Monday Sep, 23 2019 09:51:17 PM

NDBC BIDA BALITA (9.2.19)

NDBC BALITA • 22:30 PM Mon Sep 2, 2019
193
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. OPERASYON ng Small Town Lottery o STL sa Cotabato city, muli ng bubuksan ngayong araw.

2. RESOLUSYON para ideklarang persona non-grata ang CPP-NPA sa tatlong mga barangay sa Kidapawan City, aprubado na

3. ILANG MGA MANGINGISDANG taga -Sarangani at GenSan na nakulong sa Indonesia, tinutulungan ngayon ng isang Non-Government Organization.

4. Teenage pregnancy sa GenSan, tumaas ng 77 percent 

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

 

-0-

 

BALIK-OPERASYON NA ang Small Town Lottery o STL sa Cotabato city, simula ngayong araw, September 2.

Sinabi ni Provident STL spokesperson Anthony Cagandahan na ito ay makaraang mabigyan na sila muli ng otorisasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO para makapag-operate.

Gayunman, aniya, mayroon silang mga kondisyon na mahigpit na susundin partikular na ang pagbabayad ng Cash Bond na katumbas ng tatlong buwan ng share ng PCSO sa Guaranteed Minimum Monthly Retail Receipts o GMMRR.

Nabatid na sa kabuuan ay may nakulekta nang 1.75 billion pesos na Cash Bond ang PCSO mula sa lahat ng mga authorized STL operations sa buong bansa..

Ayon kay Cagandahan, sa higit 20 mga STL outlet sa buong lungsod, nasa higit 300 mga manggagawa ang mabibigyan muli ng trabaho dahil sa pagbubukas ng STL.

Kaya naman inaanyayahan ni Cagandahan ang publiko na tangkilikin ang STL at magbigay ng donasyon para sa pagkakataong manalo sa kanilang mga papremyo.

Nabatid na bukod sa Cotabato city, higit 30 pang mga STL registered operator ang nagbukas na rin ng operasyon simula pa kahapon kabilang na ang

Basilan, Davao City, Davao del Sur, North Cotabato at Sarangani.

Maalalang binawi ni Pangulong Duterte ang ipinataw na suspension sa STL operation bago magtapos ang buwan ng Agosto.

Ipinasara ng pangulo ang STL kasama ng iba pang PCSO games nitong July 26 dahil sa mga nagaganap umanong katiwalian.

 

 

-0-

 

ARESTADO ang isang drug suspect sa isinagawang Buy Bust Operation sa Anacleto Badoy Street, Barangay Poblacion 3, Cotabato City.

Nakilala ang nadakip na si COLEN LILAN BAGUINDALI, 45 anyos, may asawa, at taga Almanza Street, Barangay Rosary Heights 3 ng lungsod.

Nahuli si Baguindali matapos na mapagbentahan ng suspek ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakuha kay Baguindali, ang isang sachet na pinaghihinalaang shabu at marked money na ginamit sa operasyon.

SAMANTALA, agad na dinala ng mga myembro ng Traffic Management Unit sa Police Station 1 ang isang lalaki matapos itong makuhanan ng baril at pinaghihinalaang iligal na droga sa Mother Barangay Bagua ng lungsod.

Kinilala ang suspek na si HAMSOR KUSAIN BENSUAN, 29 years old, single, at taga Purok Durian ng nabanggit na barangay.

Base sa ulat ng City PNP, pasado alas dos ng hapon kamakalawa nang sitahin ng TMU officers ang suspek na may dalang improvised 12-gauge shotgun na may bala.

Nang kapkapan ito ay nakuha rink ay Bensuan ang isang sachet ng hinihinalang shabu

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mga nadakip na suspek ngayong araw.

 

-0-

 

ILULUNSAD ngayong araw ang humanitarian outreach mission ng bangsamoro government na magiging regular nang proyekto sa iba’t ibang mga lugar na sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Ang nasabing proyekto ay tatawaging “TABANG” o Tulong Alay sa Bangsamorong Nangagailangan.

Pangungunahan ni BARMM Interior and Local Government Minister Atty. Naguib Sinarimbo ang aktibidad bilang pinuno rin ng Rapid Emergency Action on Disaster Incidence o READI BARMM.

Ang READI BARMM ang inatasang magsagawa ng outreach mission sa mga malalayong barangay ng Rajah Buayan at Mamasapano.

Ayon kay Sinarimbo, magiging katuwang nila sa TABANG project ang Integrated Provincial Health Office-Maguindanao, United Nations Population Fund, Army’s 33rd Infantry Battalion at ang mga local government units ng Mamasapano at Rajah Buayan.

