Saturday Dec, 07 2019 12:02:47 PM

NDBC BIDA BALITA (Dec. 2, 2019)

NDBC BALITA • 06:30 AM Tue Dec 3, 2019
130
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

DECEMBER 02, 2019 (MON)
7:00 AM

HEADLINES:

1. Graduate ng USM-KCC, Top 1 sa LET examination; 3 graduate ng NDMC pasok sa Top 10

2. 65 billion pesos na proposed budget ng BARMM para sa susunod na taon, lusot na sa Bangsamoro Parliament.

3. BATAY, patay matapos malunod sa septic tank sa Kabacan, North Cotabato.

4. IMBESTIGASYON sa pondo at kapalpakan ng organizers ng 30th Southeast Asian Games, tuloy daw, ayon sa Malacañang.

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA

 

 

-0-

 

Graduate sa USM-KCC, top 1 sa Secondary Licensure Exam for Teachers.

Top 1 sa katatapos lamang na Secondary Licensure Examination for teachers ang graduate ng Universtiy of Southern Mindanao, Kidapawan City Campus. Kinilala itong si Marlou Pugoy Camano na taga Barangay Poblacion Magpet, Cotabato.

Si Camano ay graduate ng kursong Bachelor of Secondary Education Major in Mathematics sa USM-KCC. Bunsong anak ni Vivien Pugoy Camano at Felipe Camano si Marluo na nagtapos bilang valedictorian sa Apostol Memorial Central Elementary School o AMCES at maging sa Magpet National High School.

Si Marlou ay nakakuha ng 93.40% sa LET Exam na isinagawa noong buwan ng Setyembre nitong taon. Maliban kay Marlou, iba pang taga USM ang pasok din sa top10 na sina Glendel Cayabyab na nasa ika-siyam na pwesto, na nakakuha ng 90.80% , top 10 naman sina Kristony June T. Gomez at Christine Mae Soliva na parehong nakakuha ng 90.60%.

Iba ring mga top notcher mula sa North Cotabato tulad ninan Albert Ryan Garcia Eliseo na nasa top 3 mula sa Southern Christian College, Midsayap na nakakuha naman ng 92.20%. Top 8 si Angelo Paculio Florague na nakakuha ng 91% mula sa Notre Dame of Midsayap College at top 10 si Genevieve Revilla Perez na may 90.60% at mula sa Notre Dame of Kidapawan College Abot sa 54,179 na mga secondary teachers ang nakapasa mula sa 136,523 na kumuha ng exam.

Habang sa Elementarya, abot sa 28,973 na mga teachers ang nakapasa sa exam mula sa 92,4403 na kumuha nito. Top 3 si Gybrille Rosse Galvan Ferolin na may 91.40% at top 7 si Adrian Turbanos Obeñita na may 90.40. Ang dalawa ay mula sa Notre Dame of na mula naman sa UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO- KABACAN

 

-0-

 

 

LUMUSOT NA sa ikatlo at huling pagbasa ang 65-billion pesos na proposed budget ng Bangsamoro Autonomous Region o BARMM para sa susunod na taon.

Sa katatapos ng Bangsamoro Parliament hearing sa Bill 31 o An Act Appropriating Funds for the Operations of the Bangsamoro Government, naaprubahan ang naturang panukala pondo kung saan 48 na mga miembro ng Parliament ang pumabor, isa lamang ang sumalungat habang lima naman ang nag-abstain.

Ikinatuwa naman ni Bangsamoro government Interim Chief Minister Ahod Ibrahim ang naging resulta ng pagdinig at pinasalamatan ang mga miembro ng Parliament sa tiwala sa kanyang liderato.

Tiniyak naman ng punong ministro na ang 65 billion pesos na pondo ay gagamitin para mapaunlad pa ang Bangsamoro region at maangat ang kabuhayan ng mga mamamayan sa rehiyon.

 

-0-

 

MAGKAKASABAY na dinala sa ospital ang apat katao kabilang na ang isang may karamdaman na isusugod sana sa pagamutan.

Ito ay matapos na magtamo ang mga ito ng mga sugat nang masangkot sa salpukan ng dalawang mga motorsiklo sa Barangay Makaguiling, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Nakilala ang mga biktima na pawang magkakamag anak na sina MAMONTENG MACABAAS, 45 anyos, FABEL MAMENTANG, 21 at MOHAIMIN DAMATANDAY, 19 anyos pawang mga residente ng Barangay Nuyo, Buldon, Maguindanao.

