Saturday Dec, 07 2019 12:33:21 PM

NDBC BIDA BALITA (Nov. 28, 2019)

NDBC BALITA • 15:30 PM Thu Nov 28, 2019
170
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

NOVEMBE 28, 2019 (THU)
7:00 AM

HEADLINES:

1. PAGSASANIB PWERSA ng tatlong BIFF Factions, wala umanong katotohanan; Militar, naghigpit ng seguridad laban sa posibleng Christmas attack ng mga militanteng grupo.

2. MAGSASAKA at isa pang lalaki, patay sa nangyaring barilan sa Lake Sebu, South Cotabato.

3. Kidapawan City mayor, nagpaliwanag kung bakit walang natatanggap na tulong ang ilang mga home-based evacuee ng lungsod.

4. 26 na environmental samples mula Metro Manila at Davao City, nagpositibo sa poliovirus.

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA

 

MARIING ITINANGGI ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF-Karialan Faction ang impormasyon ng militar na nagsanib-pwersa na umano ang tatlong BIFF factions para makipaglaban sa sandatahang lakas ng bansa.

Sinabi ni BIFF –Karialan Faction spokesperson Abu Jihad na walang katotohanan ang naturang balita at iginiit nitong patuloy ang pakikibaka ng kani-kanilang samahan para sa magkakaiba nilang mga layunin.

Dagdag pa ni Abu Jihad, nananahimik lamang ngayon ang kanilang grupo pero nakahanda umano sila sakaling lusubin ng mga sundalo.

Aniya pa, wala silang balak umanib sa anumang grupo ay patuloy silang makikipaglaban hangga’t hindi nakakamit ang kanilang ipinaglalaban.

Samantala, naghigpit pa ng seguridad sa ngayon ang militar at mas pinaigting ang kanilang combat operations laban sa mga local extremists at lawless elements sa Maguindanao kasabay ng banta ng mga itong maglulunsad ng Christmas attack.

Sinabi ni Army’s 6th Infantry Division spokesperson Maj. Homer Estolas na isinagawa ang operasyon kasunod ng mga pambobomba at pagkakadiskubre na rin ng mga pampasabog sa iba’t ibang lugar sa lalawigan.

Ayon pa kay Estolas, ang mga nakumpiskang IED paraphernalia at war materials sa Shariff Saydona Mustapha noong isang araw ay plano umanong gamitin sa iba’t ibang lugar sa Mindanao sa darating na holiday season.

Ngunit, kasabay nito ay tiniyak ni Estolas na nakatutok sila sa ngayon kasama ang PNP upang hindi magtagumpay ang nasabing mga grupo sa anumang planong paghahasik ng karahasan.

 

-0-

 

ARESTADO ang isang pugante mula sa General Santos City Jail sa loob ng isang ospital sa Cotabato city.

Sa report ng City PNP, kinilala ang naareseto na si Kaled Mupak, 45 anyos, may asawa at taga Sitio Daudab, Brgy. Tamontaka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao

Si Mupak ay tumakas umano mula sa General Santos city Jail noong November 7, 2000 at kasalukuyang nagpapagaling sa isang ospital sa lungsod matapos na mabaril sa kanyang kanang kamay.

Ang nasabing pugante ay mayroong kinakaharap na kasong Robbery sa sala ng RTC Branch 23.

Ang operasyon ng mga otoridad pasado alas kwatro ng hapon kamakalawa ay matagumpay na nadakip si Mupak ngunit sa ngayon ay nasa ospital pa rin at nagpapagaling.

 

-0-

 

PATAY ang isang lalaki habang ginagamot sa pagamutan sa Cotabato city kahapon ng umaga habang patuloy namang nilalapatan ng lunas ang kasama nito matapos silang sumemplang habang sakay ng motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Midsayap, North, Cotabato

Kinilala ang nasawing biktima na si Ronilo Marcon, 42 anyos, may asawa at taga Barangay Bual Norte, Midsayap.

