Saturday Aug, 24 2019 09:20:56 PM

NDBC BIDA BALITA August 6, 2019

NDBC BALITA • 10:15 AM Tue Aug 6, 2019
282
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. 3 paay sa ambush sa Pikit, North Cotabato  

2. Maguindanao 2nd District Cong. Toto Mangudadatu, naghain ng panukalang batas para sa pagbuo ng hiwalay na Maguindanao North province.

3. Pinsalang dulot ng sunog sa Kidapawan, abot mahigit P300 libong piso.

4. Drug Den, nakubkob ng mga kasapi ng PDEA 12 at mga pulis sa Tampakan, South Cotabato

 

 

 

-0-

 

Patay ang tatlo ka tao makaraang pagbabarilin ng riding in tandem criminals sa Sitio Dangeya Barangay Bulol, Pikit Cotabato alas 3:30 ng hapon kahapon.

Sa inisyal na ulat ng Pikit Police, kinilala ang nasawi na sina Mahamed Ahad alyas Sito,28 anyos, Maan Panaggilan, 32 anyos at Unday Abdulkadir, 29 years old na lahat ay magsasaka at nakatira sa Barangay Rajamuda, Pikit, North Cotabato.

Sa report, lulan ng Kawasaki bajaj na motorsiklo ang biktima patungo sana sa Barangay Lagundi Pikit at nang pagsapit sa lugar ay pinagbabaril ang tatlo ng riding in tandem suspects. Nagtamo ng sugat mula sa tama ng bala ang mga biktima na naging resulta sa kanilang agarang pagkamatay.

Narekober sa crime scene ang fired cartridge cases caliber 5.56 at 7.62 na ginamit ng mga responsable sa pamamaril.

Sinabi ni Pikit PNP Chief Police Captain Mautin Pangandigan, rido ang isa sa kanilang sinusundang anggulo sa naturang pananambang.

Nanawagan din si Pangandigan sa pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na tumulong upang maresolba ang rido dahil sangkot dito ang kanilang mga tauhan.

 

-0-

 

Mahigit 300,000 na halaga ng ari-arian, iniwang danyos sa nangyaring sunog sa Kidapawan City

Abot sa 104 na mga indibidwal ang apekatdo sa nangyaring sunog alas 8:30 ng umaga kahapon sa Purok Chico Mariano Cuenco Street, Barangay Poblacion, Kidapawan City.

Sinabi ni Kidapawan City Fire marshal Captain Marjorie Resurrection, 12 na mga bahay naman ang tinupok ng apoy at apat dito ang partially damage. Kabilang sa mga nasunog ang tatlong mga motorisklo, isang inahing baboy, anim na mga biik at isang alagang aso.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga kalapit na bahay dahil malakas ang hangin at gawa sa light materials ang bahay. Sinasabing may apat na taong gulang na bata ang na trap sa isang bahay pero nakaligtas matapos na tumalon sa ilog na malapit sa lugar.

Ayon sa ulat, nagmula ang apoy sa bahay na pagmamay-ari ng pamilyang Abelgas.

Pumutok umano ang plangka ng kuryente hanggang sa kumalat ang apoy sa kanilang kurtina at nadamay ang motorsiklong nakaparada at mas kumalat pa ito dahil sa gasolina ng motorsiklo. Pansamantalang namalagi ang mga apektadong pamilya sa evacuation center sa Poblacion ng lungsod. 

 

-0-

NAGHAIN ng panukalang batas si Maguindanao 2nd District Congressman Toto Mangudadatu para maging hiwalay na probinsya ang Maguindanao 1st District o Maguindanao North Province.

Sa ini-akda nitong House Bill 3054, nais ni Cong. Mangudadatu na pagsamahin ang mga bayan ng Barira, Buldon, Datu Odin Sinuat, Kabuntalan, Matanog, Parang, Sultan Kudarat, Upi, Sultan Mastura, Datu Blah Sinsuat at Northern Kabuntalan sa isang chartered “Maguindanao North Province”.

Sa 30-pahinang draft bill, iminungkahi ni Cong. Mangudadatu ang Sultan Kudarat na maging kabisera o capital town ng bubuuhing lalawigan.

Sinabi ni Cong. Mangudadatu na mananatili naman sa 2nd Congressional District ng Maguindanao ang nalalabing 25 mga bayan ng probinsya.

Giit pa ng kongresista, inihain niya ang naturang panukalang-batas dahil naniniwalan siyang magdudulot ito ng pagbuti pa ng ekonomiya sa probinsya at magbibigay din ito ng mas maunlad at payapang pamayanan para sa mga Muslim, Kristyano at Lumad sa 11 mga bayang sakop ng naturang proposed chartered province.

