Monday Sep, 23 2019 09:15:17 PM

NDBC BIDA BALITA (9.5.19)

NDBC BALITA • 15:00 PM Thu Sep 5, 2019
172
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. DRUG SUSPECT, huli sa buy bust operation sa Cotabato city; isa pang drug suspect, kinasuhan na.

2. Mahigit 50 mga puno ng Marijuana, natuklasan ng mga pulis sa Tampakan, South Cotabato.

3. MISIS, patay habang mister nito, sugatan sa pamamaril sa Kabacan, North Cotabato

4. Marijuana plantation, sinalakay ng PNP sa Tampakan, Souith Ctoabato 

5. All is set para sa MILF decommissioning sa sabado, daan ng mga sasakyan, inilipat 

 

‘ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

 

-0-

 

HULI ang isang drug suspect matapos ikasa ng mga otoridad ang Buy Bust Operation sa Notre Dame Avenue, barangay Rosary Heights 3, Cotabato city.

Nakilala ang suspek na si SAHID DELANGALEN NAKAN, alyas Ed, 29 anyos, single, habal-habal driver at residente rin ng nabanggit na barangay.

Nanguna sa nasabing operasyon si Police Station 3 commandeer Major Teng Bacal katuwang ang PDEA BARMM na nagresulta sa pagkakahuli ng suspek makaraang mapagbentahan nito ang isang pulis na nagpanggap na buyer. 

Nakuha sa suspek ang tatlong sachets na pinaghihinalaang iligal na droga at ang marked money na ginamit sa operasyon.

Samantala, pormal nang sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 kahapon ang isa pang drug suspect matapos mahuli sa isa ring Buy Operation sa Anacleto Badoy Street, Barangay Poblacion 3, Cotabato City.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si COLEN LILAN BAGUINDALI, 43 years old, may asawa, taga Almanza Street, Barangay Rosary Heights 3 ng lungsod.

Magugunitang naaresto ang suspek kamakalawa ng umaga nang pangunahan ni Police Station 1 Deputy Commander Lt. Joel Columna Albao ang operasyon katuwang ang PDEA BARMM.

Base sa pagsusuri, nagpositibo umano sa paggamit ng iligal na droga ang suspek at kumpirmadong shabu rin ang nakuha sa kanya ng mga otoridad.

 

-0-

 

NAPIGILAN ng mga bombero ang pagkasunog ng mga stall sa palengke ng Datu Piang Maguindanao, pasado alas sais ng umaga kahapon.

Sinabi ni Bureau of Fire Protection o BFP-Datu Piang chief, fire Insp. Moksin Sali Jr. mabuti na lamang at mabilis na nagkapagresponde ang mga bombero kaya’t din na kumalat ang apoy.

Tanging nasunog ang bahay na pag-aari ni Hadja Paunda Bano sa Datu Pendalilang Piang Street, barangay Poblacion ng bayan.

Ayon kay Sali, tinatayang nasa 100 libong piso ang danyos sa naturang sunog.

 

-0-

 

 

MAGPAPATUPAD ng traffic rerouting ang Sultan Kudarat PNP bilang bahagi ng paghahanda sa Decommissioning Process ng MILF Combatants sa Old Maguindanao Provincial Capitol sa Simuay, Sultan Kudarat, Maguidanao ngayong Sabado, September 7.

Sinabi ni Sultan Kudarat PNP Chief, Major Julhamin Asdani na ang mga motoristang magmumula sa Pagadian City at Cotabato City na papuntang Davao City ay dadaan sa Crossing Pinaring sa Barangay Limbo, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Habang ang mga sasakyan na magmumula sa Davao City papuntang Pagadian at Cotabato City ay normal route lang ang dadaanan.

Simula sa public terminal sa Crossing Simuay ay one way lamang ang dadaanan ng mga sasakyang mula sa Davao City.

Samantala, ayon pa kay Asdani, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng mga sasakyan sa loob ng Old Provincial Capitol kung saan magaganap ang Decommissioning Process na inaasahang dadaluhan ni P. Duterte.

Bawal naman pumasok ang mga motorsiklo mula Crossing Simuay hanggang sa DPWH ng Sultan Kudarat.

Kaugnay nito, naka-antabay naman Medical Team ng Sultan Kudarat LGU para sa mga mangangailangan ng medical assistance sa araw ng Decommissioning Process.

