Thursday Apr, 02 2020 07:17:27 AM

NDBC BIDA BALITA Sept. 19, 2015

Breaking News • 06:13 AM Sun Sep 20, 2015
1,323
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

SEPTEMBER 19, 2015 (SAT)
7and00 AM

CALOYand MAGANDANG UMAGA! Tunghayan ang
mga pinakabagong balita ngayong SABADO, SEPTEMBER 19, 2015…..

Mga konkretong balita at impormasyon na
dumaan sa wasto, patas at masusing talakayan… Ako si Caloy Bautista at ito ang
NDBC BIDA BALITA!

PLAY NEWSCAST – PAU OBB

HEADLINESand

1. MGA BASAG KOTSE, UMATAKE SA
pagbubukas ng Mall of Al Nor sa Cotabato City.

2. Mga pulis na sangkot raw sa illegal drugs target ng kampanya
ng bagong talagang officer-in-charge ng Cotabato Police Provincial Office

3. Pitong taong gulang, patay matapos
matuklaw ng ahas sa Banga, South Cotabato

4. Rep. Robredo, pormal nang inalok ng
Liberal Party para sa susunod na eleksyon

CUE
VO………….. ‘ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

Local………………..

DALAWANG MGA sasakyan ang napaulat na
niransak kahapon ng mga magnanakaw habang nakaparada sa Mall of Alnor, sa
kahabaan ng Sinsuat avenue, Cotabato city.

Unang nagreport sa pulisya ang biktima
na kinilalang si Patrick Luan Uy, bente nuwebe anyos, residente ng Tenorio,
Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao at isang bumbero mula sa Bureau of Fire
Protection o BFP-ARMM.

Ayon kay Uy, natuklasan niyang basag na
ang salamin ng pintuan ng kanyang sasakyan dakong alas onse nang tanghali
kahapon habang papalabas na siya ng Alnor Complex.

Nang tingnan ang loob nito ay nawawala
na ang kanyang dalawang bag na naglalaman ng kanyang mga uniporme at cellphone
na nagkakahalaga ng 6,000 pesos.

Sinundan naman ito pasado ala una nang
hapon kung saan ay isa pa ang nabiktima ng basag kotse sa nasabi ring lugar.

Ayon sa salaysay ng biktima na
kinilalang si Benjamin Viray Bacar, Jr., 47 anyos, residente ng Gonzalo Javier
street, Rosary Heights 7, Cotabato city, nakaparada ang kanyang kulay puting
Ford Ranger na may license plat ZAZ 308 sa harap ng CRMC o sa labas din ng
Alnor Complex.

Natuklasan din niyang basag na ang
kanang salamin ng pintuan nito at nawawala na ang kanyang Dell laptop at isang
cellphone pasado ala una kahapon.

Agad namang rumisponde ang mga elemento
ng Police station number 2 sa Al Nor complex para tugisin ang mga magnanakaw
pero nabigo ang mga ito.

Hanggang sa ngayon ay nakastandby pa
rin ang tropa ng pulisya sa Alnor Complex para panatilihing mapayapa at maayos
ang seguridad sa nasabing lugar.

BERNADETTEand

BALITANG SIMBAHAN

MAS MAHALAGANG SI HESUS ang dalhin at
hindi mga gadgets ang dalhin sa isang missionary activity.

Ito ang mensahe ng Kanyang Kabunyian
Manila archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa sa Youth
Congress na pinangunahan ng Alagad ni Maria sa Ynares Sports Arena, Pasig City.

Ayon pa kay Cardinal Tagle, sana’y tularan
ng mga kabataan ang naging Misyon ni Mahal na Birheng Maria, na tagapagdala ni
Hesus mula sa kanyang sinapupunan gayundin ang misyon ng mananamplataya na si
Hesus at ang Salita ng Diyos.

Pahayag pa ng cardinal, mahalaga na
dalhin sa pagkatao ang presensiya ni Hesus sa mga naghahanp ng pag-ibig awa at
habag.

2nd
break

Local
…………………

HINDI parin mabatid ng Bureau of fire
protection o BFP kung ano ang pinagmulan nang sunog na nangyari kahapon sa
Midsayap, North Cotabato.

Nangyari ang insidente dakong ala-6:40
ng umaga sa Corner Lapulapu at Sto. Nino Street sa bayan.