Maalalang una ng lumikha ng Shariff Kabunsuan province ang dating Regional Legislative Assembly o RLA ng Autonomous Region in Muslim Mindanao na sumasakop din sa naturang 11 mga bayan sa unang distrito ng Maguindanao.

Gayunman, nagpasya ang Korte Suprema na iligal ang paglikha ng RLA sa Shariff Kabunsuan province kaya’t nabuwag ito.

 

-0-

 

ARESTADO ng mga otoridad ang tatlong mga drug suspect matapos na maaktuhang gumagamit ng iligal na droga sa loob ng isang boarding house sa Cotabato city.

Ang mga suspek ay nakilalang sina AMSON SAVILLA PONTING JR.; ARNELLO ARELLANO FAMPULME; at JEROME REYES CORTEZ, pawang nasa hustong gulang, utility workers, at mga residente ng barangay Rosary Heights 9 and 10 ng syudad.

Sa report ng City PNP, nakatanggap umano ng ulat mula sa ilang concerned citizen ang pulisya hinggil sa grupo ng kalalakihang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa loob ng isang boarding house sa naturang lugar.

Kaya agad na nagkasa ng operasyon ang City Police Station 2 at ni-raid ang lugar pasado alas otso ng gabi kamakalawa.

Bukod sa naaktuhang humihithit ng shabu ay nakuha rin mula sa mga suspek ang isang improvised glass tooter, disposable lighter at needle foil.

 

-0-

 

DEAD ON ARRIVAL SA OSPITAL ang isang construction worker matapos pagbabarilin ng motorcycle-riding tandem suspects sa Purok 5, Barangay Baliki, Midsayap, North Cotabato.

Nakilala ang biktima na si PORFERIO CAMPOLLO, 38 years old, may asawa, Purok President at Construction worker na residente ng nabanggit na lugar.

Sa report ng Midsayap PNP, pasado alas otso ng umaga kahapon habang nagbabantay lamang umano ng kanilang tindahan ang biktima nang dumaan ang dalawang mga suspek na sakay ng motorsiklo at agad siyang pinagbabaril.

Nagtamo ng tama ng bala sa mukha at dibdib si Campollo na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Nakuha naman sa crime scene ang limang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol na ginamit sa pamamaril sa biktima.

Samantala, nakilala naman ang isa sa mga suspek na si FAHAD DAGUIMAN, 33 years old na taga Pagalungan, Maguindanao na ngayon ay pinaghahanap na ng mga otoridad.

Habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang kasamahan nito.

Nabatid na si Daguiman ay kasapi ng isang grupo ng mga gun for hire criminal na nakabase sa Pikit, North Cotabato.

 

-0-

 

UMAABOT na ngayon sa apat na libo katao ang bilang ng mga nagsilikas dahil sa takot na maipit sa gulo sa pagitan ng militar at BIFF sa boundary ng Pikit, North Cotabato at Maguindanao.

Sinabi ni Pikit Municipal Disaster Risk and Reduction officer Tahira Kalantungan na ang mga naturang pamilya ay mula pa sa iba’t ibang lugar ng bayan.

Sa ngayon, pansamantalang namalagi ang mga bakwit sa mga paaralan at mosque na binabaha rin tuwing bumubuhos ng malakas at tuloy-tuloy ang ulan.

Bukod sa mga pamilyang taga Pikit, North Cotabato ay may mga pamilya ring lumikas na mula sa Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao.

Dagdag pa ni Kalantungan, nagpaabot na ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga pamilya na apektado ng nasabing operasyon at maging ang Maguindanao provincial government at BARMM.

 

-0-

 

NAGTAMO ng mga sugat at pasa sa katawan ang isang magsasaka matapos na aksidenteng sumabit sa electrical wire ang minamaneho niyang motorsiklo sa Barangay Tubon, Pigcawayan, North Cotabato.

Nakilala ang biktima na si JONIE CASTILLION, 50anyos, may asawa at taga Brgy. Malu-ao, sa bayan.

Base sa kwento ng anak ng biktima, pasado alas sinco ng umaga kahapon habang pauwi na sa kanilang bahay ang biktima nang mangyari ang aksidente.

Naputol kasi ang gawad ng kuryente sa daan at nakausli ito sa kalsada sanhi para sumabit ang motorsiklo ni Castillon.

Nawalan ng balanse ang biktima dahilan upang sumemplang ito at magtamo ng maraming mga sugat at pasa makaraang bumagsak at tumama siya sa mabatong kalsada.

