Monday Sep, 23 2019 09:16:13 PM

NDBC BIDA BALITA (9.3.19)

NDBC BALITA • 13:15 PM Tue Sep 3, 2019
232
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. BARANGAY KAGAWAD at sundalo, patay sa magkahiwalay na mga insidente ng pamamaril sa Cotabato city.

2. Ilang mga miyembro ng media sa North Cotabato, nagpalabas ng manifesto bilang suporta sa isang mamamahag na idinawit sa pagpatay kay Ed Dizon

3. DSWD, naglabas na ng higit sa 229 million pesos na pondo para sa social pension sang mga senior citizen sa region 12

4. P229 million, inilaan ng DSWD para sa mga senior citizen sa region 12

 

 

"ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

 

-0-

 

DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang isang barangay official ng Midsayap, North Cotabato matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Cotabato city pasado alas otso kagabi.

Nakilala ang nasawing biktima na si BASER SALIM ADAM, 35 years old, may asawa at kagawad ng Barangay Mudseng, Midsayap, North Cotabato.

Sa inisyal na report ng City PNP, katatapos lamang maghapunan ni Adam at misis nito sa isang karenderya at naglalakad sa LR Sebastian Street, Barangay Rosary Heights 10 nang lapitan sila ng motorcycle riding-tandem suspects.

Agad na pinagbabaril ng isa sa mga suspek ang biktima sa ulo at dibdib gamit ang cal. 45 pistol.

Hindi naman tinamaan ang misis nito na mabilis humingi ng saklolo para maisugod sa ospital si Adam.

Samantala, bago ito, isang sundalo rin ang binawian ng buhay bunsod pa rin ng pamamaril sa lungsod pasado alas tres ng hapon sa bahagi ng Maria Clara Street, Barangay Rosary Heights Mother.

Dead on the spot ang biktimang si Sgt. Mike Elumba, may asawa, taga- Barangay Rosary Heights 10 at kasapi ng 9th Scout Ranger Company na nakabase sa Pagadian city.

Sinabi ni Police Station 2 commander, Capt. Rustom Pastolero na nagmomotorsiklo lamang si Elumba patungong downtown nang dikitan ng motorcycle riding-tandem suspects at pinagbabaril ng dalawang beses sa ulo at sa katawan gamit ang cal. 45 pistol.

Inaalam pa ng mga otoridad sa ngayon ang motibo sa naturang mga kaso ng pamamaril at kung sino-sino ang mga nasa likod nito.

 

-0-

 

DEAD on the spot ang dalawang mga drug suspect matapos umanong manlaban sa mga otoridad na naglunsad ng buy bust operation sa Barangay Polloc, sa Parang, Maguindanao.

Nakilala ang mga nasawi na sina HABIB ABAD alyas KEBE at ALDEN BASIGAN KUSAIN habang nakatakas naman ang isa pa nilang kasamang nakilala lang sa pangalang Pulak.

Sa report ng Parang PNP, naglunsad umano sila ng operasyon kasama ang PNP BARMM, PDEA BARMM, Regional Mobile Force Battalion 14 at 1401st Regional Mobile Force Battalion sa lugar na target ang mga nabanggit na suspek.

Nabatid na nagtangka umanong tumakas ang tatlong mga suspek sakay ng pulang EURO 175 motorcycle na may plakang 1101-431612.

Nang subukang pigilan ng mga otoridad ay nagpaputok umano ng baril ang mga suspek kaya’t nauwi sa shootout ang operasyon.

Nakuha sa mga nasawing suspek ang dalawang cal. 22 revolver at 12 mga bala nito, dalawang empty shells of Cal. 22 at isang malaking piraso ng heat sealed transparent sachet na naglalaman ng suspected shabu.

Sinasabing isa umano sa mga namatay na suspek na si alyas Kebi ay isang notoryus na kriminal na kabilang sa Gun for Hire Group.

 

-0-

 

Sabay-sabay na isinugod sa ospital ang tatlo katao matapos na magtamo ng mga sugat nang maaksidente habang nagmomotorsiklo sa national highway na sakop ng Barangay Badak, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Nakilala ang magkakamag-anak na sina JOSE JESS BALAO, JENNY BALAO at ROBERT BARCELONA, pawang mga nasa hustong gulang at residente rin ng Maguindanao.

Base sa ulat, binabaybay ng tatlo ang kalsada lulan ng kanilang motorsiklo pasado ala una ng hapon kamakalawa nang makasalubong nila ang isang Elf truck.