Ayon kay BFP MIDSAYAP SFO4 OIC Chief
Vedencio AbrenillA isang residential house na pagaari ni ret. col. mariano
ragonton ang natupok ng apoy.

Humigit kumulang 500 thousand pesos
halaga ng danyos ang naitala ng BFP sa naturang insidente.

Ayon kay SF04 Abrenilla, gawa sa light
material ang naturang bahay kung kaya't madali itong natupok.

Maswerte nalang aniya na malayo ito sa
kasunod na bahay at hindi na kumalat pa ang sunog.

Sa ngayon patuloy pang iniimbestigahan
ng BFP ang naturang insidente.

LOCAL…

Bumibili
ng mga babaeng artificially inseminated na kalabaw ang provincial veterinary
office ng South Cotabato. Ayon kay Flora Bigot, ang OIC ng Provincial
Veterinary Office o PVET ng South Cotabato, ang programa ay pinaglaanan nila ng
limang daang libong piso. Bibilhin ng PVET ang mga babaeng kalabaw na may bigat
na 250 kilograms ng hanggang tatlumpung libong piso. Ito ayon kay Bigot ay mas mataas ng
tatlumpung porsyento sa presyohan ng mga commercial traders. Layon ng programa na mapataas ang produksyon
ng fresh milk na ginagamit sa mga feeding program ng Provincial Nutrition
Office ng South Cotabato.

0-

LOCAL…

Patay
na nang matagpuan ng kanyang ama sa gilid ng ilog ang isang binata sa Barangay
Kematu, T’boli, South Cotabato.

Kinilala
ng T’boli PNP ang nasawi na si Nelmar
Gabutan, disi otso anyos at residente din sa lugar.

Ayon
sa salaysay ng ama ni Nelmer na si Cornelio Gabutan sa mga pulis, saglit nitong
iniwan ang anak sa kanilang bahay para bumili ng gamot.

Laking
gulat na lamang umano ng nakatatandang Gabutan, ng makita ang anak na
nakahandusay na at wala ng buhay sa tabi ng ilog dakong ala una ng hapon kamakalawa.

Lumabas
sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na ang binata ay posibleng inatake ng
kanyang sakit na epilepsy habang nasa ilog na naging sanhi ng kanyang
pagkalunod.

0-

LOCAL…

Natangay
ng mga magnanakaw na nan-ransak sa delivery truck ng LBC Koronadal City Branch ang
tatlong mga balikbayan boxes na laman nito.
Ayon kay Police Officer 2 Renante Espero, ng Koronadal City PNP na
siyang nag-imbistiga sa insidente, nadiskubre ang pagnanakaw nang manager mismo
ng LBC alas otso ng umaga kahapon. Nabatid
na ang delivery truck na may license plate ZHK 240 ay nakaparada sa harap
ng tanggapan ng LBC sa corner Alunan
Avenue at Abad Santos Streets nang sirain ng mga suspek ang lock sa pintuan
nito. Lumabas sa inisyal na
imbistigasyon ng mga pulis na kabilang sa mga balikbayan boxes na ninakaw
ang padala ng isang Jennifer Espera ng Singapore
sa kapatid nitong si Jacquiline Espera ng Columbio, Sultan Kudarat. Natangay din ang mga balikbayan boxes ng mga Overseas Filipino Workers sa Dubai,
UAE na sina Mary Millan at Jovy Tintero na ipadala sana kina Francis Millan ng
Norala at Jocelyn Gani ng T’boli, sa South Cotabato. Umaasa ang pulisiya na sa
tulong ng imahe ng mga suspek na nakuhanan ng Close Circuit Television o CCTV
ng establismento ay mahuhuli agad nila ang mga suspek, na kinabibilangan umano
ng tatlong mga babae.