Ilan sa mga babantayan ng medical team ay ang heat stroke, pagkahilo at pagtaas ng blood pressure ng mga dadalo sa aktibidad dahil sa mainit na panahon.

Simula ngayong araw ay operational na ang Incident Command Post and Assistance Center ng sa bahagi ng Public terminal ng bayan.

 

-0-

 

 

IPINAGPALIBAN muna ang pamamahagi ng social pension para sa mga senior citizen ng Cotabato City dahil sa kawalan umano ng Special Disbursing Officer ng Department of Social Welfare And Development o DSWD 12 para mangasiwa sa naturang aktibidad.

Kaya sa halip na ngayong September 24 at September 25 ang Social Pension Pay out sa lungsod ay iniurong ito sa October 2-4.

Gagawin ang payout sa people’s palace na pangangasiwaan ng City Social Welfare and Development Office at ng DSWD 12.

Kaugnay nito ay nilinaw naman ni city mayor Cynthia Guiani na hindi nanggaling sa City LGU ang pondo para sa social pension ng mga nakatatanda kundi ito ay mula mismo sa national government na ipinatutupad ng DSWD 12.

Mahigpit din ang monitoring at validation na ginagawa ng CSWD at DSWD para matiyak na karapat-dapat na benipisyaryo ang tatanggap ng pensyon.

 

-0-

 

Sisimulan na ngayong umaga ang dalawang araw na Firearms Registration and LTOPF na one stop shop caravan na bukas para sa lahat ng taga North Cotabato na isasagawa sa Kidapawan City gymnasium.

Ang mga requirements para sa mga new applicants ay application form, Neuro Exam, Drug test Exam, Government ID, Proof of billing, NBI at Police Clearance at Gun safety seminar.

Para naman sa mag-apply for renewal, magdala lamang ng NBI at Police Clearance, Neuro at Drug test exam habang para sa mga PNP personnel ay PNP ID, Duty status, Neuro at Drug Test Exam.

Ayon kay Kidapawan City PNP Chief Police Lt. Col Ramel Hojilla, mismong ang taga Civil Service Commission region 12 ang pupunta sa lungsod ngayong araw para sa caravan.

Ito ay bahagi na rin ng kanilang kampanya kontra loose firearms at maging para sa renewal.

Dagdag pa ni Hojilla, noong nakaraang taon abot sa 4,000 na mga loose firearms ang naitala sa buong North Cotabato.

 

-0-

 

Misis patay habang mister nito, sugatan sa pamamaril sa Kabacan, North Cotabato

Dead on arrival sa pagamutan ang isang negosyanteng babae habang sugatan naman ang mister matapos na pagbabarilin ng di pa nakikilalang suspek sa Maria Clara Street Poblacion, Kabacan Cotabato alas 4:30 ng madaling araw kahapon.

Nakilala ang nasawi na si Jonna Baylin Raquel habang sugatan naman ang asawa nitong si Danny Jarabata Raqcuel. Sa inisyal na ulat ng Kabacan Police, tinatahak ng mag -asawa ang daan na lulan ng motorsiklo patungo sana sa Public Market nang dinikitan at pinagbabaril sila ng di pa nakikilalang suspek.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng caliber 45 pistol na siyang ginamit ng mga suspek sa pamamril. Agad na isinugod sa pagamutan ang mga-asawa pero ideneklarang patay si Jonna habang patuloy namang nagpapagamot ang kanyang asawa sa ospital. Patuloy pa rin hanggang sa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. NDBC BIDA BALITA

 

0-0

 

Ikalawang palapag ng bahay sa Kidapawan City na pagmamay-ari ng isang guro sa USM-Kabacan campus, nasunog

Nasunog ang ikalawang palapag ng bahay na pagmamay-ari ng isang guro ng University of Southern Mindanao o USM Kabacan campus alas 5:10 ng hapon kahapon sa Apo Sandawa homes phase 3, Barangay Poblacion Kidapawan City.

Ayon sa ulat na nakalap ng news team, ang bahay ay pagmamay-ari ng pamilya ni Efren Mangulaman habang swerte namang hindi umabot ang apoy sa ground floor at iba pang mga kalapit na bahay.

Mabilis na nakapagresponde ang tatlong mga fire truck ng Bureau of Fire protection o BFP- Kidapawan sa nasabing lugar matapos makatanggap ng ulat.