Iniwasan umano nila ito dahilan upang magtuloy-tuloy naman sila sa isang malalim na hukay sa gilid ng kalsada.

Nagtamo ng mga sugat sa katawan at ulo ang mga biktima na ngayon ay patuloy na ginagamot sa ospital.

 

-0-

 

NAIS ni House Deputy Speaker Mujiv Hataman na maisama ang mga magsasaka sa mga benipisyaryo ng Conditional Cash Transfer o CCT Program ng Department of Social Welfare and Development.

Sinabi ni Hataman sa briefing ng Department of Agriculture sa Kamara na kailangan ng mga magsasaka ng ayuda mula sa gobyerno na nalulugi na umano dahil sa pagpasok ng mas murang mga imported rice nang maisabatas ang Rice Tariffication Law.

Bukod sa ipinapangakong tulong ng Rice Competitive Enhancement Fund, iginiit ni Hataman na kailangang makakuha rin ng hiwalay na tulong ang mga magsasaka sa CCT program.

Dapat aniyang tapatan ng gobyerno ng karampatang ayuda ang paghihirap ng mga magsasaka.

 

-0-

 

HIGIT dalawang libong mga mamamayan ng Mamasapano, Rajah Buayan at Shariff Saydona Mustapha sa Maguindanao ang nakinabang sa inilunsad na Project TABANG o Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan ng BARMM Government.

Sinabi ni BARMM READI Head at BARMM Interior and Local Government Minister Atty. Naguib Sinarimbo na ang Project TABANG ay isang convergence program ng iba’t ibang BARMM ministers katuwang ang mga LGU, NGO, PNP, at AFP para makapagbigay ng libreng serbisyo sa mga mamamayan ng rehiyon.

Ilan sa mga libreng serbisyong hatid ng Project Tabang ay; medical at dental check up, legal services, haircut, feeding program, eye checkup at eye glasses, at disaster-preparedness drill and orientation.

Samantala, nagsagawa rin ng kahalintulad na aktibidad sa BARMM Compound sa Cotabato City na pinangunahan ng Office of the BARMM Chief Minister.

 

-0-

 

Pagpapabakuna sa mga alagang aso hiniling ng provincial veterinarian sa mga mamamayan ng South Cotabato

Maging responsableng pet owners sa pamamagitan ng pagpapabakuna ng mga alagang aso. Ito ang panawagan ni South Cotabato Provincial Veterinarian Dr. Flora Bigot sa mga mamamayan ng lalawigan.

Kasunod ito ng pagkakatuklas ng mga personnel ng provincial veterinary office ng rabies sa brain samples sa ilang mga barangay sa bayan ng Tantangan.

Ayon kay Bigot, bagamat nakapagbigay ng anti rabies vaccine ang mga personnel ng PVET sa mahigit 72,000 na mga aso sa South Cotabato marami pa rin ang hindi nabakunahan.

Karamihan sa mga ito ayon kay Bigot ay mga asong gala o napabayaan ng mga dog owner. Ito ang dahilan kung bakit ayon kay Bigot magsasagawa ng pwersahang pagbabakuna sa mga asong gala ang PVET sa mga barangay ng Tantangan.

Binigyan diin ni Bigot na mahalaga ang dog vaccination para masawata ang rabies na banta sa kalusugan ng publiko. Dinagdag din nito na pinakamurang paraan pa rin para makaiwas sa rabies ang pagpapabakuna ng mga alagang aso. Ito ay sa harap ng napipintong kakulangan ng supply ng mas mahal na human rabies-vaccine.

 

-0-

 

DSWD nakapag-release ng mahigit P229 million para sa mga senior citizens na benepisyaryo ng social sa region 12

Nakinabang sa mahigit 229 million pesos na pondo mula sa Department of Social Weflare and Development o DSWD ang mahigit 26,000 na mga senior citizens sa region 12.

Ayon kay DSWD 12 Regional Director Cezario Joel Espejo, ang mga ito ay kalakip sa na-validate nilang listahan. Ipinahayag ni Espejo na bawat benepisyaryo ay tumanggap ng tig P3,000, katumbas ng tig P500 kada buwan mula Enero hanggang Hunyo.

Ayon kay Espejo mahigit 45 million pesos sa nasabing halaga ay naibigay sa may 15,000 beneficiary sa Sultan Kudarat; may 25 million para sa mahigit 8,000 beneficiary sa Sarangani; 69 million para sa may 23 million beneficiary sa South Cotabato, at mahigit P83 million para sa may 29,000 beneficiary sa North Cotabato.