0-

local..Kalaboso
ang isa umanong magnanakaw na tinangka pang manloko matapos magpanggap na
biktima ng illegal recruitment at humingi ng tulong sa isang himpilan ng radyo
sa Koronadal City. Kinilala ang suspek
na si Junel Garcia, trenta’y singko anyos at residente ng Barangay San Jose,
Imus City, Cavite. Nabatid na nang dumulog sa City PNP si Garcia dahil
kailangan nito ng pera para makauwi sa kanilang lugar. Sumbong pa ni Garcia sa
mga pulis isa siya sa 150 katao mula bikol na hiningan ng recruiter ng
labinlimang libong piso para magtrabaho sa lungsod. Inihayag din nito sa mga pulis na matapos
ibaba sa isang kalye sa Koronadal hindi na nito alam kung saan umano dinala ang
kanyang mga kasama na isinakay sa bus at van.
Pinayuhan pa ng mga pulis si Garcia na huwag nang umalis sa himpilan
dahil niluluto pa ang kanyang pang-almusal , ngunit nagpumilit umano itong
umalis para makapunta sa isang radio station. Gayunpaman matapos manawagan at
mabigyan ng tulong, nadiskubreng si Garcia ay pinaghahanap na ng mga pulis sa
bayan ng Polomolok, South Cotabato. Ito ay matapos umanong nakawin ang
bisikleta ni Rechelle Abedin na nagkakahalaga ng dalawampung libong piso. Ang
ninakaw na bisekleta ay ibenenta lamang umano ni Garcia ng limang daan sa
Barangay San Jose sa Koronadal City

0-LOCAL…

Hindi
nakayanan ng murang edad ng pitong taong gulang na bata ang kamandag ng ahas na
tumuklaw sa kanya kaya ito binawian ng buhay
sa Barangay Lamba, Banga, South Cotabato.

Ayon
kay Lamba Chairman Ernesto Bustamante, ang batang si Xyra Mae Loable ay di na
umabot ng buhay sa ospital.

Inihayag
ni Bustamante na ang biktima ay posibleng
nakaapak at natuklaw ng cobra habang naglalaro sa labas ng kanilang
bahay sa Liblib na sitio ng Upper Lambukay, Lamba dakong alas dyes ng umaga
kamakalawa.

Nabatid
na dinala lamang ng ospital ang biktima
nang magreklamo ng pananakit ng ulo at panghihina ng katawan, dalawang oras
matapos matuklaw ng ahas sa paa.

Tiniyak
naman ni Bustamante na magbibigay ng kaukulang tulong ang barangay sa pamilya ng nasawing bata.

CUE
………………. STINGER BALITANG PAMBANSA

PORMAL nang inalok ni Liberal Party o
LP presidential candidate Mar Roxas si Camarines Sur. Rep. Leni Robredo na
maging runningmate nito sa 2016 elections.

Ito ang mismong kinumpirma ni Robredo.

Aniya, hiniling sa kanya ng liderato ng
LP na buksan lang ang bintana ng posibilidad at pag-isipan ang alok ng partido
kung saan para naman umano ito sa paninilbihan sa bayan.

Inilahad naman ng mambabatas ang
kanyang mga agam-agam, problema, mga bagay kung bakit hindi nito maaring
tanggapin ang alok ng partido.

Ngunit sa huli, dahil sa hiling ng LP
na pagisipan muna ay nangako naman ang kongresista na kanya itong seryosong
pagiisipan.

3rd break

Local…………………….

NAIS ni Philippine Marines first marine
brigade commander Brig. Gen. Emmanuel Salamat na paalisin ang lahat ng miyembro
ng Moro Islamice Liberation Front o MILF na hindi residente ng Barangay
Lutayan, Sultan Kudarat.

Ito matapos ang hindi maresolbang rido
ng dalawang kumander sa naturang bayan.

Kung saan nagsimula ang alitan ng
dalawa, nang lusubin umano ng grupo ni kumander Pigi Guianudin na nagpakilalang
kasapi ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng MILF at naninirahan sa barangay
Sisiman ang grupo ni Kumander Asgal Bansil na siyang barangay chairman ng
barangay Bayasing sa nasabing bayan subalit hanggang sa ngayon hindi pa rin
malinaw sa mga otoridad kung anong armed group ang kinaaaniban nito.

NANINIWALA si salamat na dapat mapaalis
ang miyembro ng MILF dahil ang mga nakatira na doon ay ayaw ng gulo at nais ng
mapayapang pamumuhay.

Suhestyon naman ni 33rd IB Army col.
Ricky Bunayog na mas maiging mairekomenda sa AHJAG,CCCH at OPAPP na dapat ang
MILF ay magkaroon ng disciplining body upang magakaroon ng accountability sa
organisasyon sakaling mayroong hindi susunod sa command ng matataas na opisyal
ng MILF sang-ayon sa napirmahang CAB.

Noong isang araw lang ay nagsagawa ng
Rido settlement sa 6ID camp sa awang, DOS pero natapos ang pagtitipon nang
walang nareresolba sa pagitan ng dalawang grupo.

