Saturday Nov, 16 2019 07:16:04 AM

NDBD BIDA BALITA (10.17.19)

NDBC BALITA • 11:30 AM Thu Oct 17, 2019
305
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. LIMA katao, nasawi matapos ng naranasang malakas na lindol kagabi sa iba’t ibang mga lugar sa Mindanao.

2. South Cotabato Provincial Hospital, handa umano sa inaasang pagdami ng mga pasyente kasunod ng pagbawi ng accreditation sa dalawang mga malalaking ospital sa lalawigan

3. Limang mga bayan sa North Cotabato, ginawaran ng Red Orchid awards ng DOH dahil sa epektibong pagpapatupad ng ‘No Smoking” sa kanilang mga lugar

4. Gaisano Mall of GenSan, nasusunog matapos ang malakas na lindo sa Mindanao., 

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA

 

-0-

 

LIMA KATAO na ang naitatalang patay sa Mindanao matapos ang magnitude 6.3 na lindol na tumama sa North Cotabato, pasado alas siyete kagabi.

Sa inisyal na ulat ng mga otoridad, isang umanong pitong taong gulang na batang babae mula sa Datu Paglas, Maguindanao ang nasawi matapos na madaganan ng gumuhong pader.

Patay din ang magsasakang si Tony Panangulon na taga Barangay Gaunan, Mlang, North Cotabato nang atakihin sa puso kasabay nang lindol.

Tatlo naman ang naitalang nasawi sa Magsaysay, Davao del Sur.

Kabilang sa mga nasawi ay ang dalawang taong gulang na batang babae na si Christine Roda makarang mabagsakan din ng gumuhong pader sa Brgy. San Isidro.

Sa Brgy. Malawanit, nasawi naman ang mag-ina na di kinilala sa report.

Nabatid na hindi rin bababa sa 25 katao ang nasaktan bunsod ng pagyanig.

Nasira naman ang ilang mga paaralan at shopping malls at nagkaroon ng malawakang blackout sa ilang mga lugar sa Mindanao.

Samantala, sa Cotabato city, bagaman at wala namang naitalang nasaktan o nasirang mga ari-arian ay minabuti ni city mayor Cynthia Guiani na ikansela ang klase sa lahat ng antas.

Ito aniya ay para bigyang daan ang mga otoridad na suriin ang mga school building na posibleng apektado ng malakas na pagyanig kagabi.

Nais ng alkalde na matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral na papasok sa kani-kanilang mga paaralan.

 

-0-

 

Sa General Santos city naman, umabot ng 4th alarm ang sunog sa Gaisano Mall of GenSan kagabi kasunod ng malakas na lindol na naramdam sa buong SocSarGen region.

Sa report ng Bureau of Fire Protection o BFP-Gensan sumiklab ang sunog sa kitchenware sectrion ng naturang mall subalit wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Sa report naman ng City Disaster Risk Reduction and Management Council, malaki rin ang pinsalang naidulot ng lindol sa SM City Mall of GenSan.

Ito ay matapos na bumagsak ang kisami at mga ilaw ng naturang mall at nagkaroon ng bitak ang mga pader nito.

Samantala, naka-lockdown naman ang Port of GenSan o ang Makar Wharf matapos ang magnitude 6.3 na lindol.

Ayon kay Philippine Ports Authority general manager Jay Santiago, isinailalim sa lockdown ang pantalan kahit wala pang nakikitang pinsala sa mga pasilidad.

Layon aniya nitong matiyak na lahat ng indibidwal ay ligtas.

Suspendido rin ang operasyon ng GenSan port hanggang mamayang tanghali upang bigyang daan ang masusing inspeksyon sa mga istruktura nito.

Kaugnay nito, sinuspinde na rin ni GenSan Mayor Ronnel Rivera ang mga klase sa lahat ng antas para masuri muna ang mga school building at matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante.