Kwento pa ng angkas ni Marcon na si Jonathan, pauwi na sila galing sa isang birthday party at binabaybay ang NIA road sa barangay Villarica nang biglang mawalan ng kontrol sa manebela si Marcon dahil sa sobrang bilis ng pagpapatakbo nito

Sumemplang sila dahilan para magtamo ng matinding mga sugat sa iba't ibang bahagi ng kanilang katawan.

Parehong lasing ang sina Marcon at Jonathan nang mangyari ang aksidente.

 

-0-

 

 

ISINAGAWA NA ang ground breaking ng vertical projects ng pamahalaan na itatayo sa most affected area sa Marawi city.

Alinsunod ito sa kautusan ng Pangulong Duterte na kailangang matapos ang rehabilitasyon at reconstruction sa siyudad sa 2021.

Sinabi ni Task Force Bangon Marawi Chairperson Eduardo del Rosario na ang ground breaking ay hudyat ng pagsisimula ng pagtatayo ng mga barangay complex sa 24 na barangay na apektado ng limang buwang engkuwentro ng state forces at grupong Maute-ISIS noong 2017.

Ayon kay Del Rosario, agad na isusunod ang road networks upang mapadali ang pagtatayo sa madrasa at health centers maging ng mga terminal para sa mga taga-Marawi.

Dagdag pa nito, lalagyan rin ng traffic lights, state of the art CCTV cameras at street lights ang business hub ng lungsod na higit dalawang taon nang hindi napapakinabangan.

Maaalalang naglaan ang gobyerno ng 60.1 billion pesos na pondo para pagandahin ang lungsod at tuluyang makabalik na ang libu-libong internally displaced persons na nagtitiis lamang ngayong tumira sa temporary shelters.

 

-0-

 

NILOOBAN ng umano ay magnanakaw ang bahay ng isang sundalo sa Malagapas area, Barangay Rosary Heights 10, Cotabato City.

Base sa sumbong sa pulisya ng biktiang si Master Staff Sgt. FRIDDIE FUENTES, 53 years old, maghahating gabi kamakalawa nang magising ito nang may marinig na mga kaluskos.

Nakita pa umano nito ang isang lalaking lumabas sa kanilang bahay at nagmamadaling tumakas.

Nadiskobre na lamang ni Fuentes na nawawala na ang dalawang sling bags nito na naglalaman ng tatlong libong piso, mahahalagang dukomento, mamahaling jacketat assorted mechanical tools.

Tinangka pa umanong habulin ni Fuentes ang suspek ngunit mabilis itong nakatakas at sumuot sa madlim na bahagi ng lugar.

SAMANTALA, tinangay din ng pinaghihinalaang katawan ang motorsiklo ng isang habal-habal driver habang nakaparada sa tapat ng kanilang bahay sa Purok 1 Mother Brgy. Kalanganan, Cotabato City.

Ayon sa biktimang si JACKSON PAGRANGAN ESMAEL, 32 anyos, pasado alas dos ng madaling araw kahapon nang marinig umano nito na may nagpa-andar ng kanyang itim na Honda motorcycle na may palakang MC 1575.

Dali-dali umano siyang lumabas ng bahay at nakita ang suspek na mabilis na pinaharurot at tinangay ang kanyang motorsiklo.

Gayunman, nakilala umano ni Esmael ang suspek na tumangay ng kanyang motorsiklo na ngayon ay pinaghahanap na ng mga otoridad.

 

-0-

 

MAGSASAKA at isang lalaki, patay sa nangyaring barilan sa Lake Sebu, South Cotabato.

AWAYAN SA lupa ang nakikitang motibo ng Lake Sebu PNP sa nangyaring duelo sa Sitio Kuloingal, Barangay Lamfugon, Lake Sebu, South Cotabato na ikinamatay ng dalawa katao.

Kinilala ang mga ito na sina Junie Mlaan, 32 anyos, isang magsasaka na residente rin ng nasabing lugar at si Danilo Andal, 23 anyos, residente naman ng Sitio Lambadak. Ayon kay Lake Sebu chief of police Major Johnnyrick Medel, bangkay na lamang ni Mlaan at Andal ang kanilang inabutan nang rumisponde sila crime scene.