Sa isinagawang kumperensya, naroon ang
presensya nila Palimbang mayor Abubakar Maulana, Lutayan vice mayor Ibrahim
macasayon, IMT deputy head of mission Malaysian Admiral dato khairuddin Bin
Mohd Arif Col. Carlos Sol, Jr. ng GPH-CCCH-AHJAG, sultan Kudarat board members
Joseph Ortiz at Joenime Kapina, at Lutayan OIC municipal police chief
Sr/Insp.Jerylle Caranay.

CUE ………………. STINGER BALITANG PAMBANSA

Isa ang Pilipinas sa mga bansang may
nakakaalarmang pagtaas ng kaso ng human immunodeficiency virus/Acquired Immune
Deficiency Syndrome O HIV/AIDS.

Ito ay ayon sa World Health
Organization o WHO.

Ayon kay WHO Philippine Representative
Julie Hall, napakabilis nang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng HIV sa Pilipinas

kung kaya't kinakailangang may agarang
hakbang para rito.

Sa datos ng Department of Health (DOH)
ay umabot na sa 24,376 ang kaso ng HIV/AIDS sa bansa simula nang maitala ito
noong 1984 at noong 2014 ay 17 kada araw ang naitatalang kaso ng sakit at
nitong 2015 ay kada oras o 24 kaso sa loob ng isang araw ang naitatala ng DOH
AIDS Registry.

Aminado ang WHO na ang datos ay tiyak
na mababa pa kumpara sa aktuwal na bilang ng mga may sakit.

Kaya naman inirerekomenda nito na gawin
ng DOH ang dalawa hanggang tatlong beses kada taon ang AIDS tes­ting week upang
agad na ma-screen ang mga posibleng carrier at mabigyan ng karampatang aksyon
at hindi na makapanghawa pa ng iba.

Sa pagpapatupad na rin ng Reproductive
Health Law, naniniwala ang WHO na makatutulong ito para bigyan ng impormasyon
ang mga kabataan ukol sa sakit.

NARITO ANG BALITANG PANGKALUSUGAN HATID
NG GOLDSHINE PHARMACEUTICALS INCORPORATED.

HEALTH NEWS-

Narito ang top 5 emotions na maaaring
maging sanhi ng iba’t-ibang sakit, ayon sa mga eksperto.

Una na riyan ang selos na maaaring
magdulot ng ilang uri ng sakit na cancer.

Ang palagiang pagkairita naman ay
maaaring magdulot ng problema sa ating respiratory system.

Kung ikaw naman ay madalas makaramdam
ng emosyon na nais gumanti sa mga nakasakit sa’yo, maaari kang magkaroon ng
sakit sa lalamunan at insomnia.

Maaari namang maging sanhi ng sakit na
ulcer ang pag-iwas na makipagkaibigan at pag-iisip na wala kang
mapagkakatiwalaan.

Kung nararamdaman mo naman na panay ang
hanap mo ng gulo, posibleng magdulot yan ng enlargement of thyroid sa iyo.

Kaya, ugaliin ang pagpigil ng sarili sa
mga emosyon na hindi makakabuti sa inyong isipan at sa katawan.

4th break

Local……………….

NANINIWALA ang mga kapulisan sa
Rehiyon-12 na may kaugnayan sa sindikato ng ilegal na droga ang tumataas na
bilang ng nakawan ng mga motorsiklo sa rehiyon.

Ayon kay Region 12 Highway Patrol
Group Supt. Johnson Almazan, nakatanggap
sila ng report na napupunta sa mga sindikato na sangkot sa droga ang mga
ninakaw na motorsiklo nitong nakaraang buwan.

Shabu umano ang kapalit ng mga
motorsiklo sa tinatawag na Palit shabu scheme.”

Ayon kay Almazan, kinukumpirma pa nila
ang report upang malaman ang katotohanan at kung sino ang grupong nasa likod ng
sindikato.

Sa datus ng PNP-HPG 12, nasa 421 na ang
bilang ng mga motorsiklo at iba pang motor vehicle ang kinarnap o nawawala mula
Enero hanggang Hulyo ngayong taon sa rehiyon.

Mas mataas ng 100 porsyento ang
nasabing bilang kumpara sa 203 na kaso noong nakaraang taon.