Sinasabing may narinig umanong putok sa itaas ng kanilang bahay ang anak ng may-ari habang nasa loob bago nangyari ang sunog. Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng BFP- Kidapawan sa kung ano ang sanhi ng apoy. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Lalaki, sugatan matapos saksakin ng lasing na suspek sa Carmen North Cotabato

Patuloy na ginagamot ngayon sa ospital ang isang 20 anyos na lalaki matapos na pagsasaksakin sa Barangay Ugalingan, Carmen, North Cotabato alas 10:40 ng gabi nitong martes.

Sa ulat ng Carmen PNP, nakilala ang biktima na si Ping-ping Inggo, 20 anyos habang ang suspek naman na lasing nang gawin ang pananaksak ay nakilalang si Cesario Alcayde, 32 anyos, isang construction worker na kapwa nakatira sa nabanggit na lugar.

Sinasabing pinapaalis ng suspek ang biktima sa lugar kung saan ito natutulog pero ayaw nitong umalis at doon na nagalit ang suspek haggang sa inundayan nito ng saksak si Inggo.

Mabilis na naisugod sa Amas, Provincial Hospital ang biktima habang naaresto naman ang suspek na ngayon ay nakapiit na sa custodial facility ng Carmen PNP. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Misis at 2 anak nito pinagsasaksak ng mister na lasing sa Makilala,North Cotabato

Kritikal ngayon ang kondisyon ng isang misis at dalawang anak nito matapos na pagsasaksakin ng suspek na tatay nila sa Purok 1B, brgy. Kisante, Makilala, North Cotabato pasado alas-4:00 kahapon ng hapon.

Kinilala ang mga sugatan na sina Nora Bacus, nasa tamang edad at ang dalawang anak nito na sina Tata Bacus Durano, 22-anyos at si Bernadette Bacus, 14 anyos lahat residente ng nasabing barangay. Ang suspek na pinaghahanap ay mismong mister ng biktima na si Bebot Bacus.

Ayon sa ulat, lasing umano ang suspek bitbit ang kutsilyo at sinulong ang misis sa bahay ng kanyang anak na si Durano.

Pagdating ng suspek sa bahay ng kanyang anak ay agad na sinaksak ang misis ng ilang beses at sinaksak din ang dalawang anak. Isa sa biktima na anak nito ay may isang buwang sanggol.

Matatandaan na tinaga din ng suspek ang bayaw nito dahilan para ito ay nabilanggo noon. Patuloy namang pinaghahanap ang suspek habang patuloy na ginagamot sa ospital ang tatlong mga biktima.

 

-0-

 

LTO 12 Regional Director nanawagan sa publiko na huwag magpaguyo sa mga fixer sa kanilang mga tanggapan

Makipagtraskyon lamang sa kanilang tanggapan at huwag nang dumaan sa mga fixer. Ito ang panawagan ni Land Transportation Office o LTO 12 Regional Director Macario Gonzaga sa mga mamamayan ng rehiyon.

Ayon kay Gonzaga, para hindi mahirapan may mga chart ang LTO na tuturo sa mga mamamayan ng tamang proseso sa pagkuha ng lisensya sa transportation office. Bukod dito ayon kay Gonzaga mayroon din silang mga public assistance desk na tutulong sa mga may transaksyon sa LTO.

Binigyan diin ni Gonzaga na walang kasalanan ang mga taga LTO kung mayroon mang maloko ang mga fixer dahil sila lamang ang nakipagtransakyon sa mga ito. Ayon kay Gonzaga modus na ng mga fixer na nagaabang sa mga may transaksyon sa LTO ang manghingi ng dagdag na bayarin.

Ipinahayag ito ni Gonzaga matapos maaresto ng mga pulis ang umanoy isang fixer sa harap ng LTO sa Koronadal City.

 

-0-

 

142 barangay sa South Cotabato drug-free na raw ayon sa information officer ng PDEA region 12

Ligtas na sa iligal na droga ang 142 sa 199 na mga barangay sa South Cotabato. Ipinahayag ito ni Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 Information Officer Kath Abad. Gayunpaman ayon kay Abad ang mga drug –free barangay sa lalawigan ay kailangang isailalim sa rre-validation. Ayon kay Abad ito ay ginagawa ng mga kaspi ng PDEA kada quarter.

Sa ngayon tinututukan din ng PDEA 12ang nalalabing 57 barangay sa South Cotaobato na hindi pa drug-cleared. Ipinahayag din ni Abad na matapos ideklarang drug-free ang karamihan sa mga barangay nito, tumaas din ang presyo ng iligal na droga sa South Cotabato.