Aniya, nagtamo ng maraming tama ng bala sa kanilang katawan ang mga biktima dahilan ng kanilang pagkamatay. Inihayag ng police official na walang nakasaksi sa insidente at wala rin silang nakitang person of interest na maaaring kasuhan kaya minabuti na nilang ideklara itong case closed.

 

-0-

 

DRIVER AT LABORER, kalaboso sa dalawang magkahiwalay na drug buybust operation ng kapulisan sa Koronadal City.

NAKATAKDA NANG sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang driver at laborer na naaresto sa magkahiwalay na drug buy-bust operation ng Koronadal City PNP kahapon.

Unang naaresto si Joel Apillera alyas Junior, residente ng Barangay Centralla, Surallah, South Cotabato mag-aalas dose nang tanghali kahapon sa Purok Spring 3, sa Barangay Morales.

Nakuha ng kapulisan mula sa suspek ang isang sachet na 0.06 grams at isa pang 2 grams ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng 21,000 pesos.

Pagsapit ng alas kwatro kahapon nang hapon, nahuli naman sa isa ring buy-bust operation si Nasrudin Delna alyas "Tong", 25 anyos, laborer na residente ng Barangay Madanding, Datu Abdullah Sangki, Maguindanao.

Narekober naman mula kay Tong ang siyam na sachets ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 34,000 pesos, isang ARMSCOR caliber 45 pistol na may anim na bala, at mga drug paraphernalia. Nasa kustodiya ngayon ng Koronadal City PNP ang dalawang drug suspects habang hinahanda ang kasong isasampa laban sa kanila.

 

-0-

 

Eskwelahan sa Kidawapan City wagi sa Climate Change Quiz bee ng DENR 12.

Nagpakitang gilas sa kanilang kaalaman sa pangangalaga sa mga likas yaman ang mga kinatawan ng iba’t ibang mga eskwelahan sa Soccksargen. Ito ay sa pamamagitan ng pakikihalok sa katatapos lang na Climate Change Quiz Bee ng Department of Environment and Natural Resources o DENR na ginanap sa General Santos City.

Kaugnay nito nangibabaw sa labinisang mga participating schools sa elementary level ang First place na Kidapawan City Elementary School. Second place ang HN Cahilsot Elementary School at third place ang Dadiangas Elementary School pawang nasa General Santos City.

Sa Secondary Category na nilahukan ng labinapat na mga eskwelahan pasok naman sa top three ang tatlong mga eskwelahan sa General Santos City. Ang mga ito ay ang first place na Fatima National High School, ang Second place na General Santos City Special Education Integrated School at ang third place na Straford International School.

Ang nasabing Quiz Bee ay kabahagi ng National Climate Change Consciousness Week Celebration. Ito ay ayon kay DENR 12 Regional Executive Director Sabdullah Abubacar.

Tema ng nasabing selebrasyon ngayong taon ang “Adopting for a Sustainable Future.” Kasama ng Environment and Management Bureau ng DENR 12 sa pagtaguyod sa Climate Change Quiz bee ang National Youth Commission, Climate Change Commission, United Nations International Children’s Emergency Fund at Yes Pinoy Foundation.

 

-0-

 

South Cotabato isinusulong na maideklarang drug free ng provincial government

Target ng pamahalaang panlalawigan na madekalara na ring drug free ang buong South Cotabato. Ayon kay Governor Reynaldo Tamayo Jr, ito ay matapos ideklara ng Philippine Drug Enforcement Agency na drug-free ang dalawang mga bayan sa lalawigan.

Ipinahayag ni Tamayo na inaasahan nitong makapagsumite na ng kanilang drug clearing requirements ang walo pang mga bayan sa South Cotabato sa susunod na buwan. Umapela din si Tamayo sa mga mamamayan na makipagtulungan sa pamahalaan.

Ito ay upang tuluyan nang maresolba ang problema sa iligal na droga sa lalawigan. Matatandaan na magkasunod na ideklarang drug free ng PDEA noong nakaraang lingo ang mga bayan ng Tantangan at Surallah sa South Cotabato.