Base sa inisyal ulat, nagmamadali umano ang tatlong magkakamag anak na magkaangkas sa motorsiklo patungo sa Cotabato city upang dalhin sana sa ospital ang kanilang kaanak na si MACABAAS upang ipagamot ang karamdaman nito

Gayunman, pasado alas dyes ng umaga kahapon nang makabanggaan ng mga ito ang isa pang motorsiklo na minamaneho naman ni JUNE KASAN ng Sultan Kudarat, Maguindanao na sugatan din sa insidente.

Dahil sa lakas ng salpukan ng dalawang mga motorsiklo ay tumilapon at bumagsak sa sementadong kalsada ang mga biktima sanhi upang magkaroon sila ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

 

-0-

 

ARESTADO ang isang habal-habal driver sa nagpapatuloy na anti-illegal drugs operation ng Cotabato City PNP.

Kinilala ang naaresto na si Larry Palti Subo, 32 anyos, may asawa at taga Purok Kabuntalan, Mother Barangay Poblacion ng lungsod.

Nadakip si Subo pasado alas dose ng tanghali kahapon sa Salamat Street, Purok Francis matapos na maaktuhang gumagamit ng iligal na droga.

Nakuha mula sa suspek abg dalawang mga pakete ng pinaghihinalaang shabu, isang improvised glass Tooter, walong empty sachets na pinaniniwalaang pinaglagyan ng shabu, dawalang disposable lighters at isang stainless needle.

Kalaboso na ngayon ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

 

-0-

 

HAWAK NA NGAYON ng mga otoridad ang suspek sa pagbaril at pagpatay sa isang mamamahayag sa Tacurong City.

Ito mismo ang kinumpirma ng pamilya ng biktimang si Benjie Caballero, Station Manager ng Radyo ni Juan sa Tacurong City.

Matatandaan na binaril at napatay ang biktima ng motorcycle-riding tandem suspects gamit ang cal. 45 pistol habang naghihintay ito ng masasakyan sa harap ng kanyang bahay sa Sampaguita Street noong October 30.

Isang buwan ding nakaratay sa Intensive Care Unit ng Saint Louis Hospital sa Tacurong City si Caballero.

Inilipat siya sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City at doon na ito binawian ng buhay.

Agad namang inilibing ang bangkay ni Caballero nsa Barangay Inas, M’lang, North Cotabato alinsunod sa tradisyon ng Islam.

Samantala, hustisya naman ang sigaw ng pamilya at mga kasamahang media ni Caballero.

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng Presidential Task Force on Media and Security at ng pulisya para matukoy ang utak sa pagpatay sa mamamahayag.

 

-0-

 

NASAGIP ng tropa ng Alamada PNP at Municipal Social Welfare and Development Office ang apat na mga kababaihang mga biktima umano ng sexual exploitation at human trafficking.

Pasado alas nuebe ng gabi kamakalawa nang maglunsad ng rescue operation ang mga otoridad at pinasok ang Princess Pole Dance/KTV Bar sa Purok 3, Brgy. Kitacubong, Alamada na pag-aari ng isang Samuel Alim.  

Nasagip ng mga ito ang apat na mga babaeng biktima na sadyang hindi na kinilala sa report.

Ang mga ito ay mula pa sa Davao city, Kidapawan City, Compostela Valley at Sta Cruz, Davao del Sur.

Bago isinagawa ang operasyon ay ilang araw ding isinailalim sa surveillance ang naturang Pole Dancing and KTV Bar at napatunayang pinagagawa ng mga malalaswang bagay ang mga babaeng biktima.

Walang maipakitang sapat na dokumento ang may-ari ng establisimento para patunayang ligal ang operasyon ng kanyang negosyo.

Kaya naman arestado ang manager ng bar na si Bernadith Miranda Sibonga at dalawa pang mga kasama nitong sina ARSITA TAMPAKAN at ANGEL MIRANDA SIBONGA.

 

-0-

 

Patay na nang maiahon ang isang 3-anyos na batang lalaki matapos na mahulog at malunod sa septic tank na ipinapagawa ng isang kagawad ng barangay sa gilid ng kanyang bahay sa Purok Namnama sa Brgy. Dagupan, Kabacan, North Cotabato kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si alyas Ram-ram na residente rin ng nasabing lugar. Ayon sa ulat, kasama umano ng biktima ang dalawa pang mga bata na naglalaro sa paligid hanggang sa napadako sila sa septic tank.

