Monday Sep, 23 2019 09:28:00 PM

NDBD BIDA BALITA (9.9.19)

NDBC BALITA • 15:00 PM Mon Sep 9, 2019
187
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. MILF Decommissioning Process na dinaluhan ni P. Duterte sa Sultan Kudarat, Maguindanao naging matagumpay at payapa.

2. MOTIBO sa pagpapasabog sa Isulan, Sultan Kudarat na ikinasugat ng walo katao, tukoy na ng mga pulisya.

3. DRUG SUSPECT na umiwas sa checkpoint, patay matapos manlaban sa mga otoridad sa Carmen, North Cotabato

4. Job fair, gagawain ng Civil Service sa Koronadal City

 

 

AT NGAYON SA DETALYE NG MGA BALITA...

MAITUTURING na matagumpay at payapa sa pangkalahataan ang isinagawang decommissioning process ng isang libo at animnapung MILF Combatants na ginanap sa old provincial capitol, sa Sultan Kudarat, Maguindanao nitong Sabado.

Sinabi ni Maguindanao PNP Director, Police Col. Arnold Santiago na bukod sa mabagal na daloy ng trapiko dahil sa mahigpit na seguridad sa national highway, ay walang naitalang problema at karahasan sa naturang araw.

Maging ang mga nakaantabay na Incident Command Post at Health Center ay wala ring naitalang emergency cases at mga nangailangan ng health and medical assistance.

Samantala, bilang bahagi naman ng decommissioning process ay nasa 920 na mga armas ng MILF combatant ang iprenisinta kay Pangulong Duterte.

Pasado alas sais ng gabi noong Sabado nang dumating si Pangulong Duterte sa lugar at una nitong pinuntahan ang mga armas ng MILF.

Kabilang dito ang 20 heavy weapons at pitong shoulder-fired RPG 7 launchers.

Tinanggap ni Independent Decommissiong Body chair Fatih Ulusoy ang mga armas sa harap ng presidente.

 

-0-

 

SAMANTALA, Sinelyuhan naman ang nakurang mga baril at inilgay sa container vans na mananatili sa mga Secured Areas Storage Area o SASA sa Camp Abubakar na dating kampo ng MILF sa Barira, Maguindanao.

Nabatid na pinangunahan din ng Pangulo kasama sina Interim Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim, OPAPP Secretary Carlito Galvez Jr. at Ulusoy ang pagbibigay ng isandaang libong pisong cash assistance sa decommissioned MILF combatants.

Una na ring tumanggap ang mga dating rebelde ng livelihood assistance, pabahay, scholarship at iba pa mula sa pamahalaan.

 

 

-0-

 

MULI NAMANG TINIYAK ni Pangulong Duterte sa Moro Islamic Liberation Front o MILF na tutulungan sila ng gobyerno para mamuhay ng payapa bilang mga sibilyan.

Sa kanyang talumpati noong Sabado sa MILF decommissioning process, sinabi ng pangulo na umaasa siyang magiging katuwang ng pamahalaan ang MILF sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan, kaayusan at kaunlaran sa Bangsamoro region.

Nangako din ang pangulo sa mga opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM at MILF na laging siyang makikinig sa mga hinaing ng mga mamamayang Bangsamoro.

Nagpasalamat naman si P. Duterte sa Independent Decommissioning Body, GPH-MILF joint peace negotiating panels at sa lahat ng mga tumulong para maging tagumpay ang decommissioning process.

 

-0-

 

Duguang isinugod sa ospital ang isang lalaki matapos na barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Brgy. Muslim, Talayan, Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si DATU WATA KASIM, 35 anyos at residente rin ng nabanggit na lugar.

Base sa inisyal na ulat, pasado ala una ng hapon kamakalawa habang pauwi na si Kasim at naglalakad nang mapansin niya ang armadong lalaking papalapit sa kanya.

Agad na tumakbo si Kasim kaya’t nang magpaputok ang suspek ay tinamaan lamang ang biktima sa kanyang kaliwang hita.