Sa Digos city naman, isang college building ang lubhang napinsala ng lindol kagabi.

Nagbagsakan ang television sets at nagiba ang mga pader ng Cor Jesu College building lungsod.

Ayon kay local disaster-response officer Leslie Francisco, isa pang school building sa lungsod ang nagtamo ng matinding pinsala ngunit maswerte namang walang naiulat na nasaktan sa pangyayari.

 

-0-

Klase suspendido dahil sa lindol sa ilang mga bayan sa South Cotabato Kabilang sa mga unang nagdeklara ng suspension of classes sa lahat ng antas dahil sa mga pagyanig kagabi ang mga lokal na pamahalaan ng Koronadal City at mga bayan ng Tantangan, Tampakan, Tupi, Lake Sebu, T’boli,at Norala sa South Cotabato.

Kinumpirma naman ni Banga Mayor Albert Palencia ang suspensyon ng klase sa kanilang lugar ngayong umaga. Habang nilinaw naman ni Surallah Mayor Antonio Bendita na walang suspension of classes sa kanilang lugar. Layon ng pagsuspinde ng klase na mabigyan ng pagkakataon ang mga lokal na pamahalaan na masuri ang mga eskwelahan.

Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Operations Warning Division Chief Rolly Doanne Aquino, ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan. Sa Koronadal kung saan naramdaman ang 5.4 magnitude na mga pagyanig, nagsilabasan sa mga mall ang mga mamamayan.

Kwento pa ng isa sa mga nakaligtas na si Joel Cabahug marami sa mga mamamayan ang nagpanic at sugatan matapos maabutan ng lindol habang nanonood ng sine sa isang mall sa syudad.

Kasunod ng lindol, nagsilabasan naman ang mga pasyente at kanilang mg watcher sa mga ospital sa Koronadal.

Sinabi ni Aquino na naging maayos ang pagdadala sa mga pasyente sa mga ligtas na lugar sa South Cotabato Provincial Hospital at iba pang mga pribadong ospital sa syudad. Lumabas naman sa inisyal na tala ng mga kasapi ng Bureaeu of Fire Protection o BFP Koronadal na kabilang sa mga unang rumesponde sa mga lugar na apektado ng lindol na 21 katao ang sugatan.

Gayunpaman karamihan sa mga ito ay agad namang nakauwi matapos magtamo ng minor injury at inatake ng alta presyon. Mayroon namang iba ayon kay Aquino na hinimatay .

Umapela din si Aquino sa mga local government units sa South Cotabato na agad na magsumite ng assessment sa posibleng pinsala ng lindol. Sa lalawigan Sultan Kudarat supindedo din ang klase sa lahat ng antas sa mga bayan ng Isulan, Lambayong, Esperanza, Columbio at Tacurong City. Wala ring pasok ngayong araw sa lahat ng lebel sa bayan ng Malungon, Sarangani. Ito ay ayon naman sa advisory na ipinalabas ng Office of the Civil Defense o OCD 12.

 

-0-

 

DUGUANG isinugod sa pagamutan ang isang lalaki matapos umanong pagbabarilin ng mga di pa nakikilalang suspek sa Barangay Nekitan, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si ZUKARNO SALANDAN DINDO, nasa hustong gulang, at isang magsasaka.

Kwento pa ng misis ng biktima, bandang alas tres ng hapon kahapon habang nakatayo lang di kalayuan sa kanilang bahay ang biktima nang lapitan ng mga suspek at agad na pinagbabaril saka mabilis na tumakas sa di malamang direksyon.

Nagtamo ng tama ng bala sa katawan si DINDO, at agad na isinugod ng kanyang pamilya sa pagamutan na ngayon ay nasa kritikal na kondisyo.

SAMANTALA, isinugod din sa ospital ang sugatang sundalo matapos naman umano nitong aksidenteng mabaril ang sarili sa Barangay Tamontaka 2, Cotabato City.