 

-0-

 

INAASAHANG magiging mas magiging maganda pa ang relasyon ng gobyerno ng Malaysia at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM sa larangan ng negosyo at pangangalakal.

Ito ay makaraang magpulong kamakailan ang mga kasapi ng Malaysian diplomatic corps at BARMM Chief Minister Hadji Ahod Ebrahim na ginanap sa kapitolyo ng BARMM sa Cotabato City.

Dumalo rin sa naturang pagpupulong sina Malaysian charge d’affaires Rizany Irwan Muhamad Mazlan at Malacañang’s special envoy to Malaysia Wencilito Andanar.

Ang pagpupulong ng mga Malaysian diplomat at BARMM officials ay inorganisa ng mga opisyal ng Regional Board of Investments ng BARMM, kasama sina Executive Director Hexsan Mabang, Mohammad Pasigan at mga miyembro ng board of governors ng RBOI.

 

-0-

 

Security Plan ng Kidapawan City PNP para Timpupo Festival, plantsado na

Nakahanda na ang ilalatag na seguridad ng Kidapawan City PNP para sa darating na Timpupo Festival ngayong darating na Agosto 14-18 ngayong taon.

Ito ang inihayag ni Kidapawan City PNP Chief Police Lt. Col. Ramel Hojilla sa panayam ng Radyo Bida. Mas magiging mahigpit din ang mga isasagawang highway inspection sa mga papasok at papalabas ng lungsod lalo na sa mga entry at exit point.

Ayon pa kay Hojilla, magsisilbi namang designated parking area ng mga motorsiklo ang harap ng city highwalk. Kaisa rin ng City PNP ang Cotabato Provincial Mobile Force Company o CPMFC, Task Force na magmumula sa 72nd Infantry Battalion ng Philippine Army na magsisilbing pwersa sa mga checkpoint at iba pang mga force multipliers.

Samantala, isa sa mga tampok sa nasabing festival ay ang “Fruits eat all you can” kung saan aasahan ang maraming volume ng mga tao na dadagsa sa loob ng city pavilion.

Kaugnay nito, muling nagpapaalala si Hojilla na iwasang magsuot o magdala ng mga bagay ng nakakasilaw sa mata ng mga kawatan gaya ng alahas at iba pang mga gamit.

Isinawalat din ng hepe na lumlabas sa kanilang imbestigasyon, na ang mga nasa likod nga pagnanakaw na nangyayari tuwing may mga pagdiriwang ay parehong mga personalidad din na gumagawa ng krimen sa mga kahalintulad na mga aktibidad sa ibang mga lugar.

Bagamat tukoy na ito ng PNP pero patuloy pa rin itong minamanmanan. Kabilang din sa panawagan ng nasabing opisyal ay ang pagbabawal sa pagdadala ang back pack, pasusuot ng jacket at sombrero. Ipinaliwanag nito na ang pagbabawal ng pagsuot ng jacket ay may kaugnayan sa mga insidente ng pamomomba kung saan maaari itong paglagyan o pagtaguan ng mga pampasabog.

Kaugnay rin nito, muli namang umapela si Hojilla sa mga mamamayan na makiisa sa ilalatag na seguridad ng kapulisan at maging mapagmatyag sa paligid para maiwasan ang anumang insidente na makasisira sa selebrasyon ng Timpupo Festival. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Batang nalunod sa swimming pool sa Carmen, North Cotabato, iniligtas ng miyembro ng Banisilan PNP

Viral ngayon sa social media ang pagsagip ng isang babaeng pulis matapos na maligtas ang isang bata na nalunod sa swimming pool sa bayan ng Carmen, North Cotabato.

Kinilala ang naturang pulis na si Patrolwoman Maeshelle Parcon na nakadestino sa Banisilan Municipal Police Station, na siyang nagsagawa ng cardiopulmonary resuscitation (CPR ) sa walang malay na batang babae na kinilala lamang sa pangalang si Bai Manisan.

Nangyari ang insidente dakong alas-4:00 ng hapon kahapon sa isang swimming pool sa Barangay Liliongan, Carmen North Cotabato.

Samantala, sa Facebook post ng isang netizen makikita kung papaano ginawa ng police ang pagsagip sa buhay ng bata. Umiiyak na ang ina nito habang pilit isinasalba ni Parcon ang buhay ng batang nalunod.

Agad namang dumating ang ambulansya na siyang magdadala sa bata sa pinakamalapit na ospital pero una nang nagkamalay ito. Sa ngayon, ligtas na ang kalagayan ng bata at nagpapagaling na sa isang ospital sa bayan ng Carmen.