Matapos ang pamamaril ay mabilis namang tumakas ang suspek sakay ng nakaabang na motorsiklong minamaneho ng isa pang kasamahan nito.

SAMANTALA, nagtamo naman ng tama ng bala sa likod ang isang miembro ng CAFGU member nang aksidenteng pumutok ang baril nito sa Matanog, Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si ALA BANI, nasa hustong gulang at residente rin ng nasabing bayan.

Pasado alas otso ng gabi kamakalawa habang naglalakad pauwi si Bani nang mahulog ang dala nitong 9mm pistol at aksidenteng pumutok.

Agad namang siyang isinugod sa ospital ng kanyang mga kaanak.

 

-0-

 

Patay ang isang babaeng hinihinalang suicide bomber matapos nitong pasabugin ang isang bomba sa military detachment sa Barangay Kajatian, Indanan, Sulu pasado alas singko ng hapon kahapon.

Sinabi ni Joint Task Force Sulu spokesperson Lt. Col. Gerard Monfort na hinihinalang buntis ang babae at suot nito ang itim na abaya nang magtangkang pumasok sa KM3 detachment ng Army’s 35th Infantry Battalion.

Ngunit napansin agad ng gwardiya ang kahina-hinalang kilos ng babae at sinabihan itong huwag pumasok pero ilang sandali pa ay sumabog na ang dala nitong bomba.

Ayon kay Monfort, posibleng banyaga ang naturang babae base sa ulo nitong na-recover ng mga otoridad.

Ang napurnadang suicide bombing sa Indanan ay nangyari isang araw lamang matapos ang pagsabog sa isang palengke sa Isulan, Sultan Kudarat na ikinasugat ng pito katao.

 

-0-

 

NASA KRITIKAL na kondisyon ngayon ang isang lalaki matapos siyang makuryente sa Mateo Market, Aleosan, North Cotabato.

Nakilala ang biktima na si AURELLO RAZON, 52 anyos, may asawa, at taga Brgy. Tomado, Aleosan.

Base sa inisyal na ulat, pasado alas kwatro ng hapon kamakalawa habang pauwi na sana si Razon nang aksidenteng maapakan nito ang nakausling isang live wire sa palengke.

Sa lakas umano ng boltahe na tumama sa kanyang katawan ay tumilapon ito na dahilan ng pagkakalapnos ng buo nitong katawan.

Agad namang isinugod ang biktima sa pagamutan upang malapatan ng lunas.

 

-0-

 

Patay ang isang karpintero na umano’y nagwala sa bahay ng suspek na mismong kainuman matapos na saksakin sa Purok 17, Barangay Poblacion President, Roxas North Cotabato.

Nakilala ang nasawing biktima na si Ronie Antang Sueta, 48 anyos, may asawa na residente ng nasabing lugar. Sa naging imbestigasyon ng President Roxas PNP, nag-iinuman umano ang biktima at suspek na kanyang bayaw na kinilalang si Freddie Bertico Angeles, 58 years old, isang magsasaka alas 11:00 ng gabi nitong sabado sa mismong bahay ng suspek.

Nang makaubos ng isang bote ng nakakalasing na inumin ay bigla umanong nagwala sa sarili ang biktima dahil sa kalasingan hanggang sa pinagsasaksak si Sueta.

Nagtamo ng sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktima dahilan ng kanyang pagkamatay habang agad namang sumuko ang suspek sa mga pulis na ngayon ay nasa custodial facility ng President, Roxas PNP.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng PNP sa nasabing insidente at inihahanda na ang isasampang kaso laban sa suspek. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Nasunog ang bahay na pagmamay-ari ng isang Barangay Health worker o BHW sa pinakahuling insidente ng sunog alas 4:20 ng hapon nitong sabado sa Kanapia Subdivision, Barangay Poblacion, Kidapawan City.

