Tuesday Mar, 31 2020 09:49:45 AM

NDBC BIDA BALITA Nov. 27, 2015

Breaking News • 21:22 PM Fri Nov 27, 2015
1,079
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

NOVEMBER 27, 2015
(FRIDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Walong miembro ng armadong grupo,
para sa military operation sa Palimbang, Sultan Kudarat.

2. Suspect sa grenade attacks sa Kabacan, North Cotabato, naaresto sa police raid

3. Municipal Agriculturist ng President
Roxas LGU, patay sa pamamaril

4. Bangkay ng lalaki natagpuan sa
Norala, South Cotabato

5. Bagong market building ng Sultan Kudarat, Maguindanao, pinasinayaan ni ARMM Gov. Hataman

Local………………..

NILINAW ngayon ng militar na hindi mga
miembro ng ISIS ang walong mga armadong lalaking nasawi sa isang military
operation sa Sitio Sinapingan, Brgy. Butril, Palimbang, Sultan Kudarat, kahapon
ng madaling araw.

Nilinaw ni Western Mindanao Command
spokesperson Army Major Felimon Tan na ang grupo ni Kumander Tokboy Maguid ay
mga symphatizer lang ng teroristang ISIS.

Aniya, ang operasyon ng Philippine
Marines Battalion Landing Team 6 ay inilunsad laban sa grupo ni Maguid na
sangkot sa mga kaso ng pagnanakaw, pangingikil at iba pang krimen.

Tumagal ng halos pitong oras ang
palitan ng putok at pagkatapos ng engkwentro ay nagsagawa na ng clearing
operations ng mga militar, kung saan narekober ang pitong bangkay ng mga
suspek.

Sinasabing dalawa sa pitong nasawi ay
mga Indonesian national, kung saan batay sa inisyal na imbestigasyon, kinilala
ang isa na si Ustadz Abdul Fatah, subalit patuloy pa itong bineberipika.

Maliban kay Fatah, kinilala rin ang
ibang namatay na sina Kira Sadiwang, na residente ng Brgy. Kulong-kulong ng
naturang lugar Ustadz Abdul Halim, at Patu Sumail, habang ang iba naman ay beneberipika
pa ang pagkakakilanlan.

Narekober sa lugar ang sampung ISIS
flags, iba't ibang mga klase ng mga baril, solar panel, at ATM cards.

Samantala, patuloy naman ang
imbestigasyon ng mga pulis at sundalo sa mga bangkay ng suspek.

Nabatid na si Kumander Tokboy Maguid ay
dating miyembro ng 105th base command ng MILF ngunit tumiwalag at ngayo'y isa
nang ISIS sympathizer. Local...Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Kabacan PNP at provincial public safety battalion apat katao na pinaniniwalaang may kinaalman sa serye ng grenade attack sa Kabacan, North Cotabato.Sinabi ni North Cotabato police director Senior Supt. Alexander Tagum na naaresto ng PNP si Derby Gani, alias Commander Derby and ‘Manok’ sa kanyang tahanan saBarangay Lower Paatan, Kabacan. Ang raid ay ginawa alas 3 ng madaling araw kanina na naresulta rin ng pagkaaresto ng apat na iba pa. Si Gani ay pinaniniwalaan din na responsable sa serye ng pambobomba sa mga tore ng National Grid Corporation of the Philippines sa Pikit, North Cotabato at Pagalungan sa Maguindanao.Nakuha mula kay Gani ang dalawang baril atgranada. Ang mga baril ay pag-aari ng PNP at nakaisyu sa dalawang police na naka-assign sa lalawigan. Si Gani ang itinuturong suspect sa limang magkakasunod na grenade attack sa Kabacan na ikinasugat ng anim katao. Local …………………

HULI sa drug
buy bust operation ang isang itinuturing na big time drug pusher sa North
Cotabato.

Pasado alas
kwatro kaninang umaga nang maaresto ang suspek na si Dres Indayla, 38 years old
at isang dating sundalo.

Si Indayla ay
nadakip sa joint operation na inilunsad ng Midsayap PNP, Philippine Drug
Enforcement Agency at Regional Public Safety Batallion sa barangay Nalin,
Midsayap, North Cotabato.

Sinabi ni Midsayap
PNP chief police Supt. Gilbert Tuzon na nakuha mula kay Indayla ang 35 sachets
ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit 30 libong piso.

Nakumpiska
rin mula sa suspek ang isang hand grenade, dalawang rolyo ng marijuana at iba
pang mga drug paraphernalia.

Inihahanda na
ang kaso laban kay Indayla at posibleng mailipat na ito sa Amas Provincial Jail
ngayong araw.

Ang One Time,
Big Time drug operation ay bahagi ng programa ni North Cotabato PNP Director
Police Sr supt Alexander Tagum

Local……………….

