Monday Sep, 23 2019 09:13:26 PM

NDBC BIDA BALITA (9.7.19)

NDBC BALITA • 13:15 PM Sat Sep 7, 2019
235
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

 

1. Bomba, sumabog sa Isulan, Sultan Kudarat kanina, 8 sugatan

2. SHARIAH LAWYER, patay sa pamamaril sa Midsayap, North Cotabato.

3. NIA employee na nakamotorsiko, sugatan matapos barilin sa Pikit, North Cotabato

4. Mga pumatay sa dalawang mga lalaking natagpuan sa  dalawang mga bayan sa South Cotabato, posible umanong isang grupo lang, ayon sa PNP-South Cotabato

 

‘ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

 

 

Binulabog ng isang malakas na pagsabog ngayong umaga ang bayan ng Isulan, Sultan Kudarat na ikinasugat ng walo katao.

Ayon kay Isulan Chief of Police, Lt. Col. Joven Bagaybay, naganap ang pagsabog sa public terminal ng nasabing bayan, partikular sa nakahilirang mga pampasaherong motorsiklo.

Ipinahayag ni Bagaybay na iniimbistigahan pa ng mga pulis ang insidente.

Hindi pa batid ng mga pulis kung sino ang nagiwan ng pinaghihinalaang improvised esplosive device sa nasabing lugar.

Ang mga sugatan ay nakilalang sina

1. Traffic enforcer Terencio Cagadas- 35, M, Kalawag, Isulan, Sultan Kudarat

2. Off duty CAFGU Gerald Cartajena- 28, M, Surallah, South Cotabato

3. Jomar C. Aquino -31, M, Isulan, Sultan Kudarat

4.Niño Biñas Virgo-28, M, Isulan, Sultan Kudarat

5. Jarren Amigo-24,M, Sampao, Isulan, Sultan Kudarat

6.Jay Carnaso-30,M, Dansuli, Isulan, Sultan Kudarat

7. Nasim Salip Gulano-29, M, Kalawag 1,Isulan,Sultan Kudarat

8. Richard Arancillo, 45, M, New Lagao, Tacurong

 

-0-

PATAY ang isang Shariah Lawyer nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Midsayap, North Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Datu Khadaffy Dilangalen Blao.

Sa report ng Midsayap PNP, nasa loob ng mosque ang biktima sa Barangay Olandang kahapon at katatapos lamang na magsimba nang lapitan ito ng nag-iisang suspek at agad na pinagbabaril.

Dead on the spot si Blao dahil sa mga tinamong tama ng bala sa ulo at iba’t iba pang parte ng kanyang katawan mula sa cal. 45 pistol.

Mabilis namang tumakas ang suspek sakay ng motorsiklong minamaneho ng kasamahan nito.

Sinabi ng ama ng biktima na si Datu Quezon Blao na hindi nila kilala ang suspek at palaisipan pa rin sa kanila kung bakit binaril at pinatay ang kanyang anak.

 

-0-

 

HIGIT isang daang mga mag-aaral at guro sa Hadji Ungkakay Elementary School sa Barangay Kadigasan, North Cotabato ang tatanggap ngayong araw ng 31 mga bangka mula sa Yellow Boat of Hope o YBH Foundation.

Sinabi ni YBH Foundation Founder Jay Jaboneta na 30 mga self-paddle boats ang ibibigay sa nasa 100 mga mag-aaral ng naturang paaralan na tumatawid pa ng ilog para lamang makapasok sa eskwela.

Isang motorized bangka naman ang ibibigay sa mga guro na bumibyahe rin patungong paaralan sa pamamagitan ng bangka.

Magagamit din aniya ito ng mga guro sa kanilang mobile teaching activities.

Bukod dito, sinabi ni Jaboneta na bibigyan din ng school bags at school supplies ang mga batang benipisyaryo.

Tatanggap din ang mga ito ng mga tsinelas at food packs.

Katuwang ng YBH Foundation sa proyektong ito ang Notre Dame Broadcasting Corporation, READI BARMM, Tzu Chi Foundation, Tres Marias Charity, Provident STL Cotabato, RSY at AV Pawnshops.

Umaasa naman si Jaboneta na sa pamamagitan ng mga bangka ay hindi na mali-late o liliban sa klase ang mga batang mag-aaral dahil sa kawalan ng masasakyan.

 

-0-

 

HULI ang isang drug suspect sa ikinasang Buy Bust Operation ng mga otoridad sa Sinsuat Avenue, Barangay Poblacion 6, Cotabato City pasado alas kwatro ng hapon kahapon.