Ang naturang bahay ay pagmamay-ari ni Faye Nogodula na nakatira sa lugar. Mabilis na nakapag responde ang Bureau of Fire o BFP-Kidapawan City dahilan upang hindi na kumalat pa ang apoy sa mga kalapit na bahay maging ang motorsiklo at sasakyan na nakaparada malapit sa nasunog na bahay.

Sinasabing ang “uling” na inihatid sa kanilang bahay ang posibleng pinagmulan ng apoy. Nailigtas naman ang dalawang mga bata na kaanak din ng may-ari ng bahay na nasa loob nang mangyari ang sunog. Inaalam pa kung magkano ang iniwang danyos at halaga ng mga gamit na tinupok ng apoy at kung ano ang sanhi nito.

Sa ngayon, nag-ambag-ambag ang mga kapit-bahay ng mga nasunugan ng mga damit at kanilang pagkain. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Laborer, arestado sa anti-illegal drug operation ng PNP sa Matalam, North Cotabato

Hindi na nakapalag pa ang isang drug pusher matapos maaresto ng Matalam PNP sa ikinasang anti-illegal drug operation alas 2:40 ng hapon kahapon malapit sa Rotunda Brgy. Poblacion, Matalam, Cotabato.

Kinilala ang suspek na si Jestoni Tolentino Nicmic alias Bonbon, 23 years old, may asawa, laborer at residente ng Sitio Basak Baryo 7, Banga, South Cotabato

Ayon sa ulat ng Matalam PNP, nahuli si Nicmic matapos ikasa ng Municipal Drug Enforcement Unit (MDEU) ang buy bust operation sa pamamagitan ng isang nagpanggap na police asset na bumili droga.

Narekober naman sa kanya ang isang sachet ng shabu bilang buy bust item at pera na ginamit bilang marked money. Kulong na ngayon ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, tinangay ng mga magnanakaw ang motorsiklo ng isang estudyante ng University of Southern Mindanao o USM- Kabacan campus na nakaparada lamang sa harap ng isang establisyemento sa Rizal Avenue, Poblacion, Kabacan Cotabato ala 1:00 ng madaling araw noong sabado.

Personal na dumulog sa himpilan ng PNP ang biktima na si Datu Nor Sulaiman, 22 anyos na taga Mercado Street Barangay Poblacion.

Ayon as kanya, pinarada lamang niya ang kanyang Honda XRM na motorsiklo na may plakang 110-103 sa harap ng RRJ building at nang balikan niya ito ay wala na ito sa lugar kung saan niya ipinarada.

Samantala, nakuha naman sa close circuit television o CCTV camera ang dalawang mga lalaki na responsable sa pagnanakaw ng kanyang motorsiklo at patuloy na pinaghahanap ngayon ng Kabacan PNP. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Drug suspek, patay matapos manlaban sa mga otoridad sa Carmen, North Cotabato

Ideneklarang dead on arrival sa pagamutan ang isang lalaking nakamotorsiklo na sa halip huminto sa check point operation ng 7th IB ng Philippine Army ay pinaharurot nito ang kanyang minamanehong motorsiklo at pinaputukan ang mga sundalo dahilan para gumanti rin sila ng putok alas 9:00 ng umaga kahapon sa Sitio Kakab, Barangay Manarapan, Carmen, North Cotabato.

Kinilala ang nasawi na si Allan Guiabal Palut AKA Haber Guibal Embadel, 38 anyos na nakatira sa Barangay Kibenes Carmen.

Sa imbestigasyon ng PNP, sakay noon ang suspek ng kanyang motorsiklo na kulay asul at hindi umano huminto sa kanilang isinagawang operasyon at pinaputukan pa ang operatiba dahilan para gumanti rin ito ng putok dahilan para matumba ang suspek pero muli nitong pinaputok ang kanyang armas.

Nagtamo ng sugat sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan ang suspek na mabilis namang isinugod sa pagamutan pero ideneklarang patay ng mga doctor.