SIMULA
na nang paghahanap ng mga talentadong Cotabateño para sa taunang Bida sa
Parokya ng Immaculate Conception Cathedral o ICC parish, katuwang ang DXMS AM
Radyo Bida.

Sinabi
ni project in-charge, Jeff Mendez na magkakaroon ng audition bukas, November
28, sa ganap na alas tres ng hapon hanggang alas singko sa NDSAC Gymnasium.

Maaaring
mag audition ang mga magaling kumanta edad 18 –years old pataas.

May
audition din para sa mga dance group, na may hanggang limang miembro, edad 15
years old hanggang 25 years old.

Ayon
kay Mendez, ang mga papremyo sa naturang patimpalak ay mula naman kay city
mayor Japal Jojo Guiani at Atty. Cynthia Guaini-Sayadi.

Ang
final showdown of talents sa Bida sa Parokya ay mangayayari sa December 5,
Sabado, sa ganap na alas sais ng gabi sa NDSAC Gym.

Ito ay
kaugnay naman ng week-long celebration ng Pista ng Imaculada Concepcion, ang
patron ng lungsod ng Cotabato.

Local…………………..

PINANGUNAHAN
ni Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM Governor Mujiv Hataman ang
pagpapasinaya sa isang market building sa Sultan Kudarat, Maguindanao.

Ang
naturang gusali na nasa kanto ng Cotabato-Davao at Cotabato-Marawi Highways, ay
isa sa mga development project ni Sultan Kudarat Mayor Shameem Mastura.

Ang
nabatid na ang pondong ginamit para sa konstruskyon ng naturang market building
ay mula sa tanggapan ni Hataman at may counterpart din ang Sultan Kudarat local
government unit.

Tinatayang
nasa 161 million pesos pa ang inilaang pondo ng ARMM government para sa iba’t
ibang mga infrastructure project sa bayan ng Sultan Kudarat sa susunod na taon.

Sinabi
ni ARMM public works secretary Engineer Don Mustapha Loong na kabilang pa sa mga
proyektong ipatutupad sa bayan ay ang arterial road networks na magdurugtong sa
mga malalayo at liblib na barangay sa bayan patungong national highway.

Malaki
naman ang pasasalamat ni mayor Mastura dahil tanging ang Hataman administration
lang ang naglaan ng maling pondo para sa mga proyekto sa bayan.

Ito
aniya ay lubos na makatutulong sa kanyang mga kababayan para mas mapabilis ang
transportasyon ng kanilang mga produkto patungo sa merkado.