Ayon kay Kagawad Raymundo Gracia sa eksklusibong panayam ng DXND RADYO BIDA dahil sa nararanasang pag-uulan sa lugar ay naipon ang tubig sa ipinapagawa niyang septic tank na may lalim na tatlong talampakan.

Hindi umano nila namalayan na may mga batang naglalaro sa paligid hanggang sa nahulog ang biktima sa septic tank, dakong alas-3:00 ng hapon. Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang paslit ngunit idineklarang dead-on-arrival.

 

-0-

 

Suspek na itinuturong brutal na pumatay kay Angelica Luzuriaga, hinatulang not guilty ng korte.

Hinatulang not guilty ng Regional Trial Court, Branch 23 sa kidapawan city ang tinuturong suspek sa pagpatay kay Angelica Luzuriaga. Noopng nakaraang taon nakita nalang ang dalaga sa bahay ng kanyang lola sa Lanao sa Kidapawan city na naliligo sa sariling dugo at maraming hiwa sa katawan na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Itinuturong suspek noon si Fernando sesbino na malapit sa pamilya luzuriaga at basi narin sa mga salaysay ng testigo. Nagpalabas rin ng reward money na 100 thousand pesos ang LGU kidapawan na makapagtuturo at makakahuli sa suspek.

Naaresto si sesbino matapos mamataang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo at nakuhanan pa ito ng explosibo. Sa naging panayam ng radyo bida sa asawa ni sesbino nitong sabado at sa isinagawang promulgation ay ang hindi pagkakatugma ng mga testimonya ng dalawang witness ang isa sa mga dahilan kung bakit ibinasura ang kaso.

Isa sa malakas na ebidensya ni sesbino ay ang log book kung saan nagpapatunay na nasa duty ito bilang security guard ng mangyari ang krimen.

Negatibo rin ang lahat ng mga ebidensyang isinumete laban kay sesbino ng pamilya ni luzuriaga kagaya ng mga CCTV footage at ang bolo na ginamit sa krimen. Masaya ang pamilya sesbino sa naging resulta at napatunayang inosenteang kanilang padre de pamilya.

 

-0-

 

NDBC Operation Tulong Team, muling nagsagawa ng relief distribution sa isang lugar sa Makilala, North Cotabato

Muling namigay ng tulong ang Notre Dame Broadcasting Corporation at DXND Radyo Bida sa mga pamilyang bakwit na biktima ng lindol sa Sitio Alang-alang, Brgy Kisante, Makilala, North Cotabato nitong weekend.

Abot naman sa daan-daang pamilya ang nakinabang sa relief distribution na nakatanggap ng food packs, sanitary kits at mosquito nets.

Isa naman sa naging tampok sa nasabing commodity distribution ay ang pagbibigay aliw ng mascot ni Jollibee kung saan kita sa mga mukha ng mga bata ang tuwa at galak na nadarama.

Namigay rin ng libreng pagkain ang nasabing fast food chain. Nasiyahan din ang mga residente sa isinagawang video-k challenge o singing contest na nilahukan ng mga bakwit kung saan nakakuha ang mga ito ng papremyong handog ng NDBC.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi pa rin ng serbisyo-publiko ng Missionary Oblates of Mary Immaculate sa pamamagitan ng NDBC at ang himpilan nitong Radyo Bida at Happy FM sa Kidapawan City na pinangunahan ni Fr. Rogelio Tabuada, OMI, siyang CEO ng NDBC Network.

 

-0-

 

Pitong na serye ng sunog naganap sa bayan ng Kabacan, North Cotabato

Abot sa pitong na insidente ng sunog ang naitala sa bayan ng Kabacan, North Cotabato kaninang madaling araw sa magkakahiwalay na lugar sa nasabing bayan.

Ayon kay Kabacan Councilor Ayesha Quilban Javier-Flores, agad namang naapula ang nasabing sunog na naitala sa Aglipay St., kung saan isang lumang bahay ang nilamon nga apoy, isang business establishment din ang nasunog sa Bonifacio St., dalawa naman sa USM Avenue at isang bahay rin sa Brgy Osias habang isang insidente naman ang naagapan sa isang bagong bakery sa Bonifacio corner.

Kinumpirma naman ng konsehala na isang dose-anyos na bata ang kanilang na-intercept na may dala-dalang posporo habang inaapula ang apoy.

Dagdag pa rito na sinusunog aniya ng nasabing bata ang mga establisyemento at bahay kung walang na silang mananakaw.

Iniimbestigahan na ngayon ng mga otoridad kung may malaking grupong kinasasangkutan ang nasabing menor de edad na suspek.