Ayon kay PDEA 12 Regional Director Naravy Duquiatan maidedekalrang drug ang isang lugar kung walang nagbebenta, gumagamit at nagpapasok ng iligal na droga.

 

-0-

 

HEADLINE: Bilang sa kaso ng pang-aabuso sa mga kabataan sa South Cotabato, bumaba.

BAHAGYANG bumaba ang kaso ng pang-aabuso sa mga kabataan sa lalawigan ng South Cotabato ngayon kung ikukumpara sa kaparehong period noong nakaraang taon.

Inihayag ni Police Lt. Jojie Alog ng Womens and Childrens Protection Desk ng South Cotabato Police Provincial Office na bumaba na lamang sa 137 ang insidente ng pang-aabuso ngayong taon mula sa 216 noong nakaraang taon.

Kabilang sa klase ng pang-aabuso sa mga kabataan ang pagmolestya o rape, child prostitution, physical injuries at iba pa. Kinumpirma ni Alog na bumaba rin ang bilang ng rape cases sa lalawigan kung saan mga kabataan ang nagiging biktima.

Karamihan din umano sa mga suspek ang naaresto at nasampahan agad ng kaso. Inihayag ni Alog na katuwang ang Social Welfare and Development Office, patuloy ang kanilang information campaign para tuluyang masugpo ang pang-aabuso sa mga kabataan sa South Cotabato.

 

-0-

 

HEADLINE: Bangkay ng isang lalaki, natagpuan sa Polomolok, South Cotabato.

Nananawagan ngayon ang Polomolok PNP sa kung sinuman ang may kaanak na nawawala, na agad makipag-ugnayan sa kanilang himpilan o sa South Cotabato Provincial Police Office.

Ito ay matapos matagpuan ang bangkay ng isang lalaki alas sais nang umaga kanina sa pinyahan na sakop ng Purok 4, Barangay Polo, Polomolok, South Cotabato.

Ayon kay Polomolok Chief of Police Lt. Col. Marvin Duadua, nakita ng residente na si Rogelio Tabiling ang lalaki kaninang umaga na nakabulagta, may mga saksak sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan, nakatali ang mga kamay at wala nang buhay.

Agad itong nakipag-ugnayan sa mga opisyales ng Barangay Polo na siya namang tumawag sa Polomolok PNP na agad ring rumisponde sa area. Base sa paglalarawan ni Duadua, nakasuot ng kulay asul na chequered polo at short pants ang lalaki na tinatayang nasa 5'5 hanggang 5'7 ang tangkad.

Wala na rin umanong cellphone, wallet o anumang gamit ang biktima nang kanilang inabutan kaya hindi pa nila ito nakikilala. Sa ngayon ay nasa punerarya na ang mga labi ng biktima at naisailalim na rin sa post mortem examination.

 

-0-

 

MGB at Philvocs, kailangan pa umanong magsagawa ng re-assessment sa mga lugar na una ng ideneklarang No Build Zone sa bayan ng Makilala, Cotabato

Magsasagawa pa ng re-assessment ang Mines and Geosciences Bureau at ang Philvocs sa mga lugar na ideneklarang “high risk area” sa bayan ng Makilala, North Cotabato.

Nabatid na apat na mga Barangay mula lamang sa Makilala ang ideneklarang No build Zone na ibig sabihin bawal ng bumalik at pagtayuan ng bahay o istruktura ang lugar.

Ayon kay Municipal Administrator Sheryl Orbita, nagpalabas anya ng listahan ang MGB at Philvocs sa mga lugar na high risk dahil sa banta ng pagguho ng lupa kapag may lindol.

Sa halip anya na No build Zone ay high risk na ang ginamit na terminolohiya sa ilang mga lugar sa bayan ng Makilala.

Pagkatapos ng isasagawang re-assessment ng MGB sa naturang mga lugar ngayong linggo ay saka ng pagpapalabas ng pahayag ang Makilala LGU kung maari o hindi pa maaring makabalik ang mga bakwit sa kani-kanilang lugar.