Nakilala ang sundalo na si EBRAHIM ATO GUIAMEL, nasa tamang gulang.

Ayon sa kwento ng kasamahan ng biktima, pasado alas kwatro ng hapon kahapon habang nasa loob ng kanilang kampo si GUIAMEL nang aksidenteng pumutok ang kanyang service firearm na cal. 45 pistol nang di sinasadyang makalabit nito ang gatilyong baril.

Tinamaan ng bala sa kaliwang paa ang biktima dahilan upang mabilis siyang isinugod sa pagamutan.

 

-0-

 

 

-0-

 

SIYAM na mga bahay ang tinupok ng apoy kaninang madaling araw na nasa boundary ng Ortouste Street at Rosales Street na bahagi ng Barangay Rosary Heights 7, Cotabato city.

Sinabi ni City Fire Marshall Fire Officer 2 Aldrin Nara na sumiklab ang sunog pasado alas dos ng madaling araw kanina at naapula ito bandang alas kwatro na ng umaga.

Ayon kay Nara, nahirapan ang mga bombero na makapasok sa lugar dahil sa magkakadakit ang mga bahay na pawang gawa sa light materials.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng sunog at kung saan ito nagsimula.

 

-0-

 

Inanunsyo ni Marawi City Mayor Majul Gandamra kahapon na maaari nang makabalik sa most-affected area o MMA ang mga residente ng lungsod.

Ito ay makaraang matapos na ng National Housing Authority o NHA ang debris clearing operations.

Pero ayon kay Gandamra, hindi pa pwedeng patirahin ang mga residente dahil hindi pa liveable ang MAA.

Pababalikin pa lamang anya ang mga residente para sa muling pagtatayo ng kanilang mga bahay.

Dahil dito, libu-libong aplikasyon na ang natatanggap ng lokal na pamahalaan para sa building permits.

Ayon kay Gandamra bago matapos ang taong ito ay maibibigay na ang permits para masimulan na ng mga residente ang muling pagtatayo ng kanilang mga bahay.

Higit 16 na libong mga residente ng Marawi City ang nawalan ng tirahan matapos ang limang-buwang bakbakan na sinimulan ng ISIS-inspired Maute terror group noong May 23, 2017.

Samantala, hindi naman makapagbigay ng eksaktong petsa ang Marawi Joint Task Force kung kailan maibabalik ang tubig at elektrisidad sa lungsod.

 

-0-

 

Rebate ng OWWA mapapakinabangan ng mahigit 9,000 OFW sa region 12

Target ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA na mabigyan ng rebate ang mahigit siyam na libong mga OFW sa region 12. Ito ay bilang pagpapatupad ng Rebate Program ng nasabing ahensya. Kwalipikado sa Rebate Program ang mga OFW na myembro ng OWWA ng hindi bababa sa sampung taon. Dapat ay mayroon ring limang kontribusyon ang mga ito at hindi pa nakinabang sa alinmang mga programa ng OWWA.

Ito ay ayon kay OWW 12 OIC Regional Supervisor Kristine Sison. Ayon kay Sison, para makuha ng rebate kailangan ng mga kwalipikadong OFW na magpa-appoint sa pamamagitan ng website na rebate.owwa.gov.ph. Ipinahayag ni Sison na ang mga OFW na pasok sa nasabing programa ay mabibigyan ng mahigit nine thousad pesos pataas na rebate o depende sa kanilang naging kontribusyon.

 

-0-

 

Rice Procurement Program para sa mas mataas na presyo ng palay ipatutupad na sa lalawigan ng South Cotabato

Inaasahang makabibili na ng palay ng mga magsasaka sa South Cotabato ang BINTIKU Multi-Purpose Cooperative sa bayan ng Surallah. Kasunod ito ng pagbigay ng Sangguniang Panlalawigan ng otoridad kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. na lumagda ng kasunduan sa nasabing kooperatiba.