BALITA ABROAD………………….. PLAY STINGER

SA ULAT ng United Nations (UN) na
bumagsak na ang bilang ng mga namamatay dahil sa sakit na malaria simula noong
taong 2000.

sa UN report, noong taong 2000 ay may
higit 800,000 katao ang namatay sa malaria matapos tamaan ng nasabing sakit at
tinatayang nasa higit 200 milyong katao rin ang nasapol sa buong mundo.

Ngunit sa kasalukuyang taon ay naitala
naman ang pagbagsak ng bilang ng mga dinapuan ng sakit kung saan hindi hihigit
sa kalahating milyong katao ang namatay mula sa 214 milyong kaso ng malaria sa
buong mundo.

Ikinatuwa naman ito ng Director General
ng World Health Organization at itinuturing na isa itong tagumpay para sa
larangan ng medisina sa loob ng 15 taon.

05th break

LOCAL…

Pinigil ng mga miembro ng 23rd at 8th
infantry Batallion ng Philippine Army ang mga Human Rights Advocate na nais
magsagawa ng Fact Finding Mission sa brgy. White Kulaman, Kitao-tao, Bukidnon
kahapon.

Layon nila na maimbestigahan ang mga
pangayayari sa White Kulaman, partikular ang pag aresto sa higit 15 mga
magsasaka at lumad doon.

Pero hindi umano sila pinapasok ng mga
sundalo at ni brgy. White Kulaman Chairperson Filepe Cabugnason dahil sa duda
nilang sila ay mga taga suporta ng New People's Army o NPA.

Maging ang MISFI school sa loob mismo
ng barangay ay pinigil ni Cabugnason dahil sa alegasyon nitong sila ay mga NPA
member.

Samantala, kahapon rin isang media
personnel mula sa Davao City ang inaresto ng mga sundalo.

Ang nasabing media personnel ay pinaghihinalaan
na isang karate teacher ng MISFI school at miembro raw ng NPA.

Nabatid na ang MISFI school ay
pagmamay-ari at pinangangasiwaan sa mga madre sa ilalim ng kongregasyon na
Rural Missionaries.

Ayon sa mga opisyal sa Humanitarian
mission, ang ginawa ng mga sundalo at ni Chaiperson Cabugnason ay malinaw na
paglabag sa karapatang pantao.

0-

LOCAL…

Tinutugis na ng Arakan PNP ang isang
lalaki matapos nitong nakawin ang isang baja motorcycle na pag-mamay ari ng
isang habal habal driver sa brgy. Doruloman Arakan, pasado alas onse ng umaga
kahapon.

Ayon sa biktimang si Jimmy Garino,
ipinarada lamang niya ang kanyang sasakyan sa gilid ng highway ng brgy.
Doroluman habang naghihintay ng pasahero ng bigla nalang itong sakyan ng di pa
kilalang suspek at humarurot papalayo.

Agad namang sinundan ng mga otoridad
ang suspek na dumiretso sa liblib na bahagi ng bayan.

Nabatid na umabot na lamang sila sa
brgy. Kabalantian hanggang Brgy. Katipunan pero bigo silang mahuli ang suspek.

Sa bayan naman ng kabacan- Huli na ng
madiskubre ng isang 38-anyos na ginang na nabiktima na siya ng budol budol
gang.

Sa salaysay ng biktimang si Joy
Catedrilla ng Carmen, North Cotabato nakasabay niya ang babaeng suspek sa
pampasaherong multicab patungong Kabacan.

Nagpakilala raw itong nagbebenta ng mga
alahas at nagpakita pa ng libu libong pera sa biktima.

Ayon kay Catedrilla pagdating nila sa
Kabacan Terminal, nagpaalam ang suspek na iiwan nito sa kanya ang bitbit na bag
dahil magccr ito.

Para matiyak na hindi rin aalis ang
biktima dinala rin ng suspek ang bag nito at mabilis na tumakas.

Natangay ang bag ng biktima na may
lamang 12 thousand pesos at iba pang mahahalagang gamit.

Paalala ngayon ng Kabacan PNP sa
publiko na mag-ingat sa mga di kilalang tao at iwasan magdala at magbilang ng
pera sa maraming tao.

0-LOCAL…

Para mas lalo pang maintindihan ng
publiko ang kanilang responsibilidad sa pag-aalaga sa kalikasan, sa ikalawang
pagkakataon isa na namang forum ang isasagawa sa DXND-mini auditorium ngayong
araw.

Ito ay ang Forum on Energy and
Development na pangungunahan ng Inter-Cultural Organizations Network or
Solidarity andPeace o ICON SP.