Nakuha sa kanya ang isang caliber 45 Armscor na may mga bala, tatlong mga dried marijuana leaves, dalawang cellphone, isang unit icom, limang mga lighters, ang kanyang motorsiklo at mga identification cards na may ibat-ibang pangalan. Patuloy pa ngayon ang isinagawang malalimang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

 

Extortion ang motibo na tinukoy ng pulisiya sa pagsabog ng pinaghihinalaang improvised explosive device o IED sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat dakong alas syete ng umaga noong Sabado.

Ito ang ipinahayag ni Isulan Chief of Police, Lt. Col Joven Bagaygay. Ayon kay Bagaygay bago naganap ang pagsabog may ultimatum ang mga tumatawag kay Isulan Mayor Maritess Pallasigue na may pasasabugin sila kapag hindi ito nagbigay ng pera.

Ipinahayag ni Bagaygay na ang pagsabog ay maaring kagagawan ng isang grupo. Sinusuri pa ng pulisiya ang kuha ng CCTV sa umanoy nakamotorsiklong suspek na nagiwan ng pampasabog sa lugar. Ang insidente ay ikinasugat naman ng walo katao kabilang ang isang traffic enforcer.

Kinilala naman ng Isulan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council o MDRRMC ang mga sugatan na sina Terencio Cagadas 35 years old, traffic enforcer; Jomar Aquino,31; Nino Binas Virgo,28; Jarren Amigo, 24; Jay Carnaso, 30; at Nasim Salip Gulano, 29 years old pawang mga nakatira sa nasabing bayan.

Sugatan din sa pagsabog ang taga Surallah, South Cotabato na si Gerald Cartagena, 28 years old at ang taga Tacurong City na si Richard Arancillo, 45 years old. Karamihan sa mga biktima na nagtamo ng minor injury ay isinugod sa Sultan Kudarat, Provincial Hospital. Kasabay ng pagpapaiting ng seguridad ng mga otoridad, umapela naman si Bagaygay sa mga mamamayan ng Isulan na maging mapagmatyag. Ito ay para mapanatili ang katiwasan sa nasabing bayan.

 

-0-

 

Government job fair pangungunahan ng Civil Service Commission sa Koronadal City

Gaganapin ang government job fair sa KCC Mall sa Koronadal City sa September 26. Pangungunahan ito ng Civil Service Commission o CSC .

Layun nito na matulungan ang mga eligble na job seekers na makapagtrabaho sa gobyerno. Ito ay ayon kay CSC 12 Regional Director Ressureccion Pueyo. Umaasa din si Pueyo na sa pamamagitan ng Government job fair ay maipapakita din ng CSC ang pagiging transaparent ng gobyerno sa pag-hire ng mga kawani

Ang Government ay job fair ay bilang kabahagi ng 119th Philippine Service Anniversary sa buong buwan ng Setyembre.

 

-0-

 

Disaster Preparedness Program ng DILG suportado ng mga local government unit kag government agency sa South Cotabato

Lumagda ng Pledge of Support and Commitment para sa pagsulong ng “culture of disaster resiliency and preparedness” ang mga local chief executives at kinatawan ng mga ahensya ng gobyerno sa South Cotabato.

Ito ay bilang pagpapakita ng suporta sa “Operation Listo” ng Department of the Interior and Local Government o DILG.

Layun ng programa na lalo pang mapaghandaan ng mga lokal na pamahalaan ang kalamidad. Ito ay ayon kay DILG 12 DRRM-CC Focal Person Relmie Tamson. Ipinahayag ito ni Tamson sa “Operation Listo” Orientation ng DILG na ginanap sa Koronadal City. Ang “Operation Listo” ay may tatlong mga component.

Ang mga ito ayon kay Tamson ay ang listong pamahalaang lokal, listong pamayanan at listong pamilyang Pilipino. Tampok din sa orientation ang pagbahagi ng mga best practices sa disaster preparedness ng ilang mga local risk reduction and management officers.

Ang mga ito ay maari ring sundin ng iba pang mga LGU sa South Cotabato. Kaugnay nito, ibinahagi ni Koronadal CDRRM Officer Cyrus Urbano ang best practice ng lokal na pamahalaan na local version ng emergency 911 hotline.