Agad namang naapula ang Bureua of Fire Protection Kabacan ang serye ng sunog sa lugar dahil posibleng mangyari ang malawakang sunog kung agad ito narespondehan. Hindi pa ngayon batid ang kabuuang danyos na natala sa nasabing sunog.

 

-0-

 

Barangay sa Koronadal unang nakapagtala ng 100 percent sa malawakang polio vaccination sa buong South Cotabato Gumawa ng kasaysayan ang Barangay Assumption sa Koronadad City kaugnay sa ipinatutupad ngayong malawakang pagbibigay ng oral polio vaccine.

Ang Assumption ang unang barangay sa South Cotabato na nakapagtala ng 100 percent sa Sabayang Patak Kontra Polio o Synchronized Mass Oral Polio Vaccination.

Matatandaan na ang nasabing programa ay sinimulang ipatupad noong November 25. Nabatid na lahat na 169 na mga batang nasa 0 hanggang 59 months old sa barangay Assumption ay nabigyan ng oral polio vaccine sa loob lamang ng dalawang araw.

Kaugnay nito, pinuri naman ni South Cotabato Provincial Health Officer Dr. Rogelio Atrudido Jr ang mga taga Barangay Assumption at si Koronadal City Health Office OIC Dr. Edito Vego. Ito ay dahil sa matagumpay na pagpapatupad ng Sabayang Patak, Kontra Polio.

Target na mabigyan ng bakuna kontra polio ang mahigit 22 thousand na mga bata sa 27 mga barangay sa Koronadal City.

 

-0-

 

Pagkaantala ng operasyon ng provincial dog impounding facility sa kanilang lugar, ipinaliwag Vice Mayor ng Surallah, South Cotabato

Kakulangan ng pondo ang naging dahilan kung bakit naantala ang operasyon ng dog impounding facility ng lalawigan ng South Cotabato sa bayan ng Surallah. Ipinaliwanag ito ni Surallah Vice Mayor Pinky Divinagracia.

Ayon kay Divinagracia, aprubado na rin ng Sangguniang bayan ng Surallah ang pag-operate ng nasabing pasilidad sa kanilang lugar.

Ipinayag din nito na nalakip na rin nila sa annual budget ng Surallah ang mahigit isang milyong piso para sa operasyon ng dog impounding facility.

Sinabini Divinagracia na inaasahan nilang maari nang mapaglagyan ng mga asong gala ang pasilidad sa unang quarter ng 2020. Kaugnay nito sinabi naman ni Surallah Mayor Antonio Bendita na humihingi din ito ng dagdag na pondo sa provincial government para magamit sa operasyon ng nasabing dog impounding facility.

Layon ng proyekto na pinondohanng pamahalaang panlalawigan ng mahigit 1.8 million pesos na mapigilan ang pagdami ng mga asong gala na madalas ay nagiging sanhi ng rabies.

 

-0-

 

Barangay sa Koronadal unang nakapagtala ng 100 percent sa malawakang polio vaccination sa buong South Cotabato

Gumawa ng kasaysayan ang Barangay Assumption sa Koronadad City kaugnay sa ipinatutupad ngayong malawakang pagbibigay ng oral polio vaccine.

Ang Assumption ang unang barangay sa South Cotabato na nakapagtala ng 100 percent sa Sabayang Patak Kontra Polio o Synchronized Mass Oral Polio Vaccination. Matatandaan na ang nasabing programa ay sinimulang ipatupad noong November 25.

Nabatid na lahat na 169 na mga batang nasa 0 hanggang 59 months old sa barangay Assumption ay nabigyan ng oral polio vaccine sa loob lamang ng dalawang araw. Kaugnay nito, pinuri naman ni South Cotabato Provincial Health Officer Dr. Rogelio Atrudido Jr ang mga taga Barangay Assumption at si Koronadal City Health Office OIC Dr. Edito Vego.

Ito ay dahil sa matagumpay na pagpapatupad ng Sabayang Patak, Kontra Polio. Target na mabigyan ng bakuna kontra polio ang mahigit 22 thousand na mga bata sa 27 mga barangay sa Koronadal City.

 

-0-

 

Pagkaantala ng operasyon ng provincial dog impounding facility sa kanilang lugar, ipinaliwag Vice Mayor ng Surallah, South Cotabato

Kakulangan ng pondo ang naging dahilan kung bakit naantala ang operasyon ng dog impounding facility ng lalawigan ng South Cotabato sa bayan ng Surallah. Ipinaliwanag ito ni Surallah Vice Mayor Pinky Divinagracia. Ayon kay Divinagracia, aprubado na rin ng Sangguniang bayan ng Surallah ang pag-operate ng nasabing pasilidad sa kanilang lugar.