Magiging bisita at resource speakers sa
nasabing forum sina Wilfredo Rodolfo III, ang communiations manager ng Aboitiz
Power Ivy Henson ang communications officer ng Energy Development Corporation
o EDC at Engr. Godofredo Homez ang General Manger ng COtabato Electric
Cooperative o COTELCO.

Ipapaliwanag ng mga speaker ang
kanilang planong pagpapatayo ng dagdag na mga power suply sa Mindanao at kung
ano ang magiging kontribusyon nito sa kalikasan.

Plano kasi ng EDC na magpatayo ng
dagdag na Geothermal well sa brgy. Ilomavis, Kidapawan palno rin ng COTELCO na
mag develop ng Hydro-electric power plants bayan ng Magpet ang power plant sa
Toril District, Davao Ciy ng Aboitiz Power.

Inanyayahan naman ng grupo ng ICON SP
ang lahat na mga intersado na tumungo lamang sa DXND Mini Auditorium, Daang
Maharlika, Kidapawan City alas onse ng umaga para sa gagawing press conference
at live rin itong mapapakinggan sa DXND Radyo BIDA 747 alas dose ng tanghali.

LOCAL…

Ngayong darating na Lunes, September
21, isasagawa ang isang FREE Legal Assistance DXND Kidapawan City mula alas
otso ng umaga hanggang alas dose ng tanghali.

Ang serbisyong ito ay libre na ibibigay
ng mga opisyal at miembro ng Integrated Bar of the Philippines Kidapawan sa
pamumunoi ni Atty. Jojo Alave.

Katuwang naman ng IBR sa gagawing FREE
Legal Assistance ay ang DXND Kidapawan at National Union of Journalist of the
Philippines o NUJP.

Samantala Inaanyayahan naman ang
publiko na makilahok sa gagawing Clean up drive ng Central Mindanao Colleges-
Center for Social Action bukas sa Kidapawan City

Sinabi ni Mark Gennesis Dela Cerna, ang
LDI Mindanao Coordinator , Ito ay bahagi sa kanilang kampanya na may pamagat na
Lets do it Philippines.

Layunin ng kanilang programa na linisin
ang buong mundo mula sa mga ileggaly dumped solid waste materials.

Plano ng grupo na umabot sa 350 na mga
indibidwal ang lumahok sa kanilang adbokasiya hanggang 2018.

local..Patay ang isang apat na taong gulang na
batang lalaki matapos mahulog sa swimming pool sa isang resort sa brgy. Sibsib,
Tulunan, North Cotabato kahapon ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Charlie
Roquero Jonelas na taga purok tres brgy. Kanibong, Tulunan.

Ayon kay Police Senior Ins. Rolando
Dillera, hepe ng Tulunan PNP, ala una ng hapon kahapon ng dalhin ng kanilang
kapitbahay na si Rosalie Carigay Manalo, 38 anyos ang biktima sa Tree House
Swimming Resort.

Pinayagan naman ito ng mga magulang ng
biktima.

alas tres ng hapon ng iwan umano ni
Rosalie ang biktima at aksidente itong nahulog sa swimming pool na 5ft ang
lalim dahilan ng pagkalunod nito.

Pagbalik ni Rosalie sa nabanggit na
resort ay wala ng buhay ang bata.

Patuloy ngayong iniimbestigahan ng mga
otoridad ang insidente habang naimbintahan naman ng mga pulis si Manalo para
harapin ang reklamo na posibleng isasampa laban sa kanya.

0-

LOCAL….

Abot na sa mahigit isang libong
indibidwal ang lumikas sa brgy. White Kulaman, Kitao-tao, Bukidnon kahapon.

Ito matapos takutin ni brgy.White
Kulaman chairperson Filepe Cabugnasun na sasampahan sila ng kaso kung hindi
sila susuko sa gobyerno.

Una na kasing inakusahan ni Cabugnason
na mga miembro ang mga ito ng New People's Army o NPA.

Sa panayam ng DXND Radyo Bida kay
Pastor Claro Gawilan mula sa grupo ng Nagkahiusang mga mag-uuma sa White Kulaman ,
nanatili ang mga bakwit sa mga kalapit barangay ng White Kulaman.

Ayon kay Gawilan, dahil sa naturang
paglilikas ilan sa kanilang mga gamit, tanim at hayop ang naiwan sa nabanggit
na lugar.