HULI ang apat na mga itinuturing na, ‘big time supplier’ ng shabu sa North Cotabato sa isinagawa na, One Time, Big Time” operations ng PNP, kanina.
Sa Kidapawan City, ‘di na nakapalag ang 35-anyos na si Melvin Canete alias Molong ng Encabo Subdivision, Barangay Lanao, nang pasukin ng mga operatiba ng PNP ang kanyang hideout, alas-tres ng madaling araw.
Nakuha mula sa kanya ang 10 sachet ng shabu.
Sa Tulunan, North Cotabato, huli sa operasyon ng PNP ang dalawang mga residente ng La Esperanza.
Kinilala ang mga ito na sina Faisal Tawalang at Jack Mangko ng La Esperanza na itinuturing din na mga big time supplier ng shabu.
Sa Makilala, huli rin ang ilang mga drug suppliers s, One Time, Big Time Operations.”
Nagsagawa rin ng kahalintulad na operasyon ang PNP sa bayan ng Kabacan na itinuturing na pinakamalaking, ‘bagsakan’ ng shabu na nagmumula sa Cotabato City at Maguindanao.
Naniniwala ang PNP na kapag tuluy-tuloy ang kampanya nila kontra droga, unti-unti, mababawasan o kung hindi man ay titigil na ang mga sangkot sa naturang sindikato sa kanilang mga operasyon sa lalawigan ng North Cotabato. Local...KUNG si Cotabato 2nd district Representative Nancy Catamco ang tatanungin, ang salitang, LUMAD”, ay hindi nagmula sa mga katutubo.
Ito ay salitang hiram na mula sa Cebuano.
Pero simula pa noong 1986 ay ginagamit na ang salitang, LUMAD, para itawag sa mga katutubo o indigenous peoples o IP sa Mindanao. NANINIWALA si Catamco na naaabuso nga ang salitang, ‘LUMAD’.
Kaya’t tama lamang na gamitin ang tamang terminolohiya para ilarawan o itawag sa kanilang lahi.
Ito raw ang isinasaad ng Indigenous Peoples Rights Act o IPRA. NITO’NG November 19, nagmiting sa Tagum City ang higit 100 mga lider ng mga katutubo at mga opisyal ng National Commission on the Indigenous Peoples para talakayin ang naturang isyu.
Gayunman, di sila nagkasundo kung ano ang dapat na itawag sa kanilang tribo.
Local...Hindi na umabot sa kanyang opisina ang municipal agriculturist ng President Roxas LGU matapos pagbabarilin ng di pa kilalang suspek pasado alas syete ng umaga kahapon.Kinilala ng President Roxas PNP ang biktima na si Antonio Cuaresma Doton,52 anyos.Ayon sa report, galing Kidapawan City ang biktima sakay ng kanyang Yamaha 125 na may license plate MC18371 kulay itim at puti patungo na sana sa kanyang trabaho pero pagdating nito sa brgy. Labuo ng bayan ay dito na siya pinagbabaril ng suspek na sakay naman sa isang Bajaj motorcycle na kulay pula.Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa kanyang katawan gamit ang kalibre .45 na baril base na rin sa mga basyo ng bala na narekober sa crime scene.Inaalam pa ngayon ng PNP ang motibo sa krimen habang nangangalap pa sila ng dagdag na impormasyon para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakahuli sa mga suspek. Abot sa 677 na mga scholars ang nagtapos kahapon sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA Scholarship Program sa North Cotabato.Kabilang sa mga kursong kinuha ng mga ito ay dressmaking, computer hardware servicing, driving, mula naman sa ibat ibang tesda accredited training schools sa lalawigan.Kasabay ng naturang pagtatapos ang pagbisita rin ni dating TESDA Director-General Joel Villanueva.Sa kanyang mensahe, ibinida ni Villanueva na sa loob ng kanyang termino bilang kalihim ng TESDA ay umabot sa 72 percent na nag-aaral sa ilalim ng naturang programa ang nabigyan ng trabaho sa buong Pilipinas habang 80% naman sa 1906 scholars ang nabigyan ng oportunidad na makapagtrabaho mula sa mga scholars sa North Cotabato.Sa mga nagtapos kahapon, naniniwala si Villanueva na handa na ang mga ito na magtrabo sa kanilang mga napiling bokasyon.Samantala sa isinagawa namang press conference kahapon sa Provincial Capitol, Kidapawan City, dito ibinunyag ni Villanueva ang ilan sa kanyang priority bill sakali mang magkaroon ng posisyon sa Senado.Isa na rito ang Trabaho Bill na ang pinakalayunin ay mabigyan ng mas malaking pondo ang TESDA at gagawing institutionalized ang mga programa sa ilalim nito.Una nang nagbitiw noong October 9, 2015 si TESDA director-general Joel Villanueva sa Gabinete ni Pangulong Aquino bilang paghahanda sa pagtakbo nito bilang senador sa ilalim ng Liberal Party sa 2016 elections.
Local...Naniniwala si Marloun Gumbao ang City Treasurer ng Koronadal na mas maraming mga mamamayan ang naging responsable sa pagbabayad ng kanilang real property tax o RPT.
Ito ayon kay Gumbao ay dahil na rin sa auction sale ng lokal na panahalaan sa mga ari arian na may bayarin sa kanilang buwis.
Sa katunayan ayon kay Gumbao, sa mahigit animnapung mga ari arian na ipinasubasta ng city treasurer’s office, mahigit sa kalahati sa mga ito ang na-redeem ng kanilang mga may ari kahapon.
Nabatid na dalawamput siyam sa mga ipinasubastang ari arian ang matagumpay na naipa-bid ng lokal na pamahalaan.
Ang mga ito ayon kay Gumbao ay nagkakahalaga ng mahigit dalawang daang libong piso.
Ito na ang ikalimang pagsubasta ng city treasurers office sa mga ari arian o lupain na may bayarin sa tax sa Koronadal City. Patay ang sitenta’y otso anyos na Lolo nang maaksidente sa minamanehong motorsiklo sa Koronadal City.