Sinabi ni Espejo nan a-validate na rin nila ang mahigit 139,000 lehitomong mga benepisyaro mula sa may 264 thousand na nabigyan ng social pension sa katapusan ng 2018.

Ipinahayag ni Espejo na ang mahigit 124,000 beneficiary sa Cotabat City at Maguindanao na bahagi na ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ay tinanggal nila sa listahan.

Ayon kay Espejo natuklasan din ng DSWD personnel ang double entry sa kanilang data base ang ilang mga benepisyaryo.

Habang ang iba naman ay nadiskubreng may pension din mula sa Social Security System o SSS. Nagpapatuloy din ang pamimigay ng DSWD ng social pension sa nalalabing mahigit 62,000 benefeciary.

Ito ay habang nagpapatuloy din ang pagsuri sa kanilang listahan para masigurong tanging mga karapat dapat lamang ang makinabang sa social pension ng pamahalaan. Ito ay bilang pagtalima na rin sa Expanded Senior Citizens Act na ipinatutupad ng DSWD.

 

-0-

 

Bureau of Animal Industry pinaigting ang monitoring laban sa mga produktong karne na may African Swine Fever disease sa mga paliraparan at daungan ng General Santos City

Nakikipagungyan ngayon sa ibang concerned na agency ng pamahalaan ang mga personnel ng Bureau of Animal Industry o BAI.

Ito ay bilang kabahagi ng pinaigting na monitoring ng mga ng mga kargamento ng mga produktong karne mula Luzon at ibang bansa na pinaghihinalaang may African Swine Fever o ASF Disease sa airport at seaport ng Gensan.

Ayon kay BAI 12 Director Castor Leo Ejercito sinunog nila ang mahigit 250 kilograms na imported meat products na lulan ng commercial flight mula Maynila noong nakaraang lingo.

Ang nasabing mga produkto na mga processed pork, peking duck at iba pang meat products ay kinumpiska ng mga airport personnel dahil sa kawalan ng dokomento ng isang mayari ng restaurant na nagdala sa mga ito. Sinabi ni Ejercito na minomonitor din ng mga BAI personnel ang apat na mga container galing Taiwan na dumating sa Makar port sa Gensan.

Binigyan diin ni Ejercito na kailangan ang pagpapatuloy ng maigiting na monitoring upang matiyak na mananatiling ligtas sa ASF ang swine industry sa bansa.

 

-0-

 

Provincial Health officer may paliwanag kung bakit sa kabila ng pagtaas nito, wala pa ring deklarasyon ng state of calamity dahil sa dengue sa Sarangani Province

Tumaas man ang kaso ng dengue na naging trend na kada tatlong taon, hindi pa nararapat ang deklarasyon ng State of Calamity sa lalawigan ng Sarangani.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Arvin Alejandro, hindi pa gaanong nakaapekto sa mga mamamayan ang prevalence rate ng dengue sa Sarangani lalong lalo na sa Maitum na may pinakaraming kaso nito.

Ang mas mahalaga ayon kay Alejandro natutugunan kaagad nila ang pagdami ng dengue cases sa Sarangani dahil sa maigting na surveillance at early detection.

Kaugnay nito sinabi naman ni Provincial Health Office Medical Technologist Federico Yadao na nagtutulngan ang lahat ng sector para masawata ang dengue sa Sarangani. Ito ay kahit na walang deklarasyon ng state of calamity sa lalawigan.

Dinagdag din nito na may nakahanda ng mga gamot kontra dengue ang bawat bayan sa Sarangani. Ito ay bukod pa sa machine para sa vector control na ibibigay ng provincial government. Matapos mamigay ng Olyset net sa 100 eskwelahan, tutukuhan naman nila ayon kay Yadao ang pamimigay nito sa mga lugar na may maraming kaso ng dengue.

Habang binigyan diin naman ni Sarangani Governor Steve Chiongbian Solon na nakontrol nila ang pagkalat ng dengue sa lalawigan noon pang Marso. Ang provincial health office ay nakapagtala ng mahigit 1,200 dengue cases sa Sarangani mula Enero hanggang Agosto. Mas mataas ito ng may 192% sa 433 denge cases sa lalawigan sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

 

-0-

 

Drug rehabilitation center bubuksan sa Tupi,South Cotabato

Ipinatatayo ng pamahalaang panlalawigan ang rehabilitation center para sa mga drug personality sa bayan ng Tupi, South Cotabato.