Maging ang mga estudyante ay lumiban na
rin sa klase dahil sa kanilang paglikas.

Sinabi i Gawilan na hindi raw sila
makakabalik sa kanilang mga bahay kung hindi sila susuko kay brgy. Chairperson
Cabugnason.

Sa Pastor Claro Gawilan mula sa grupo
ng Nagkahiusa ng mga mag-uuma sa White Kulaman, Kitao-tao Bukidnon.

Matatandaang pinigil ng mga miembro ng
23rd at 8th Infantry Battalion ng Philippine Army ang mga Human rights
Advocates na nais magsagawa ng Fact Finding Mission sa nabanggit na lugar.

Layunin nila na maimbestigahan ang mga
pangyayari sa brgy. White Kulaman, partikular ang pag-aresto sa higit 15 mga
magsasaka doon.

Pero huindi umano sila pinapasok ng mga
sundalo at ni Kapitan Cabugnason dahil sa duda nilang sila ay mga taga suporta
at miembro ng NPA.

SPORTS ……………. (Play Stinger)

Bumaba ang puwesto ni Manny Pacquiao sa
‘pound-for-pound’ king rating ng the Ring Magazine.

Nasa no.8 na lamang si Pacquiao sa Top
10 ng nasabing listahan bunga ng kaniyang unanimous decsion loss kay Mayweather
(49 0, 26 KOs) noong Mayo 2 at kabiguang makapagpabagsak ng kanyang mga
nakaraang karibal.

Samantala, hinirang naman ng The Ring
si World Boxing Council flyweight champion Roman ‘Chocolatito’ Gonzalez ng
Nicaragua bilang bagong ‘pound-for-pound’ king.

Bukod kay Pacquiao, ang iba pang nasa
Top 10 ng The Ring ay sina Andre Ward na No. 2), Sergey Kovalev, ikatllo,
sumnod si Gennady Golovkin, no. 5 si Guillermo Rigondeaux, anim si Wladimir
Klitschko, Terence Crawford (No. 7), Shinsuke Yamanaka (No. 9) at Kell Brook
(No. 10).

Habang Sina Crawford (26 0, 18 KOs)
at Brook (36 0, 24 KOs) ay dalawa sa apat na nababanggit na maaaring labanan
ni Pacquiao sa susunod na taon.

CALOY……………….

Sumainyo ang mga bidang
balita ngayong SABADO, SEPTEMBER 19, 2015… INYONG NAPAKINGGAN sa mga himpilan
ng NOTRE DAME BROADCASTING CORPORATION, ang RADYO BIDA at HAPPY FM…

Bahagi ng serbisyo-publiko
ng Oblate of Mary Immaculate na MAHIGIT 75 taon ng nagbibigay ng makabuluhan at
matapang na paglilingkod sa Pilipinas.

AKO SI CALOY BAUTISTA.

Maaari ninyong balikan ang
mga balitang narinig sa and//www.ndbcnews.com.ph www.ndbcnews.com.ph na ngayon ay mayroon ng
mahigit 500 tagapagtangkilik at mambabasa.

Sa ngalan ng NDBC Radyo Bida
News and Current Affairs Team, I-WATCH Productions at Maguindanao Sky Cable,

Hanggang SA LUNES pong muli!
Maraming salamat at MAGANDANG UMAGA.

Cotabato Light gives 30-day payment extension

COTABATO CITY - As we support the country’s fight against COVID-19, Cotabato Light is giving a 30-day payment extension for all bills that are due...

Gov. Catamco, Pres. Roxas Mayor Mahimpit meet to settle rally vs. conversion of hospital as COVID-19 isolation center

KIDAPAWAN CITY - Nagkaroon ng dayalogo sa pamagitan ni Cotabato Governor Nancy Catamco at President Roxas Mayor Jonathan Mahimpit patungkol sa...

Plan to use hospital as isolation facility opposed 

NORTH COTABATO --- Residents of President Roxas town picketed at the entrance to a state-run hospital to dramatize their opposition to its...

DOH confirms 4 news cases of COVID-19, Soccsksargen now has 7

KORONADAL CITY - Four more new cases of confirmed coronavirus (COVID-19) have been reported by the Department of Health, raising confirmed...

At least 7 persons massacred in Tupi, South Cotabato

KORONADAL CITY - At least seven persons, some belonging to a family, were killed by still unidentified men in an attack early Wednesday in a...