Ang BINTIKU Multi-Purpose Cooperative ang pinagkatiwaalan ng provincial government sa sampung milyong pisong pondo para sa rice procurement program nito.

Bibilhin nito ang produktong palay ng mga magsasaka sa South Cotabato sa halagang 19 pesos kada kilogram. Kaugnay nito ipinahayag ni Provincial Agriculture Officer Justina Navarete na ikinatuwa nila ang naging desisyon ng konseho.

Ayon kay Navarete, sa ngayon kasi ay may listahan na ng mga magsasaka na makikinabang sa rice procurement program ang mga local government units. Target ng nasabing programa na makabili ng mahigit limang daang metrikong toneladang palay sa South Cotabato.

Sinabi ni Navarete na ang bigas mula dito ay bibilhin din ng ilang mga sangay ng provincial government kaya babalik din sa local government ang pondong ginamit sa kanilang rice procurement program. Layon ng Rice Procurement Program na matulungan ang mga magsasaka sa South Cotabato na idinadaing ang mababang presyo ng palay na dulot umano ng pagpapatupad ng Rice Tarrification Law.

 

-0-

 

Provincial Hospital handa sa inaasang pagdaming mga pasyente kasunod ng pagbawi ng accreditation ng dalawang mga malalaking ospital sa South Cotabato

Nakahanda na rin para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasyente ang provincial hospital ng South Cotabato. Kasunod ito ng pagbawi ng Philhealth accreditation sa dalawang pinakamalaking ospital sa lalawigan.

Ayon kay South Cotabato Provincial Hospital, Chief of Hospital Dr. Condrado Brana, wala silang magagawa kungdi tanggapin hangga’t makakaya ang mga pasyente na dinadala sa nasabing pampublikong ospital. Sinabi ni Brana na ang ginawa na ito ng Philhealth ay maaring maging sanhi ng health disaster sa buong South Cotaato.

Ayon kay Brana pinakaapektado sa withdrawal ng Philhealth accreditation ng Dr. Arturo P. Medical Center o DAPPMC at Allah Valley Medical Specialist Center Incorporated ang mga nagpapa-dialysis. Ang pagbawi ng kanilang accreditation ay inapela ng ng nasabing ospital sa Philhealth.

Nauna nang binigyan diin ni Philhealth 12 Acting Regional Vice President Dr. Antoniette Ladio na maari pa ring makinabang sa kanilang ma programa ang kanilang mga myembro. Tanging gawin lamang ng mga ito ay magpa-admit sa iba pang mga Philhealth accredited hospitals sa lalawigan.

 

-0-

 

Monitoring sa mga piggery farms para mapigilan ang African Swine Fever disease, hinigpitan pa ng provincial veterinary office ng South Cotabato

Pinaigting ng provincial veterinary office ang kanilang monitoring sa mga piggery farms sa lalawigan ng South Cotabato. Layon nito na mapanatiling ligtas laban sa African Swine Fever o ASF disease ang mga alagang baboy sa lalawigan.

Ayon kay Dr. Romelo Quinton ng nasabing tanggapan nagpapatuloy din ang pakikipag ugnayan nila sa mga livestock inspector ng mga lokal na pamahalaan sa South Cotabato. Dinagdag ni Quinton na naglagay na rin sila ng quarantine checkpoint sa mga bayan ng Polomolok at Banga.

Ayon kay Quinton maglalagay din sila ng dagdag na checkpoint sa boundary ng South Cotabato sa bayan ng Tantangan. Ito ay upang mapigilan ang pagpasok ng mga baboy na may ASF sa lalawigan. Nauna nang umapela si South Cotabato Provincial Veterinarian Dr. Flora Bigot sa mga piggery owners na i-report sa kanila ang pagkakasakit ng mga alagang baboy para agad na maimbestigahan.