Nakilala ang suspek na si Usop Darping Abdullah, alyas “Usop”, 21 years old, dispatcher ng pampasaherong van na taga Kampo Muslim sa lungsod.

Pinangunahan ni Police Station 4 commander Pmaj. Razid Lingob katuwang ang PDEA BARMM, ang nabanggit na operasyon na nagresulta sa pagkakahuli sa suspek makaraan nitong mapagbentahan nito ng iligal na droga ang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakuha sa suspek ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu, isang glass tooter at marked money na ginamit sa operasyon.

Ayon kay Lingob, isang linggo rin nilang sinubaybayan si Usop bago inilunsad ang operasyon.

Mahaharap ng suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

-0-

 

TUTOL si Maguindanao Election Supervisor Atty. Udtog Tago sa planong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sinabi ni Tago na pahahabain lamang kasi nito ang panahon ng mga tamad at tiwaling mga barangay official na nakaupo sa pwesto ngayon.

Ayon kay Tago, dapat maidaos ang eleksyong pambarangay at Sangunian Kabataan sa susunod na taon sang-ayon sa isinasaad ng batas.

Samantala, patuloy pa rin ang paghikayat ni Tago sa mga residente ng lalawigan na magpatala sa kani-kanilang mga lugar hanggang September 30.

Nagkakaroon din umano ng satellite registration sa mga barangay kaya walang dahilan para hindi makapagparehistro.

 

-0-

 

IDINEKLARA bilang isang special non-working holiday sa Cotabato city ngayong Lunes, September 9.

Wala ring pasok sa mga tanggapan at paaralan sa lahat ng mga lugar na sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Ang ibig-sabihin ng Ashura ay ang ikasampung araw ng Muharram sa bawat taon.

Ang katagang Ashura ay galing sa salitang asharah sa wikang Arabe na ang ibig-sabihin ay sampu.

Sa araw na ito ng Ashura’ ay sunnah sa mga Muslim na mag-ayuno.

Kaya naman hinihikayat ang mga mananampalataya ng Islam na mag ayuno sa araw ng Ashura.

 

-0-

 

Pinabibilis na ngayon ng Provincial Governmnet of Cotabato ang pagproseso sa lahat ng hakbang upang tuluyan ng mapababa ang kaso ng dengue sa lalawigan ngayon.

Kabilang na dito ang para sa gamot, mga ollyset mosquito nets na ipamimigay sa bawat pamilya at lahat ng kinakailangan para sa patuloy na dumarami ng kaso nito ngayong taon.

Matatandaaang isinailalim na ang buong probinsya ng North Cotabato sa state of calamity dahil sa dengue outbreak sa pamamagitan ng Sangguniang Panlalawigan Resolution Number 596 at naaprubahan noong 8th Regular Session ng SP at ng kasalukuyang pinamumunuan ni Vice-Governor at Acting Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza.

Layon nito na kumuha ng mga gamot at suplay lalo na ang mga ginagamit sa paglilinis, fogging operation at larva elimination para mapabilis na masubaybayan ang mga nagkasakit ng dengue.

Nakapagtala na ng kabuuang 4,583 na mga kaso ng dengue mula Enero hanggang Agosto 2, 2019 na mas mataas ang 221% kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon at labing-anim na ang nasawi batay sa datos ng IPHO.

Inatasan ng Gobernadora ang Integrated Provincial Health Office sa pamumuno ni Dra Eva Rabaya sa pagpupulong ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRM) na agad maghanda at magsumite ng mga proposal sa kanyang tanggapan upang ang mga kinakailangang rekomendasyon para matiyak na mabilis ang pagkuha ng mga gamot at ibang suplay.

Samantala, nakatakda namang gagawin ang dengue summit ngayon buwan na pangungunahan ng Provincial Government.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Mga nakumpiskang modified mufflers sabay-sabay na sinira sa Tulunan, North Cotabato

Sa pamamagitan ng symbolic rolling sabay-sabay na ipinasagasa ang mga nakumpiskang bora-bora pipes gamit ang pison sa National Highway Brgy. Sibsib, Tulunan, North Cotabato, kahapon.

Pinangunahan naman ni Tulunan Mayor Pip Limbungan ang pagsira ng mga nakumpiskang tambutso na sinaksihan din ng mga lokal na opisyales ng bayan, Traffic Management Unit, BFP at ng Tulunan PNP.