Ito sa pakikipagtulungan ng provincial government sa local government ng Tupi, Philippine Drug Enforcement Agency at Department of Social Welfare and Development. Katuwang din ng mga ito ang ilang mga Non-government organizations o NGOs at iba pang concerned na ahensya ng gobyerno.

Ayon kay Governor Reynaldo Tamayo Jr. inaasahang bubuksan ang nasabing drug rehabilitation center sa susunod na taon. Paliwanag ni Tamayo ipinatatayo ang pasilidad sa Tupi dahil na rin sa loteng idinonate para dito ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Tamayo ang drug rehabilitation center ay kayang tumanggap ng 50 hanggang 100 indibidwal. Para maging operational magtatalaga din dito ng staff tulad ng mga nurse at psychiatrist na tutulong sa mga drug personalties na nais magbagong buhay ang pamahalaang panlalawigan.

 

-0-

 

Mahigit 8K na mga dating STL employee sa North Cotabato, balik trabaho na

Epektibo nitong araw ng linggo Setyembre 1, 2019 ay bumalik na sa pag-operate ang Small Town lottery o STL na pinapatakbo ng Miracle Pick Gaming sa Kidapawan City matapos ipahinto ang operasyon ng pangulo dahil sa malawakang kurapsyon ng PCSO games.

Sa naging panayam kahapon kay STL North Cotabato administrator Rodlofo Gantuangco, sinabi nitong sa nagyon nasa 40 percent palang ang nagsimulang nakapag-operate na mga sales agent sa ibat-ibang mga STL outlets sa buong lalawigan ng North Cotabato.

Napag-bigay alam na rin sa ilang mga empleyado na sila ay makakabalik sa trabaho pero anya ang may mga utang pa ay bibigyan ng panahon na unti-unti nilang mababayaran. Maari rin silang makalapit sa kanilang mga station managers upang maturuan ng pamamaraan para makabalik sa kanilang trabaho. VC- GANTUNAGCO Si STL North Cotabato administrator Rodlofo Gantuangco.

May paalala naman ang opisyal sa mga mananaya na siguraduhing printed na resibo ang ibibigay ng ushers at hindi ang sulat kamay dahil kung hindi mababayaran sa loob ng 24 oras ay maari ng makalapit sa mga stasyon upang mabayaran basta’t printed na resibo ang maipresenta.

Dagdag pa nito na sa mga humihingi naman ng tulong sa STL ay kailangan pa rin ng endorsement letter mula sa tanggapan upang mabigyan agad ng tulong.9Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

P5,000 na multa babayaran ng mga lalabag sa proposed Anti-Dengue Ordinance sa Kidapawan City

Abot hanggang 5,000 piso ang babayaran bilang multa kung sino man ang lalabag sa pinaplanong Anti- Dengue ordinance ng lokal na pamahalaan ng Kidapawan City.

Nakasaad sa Article VI Section 23 at 24 ng Proposed City ordinance number 19- 043 na pinaplanong ipasa na ng Sangguniang Panlungsod upang makatulong na mapababa ang patuloy na pagtaas ng dengue cases sa lungsod.

Ang planong ordinansa ay nakikitang pamamaraan ng City Government na himukin ang lahat ng sector na makipagtulungan sa Pamahalaan sa pagresolba sa kaso ng dengue.

Samantala, 235% ang itinaas nito kumpara sa kaparehong panahon noong taong 2018.

Ayon sa SP Committee on Health na siyang may-akda at nagsusulong sa City Anti Dengue Ordinance, ilan sa itinuturing na violation sa nabanggit na ordinansaay una ang pag-iimbak ng mga lumang gulong, baterya, plastic, bote o alin mang uri ng sisidlan ng tubig na pwedeng pamugaran ng mga lamok at kiti-kiti; pag-iimbak ng mga lalagyan na hindi natatakpan ng maayos lalo na sa mga vulcanizing at battery repair shops at hindi pagpayag ng mga nagmamay-ari ng mga bakanteng lote na pwedeng tirhan ng mga lamok na linisin ng mga kinauukulan o komunidad.