Personal na binisita naman kahapon ni North Cotabato Governor Nancy Catamco ang ilang mga lugar sa bayan na ideneklarang No Build Zone upang makita ang tunay na sitwasyon sa lugar. Samantala, labin-isang mga paaralan pa ang hindi nakabalik sa klase dahil ginagamit pa bilang mga evacuation centers ang kanilang paaralan.

Inaayos na lamang ng lokal na pamahalaan ang mga lugar na temporaryong paglilipatan ng mag IDp’s at upang makapgsimula na sa kanilang klase sa susunod na lunes ang mga mag-aaral. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Babaeng wanted dahil sa patong- patong na kaso, arestado sa Kidapawan City

Inaresto ng mga pulis ang isang babae na may kinakaharap na kaso sa Barangay Sudapin, Kidapawan City kahapon. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Evelyn Sistosa- Singco ng Regional Trial Court Branch 53 ay inaresto ang target na kinilalang si Ronella Castillo Dimaano, 48 anyos, may asawa at nakatira din sa lugar.

Ang operasyon ay isinagawa ng City PNP, Criminal Investigation Detection Group -North Cotabato Field Office (CIDG), Regional Mobile Force Batallion 1203rd Company (RMFB-1203rd) kahapon ng hapon.

Siya ay nahaharap sa kasong illegal recruitment in large scale estafa at attempted Qualified Trafficking in persons. 150, 000 ang itinakdang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan para sa kasong Attempted Trafficking habang wala namang itinakdang piyansa ang korte kasong Illegal recruitment.

Siya ay nakapiit na ngayon sa custodial facility ng City PNP at kakaharapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Pagdedeklara ng No Build Zones sa ilang lugar sa Kidapawan City, hindi paglabag sa karapatan ng mga IP’s na nakatira sa lugar – ayon sa alkalde ng lungsod

Tama at nakabase sa katotohanan ang pagdeklara ng mga No Build Zones sa mga lugar na sinalanta ng nakaraang tatlong malalakas na lindol na tumama sa Kidapawan City.

Sa official statement ni City Mayor Joseph Evangelista, bagamat nirerespeto ng alkalde ang naunang pahayag ni North Cotabato Governor Nancy Catamco na dapat ng pabalikin ang mga IP’s na nakatira sa kanilang ancestral domain areas na sinira ng mga lindol na ideneklara ding No build Zone.

Giit ng alkalde na hindi dapat masakripisyo ang kaligtasan at buhay ng mga mamamayang nakatira sa mga No Build Zones dahil peligroso dahil sabanta ng pagguho ng lupa na maaring mangyari sa panahon ng lindol at tuloy tuloy na mga pag-ulan.

Dagdag pa niya, ang paglalagay ng No Build zones ay hindi paglabag sa karapatan ng sino man sa kanilang lupain. Ito ay taliwas sa mga sinasabi ng iilan na nilalabag ng City LGU ang karapatan ng mga pamilyang nadisplaced ng lindol sa kanilang mga lupain.

Bagkus, maari naman anya silang magsaka at maghanapbuhay sa lugar basta't huwag lamanng sila titira doon para na rin sa kanilang kaligtasan.

Nakipagtulungan ang City LGU sa Mines and Geosciences Bureau ng DENR at Phivolcs para matiyak na ligtas ang mga lugar na paglilipatan at tirhan ng mag residente mula sa lugar.

Kanya ng inirekomenda sa Sanggunian Panlungsod ang pag amyenda sa Comprehensive Land Use Plan at Zoning Ordinance base na rin sa findings ng MGB at Phivolcs.

Tiniyak naman ng alkalde na ang mga desisyon ng City Government hinggil sa pagkakaroon ng No Build zones ay naa-ayon sa pagsusuri ng mga eksperto at hindi nagmula sa mga sabi sabi lang ng iilang mga indibidwal. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Alkalde ng Kidapawan City, ipinaliwanag kung bakit walang natatanggap na tulong ang ilang mga home-based evacuees sa lungsod

Ipinaliwanag ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista kung bakit hindi na kailangan ng mga relief items ng mga home-based evacuees na nasa barangay Ilomavis, Kidapawan City.

