Thursday Oct, 17 2019 02:24:05 PM

P100,000 halaga ng shabu, tinangkang ipasok ng babae sa SoCot prov'l jail

TIMRA Reports • 09:30 AM Tue Oct 8, 2019
101
By: 
Roel Osano
Ipinapakita ng lady jail guard ang sandal ni Joy Marcera (nakaupo) na naglalaman ng P100 libong pisong halaga ng shabu.

KORONADAL CITY - Nasa kustoya na ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-12 General Santos City ang isang babae. Ito ay matapos mahulihan ng pinaniniwalaang shabu sa South Cotabato Rehabilitation and Detention Center SCRDC na mas kilalang provincial jail magaalas nuwebe nang umaga kahapon.

Kinilala naman ni South Cotabato OIC Provincial Jail Warden Felicito Gumapac ang suspek na si Joy Gallego Marcera, 42 anyos, nakatira sa Barangay Avancena, Koronadal City.

Ayon kay Gumapac, dadalawin sana ni Marcera ang kanyang asawa na nakakulong sa SCRDC nang mahulihan ito ng tatlong malalaking pakete ng pinaniniwalaang shabu

Ang mga ito ayon kay Gumapac ay nagkakahalaga ng mahigit 100 thousand pesos at posibleng ibebenta rin sa loob ng nasabing pasilidad. Sinabi ni Gumapac na natunugan ng mga jail guard ang mga umanoy iligal na droga na isinisik ni Marcera sa swelas ng kanyang sandal.

Naniniwala si Gumapac na ibibigay sana ni Marcera ang nasabing kontrabando sa kanyang asawa na nakakulong dahil din sa pagtutulak ng iligal na droga.

Sinabi ni Gumapac na resulta ng mas pinaigting na seguridad sa provincial jail ang pagkakahuli sa suspek na si Marcera na matagal na nilang minamanmanan.

Si Marcera ay kakasuhan naman ng paglabag sa Comprehenive Dangerous Drugs Act. Matatandaan na nakareber ng 15 pakete ng suspected shabu sa isang selda ang mga otoridad sa kanilang operation greyhound sa provincial jail noong nakaraang buwan.

NDBD BIDA BALITA (10.17.19)

HEADLINES:

1. LIMA katao, nasawi matapos ng naranasang malakas na lindol kagabi sa iba’t ibang mga lugar sa...

Cotabato Light power distribution normal despite Magnitude 6.3 quake

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company announces today that its power distribution capacity remains normal despite the quake that...

Large-scale shabu peddler arrested in Malabang

COTABATO CITY  --- Anti-narcotics agents seized more than P900,000 worth of shabu from a  trafficker who fell in an entrapment in Malabang...

PDEA-BARMM, Marines seize P3.4-M worth of shabu, nab peddler in Lanao

COTABATO CITY – At least P3.4 million worth of suspected shabu were seized from a big time drug peddler during joint law enforcement...

More images of Gaisano Mall of GenSan fire

GEN. SANTOS CITY - Fire fighters from this city, nearby towns and from as far as Davao City are still fighting the blaze the engulfed the Gaisano...