Ipinayag din nito na nalakip na rin nila sa annual budget ng Surallah ang mahigit isang milyong piso para sa operasyon ng dog impounding facility. Sinabini Divinagracia na inaasahan nilang maari nang mapaglagyan ng mga asong gala ang pasilidad sa unang quarter ng 2020.

Kaugnay nito sinabi naman ni Surallah Mayor Antonio Bendita na humihingi din ito ng dagdag na pondo sa provincial government para magamit sa operasyon ng nasabing dog impounding facility.

Layon ng proyekto na pinondohanng pamahalaang panlalawigan ng mahigit 1.8 million pesos na mapigilan ang pagdami ng mga asong gala na madalas ay nagiging sanhi ng rabies.

 

-0-

 

NATIONAL...

NAGPATUPAD NA kahapon ng taas-presyo sa kanilang mga produktong petrolyo at liquefied petroleum gas o LPG ang mga oil company.

Simula alas dose ng hatinggabi, tinaasan ng Phoenix ng 25 centavos ang presyo ng kada kilo ng kanilang LPG at kinse sentimos naman ang itinaas ng presyo sa kada litro ng auto-LPG.

Nasa 24 centavos ang taas-presyong ipinatupad ng Solane sa kada kilo ng kanilang LPG simula naman alas sais ng umaga kahapon.

Samantala, inanunsiyo din ng Clean Fuel na magpapatupad sila ng kinse sentimos na taas-presyo sa kada litro ng kanilang auto-LPG simula mamayang alas otso ng umaga.

Alas-sais ng umaga naman bukas, December 3, tataasan ng Shell at Petro Gazz nang 30 centavos ang presyo ng kada litro ng gasolina at 65 centavos sa kada litro ng diesel.

Magpapatupad din ang Shell ng singkwenta sentimong umento sa kada litro ng kerosene

Sa iba pang balita, pinawalang-sala ng Office of the Ombudsman ang natitirang kasong plunder na isinampa laban kay dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at ilang opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO dahil sa umano’y iligal na paggamit ng 73-million pesos na confidential at intelligence funds mula 2004 hanggang 2007.

 

Kahapon tuluyang ibinasura ng ombudsman ang kasong plunder, malversation of public funds at paglabag sa section 3 (e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban kay Cong. Arroyo at maging sa mga opisyal ng PCSO na sina  Rosario Uriarte, Sergio Valencia, Benigno Aguas, Gloria Araullo, at Commission on Audit Assistant Commissioner Lourdes Dimapilis at  Auditor Nilda Plaras.

 

Wala umanong probable cause para idiin sa kaso si Arroyo at mga kasama niya sa nasabing kaso.

 

Sa kabilang dako pa, tuloy pa rin ang imbestigasyon ng Malacañang sa pondo at kapalpakan ng organizers ng 30th Southeast Asian Games kahit pa sobrang saya ni Pangulong Duterte sa opening.

 

Sinabi ni Sen. Bong Go,  chairman ng Senate committee on sports at member ng blue ribbon, aalamin ng komite kung nagamit ng tama ang pondo na ibinigay sa SEA Games.

 

Aniya, binabati niya ang organizing committee sa pamununo ni Speaker Alan Peter Cayetano sa matagumpay at magarbong opening ng SEAG pero kailangang managot ang mapapatunayang nagkaroon ng pagkukulang at pagpapabaya.

 

8th fire hits Kabacan, North Cotabato in 6 days

KIDAPAWAN CITY  – A fire of still unknown origin razed to the ground four business establishments and a boarding house in Kabacan, North...

Livelihood training in poorest Mindanao provinces slated in 2020

DAVAO CITY -- A team of agriculture experts will conduct a lecture series on livelihood projects targeting Mindanao's poorest provinces,...

New 602nd Brigade chief vows intensified drive vs. terrorists

CAMP LUCERO, North Cotabato – A seasoned military officer from the office of Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana has...

In Maguindanao, Sen. Bong Go opens 53rd Malasakit Center

DATU HOFER, Maguindanao (Dec. 6) – Another “Malasakit Center” has been added to a pro-poor health program that aims to prove the...

Soldiers seize another Dawlah Islamiya arms cache

MAGUINDANAO --- Soldiers seized Thursday assault rifles, an anti-tank rocket and explosives scattered in an abandoned Dawlah Islamiya lair...