Maraming mga netizen naman ang humanga sa kabayanihang ipinamalas ng isang off-duty na pulis.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

 

-0-

 

Dalawa katao, sugatan naman sa pamamaril sa Arakan, North Cotabato

Ospital ang bagsak ng dalawa katao matapos na pagbabarilin ng gunman sa Lower Naje, Barangay Malibatuan, Arakan North Cotabato alas 6:45 kagabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Eden Midena, 32 anyos at si Edcel Mangga, 28 anyos na residente ng nasabing lugar.

Sa naging imbestigasyon ng Arakan PNP, pinagbabaril ng suspek na kinilalang si Boyet Hornado ang biktimang si Mangga shabang nakaupo lamang sa harap ng bahay ni Alyas Pirot gamit ang caliber 45 pistola.

500 kilometro naman ang layo nang barilin din nito ang isa pang biktima na si Midena. Mabilis na isinugod sa pagamamutan ang dalawang sugatang biktima na ngayon ay patuloy pang ginagamot sa ospital. Blangko pa sa ngayon ang pulisya kung ano ang motibo ng suspek sa pagbaril sa dalawang biktima.(Cherry Exim)

 

-0-

 

Private employee patay sa salpukan ng dalawang motorsiklo sa T’boli, South Cotabato.

Dead an arrival sa ospital ang isang private employee matapos makasalpukan ng minamenhong motorsiklo ang isa pang motorsiklo sa Barangay Poblacion, T’boli, South Cotabato.

Kinilala ng T’boli PNP na pinamumunuan ni Police Major Bernie Faldas ang biktima na si Andreu Cuevas, 37 years old, at nakatira sa Algeria, President Roxas, North Cotabato.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na ang biktimang si Cuevas ay nagtamo ng matinding mga sugat na naging sanhi ng kanyang dagliang pagksawi.

Ito ay matapos makasalpukan ng Kawasaki motorcycle na minamaneho nito ang kasalubong na motorsiklo.

Sugatan din sa insidente ang driver ng Honda XRM 125 motorcycle na kasalubong ng biktima na si Fejay Dipasucat, 21, single, minero at angkas nitong si James Claude Quinilog 23 pawang mga nakatira sa Barangay Kematu, T’boli.

Ang mga ito ay agad namang inilipat sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City matapos dalhin sa isang pribaong ospital sa T’boli.

Ang nagkasalpukang mga motorsiklo ay ikinustodya ng T’boli PNP. Ito ay habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa nasabing vehicular crash.

 

-0-

 

Sumailim sa pagsasanay ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA ang 50 sumukong drug personalities sa Polomolok, South Cotabato.

Naisakatuparan ito sa tulong ng Department of Social Welfare and Development o DSWD region 12. Itinuro sa mga dating lulong sa iligal na droga ng mga guro ng General Santos National School Arts and Trade ang Photovoltaic System Installation NC II.

Ang mga participant ay nagkaroon din ng demo at practicum bilang paghahanda sa kanilang assessment. Ayon kay TESDA 12 Regional Director Rafael Abrogar II, ito ay bilang pagtalima na rin sa utos ni TESDA Director General Isidro Lapena.

Ayon kay Abrogar maliban sa mga dating lulong sa iligal na droga,mayroon ding programa ang TESDA para mga sumukong myembro ng NPA at iba pang sector. Sa katunayan ayon kay Abrogar sinimulan na rin ng 25 mga kasapi ng Indigenous Peoples o IP at Muslim ang kanilang mahigit 200 oras na Animal Poultry Production training sa TESDA.

Ang mga ito ay mula sa Upi at Datu Odin Sinuat Maguindanao na nagsasanay ngayon sa Umani Farm sa Koronadal City.

 

0-0-

 

Drug Den nabuwag ng mga kasapi ng PDEA at mga pulis sa Tampakan, South Cotabato

Nakakumpiska ng may sampung gramo ng suspected shabu ang mga kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 at mga pulis sa drug den na kanilang nabuwag sa Purok Milagrosa,Barangay Poblacion, Tampakan, South Cotabato. Ang mga ito ay nagkakahalaga ng mahigit P68,000.

Ayon kay PDEA 12 Regional Director Naravy Duquiatan ang bahay na ginawang drug den ay pagaari ng arestadong si Jimboy Yanan, 35 anyos, magsaka. Arestado din matapos umanong maaktuhang gumagamit ng iligal na droga sa nasabing drug den sina George Yanan, 18 years old,walang trabaho; Binay Yanan,46 years old, maybahay, Ace Puli, 19; at Paterno Pacaonosis,33 years old, driver.

