Tuesday May, 26 2020 02:03:02 AM

Phivolcs expert explains why aftershocks occur

Local News • 09:30 AM Fri Nov 8, 2019
505
By: 
NDBC NCA

KIDAPAWAN CITY - Ipinaliwanag kahapon ng PHILVOCS ang dahilan ng magkasunod na pagyanig na naitala sa malawak na bahagi ng Mindanao noong buwan ng oktubre.

Sinabi sa Radyo BIDA Phivolcs Supervising Research Specialist Jeffrey Perez na magkakatabi- tabi ang mga fault lines ng North Cotabato kayat normal na kapag gumalaw ang isang fault line, gagalaw din ng bahagya ang katabing bitak.

At darating ang araw na ang katabing bitak o fault line ay gagalaw na lang ng sa kanya kayat magkakaroon ng mga aftershocks.

Anya ang Cotabato fault system ay binubuo ng limang mga active fault segments ito ay ang Makilala-Mlang, Makilala- Malungon, South at North Columbio fault lines.

Idinagdag ni Perez na noong October 16 at 29 na pagyanig kung saan ang bayan ng Tulunan ang sentro ay posibleng ang Mlang na fault ang gumalaw at dahil halos magkakatabi lamang ang iba pang fault line ay gumalaw din ang iba pa sanhi din ng mga sunod-sunod na mga naitalang pagyanig.

Noong October 31 naman na pagyanig kung saan sentro nito ay ang bayan ng Makilala ay ang Makilala fault line din ang gumalaw.

Sa tatlong serye ng malalakas na lindol ay normal lamang anya na magkaroon ng mga aftershocks at bumababa sa bawat araw.

Pero posible din anya na magkaroon pa ng malakas na lindol na makakaya hanggang sa magnitude 7.2 dahil may mga active fault line pa na hindi gumagalaw.

NDBC BIDA BALITA (May 25, 2020)

NEWSCAST

7:00 AM

HEADLINES:

1. Secretary to Cotabato City mayor Aniceto "Boy" Rasalan, pinatay habang...

Minister Sinarimbo condemns mortar shelling in Maguindanao that maimed 2 minors

COTABATO CITY - Minister Naguib Sinarimbo of the Bangsamoro region Ministry of the Interior and Local Government (MILG-BARMM) has condemned the...

DAR provides livelihood aid to women farmers in SK

ISULAN, Sultan Kudarat -- The Department of Agrarian Reform in Sultan Kudarat recently distributed livelihood support to selected rural women...

Cotabato City executive assistant to the mayor shot dead

COTABATO CITY  – Unidentified gunmen shot dead the spokesperson of Cotabato City government while taking his breakfast at a carenderia Monday...

Fire on electric post triggers power interruption in Parang

PARANG, Maguindanao – A fire on an electric post triggered emergency power interruption in Parang Feeder Sunday night.

Timely response from...