Ayon kay Abad ang shabu ay mabibili na ngayon sa lalawigan sa P6,000 kada gramo. Mas mataas ito sa P5,000 per gram na bentahan ng nasabing iligal na droga noong nakaraang taon.

Kinumpirma din ni Abad na maging ang presyo ng Marijuana ay tumaas din sa South Cotabato. Mula sa P35 pesos umaabot na ngayon sa P120 per gram ang presyohan nito sa lalawigan. Naniniwala si Abad na ito ay sanhi ng pinaigting na kampanya ng mga otoridad laban sa iligal na droga.

 

 

-0-

 

Ordinansa na sumusuporta sa Freedom of Information Bill isinusulong ng Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato

Makatutulong ang Freedom of Information o FOI Ordinance para magkaroon ng access sa government information ang mga mamamayan. Ito ay ayon kay South Cotabato Governor Vicente de Jesus na siya ring presiding officer ng Sangguniang Panlalawigan.

Ipinahayag ito ni De Jesus kasunod ng pagsulong ng mga myembro ng SP sa FOI Ordinance. Binigyan diin ni De Jesus na mahalaga ang ordinansa para sa pag-institutionalized sa FOI dahil magiging batayan ito ng “public trust.”

Kaugnay nito sinabi naman ni Board Member Esther Marin Catorce na sa pamamagitan ng FOI ay magkakaroon ng transaprency at nahihikayat din ang publiko na makiisa sa lokal na pamamahala.

Ayon kay Catorce na siya ring Chairman ng Committee on Education, Science and Technology and Information ng konseho, sa pamamagitan ng FOI ay maiiwasan ang fake news sa government transactions. Nakasaad sa ordinansa na walang request na tatanggihan ang mga public offices sa lalawigan.

Ito ay maliban lamang kung may sinasalungat na batas, at mga pamantayan sa local inventory ng mga exemptions sa FOI. Inaasahan naman na ang FOI Ordinance ay maaprubahan ng Open Government team ng South Cotabato bago magtapos ang 2019.

 

-0-

 

Dengue cases sa lalawigan nadagdagan pa ayon sa Assistant Provincial Health Officer ng South Cotabato.

Umabot na 5,366 ang kaso ng dengue na naitala ng provincial health office ng South Cotabato mula Enero hanggang Agosto nitong taon.

Mas mataas ito kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Mula sa 22 may dalawang lingo na ang nakaraan umabot na rin 23 ang binawian ng buhay sa lalawigan sanhi ng dengue fever.

Kaugnay nito,ipinahayag ni South Cotabato Assistant Provincial Health Officer Dr. Baby Ala Vingo na matagal pa bago matapos ang dengue outbreak sa lalawigan.

Ito ay kahit pababa na ang bilang ng mga dengue patients nitong mga nakalipas na lingo.

Kaya hiling ni Vingno sa mga mamamayan ng South Cotabato ipagpapatuloy pa rin ang “sabayang oplan kulob” o paglilinis ng mga lugar o bagay na maaring pamahayan ng mga lamok na nagdadala ng dengue. Ipinahayag din ni Vingo na darating sa lalawigan ngayong linggo ang isang team mula sa national government para imonitor ang tugon ng provincial government sa dengue outbreak.

 

-0-

 

Agriculture Officer ng Koronadal may hiling sa pamahalaang nasyonal para sa mga magsasaka na apektado ng Rice Tarrification Law

Bigyan din ng abono ang mga magsasaka para matulungan ang mga ito namakaagapay sa epekto ng Rice Tarrification Law o RTL. Ito ang panawagan ni Koronadal City Agriculture Officer Emelita Miguel sa pamahalaang nasyonal.

Ayon kay Miguel hindi kasi sapat ang dekalidad na binhi at iba pang farm input na natatanggap ngayon ng mga magsasaka mula sa pamahalaan.

Paliwanag ni Miguel mas malaki kasi ang nagagastos ng mga magsasaka sa abono dahil karamihan sa mga sakahan ngayon ay depleted na o nawalan na ng natural na pampataba.

Ipinahayag ni Miguel na problema ng mga rice farmers ang kakulangan ng ferlizer na mahalaga sa pagtaas ng kanilang produksyon. Ayon kay Miguel mas mataas sa national average na 3.5 metric tons per hectare ang average 4.2 per hectare na ani ng mga magsasaka sa Koronadal.