Ayon kay Duquiatan pakay lamang sana noong una ng mga otoridad sa naabing lugar ang drug suspek na si Reynaldo Bocio na unang naaresto sa kanilang drug buy-bust operation.

Ngunit pagkatapos ng buy-bust pinasok nila ang bahay ni Yanan nang matunugan na mayroong nagpa-pot session sa loob nito. Kasama ng mga kasapi ng PDEA 12 na umaresto sa anim na drug suspek ang mga kasapi ng Police Drug Enforcement Unit ng South Cotabato PNP at Tampakan Municipal Police Station.

Inihahanda na ng PDEA 12 ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa inarestong drug suspek.

 

0-0

 

Bantay sarado ngayon ng mga kasapi ng Isulan PNP ang bombing suspek na kanilang inaresto sa Barangay Madia, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.

Inaresto ng mga pulis si Tutin Kuti, 27 years old, sa bisa ng warrant of arrest ng korte. Ayon kay Isulan Chief of Pulis, Police Lt. Col.ito ay dahil sa mga kasong 3 counts of murder at multiple frustrated murder. Ayon kay Buenacusa si Kuti na mayroon vulcanizing shop sa Barangay Madia ay suspek sa pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat noong August 28, 2018.

Matatandaan na ang insidente ay ikinasawi ng tatlo katao at ikinasugat ng maraming iba pa. Si Kuti ay isa umano sa dalawang mga suspek nagiwan ng backpack na may lamang pampasabog sa ilalim ng isang motorsiklo sa tabing daan sa Isulan malapit sa mga tindahan ng ukay-ukay.

Isinasangkot din ang nasabing bombing suspek sa pagsabog sa internet Café sa Kalawag 2, Isulan, na ikinasawi ng tatlo katao at ikinasugat ng may 12 iba pa noong September 2, 2018.

Ayon kay Buenacusa may kaugnayan din umano si Kuti sa napigilang pagsabog sa parada sa nasabing bayan noong March 2016. Ipinahayag ni Buenacusa na kinukumpirma pa ng PNP kung ang naarestong si Kuti ay myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.

 

-0-

 

Oplan Kulob campaign kontra dengue ng provincial health office nakatutuok sa mga Barangay ng South Cotabato

Mariing ipinatutupad ngayon sa mga Barangay ng South Cotabato ang “Oplan-Kulob” na isa sa pinakamabisang paraan para sirain ang mga pinamamahayan ng lamok na nagdadala ng dengue. Ayon kay Provincial Health Office Mosquito-borne Disease Coordinator Jose Barroquillo, kung walang tulong ng komunidad, malabong masawata ang dengue carrying mosquitoes.

Binigyan diin ni Barroquilo na kailangang mabago ang pananawaw ng mga mamamayan sa pagpuksa sa mga lamok na nagdadala ng dengue. Ito ay upang mapipgilan ang pagdami pa ng dengue cases na kumitil na ng 22 buhay sa lalawigan.

Ayon kay Barroquillo, tinutukan ng Task Force Kontra Dengue na pinamumunuan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management office , Provincial Health Office at Provincial Information Office ang kampanya kontra dengue sa mga Barangay ng South Cotabato. Kasunod ito ng pag-release ng mahigit P15 million na Quick Response Fund o QRF ng lalawigan.

Ayon kay Barroquillo ,kailangan ang maigting na monitoring para matiyak ang pagpapatuloy ng “Oplan Kulob” kontra dengue fever sa mga barangay ng South Cotabato.

 

 

 

 

 

Cotabato City bags 8 awards from DOH

COTABATO CITY - Cotabato City got not just one, not just two, and not even just three, but eight awards during the 2019 Regional Awarding...

DFA-Basilan gov't passport services gains headway

BASILAN  - More than a thousand residents have benefited from the joint passport processing program of the office of Gov. Jim Salliman and...

Gun licensing amnesty program for BARMM recommended

COTABATO CITY --- Peace advocates wants a firearm licensing amnesty for civilians in the Bangsamoro region to complement the...

NDBC BIDA BALITA (8.24.19)

HEADLINES:

1. OPERASYON ng Small Town Lottery o STL sa Cotabato City at South Cotabato, posibleng sa Setyembre pa umano...

PNP acquires 10 new choppers

DAVAO CITY--The Philippine National Police (PNP) has acquired 10 new helicopters to further enhance its crime-fighting capability, an...