Pinagbabawal din ang hindi pagkilos ng mga itatatag na mga City Anti Dengue Brigades sa problema ng dengue at pagsira sa mga education at information materials kontra dengue na ipoposte sa mga barangay. Target namang maipasa ang Anti-Dengue Ordinance bago matapos ang taong 2019. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Kidapawan City Veterinarian, nilinaw na ligtas sa African Swine Fever ang binebentang karne ng baboy sa lungsod

Ligtas ang mga ibenebentang karne ng baboy sa Kidapawan City Mega Market laban sa African Swine Fever o ASF.

Ito ay ayon kay Kidapawan City Veterinarian Dr. Eugene Gornez sa naging panayam ng Radyo- BIDA, sinabi nitong wala pang naiulat na may nakakapasok na African Swine Fever sa lungsod at maging sa buong Pilipinas.

Anya, marami silang report na natanggap na namatay na mga baboy pero hindi pa kumpirmado kung ASF ang sanhi nito. Kumukuha na rin ng mga blood samples ang tanggapan para sa laboratory testing kung anong sakit ang karamihan na dumadapo sa mga alagang baboy sa lungsod at probinsya.

Patuloy din ang pagmonitor sa lahat ng mga hog raisers sa lungsod na hindi nabakunahan ng hog cholera dahil may parehong mga sintomas ang hog cholera virus sa ASF at nng kaibahan lamang ay wala pang bakuna para sa ASF. VC- GORNEZ Si Kidapawan City Veterinarian Dr. Eugene Gornez.

Nilinaw din ng opisyal, tanging sa mga baboy lamang dumadapo ang African Swine Fever at ligtas ang taong makakakain ng baboy na may ASF.

Kung may mamonitor din anyang baboy na nagpositibo sa ASF gagamitin ang mga nakasaad na pamamaraan sa Animal Welfare Act sa pagpatay ng mga baboy bago ito ililibing. Sa mga mamamayan, kung makitaan ang mga alagang baboy ng mga sintomas ng ASF ay mariing ereport lamang sa kanilang tanggapan.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Sabayang Pagtatanim at clearing operation, nilahukan ng mga empleyado ng Cotabato Electric Cooperative

Nakiisa ang Cotelco sa ‘Simultaneous Tree Planting and line Clearing operations’ ng 121 Electric Cooperatives sa buong bansa, kaugnay sa ika-50 taon ng National Electrification Administration.

Higit sa 500 hardwood seedlings ang kanilang naitanim sa DENR Reservation area, Brgy Amas, Kidapawan City - na plano nilang bakuran at regular na balikan upang masigurong ito’y lalago.

Nanguna sa aktibidad si General Manager Engr. Godofredo Homez, kasabay ang board of directors na s’yang nagpaintindi sa simple, ngunit makabuluhang aktibidad.

Sinundan ito ng Massive clearing operation sa 15kilometrong linya sa kahabaan ng Davao-Cotabato partikular sa Barangay Bulatukan hanggang Poblacion area.

Layun nito na maiwasan ang unscheduled power interruptions at mapanatiling ligtas mula sa sakuna ang mga mamayan. Sa iba pang mga balita…. Sugatan ang isang pasahero matapos na mahulog ang sinasakyan nitong tricycle sa bahaging ito sa Valle Village, Brgy Lanao, Kidapawan City bandang alas 5:10 ng hapon.

Mabilis namang rumesponde ang City 911 sa nasabing insidente. Sa FB post ng isang bidang netizen, matagal na umanong sira ang nasabing daanan na madalas nag-oover flow tuwing malakas ang ulan. Ayon pa rito, ito na ang pang-walong beses na may nahulog na tricycle sa nasabing daanan. NDBC BIDA BALITA

 

 

 

 

Barangay chairman, companion dead in Kabacan shooting incident

NORTH COTABATO --- Two were killed, one of them a barangay chairman, while two others were wounded in an attack in Kabacan town in this...

Look: Cops haul fish and marine products sold outside Kalamansig town market

KALAMANSIG, Sultan Kudarat - Police authorities here on Sunday hauled containers and fish peddled by fish vendors beside the highway as...

2 MILF members detained for illegal gun possession

MAGUINDANAO --- Two members of the Moro Islamic Liberation Front were arrested Saturday for unauthorized carrying of firearms....

Top ASG member, 2 others yield to gov’t forces

ZAMBOANGA CITY - The WestMinCom’s campaign against violent extremism reaps good results as more terrorists yield to the government forces...

Though our Lord Jesus Christ was rich, he became poor

Reading 1AM 8:4-7

Hear this, you who trample upon the needy
and destroy the poor of the land!
“When will the new moon be over...