Pero mas mababa pa rin ito sa mula lima hanggang anim metrikong tonelada kada ektarya na isinusulong ng Department of Agriculture. Para makatulong ang lokal napamahalaan ay nagbibigay ng insentibo sa mga organic farmers ng Koronadal.

Aminado si Miguel na ang pagbagsak ng presyo ng palay ay sanhi ng Rice Tarrification Law o RTL.

Ayon kay Miguel ang mabuting epekto ng RTL ay hindi kaagad agad maramdaman ng mga mamamayan. Kaya panawagan nito sa mga magsasaka ng Koronadal dumalo sa mga forum hinggil sa RTL.

Ito ay para maliwanagan kung papaano ipinatutupad ang nasabing batas kung matulungan na mapataas rice production na pangunahing pagkain ng mga Pilipino.

 

-0-

 

Fish processing itinuro ng provincial agriculture office sa mga mamamayan ng Tulunan, North Cotabato

Nakinabang sa pagsasanay sa fish processing ng Office of the Provincial Agriculturist ang mahigit tatlumpung mga mamamayan sa bayan Tulunan, North Cotabato. Kinabibilangan ang mga ito ng mga fishpond operators, kababaihan, at mga kabataan mula sa walong barangay ng nasabing bayan.

Sinanay ang mga ito sa paggawa ng tilapia lamayo, dried tilapia, bangus deboning, relyeno at spicy dilis. Ang pagsasanay ay regular na ginagawa ng OPAG para sa mga mamamayan ng North Cotabato na nais magkaroon ng dagdag na kabuhayan.

Ito ay ayon kay Acting Provincial Agriculturist Remedios Hernandez. Kaugnay nito, ipinahayag ng aquaculturist na si Virgie Lamgonggo na maibabahagi rin ng mga participant ang kanilang natutunan sa training sa kanilang mga kasama. Ang programa ay suportado ng Department of Agriculture region 12.

 

-0-

 

Mahigit 50 puno ng Marijuana plants natuklasan ng mga pulis sa Tampakan, South Cotabato

Abot sa mahigit limampung puno ng fully grown marijuana plants ang natuklasan ng mga pulis sa liblib na Sitio ng Alyong sa bayan ng Tampakan, South Cotabato.

Ang mga ito ay nagkakahalaga ng mahigit P50,000. Tinungo ng mga kasapi ng Tampakan PNP na pinamumunuan ni Police Captain Joseph Villanueva ang nasabing lugar matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa mga natuklasang marijuana plants. Iba sa mga ito ayon kay Villanueva ay tila kabubunot pa lamang.

Dahil sa layo ng lugar, karamihan sa mga nadiskubreng marijuana plants ay sinunog na lamang doon ng mga pulis. Habang ang iba naman ay dinala ng mga ito para sa ceremonial burning sa municipal plaza na pinangunahan kahapon ni Tampakan Mayor Leonard Escobillo kasama ang iba pang lokal na opisyal ng Tampakan at PNP.

Ayon kay Villanueva dahil nakatanim sa public land hirap ang mga pulis na tukuyin ang cultivator ng marijuana plants na hindi na nila naabutan sa lugar.

Bukod dito ayon kay Villanueva ang Marijuana plantation ay nasa tri-boundary ng South Cotabato, Sarangani at Davao del Sur. Ayon kay Villanueva,kaya lamang sila unang nakaresponde sa tuwing may mga reports hinggil sa Marijuana plantation sa Sitio Alyong dahil mas accessible ito sa bayan ng Tampakan.

 

 

 

Barangay chairman, companion dead in Kabacan shooting incident

NORTH COTABATO --- Two were killed, one of them a barangay chairman, while two others were wounded in an attack in Kabacan town in this...

Look: Cops haul fish and marine products sold outside Kalamansig town market

KALAMANSIG, Sultan Kudarat - Police authorities here on Sunday hauled containers and fish peddled by fish vendors beside the highway as...

2 MILF members detained for illegal gun possession

MAGUINDANAO --- Two members of the Moro Islamic Liberation Front were arrested Saturday for unauthorized carrying of firearms....

Top ASG member, 2 others yield to gov’t forces

ZAMBOANGA CITY - The WestMinCom’s campaign against violent extremism reaps good results as more terrorists yield to the government forces...

Though our Lord Jesus Christ was rich, he became poor

Reading 1AM 8:4-7

Hear this, you who trample upon the needy
and destroy the poor of the land!
“When will the new moon be over...