Ayon kay Tulunan PNP Chief Police Captain Edwin Tono, ang nasabing mga tambutso ay nakumpiska nila mula sa mga motorsiklo na may mga paglabag kaugnay sa open pipes na mahigpit na ipinagbabawal sa nasabing bayan.

Aabot naman sa walumpung mga modified mufflers ang nakumpiska ng PNP na karamihan ay mula sa mga isinasagawang mga highway inspection sa bayan.

Dagdag pa nito, na ang nasabing hakbang ay alinsunod sa mandato ng alkalde ng bayan bunsod na rin ng mga kaliwa’t kanang reklamo sa ingay na dulot ng bora-borang motorsiklo.

Ayon pa kay Tono na ang walumpong bilang ay nakumpiska nila sa loob lamang ng dalawang linggo mula sa iba’t-ibang barangay sa nasabing bayan. Pinakamarami aniya rito ay ang barangay Sibsib, Poblacion at Popoyon kung saan ilan sa mga motorsiklong may mga modified mufflers ay nasasangkot pa sa drag racing.

Tiniyak naman ni Tono na magtuloy-tuloy ang kanilang kampanya para makumpiska ang mga gumagamit ng open pipes na bukod sa maingay ay nakakadisturbo pa kung gabi kapag minamaneho ang nasabing sasakyan.

Samantala, sa mensahe ni Mayor Limbungan binigyang-diin nito na disiplina ang kailangan upang umunlad ang isang bayan dahil kung wala nito ay hindi makakamit ang minimithing kaunlaran.(Drema Bravo) VC- MAYOR PIP Si Tulunan Mayor Pip Limbungan. NDBC BALITA

 

-0-

 

NFA- North Cotabato, nagsisimula na sa pagbubukas ng mas maraming buying stations sa lalawigan

Magbubukas ng mas maraming buying station ng mga palay para sa mga local farmers ang National Food Authority o (NFA) North Cotabato.

Ayon kay North Cotabato NFA Provincial Assistant Manager Bong Campued, ito ay paghahanda na rin ng ahensya sa pagsisimula ng harvest season ng palay sa susunod na buwan.

Dagdag pa nito, pinaghahandaan na ang paglalagay ng dagdag na mga buying stations sa iba pang strategic location sa lalawigan. Sa ngayon nagbukas na ang apat na mga buying stations sa ibat-ibang lugar sa lalawigan tuald ng sa bayan ng Midsayap, Kabacan, Mlang at sa Kidapawan City.

Samantala, 17 per kilo ang bilihan ng palay ng mga magsasaka sa probinsya maliban pa ito sa mga insentibo na maari nilang makuha mula sa ahensya.

Nilinaw din ni Campued na sapat ang supply ng bigas sa bodega ng NFA sa nagyon na abot pa sa 60,000 bags ng imported na bigas mula sa Thailand. Hinihimok naman nito ang mga local farmers na sungkaban ang pagkakataon na ibenta ang kanilang produkto sa NFA na bumibili ng mas mahal kumpara sa ibang traders.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Mamamayan may malaking papel sa lipunan upang mapigilan ang krimen- ayon sa PNP North Cotabato

Malaking bahagi ang ginagampanan ng bawat mamamayan upang mapigilan ang kahit-anumang krimen na nangayayri sa Probinsya ng North Cotabato.

Ito ay ayon kay Cotabato Police Provincial Office o CPPO spokesperson Bernard Tayong kasabay ngayong crime prevention week.

Tulad na lamang anya ng pagreport sa kanila ng mga nangyayari o may nalalamang mangyayaring krimen sa kani-kanilang lugar o mismo ang bawat mamamayan ay gumawa ng mabuti o tinatawag na law abiding citizen ay malaking tulong sa PNP.

Sinabi nitong, nagsagawa ang pulisya ng mga aktibidad na direktang makakatulong sa pagpapababa ng krimen sa buong lalawigan kabilang na dito ang pagbibigay ng Information, Education and Communication Materials sa mga mamamayan at pagbibigay ng refresher course sa mga BPAT members na katuwang ng PNP sa pagpapanatili ng katiwasayan. V

Ayon pa kay Tayong, unti-unti na nilang nahuhuli ang mga drug suspects sa probinsya sa patuloy na anti-illegal drug operations ng PNP at sa mga programa na rin ng kada Local Government Unit na mga balik pangarap program na maaring mapakinabangan ng drug surenderee.