Kinilala ng KOronadal City PNP ang biktima na si Virgilio Canoy, residente ng Morrow St. Barangay Zone 2, Koronadal.
Ang Yamaha Mio motorcycle na may license plate LC 64681 na minamaneho ni Canoy ay aksidenteng nabangga ng SYM Motorcyle na may license plate LA 8053 sa intersection ng General Santos Drive at Aquino St, dakong alas singko sinkwenta ng umaga kahapon.
Ang biktimang si Canoy na nagtamo ng grabeng mga sugat ay nasawi habang ginagamot sa isang pribadong ospital Socomedics Hospital.
Kinilala naman ang driver ng SYM motorcycle na nakabangga sa sa biktima na si Arnold Molinos, biente dos anyos, na ginagamot naman sa Doctors Clinic and Hospital dahil din sa mga sugat na natamo nito.
Ang insidente ay patuloy pang iniimbistigahann ng Koronadalal City PNP. Local...NAGSUNTUKAN ang dalawang IP Leader sa bayan ng Banga.
Kinilala ng Banga PNP ang umanon’y ang sinuntok na tribal leader na si Datu Samuel Dasan, 59 anyos at residente ng Barangay Rang-ay, Banga.
Sa kanyang sumbong sa pulisya, ipinahayag ni Dasan ang umanoy pagsuntok sa kanya ni Councilor Arnel Wanan ang Indigenous Peoples Mandatory Representative o IPMR sa bayan. Ayon kay Dasan nito matanggap ang mga sinabi ni IPMR Wanan nang marinig nito ang interview ng Radyo Bida na hindi umano sya tunay na lider ng tribu dahil sa kawalan ng validation ng NCIP o national Commission on the Indigenous People. Ito umano ang nag-udyok sa kanya para kausapin ang opisyal habang naka recess ang session ng Sangguniang Bayan kamakalawa.
Nagkaroon naman umano ng mainitang pagtatalo ang dalawa na humantok sa panununtok umano ni Wanan kay Dasan.
Sinabi naman ni IPMR Arnel Wanan, na hindi totoo na sya ang unang sumuntok kay Dasan. Binigyan diin ni Wanan na si Dasan ang naunang sumuntok dahil galit na ito nung lumapit sa kanya. Sa katunayan ayon kay Wanan tumulong pa nga sina Councilor John Rosete at Councilor Elmer Aguirre para mapigilan ang gulo. Bukas naman ang kampo ni Councilor Arnel Wanan na makipag-usap sa kampo ni Datu Dasan para ma resolba ang nasabing isyu.
Ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang IP leaders ay nagsimula sa pagpapatanggal umano ng tribu kay Wanan bilang IPMR Representative sa bayan ng Banga. Local...Tukoy na ng mga pulis ang pagkakakilanlan sa bangkay na natagpuan na nakalutang sa NIA kanal sa barangay Kibid, Norala, South Cotabato kahapon ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Johnson Quirol, kwarenta anyos at residente ng kalawag dos, Isulan, Sultan Kudarat.
Si Quirol ayon kay Police Senior Ispector Dennis Madriaga, ang chief of Police ng Norala, ay kinilala mismo ng kapatid at live in partner nito.
Inihayag ni Madriaga na ang mga labi ng biktima ay may tama ng bala ng di pa matukoy na uri ng armas sa kanyang panga at nakatali ang dalawang kamay. Inihayag ng police official na posibleng pinaslang sa ibang lugar ang biktima at tinangay na lamang ng malakas na agos ng tubig sa irrigation kanal sa barangay Puti.
Kinumpirma din ni Madriaga na ang biktimang si Quirol ay kalalabas pa lamang sa Sultan Kudarat Provincial Jail dahil sa pagkakasangkot sa illegal na droga.
Gayunpaman ayon kay Madriaga nagpapatuloy pa ang kanilang imbistigasyon para matukoy kung sino ang mga suspek at ano ang motibo ng mga ito sa pagpatay sa magsasakang biktima. Local...Nakinabang sa CLEAN Gensan Family Card ang mahigit sa dalawang libong mga residente sa General Santos City.
Ang mga ito ay mula sa labinanim na mga barangay sa lungsod.
Layon ng programa na mabigyan ng access sa mga social benefits ang mga mahihirap na mamayan sa lugar.
Kabilang sa mga ito ang benipisyo sa Philhealth, Social Security System at Red Cross.
Ang mga napili para maging benipisyaryo ng programa ay nakapagpatala sa Integrated Barangay Affairs o IBA ng city government.
Ang IBA ang namamahala sa pagpapatupad ng CLEAN Gensan Family Card.
Ayon kay Sahara Cabreros, ang IBA Action Officer, target ng lokal na pamahalaan na mabigyan ng CLEAN Gensan Card ang labinanim na libo katao bago magtatapos ang 2015.

3 Cotabato Towns chosen pilot areas for rolling tienda

KIDAPAWAN CITY - Mindanao Development Authority (MINDA) Chairman Emmanuel Piñol paid a visit to Governor Nancy A. Catamco’s office today March 30...

Cop wounded in attack by curfew violators

COTABATO CITY --- Three quarantine curfew violators whom barangay officials reprimanded for refusing to go home wounded a police corporal in an...

"Rolling stores" dispatched to Lanao del Sur towns   

COTABATO CITY - The Lanao del Sur provincial police office today launched its “rolling stores” from where people in far-flung towns can buy cheap...

BARMM turns one: Shaping the new bureaucracy in the Bangsamoro

COTABATO CITY - As the Bangsamoro region faces a pandemic crisis, the quest towards moral governance continues.

A year ago today, a decades...

Datu Anggal LGU buys farmers' vegetables, rations it to town's indigents

COTABATO CITY -  While they are helping local residents by providing food relief at the midst of crisis from community quarantine due to pandemic...