Sa pamamagitan ng 911 hotline ay agad na maipararating ng lokal na pamahalaan sa mga concerned ng ahensya ang kalagayan ng syudad sa panahon ng emerhensya. Dumalo sa “Operation Listo” orientation ang mga Chief of Police, Fire Marshall, LDRRM Officers, at Local Government Operations Officer sa South Cotabato.

 

-0-

 

Health Office ng South Cotabato nakaalerto laban sa posibleng second wave ng pagtaas ng dengue cases sa lalawigan

Matapos ibaba mula sa alert lever sa threshold level ang kaso ng dengue, nakaalerto naman ngayon laban sa second wave ng pagdami ng dengue cases ang provincial health office ng South Cotabato.

Ipinahayag ito ni Provincial Epidemiology and Suirveillance Unit o PESU Head Cecile Lorenzo. Paliwanag ni Lorenzo, hindi pa stable ang pagbaba ng dengue cases sa South Cotabato.

Ito ay dahil hindi pa umabot sa below threshold level na target ng provincial health office. Binigyan diin ni Lorenzo na tempraryo lamang ang epekto ng fogging at misting operation kontra dengue kaya hindi dapat maging kampante ang publiko.

Sinabi ni Lorenzo na hangga’t may breeding site ng mga lamok may mga magkakasakit pa rin ng dengue fever. Kaya hiling nito sa mga mamamayan ugaliin ang regular na paglilinis sa kapaligiran. Ayon kay Lorenzo tuloy pa rin ang fogging at misting operation sa mga bayan sa South Cotabato na may pinakamaraming dengue cases.

Ang mga ito ay ang Norala, Sto. Nino, Banga, Tantangan, at Surallah. Kaugnay nito maglalagay na rin ng monitoring team ang integrated provincial health office o IPHO sa barangay level. Layun nito na matiyak na minomonitor din ng mga opisyal ng barangay ang pagsunod sa search and destory operation ng kanilang mga constituents.

 

-0-

 

Tulong ng mga big tuna players sa mga maliliit na mangingisda sa Gensan para sa food sufficiency hiniling ng DA Secretary

Tulungan ang mga maliliit na mangingisda para sa patuloy na paglago ng Tuna Industry na mahalaga sa food sufficiency program ng Department of Agriculture. Ito ang hiling ni DA Secretary William Dar sa mga malalaking tuna players sa General Santos City.

Dinagdag ni Dar na mahalaga ang tuna industry sa kampanya ng DA na Masaganang Ani at Mataas na kita ng mga magsasaka at mangingisda. Ayon kay Dar ang napapanatili rin ng tuna industry na nangunguna sa Gensan ang presyo ng isda na abot kaya ng mga mamamayang Pilipino.

Ipinahayag ito ng kalihim sa kanyang pagdalo sa pagbubukas ng 21st Tuna Congress and Trade Exhibit sa Gensan. Ito ay isa sa mga tampok na aktibidad sa Tuna Festival ng General Santos City.

 

-

Barangay chairman, companion dead in Kabacan shooting incident

NORTH COTABATO --- Two were killed, one of them a barangay chairman, while two others were wounded in an attack in Kabacan town in this...

Look: Cops haul fish and marine products sold outside Kalamansig town market

KALAMANSIG, Sultan Kudarat - Police authorities here on Sunday hauled containers and fish peddled by fish vendors beside the highway as...

2 MILF members detained for illegal gun possession

MAGUINDANAO --- Two members of the Moro Islamic Liberation Front were arrested Saturday for unauthorized carrying of firearms....

Top ASG member, 2 others yield to gov’t forces

ZAMBOANGA CITY - The WestMinCom’s campaign against violent extremism reaps good results as more terrorists yield to the government forces...

Though our Lord Jesus Christ was rich, he became poor

Reading 1AM 8:4-7

Hear this, you who trample upon the needy
and destroy the poor of the land!
“When will the new moon be over...