Ito makaraang iparating sa Radyo Bida ng ilang mga residenteng bakwit mula sa Purok 1 at 2 ng nasabing barangay na isang beses lang umano silang nakatanggap ng tulong mula sa City Government makaraang tumama ang malakas na lindol.

Anila, umalma umano sila dahil maraming beses nang nakatanggap ang mga nasa evacuation camp ng Ilomavis mula sa gobyerno at maging sa mga pribadong grupo na namigay ng relief goods, pero hindi anila sila nabigyan ng parehong tulong.

Pero ayon sa alkalde, nag close-camp na aniya ang ilang mga barangay sa Kidapawan City, ibig sabihin ay bumalik na ang mga ito sa kani-kanilang mga bahay at bumalik na rin sa kanilang pangkabuhayan.

Ang mga ito raw ayon kay Evangelista ay hindi na tumanggap ng tulong mula sa LGU dahil mas prayoridad aniya mga mas labis na naapektuhan gaya ng mga nakatira sa idenaklarang No Build Zone ng Mines and Geosciences Bureau o MGB at ng PHIVOLCS.

Dagdag pa nito na matagal na aniyang inabisuhan ang mga ito na bumalik na sa kanilang mga bahay dahil bumabalik na rin sa normal ang lahat matapos ang bumababang bilang ng aftershocks. Ipinaliwanag din ng alkalde na kung bibigyan ang lahat ng mga home-based evacuees ay hindi na kakayanin ng gobyerno ang pagbibigay ng tulong sa halos walong libong mga pamilya.

Unfair din aniya ito sa mga bumalik na sa kanilang mga tahanan at hindi na tumanggap ng tulong mula sa city government. 

Samantala, nakatakda namang pulungin ni Evangelista ang mga pamilya apektado ng No Build Zone upang pag-usapan ang relocation site ng mga ito. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

North Cotabato Governor, nais palitan ang ‘Serbisyong Totoo’ Tagline

Sa pamamagitan ng isang memorandum, iniutos ni North Cotabato Governor Nancy Catamco ang pagpapatanggal ng ‘serbisyong totoo’ tagline sa lahat ng mga sasakyan na pagmamay-ari ng provincial government.

Maliban sa mga sasakyan, nais din ng bagong balik na gobernadora na tanggalin ang mga signage na may nakalagay na serbisyong totoo sa compound ng kapitolyo. Nais ni Catamco na imbes ‘serbisyong totoo’ ay palitan ito ng katagang ‘North Cotabato Province’.

Samantala, hati naman ang opinyon ng taumbayan hinggil sa nasabing usapin. May pumapabor sa naging hakbang ng gobernadora at nagsasabing tama lang na ‘North Cotabato Province’ ang ilagay dahil pag-aari naman talaga ito ng probinysa.

May ilan naman na nagsasabing, mas dapat muna nitong pagtuunan ng pansin ang mga apektado ng lindol bago ang nasabing hakbang. Matatandaang una nang iniutos noon ni Catamco matapos manalo sa eleksyon, ang inventory sa lahat ng mga sasakyan na pag-aari ng probinsya.

Nabatid din na daan-daang mga green multicab na pag-aari ng gobyerno ng North Cotabato ay may nakasulat na ‘serbisyong totoo’- siyang tagline naman ni dating governor at ngayo’y North Cotabato Vice-governor Lala Taliño-Mendoza. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Livelihood Assistance hiling ngayon ng mga residente sa gobyerno matapos na matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang sakahan dulot ng lindol sa isang Barangay sa Makilala, North Cotabato

Bukod sa mga pagkain at gamot ay hiling din ngayon ng mga residente ng Barangay Luayon sa Makilala, North Cotabato ang tulong pangkabuhayan matapos itong maapektuhan ng nagdaang lindol.

Ayon kay Barangay Luayon Chairman Rably Ramirez, na rubber tapper ang halos lahat ng residente ng kanyang barangay kung saan umaasa lamang ang mga ito sa sakahan ng goma.

Pero maging ang kanilang hanap buhay ay hindi pinalagpas ng lindol matapos itong matabunan ng gumuhong lupa at ang iba dito ay hindi na mapapakinabangan pa. VC-CHAIRMAN Si Barangay Luayon Chairman Rably Ramirez.