Tema ng crime prevention week ngayong taon “Buhay Pahalagahan, Komunidad Magtulungan, Krimen Hadlangan.”(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

NIA employee na nakamotorsiko, binaril sa Pikit, North Cotabato 

Sugatan ang isang kawani ng National Irrigation Administration (NIA) matapos na ito ay pagbabarilin ng di pa nakilalang suspect alas 7 kagabi sa Barangay Batulawan, Pikit, North Cotabato.

Sa ulat ng Pikit PNP, nakilala ang biktima na si Bryan Aman Maliganan, 35 years old na nakatira sa naturang lugar.

Sakay umano ang biktima ng kanyang motorsiklo galing sa kanilang bahay nang pagsapit sa lugar ay huminto ito dahil sa mabigat na daloy ng trapiko at dito na nagkataon ang mga suspek na barilin si Maliganan.

Si Maliganan ay tinamaan sa kanyang batok. Nakakuha ang mga police ng empty shells ng cal. 45 pistol sa crime scene.

Mabilis tumakas ang mga suspek na lulan ng Kawasaki Bajaj CT100 at walang plaka patungong Barangay Dilanggalen.

Hindi pa batid kung ano ang motibo at kung sino ang responsable sa pinakahuling kaso ng pamamaril sa bayan.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

 

-0-

 

 Mga vendor na nasunugan sa Koronadal public market nakabalik na sa dati nilang pwesto

Magdadalawang taon matapos masunog, nakabalik na sa loob ng Koronadal Public market ang mga apektadong vendor. Ito ay kahit na tinatapos pa ang konstruksyon ng bagong gusali sa loob nito.

Nilinaw naman ni Koronadal Public Market Supervisor Junard Manansala na ang mahigit 300 mga pinabalik sa palengke ay pawang mga lehitimong vendor.

Ang mga ito ay mga umuukopa ng mga stall noon sa nasunog na merkado publiko. Ayon kay Manansala bagamat mayroon ng supply tubig sa kabubukas na bahagi ng palengke, inaayos pa ng lokal na pamahalaan ang linya ng kuryente.

Matatandaan na ang mga stall occupant sa nasunog na palengke ng Koronadal noong Oktober 10,2017 ay pansamantalang lumipat sa mga tabing daan na nakapaligid dito. Ayon kay Manansala para matiyak ang kaayusan sa loob ng palengke may tinalaga ditong walong mga kasapi ng civil security unit o CSU ang lokal na pamahalaan ng Koronadal.

 

-0-

 

Alert level ng dengue cases sa lalawigan bumaba na rin dahil sa pagbaba ng kaso ng nasabing karamdaman sa South Cotabato

Mula sa outbreak threshold noong Hulyo ibinaba na ngayon sa above alert ang dengue cases sa South Cotabato. Kasunod ito ng pagbaba rin ng bilang ng mga nagkasakit ng dengue sa lalawigan nitong mga nakalipas na linggo.

Ito ay ayon kay Provincial Epidemiology and Surveillance Unit o PESU Chief Cecile Lorenzo. Ang PESU ay nakapagtala ng 951 dengue cases noong Agosto. Mas mababa ito ng 66% kumpara sa 1,441 na kanilang naitala noong Hulyo. Naniniwala si Lorenzo na ito ay sanhi ng pinaigting na kampanya kontra dengue ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan.

Pinaalalahanan ni Lorenzo ang publiko na sa kabila ng pagbaba ng dengue cases hindi parin dapat maging kampante ang mga ito. Payo ni Lorenzo sa mga mamamayan para maiwasan muli ang dengue outbreak ipagpapatuloy ang search and destroy operation o 4’o clock habit.

Ito ang sabayang paglilinis o pagsira ng mga bagay o lugar na maaring pamugaran ng mga lamok na nagdadala ng dengue fever. Ang PESU ay nakapagtala ng 5,512 dengue cases sa South Cotabato mula Enero hanggang Setyembre. 23 sa mga biktima ang binawian ng buhay.

 

-0-

 

Public OFW Desk itatayo ng pamahalaang panlalawigan sa South Cotabato

Magkakaroon na ng public OFW Desk ang lalawigan ng South Cotabato. Kasunod ito ng pagbigay ng Sangguniang Panlalawigan ng otoridad kay Governor Reynaldo Tamayo Jr. na lumagda ng kasunduan sa mga concerned na ahensya ng pamahalaan.

Ang mga ito ay ang Philippine Overseas Employment Administration o POEA, Overseas Workers Welfare Administration o OWWA, Deprtment of Labor and Employment, at Technical Education and Skills Development Authority o TESDA. Layon nito na lalo pang matulungan ang mga OFW at mapaigting ang kampanya laban sa illegal recruitment. Ito ay ayon kay South Cotabato Board Member at SP Committee on Civil Service Labor and Employment Chair Esther Marin Catorce.