 

-0-

 

Mga ari-arian na may bayarin sa buwis ipasusubasta ng provincial treasurer’s office ng South Cotabato

Ipasusubasta ng pamahalaang panlalawigan ang mahigit 600 na mga deliquent properties o mga ari- arian na may bayarin sa buwis sa South Cotabato sa November 26 hanggang 27. Gagawin ang auction sale sa covered court ng provincial capitol. Ayon kay Provincial Treasurer Alvin Batol ang mga ipasusubastang real property ay nagkakahalaga ng mahigit 33 million pesos.

Base sa datus ng Provincial Treasurer’s Office pinakamaraming 158 na mga ipasusubastang ari-arian na nagkakahalaga ng 7.4 million pesos ay nasa bayan ng Polomolok. Ipinahayag ni Batol na mahigit 400 sa may 2,000 deliquent real property tax payers na kanilang pinadalhan ng notice ay nagbigay ng partial payment. Sinabi ni Batol na sa ngayon marami sa mga mayari ng ipasusubastang real property ay nagbabayad ng kanilang arrear sa buwis at lumagda ng kasunduan.

Kaya ayon kay Batol inaasahan nito na mababawasan pa ang mga ari-arian na maipasusubasta sa Nobyembre. Umapela din si Batol sa mga local goverment units sa South na paigtingin ang tax collection para makatulong sa revenue ng lalawigan.

 

-0-

 

Kidapawan City may markang high compliance sa pagpapatupad ng road clearing operation base sa pinakahuling listahan na ipinalabas ng DILG

Nagpalabas ng bagong listahan ang Department of Interior and Local Government o DILG kung saan lumalabas na may marakang high compliance na ang Kidapawan City taliwas sa unang na ulat failure sa pagpapatupad ng Memoradum circular 121-2019 ang lungsod.

Sinabi naman ni DILG Provincial Director Ali Abdullah, may hindi lang anya nakitang datus ang ahensya sa isinagawang assessment ng validators.

Samantala, unfair naman kung tawagin ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista ang unang naging assessment ng DILG kung saan nakasaad sa unang report na tanging ang Kidapawan City lamang ang hindi pumasa sa isinagawang road clearing operations sa buong lalawigan.

Sinabi ng alkalde, limang taon ng ipinatutupad ang clearing operation sa lungsod lalo na sa mga pangunahing daan. Malinaw naman na maluwag na ang National Highway sa lungsod at di na nahihirapang dumaan dito ang maraming sasakyan.

Kaugnay nito, naglaan na rin ng relocation sites ang City Government sa mga residenteng apektado ng clearing operation noon. Ginawaran din ng National Government ang City LGU noong taong 2017 dahil sa epektibong pagpapatupad nito ng Comprehensive Land Use Plan kung saan ay nasolusyunan nito ang problema ng mga informal settlers na nakatira sa mga road right of way na tinamaan ng road clearing operation katuwang ang Department of Public Works and Highways.

 

-0-

 

Limang mga bayan sa North Cotabato, ginawaran bilang Red Orchid awardees ng DOH sa pagpapatupad ng ‘No smoking” sa kanilang lugar

Ginawaran bilang Red Orchid Awardees ng Department of Health o DOH ang limang mga bayan at lungsod dahil sa pagpapatupad ng anti-tobacco campaign sa kani-kanilang lugar.

Sa panayam kay Board Member Philbert Malaluan na siyang may hawak ng committee on health and sanitation ng Sangguniang Panlalawigan, ito ay ang President Roxas LGU, Alamada, Mlang, Tulunan, Carmen at Kidapawan City ang naging hall famer na ng Red orchid award.

Ang Red Orchid award ay ginagawad ng DOH sa mga cities, municipalities, government offices at sa mga ospital na mahigpit na ipinatutupad ang pagbabawal ng paninigarilyo.