Sa ngayon ay may ilang mga residente ang bumabalik tuwing araw sa kanilang mga sakahan sa naturang barangay at umuuwi naman pagsapit ng gabi sa evacuation center. Pansamantalang nananatili ang mga residente ng Luayon sa evacuation site sa Malasila Elementary School.

Nakatakda naman silang ilipat sa Sitio Flortam Barangay Batasan sa lupang pagmamay-ari ni Congressman Rudy Caogdan. Magtatayo rin ng Temporary Learning Shelter sa lugar upang muling makabalik sa eskwelahan ang mga mag-aaral. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

NATIONAL NEWS………………….

 

Nakitaan ng polio virus ang higit dalawang dosenang environmental samples mula sa National Capital Region at Davao City.

Bunsod nito ay pinag-iingat ni Health Secretary Francisco Duque III ang mga magulang matapos makitaan ng poliovirus ang mga kanal, estero, lagusan ng tubig at water treatment plants sa 25 lugar sa NCR at isa sa Davao City.

Batay sa pagsusuri ng Department of Health– Research Institute for Tropical Medicine at National Institute of Infectious Diseases ng Japan, type 1 at 2 ang uri ng poliovirus.

 

Posible rin umanong nag-mutate na ang poliovirus.

Dahil dito, muling hinikayat ni Duque na pabakunahan ng mga magulang ang kanilang mga anak edad limang taong gulang pababa.

Sa iba pang balita, Nasa dalawang libong mga simbahan at unibersidad sa bansa ang nakiisa sa ‘Red Wednesday’ Campaign kagabi.

Idinaos ang mga Banal na Misa at inilawan ng kulay pula ang harapan ng mga simbahan at paaralan.

Ang Red Wednesday ay inilunsad ng grupong Aid to the Church in Need o ACN bilang pagpapakita ng pagkakaisa laban sa nagaganap na pang-uusig sa mga Kristiyano sa iba’t ibang bansa.

Ang pula ay ang Christian color ng martyrdom.

Sentro ng paggunita sa Red Wednesday ngayong 2019 ang Manila Cathedral.

Sa Pilipinas, hindi bago ang Christian persecution at isa sa mga pinakahuling kaganapan na kontrobersyal ay ang Marawi Siege.

Sa kabilang dako, nalampasan ang “billion-peso mark” sa revenue collection ng anim na Land Transportation Office o LTO regional offices nitong Oktubre.

Ayon sa Department of Transportation o DOTr, ito ay kasunod ng pagsusulong ni LTO Chief Assistant Secretary Edgar Galvante ng ‘technology-driven’ transactions sa ahensya.

Sa tulong ng gabay ni Transportation Secretary Arthur Tugade, natiyak ang mas sistematiko, maginhawa at mas mabilis na pag-proseso ng mga transaksyon sa ahensya.

Ang mga LTO regional office na naabot ang “billion-peso mark” ay ang NCR-East, NCR-West LTO-3, LTO 4-A, LTO-7 at LTO-6.

8th fire hits Kabacan, North Cotabato in 6 days

KIDAPAWAN CITY  – A fire of still unknown origin razed to the ground four business establishments and a boarding house in Kabacan, North...

Livelihood training in poorest Mindanao provinces slated in 2020

DAVAO CITY -- A team of agriculture experts will conduct a lecture series on livelihood projects targeting Mindanao's poorest provinces,...

New 602nd Brigade chief vows intensified drive vs. terrorists

CAMP LUCERO, North Cotabato – A seasoned military officer from the office of Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana has...

In Maguindanao, Sen. Bong Go opens 53rd Malasakit Center

DATU HOFER, Maguindanao (Dec. 6) – Another “Malasakit Center” has been added to a pro-poor health program that aims to prove the...

Soldiers seize another Dawlah Islamiya arms cache

MAGUINDANAO --- Soldiers seized Thursday assault rifles, an anti-tank rocket and explosives scattered in an abandoned Dawlah Islamiya lair...