Paliwanag ni Aturdido pinayagan itong makauwi sa kanilang lugar sa Tampakan dahil sa negatibong resulta ng rapid test sa pinanggalingang lugar.

Pero bago nakauwi, nakuhanan ito ng swab sample at ipinadala sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City kung saan nakumpirma na positibo ito sa virus.

Sinabi ni Aturdido na maaring nahawa ng COVID-19 ang nasabing pulis na nakadestino sa Malalag, Davao Del Sur.

Kaugnay nito kinumpirma naman ni Tampakan Mayor Leonard Escobillo na ang nasabing COVID-19 patient ay umuwi sa kanilang lugar sa barangay Lambayong noong June 12 hanggang 16.

Ito ay matapos humingi ng abiso sa lokal na pamahalaan.

Gayunpaman ayon kay Escobillo bilang pag-iingat, ipinatupad ang walong araw na lockdown sa apat na mga purok ng nasabing barangay.

Ang mga ito ay ang mga purok ng Pagkakaisa, Bagong Silang, Mabuhay at Pag-asa.

Layon nito na mabigyan daan ang contact tracing ng municipal health office sa mga maaring naksalamuha ng nasabing COVID-19 patient.

ASF sa Magpet, North Cotabato dulot daw ng "chorizo"

Isa ang processed meat na Chorizo sa itinuturong dahilan sa pagkalat ng African Swine fever o ASF sa Magpet North Cotabato.

Sa panayam kay...

Hosts found intact in Manila church ravaged by fire

MANILA - A ciborium with consecrated hosts was found intact amid the rubble from the fire in the Sto. Niño Church in Manila’s Pandacan district,...

8 new coronavirus positive reported in BARMM

COTABATO CITY (July 12) -- Eight new coronavirus disease COVID-19 cases were recorded in the Bangsamoro Region.

Of the eight cases, seven...

Good news: No new COVID-19 case in Soccsksargen

KORONADAL CITY - The Department of Health in the Soccsksargen region today said no new case of COVID-19 was recorded as of today, July 12, Sunday...

Pigcawayan mayor nanawagan ng pagkakaisa dahil isang kababayan positibo sa Covid 19

PIGCAWAYAN, North Cotabato - Umapela si Mayor Jean Dino Roquero sa lahat ng mga kababayan nito na makipagtulungan sa local governrment unit...