Ang paggawa ng mga batas at polisiya para maging smokefree ang mga lugar ay kasama sa plano ng gobyerno upang masugpo ang masamang epekto lalo na ng secondhand smoker o nalalanghap na mula sa mga naninigarilyo Sinabi ng opisyal, ang mga sakit o epekto dulot ng paninigarilyo ay tulad ng lung cancer na kabilang sa top 10 na nakakamatay na sakit sa buong bansa.

Kapag smokefree ang kapaligiran, mas mababa rin tiyansang magkakasakit ang indibiwal tuald din ng palaging pag-ubo, palaging pagdahak ng plema at paghirap ng paghinga.

 

-0-

 

NATIONAL NEWS………………….

 

ISINUSULONG ngayon ng isang mambabatas sa Kamara na

pahabain ang probationary employment ng mga nagtratrabaho mula anim na buwan hanggang dalawang taon bago ito tuluyang maging regular.

Sa House Bill 4802, sinabi ni Probinsyano Ako party-list Rep. Jose Singson Jr. na hindi sapat ang anim na buwan para malaman kung kwalipikado talaga sa trabaho ang probationary employee lalo na sa mga posisyong humihingi ng espesyal na kakayahan at talento.

Giit ni Singson, kinakailangang dumaan sa "developmental training" at pagtatasa ang mga bagong empleyado para matiyak na kaya nila ang ipinagagagawa sa kanila.

Sa iba pang balita, hinikayat ni Pangulong Duterte ang pribadong sektor na mamuhunan sa generation ng clean energy.

Ayon sa pangulo, dahil sa mga ginawang reporma ng kanyang administrasyon, masisiguro niya sa mga negosyante ang pagtupad sa mas epektibo at mabisang business strategies basta’t binibigyan ng malaking importansya ang proteksyon sa kapaligiran at mga komunidad.

Samantala, tiniyak din ni Pangulong Duterte ang ‘commitment’ ng gobyerno sa paggamit ng renewable energy para sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Sa kabilang dako pa, binigyan ng bagong pwesto sa pamahalaan ni Pangulong Duterte si dating House Speaker Feleciano Sonny Belmonte.

Base sa listahan ng Presidential appointee na ipinalabas ng Malakanyang, itinalaga ni Pangulong Duterte si Belmonte bilang special envoy of the President to Japan for trade and market access.

Nitong October 15 lamang itinalaga ni Pangulong Duterte si Belmonte.

Samantala, inilabas na rin ng Palasyo ang appointment paper bilang ad interim secretary nina Secretary William Dar ng Department of Agriculture at Secretary Wendel Avisado ng Department of Budget and Management.

Itinalaga rin ng pangulo si Jaime Cruz bilang special envoy of the President to China for trade and investment at si Joel Abutal bilang commodore ng Philippine Merchant Marine Academy.

Itinalaga naman ng pangulo si Golda Margareth Argel bilang miyembro ng board of directors ng UCPB General Insurance Company Incorporated at Pedro Miguel Santos bilang director ng Presidential Communications Operations Office.

 

NDBC BIDA BALITA (Nov. 15, 2019)

HEADLINES:

1. DAILY MINIMUM WAGE sa Bangsamoro Autonomous Region, tinaasan.

2. SAMPUNG EKTARYANG lupain na...

IED, firearms found in Sultan Kudarat

SULTAN KUDARAT -- Soldiers defused an improvised explosive device and seized firearms and ammunition in separate operations in Barangay Bagumbayan...

Army shells Dawlah Islamiya lairs in Maguindanao

MAGUINDANAO ---- Three more members of the Dawlah Islamiya terror group were reported killed as the Army bombarded with artillery its...

2 abus yield, hand over HPFAs

Two Abu Sayyaf Group members yield to the troops of the 44th Infantry Battalion in Imelda, Zamboanga Sibugay at 8:30am today, November...

Bishop to BECs: Take Gospel to needy

DAVAO CITY - A huge gathering of Basic Ecclesial Communities workers ended Thursday with a missionary mandate to work for justice and for...