Ayon kay Catorce sa pamamagitan ng Public OFW Desk ay magtutulungan ang lahat ng ahensya ng gobyerno para mapaigting ang pagtuturo sa mga mamamayan nais mangibang bansa sa mga dapat gawin. Ipinahayag ni Catorce na nakasaad sa Public OFW Desk Ordinance ang pagtatag ng pamahalaang panlalawigan ng nasabing pasilidad.

Ito ay upang may mahingan din ng tulong ang mga mamamayan ng South Cotabato na nais magtrabaho sa ibang bansa.

 

-0-

 

Mga pumatay sa dalawang lalaki na natagpuan sa dalawang bayan sa lalawigan posibleng isang grupo lang, ayon sa provincial director ng PNP South Cotabato

Maaring isang grupo lamang ay may gagawan sa pagpatay sa dalawang bangkay na natagpuan sa mga bayan ng Banga at Sto. Nino, South Cotabato. Ipinahayag ito ni South Cotabato PNP Provincial Director Pol. Col. Joel Limson. Ayon kay Limson halos magkakapreho kasi ang sinapit ng dalawang mga biktima.

Ito ang sinabi ni Limson kasunod ng magkasunod na pagkakatuklas ng dalawang bangkay sa South Cotabato. Matatandaan na isang bangkay ng lalaki ang nakita ng isang magsasaka sa kanal sa tabing palayan sa Barangay Rizal, Banga, kamakalawa.

Ang biktima ay binalot ng packaging tape sa ulo at tinalian din nito ang kanyang mga kamay at paa.

Kasunod ito ng pagkakatuklas din sa bangkay ng isang lalaki sa tabi ng NIA Canal sa Barangay M. Roxas sa bayan ng Sto. Nino. Ang natagpuang bangkay sa Sto. Nino ay nasa 30 years old, may taas na 5’6”, medium built, nakasuot ng asul na jacket at may tattoo ng John Angel 03 sa kanang kamay. Bago natagpuan ang bangkay nakirinig pa ng sunod sunod na putok ng armas ang mga nakatira malapit sa lugar.

Ayon kay Limson ang dalawang bangkay ay pawang nagtamo ng bala ng baril sa ulo at iba’t ibang parte ng kanilang mga katwan. Hindi pa ri batid ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga ito.

 

-0-

 

Hiling ng DA Secretary na pagbili ng palay ng mga magsasaka tutugunan ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato

Tutugon sa hiling ni Deprtment of AGriculture Secretary Dar na pagbili ng produktong mga magsasaka ang pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato.

Ayon kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr., umaasa siyang papaboran ng Sangguniang Panlalawiganang hihilingin nitong supplemental budget. Ito ay upang may pambili ng produkto ng mga magsasaka ng palay sa lalawigan.

Ipinahayag ito ni Tamayo kasunod ng pagkikita nila sa bayan ng Tupi ni Department of Agriculture Secretary William Dar. Ayon kay Tamayo nais nitong magbigay ng dagdag na dalawang pisong insentibo sa mga magsasaka sa South Cotabato na magbebenta ng kanilang palay sa NFA.

Bukod dito ayon kay Tamayo handa rin ang isang kompanya na bilhin sa P17 kada kilogram ang palay ng mga magsasaka nay may 32% content moisture. Voice Clip.…si South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. Ayon kay Tamayo ang palay procurement program ay paglalaanan ng provincial govrnment ng mula P million hanggang P20 million.

Barangay chairman, companion dead in Kabacan shooting incident

NORTH COTABATO --- Two were killed, one of them a barangay chairman, while two others were wounded in an attack in Kabacan town in this...

Look: Cops haul fish and marine products sold outside Kalamansig town market

KALAMANSIG, Sultan Kudarat - Police authorities here on Sunday hauled containers and fish peddled by fish vendors beside the highway as...

2 MILF members detained for illegal gun possession

MAGUINDANAO --- Two members of the Moro Islamic Liberation Front were arrested Saturday for unauthorized carrying of firearms....

Top ASG member, 2 others yield to gov’t forces

ZAMBOANGA CITY - The WestMinCom’s campaign against violent extremism reaps good results as more terrorists yield to the government forces...

Though our Lord Jesus Christ was rich, he became poor

Reading 1AM 8:4-7

Hear this, you who trample upon the needy
and destroy the poor of the land!
“When will the new moon be over...