Tuesday Sep, 17 2019 02:51:58 PM

NDBC police stories

Peace and Order • 20:00 PM Tue Jun 25, 2019
496
By: 
NDBC NCA
Photos courtesy of John Claud in Makilala, North Cotabato. and Tantangan MPS.

Criminology graduate, huli sa anti-illegal drug operation sa Tantangan, SoCot

TANTANGAN, S. Cotabato - Huli sa isinagawang anti-illegal drug operation ng Provincial drug Enforcement Unit (PDEU) at Tantangan Municipal Police Station ang isang lalaki sa Purok 3, Brgy n Felipe, pasado alas 7 lunes ng gabi.

Kinilala ang nahuli na si Jason C. Cainglet, taga Koronadal City.

Nakuha kay Cainglet ang isang sachet ng pinaniniwalaang dahon ng marijuana, P500 marked money, cellphone at isang motor na ginagamit umano ng suspek sa pag bebenta ng ilegal na droga.

Inihahanda na ang kasong pag labag sa Sec. 5 ng Art. II of R.A. 9165 laban sa suspek. (Mark Jamillo) 

 

-0-

Carnapping motibo sa pagbaril at pagpatay sa isang magsasaka sa Matalam, North Cotabato

MATALAM, North Cotabato - Nakaw-motorsiklo ang sinusundang anggulo ngayon ng Matalam PNP matapos ma baril at mapatay ang isang magsasaka pasado alas sais ng umaga kahapon sa Sitio Bugwak, Brgy Kibia, Matalam, North Cotabato.

Kinilala ni Matalam PNP Chief Police Major Brian Placer ang biktima na si Efraem Vecente Penoy, 45 years old, may asawa at taga Barangay Kibia.

Ayon sa ulat, habang minamaneho ng biktima ang kanyang Honda XRM 125 na motorsiklo na kulay pula mula Kibia National High School pauwi sa kanyang bahay ay hinarang siya ng suspect at pinagbabaril.

Natamo ng biktima ang maraming tama ng baril sa kanyang katawan na dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Narekober naman sa crime scene ang apat na empty shell ng bala ng kalibre 45 at dalawang mga live ammunition.

Pinaghahanap na ngayon ang limang mga di pa kilalang suspek matapos tumakas sa di malamang direksyon. (Cherry Exim)

 

-0-

Lalaki patay matapos mallunod sa Sto Nino, South Cotabato

STO NIÑO, South Cotabato - Patay ang isang lalaki nang malunod sa irrigation canal matapos na itulak ng kanyang kainuman sa main canal ng National Irrigation Administration sa Barangay Manuel Roxas.

Kinilala ang biktima na si Jonary A. Infante, 48 anyos, single, laborer at taga Purok Solid South, Barangay Manuel Roxas.

Batay sa report na nakuha ng Radyo Bida Koronadal kay Sto Nino town police chief Captain Sherwin D. Panaguiton, nag-iinuman malapit sa main canal ng NIA ang biktima kasama ang suspek na nakilala naman na si Noel Fontanilla, 57 anyos, may asawa, magsasaka at taga Purok Malipayon, Barangay San Vicente, Sto. Niño, South Cotabato.

Pinahayag ni Panaguiton na may nangyaring hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa na naging dahilan upang itulak ni Fontanilla si Infante. Sa pagtulak, nawalan ng balanse si Infante kayat nahulog ito sa irrigation canal.

Sinubukang isalba ng mga kasamahan sa kainuman si Infante ngunit gawa ng hindi ito marunong lumagoy at may asthma, hindi na nasagip ang buhay nito.

Sa ngayon, ang nasabing suspek ay nasa custodial facility na ng Sto. Niño MPS at hinihintay nalang ang desisyon ng pamilya ni Infante kung magsasampa ng kaukulang kaso. (Mark Jamillo)

 

-0-

 

Empleyado ng LGU, natagpuang patay sa isang abandonadong kubo sa Makilala, North Cotabato

MAKILALA, NORTH COTABATO - Bangkay na nang matagpuan ng kanyang asawa ang isang empleyado ng Makilala LGU alas 11 ng umaga kahapon sa Purok 5, Barangay Batasan Makilala, Cotabato.

Kinilala ang nasawing biktima na si Marilyn Gerarman Catamora, 33 anyos, Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) employee at nakatira sa Purok 4, Barangay Batasan.

Sa imbestigasyon ng Makilala PNP, si Catamor ay may tama ng bala sa dibdib at pinaniniwalaang dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Napag-alamang may kasamang dalawang di pa kilalang lalaki ang biktima nitong sabado bago ito natagpuang patay sa gilid ng isang abandonadong kubo ng nasabing Barangay.

Inaalam pa ngayon ng Makilala PNP kung ano ang motibo ng mga suspek sa pagbaril at pagpatay sa biktima. (Cherry Mae Exim)

 

 

 

20 die in South Cotabato highway mishap

20 die in South Cotabato highway mishap Edwin O. Fernandez

T'BOLI, South Cotabato  – At least 20 persons were killed, 15 of them on the...

NoCot village exec shot dead

KABACAN, North Cotabato  – Two men riding tandem on a motorbike shot dead a village official here on Sunday while he was on his way to his farm,...

Traffic rerouting plan eyed when Quirino Bridge undergo rehab

COTABATO CITY  – The Cotabato City traffic management unit is preparing a rerouting plan to be implemented once the Department of Public...

Armed MNLF men stopped, disarmed by Army in Maguindanao

COTABATO CITY -- Some 37 assorted long and short firearms were confiscated by government military troops Saturday in a gathering of Moro...

144 homes damaged by "Marilyn" in Tawi-Tawi

BONGAO, Tawi-Tawi – Close to 150 homes were damaged by Tropical Depression Marilyn that hit the islands here on Friday and Saturday, local...