SAMANTALA, kasabay nito, ngayong araw ay magsasagawa din ng outreach mission sa loob ng BARMM compound ang Office of the Chief Minister.

Kabilang sa mga ibibigay na libreng serbisyo sa TABANG project ay ang

1. JOBS FAIR

2. FREE LEGAL ADVICE

3. FREE NOTARIZATION OF AFFIDAVIT

4. Free Medical Checkups

5. Medical Prescription

6. Checkup at Bunot Ngipin

7. Tuli

8. Pamimigay ng Hygiene Kits

9. Pagbibigay ng tulong sa ilang myembro ng MILF at MNLF

10. Scholarship Awarding sa Pre-Selected Candidates

11. Free water Testing Analysis sa mga unang sampong darating na benipisyaryo

12. One Stop Shop for License to Own and Possessed Firearms

13. Pagbigay ng livelihood assistance sa 40 OFWs at maraming iba pa.

 

-0-

 

Sa Sept. 7 na ang libing ng batikang mamamahayag at isa sa mga pinakamahuhusay na tagapagsalaysay ng kasaysayan ng Mindanao na si Patricio “Pat” Diaz Sr.  Siya ay 923 taong gulang nang sumakabilang buhay dahil sa sakit.

Nasawi si Diaz dahil sa cardiac arrest bunga na rin ng kanyang katandaan noong August 29, Huwebes sa St. Elizabeth’s Hospital sa General Santos city.

Magdiriwang pa sana ng kanyang kaarawan si Diaz noong August 25 kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan nang bigla itong atakihin sa puso kaya agad siyang dinala sa ospital hanggang sa doon na rin nalagutan ng hininga makaraan ng apat na araw.

Si Diaz ay naging editor-in-chief ng Mindanao Cross sa loob ng 21 taon mula 1968 hanggang 1989.

Siya rin ang publisher ng Mindanao Kris mula 1989 hanggang 1996.

May mga libro ring isinulat si Diaz na tungol sa Bangsamoro peace process at kasaysayan ng Mindanao.

Si Diaz ay ginawaran ng “Lifetime Achievement Award” by the Titus Brandsma Awards noong 2002 para sa kanyang dedikasyon sa edukasyon at pagbibigay ng impormasyon sa mga mamamayan ng Mindanao.

Noong 2010, tumanggap din ng Agong Award si Diaz sa Mindanao Media Forum

Ilan sa mga isinulat na aklat ni Diaz ay “To Tripoli and Back”; “What Ails Muslim Autonomy?”; Understanding Mindanao Conflict; “The 2010 GRP-MILF Peace Drafts: With Comments and Analysis” at “Troubled Odyssey: The GRP-MILF Peace Process”.

 

-0-

 

Skylab driver, patay sa pinakabagong kaso ng pamamaril sa Pikit, North Cotabato

Dead on the spot isang skylab driver na pinakabagong biktima ng pamamaril sa harap ng Barangay Hall ng Ginatilan, Pikit North Cotabato alas 12:10 ng tanghali nitong sabado.

Kinilala ng Pikit PNP sa pangunguna ni Pikit PNP chief police Captain Mautin Pangandigan ang biktima na si Silfie Gila alyas Jerry, 36 anyos na taga Barangay Manaulanan, Pikit.

Sa naging imbestigasyon ng mga pulis, sakay noon ang biktima ng kanyang motorsiklo nang pagbabarilin siya ng di pa kilalang mga suspek na patungo sana sa Barangay Poblacion.

Agad na tumakas ang mga salarin sa di pa malamang direksyon matapos gawin ang krimen. Habang narekober sa crime scene ang mga basyo ng caliber 45 pistol na ginamit mga mga suspek sa pamamaril sa biktima.

Patuloy pa ang malalimang imbestigasyon ng Pikit PNP kung sino at ano ang motibo sa pagpatay kay Gila.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Resolusyon sa pagdeklara ng CPP-NPA na persona non-grata sa tatlong mga Barangay sa Kidapawan City, aprubado na

Sa pamamagitan ng isang resolusyon ng Barangay Peace and Order Council o BPOC pormal ng nideklara ang Communist Party of the Philippines-New Peoples Army o CPP-NPA sa tatlong mga barangay sa Kidapawan City. Ito ay ang barangay Katipunan, Linangkob at San Roque sa Kidapawan City.

Nabatid na ang tatlong mga barangay ay una nang naideklara noong Agosto dose, kung saan kabilang ito sa pitong mga barangay ng lungsod na nagsunog ng bandila ng rebeldeng grupo.

Ayon naman kay Brgy. Katipunan Chairman Ricardo Reforial, ang nasabing habkang ay malinaw na mensahe na hindi na maaaring makapasok pa ang rebeldeng grupo sa kanyang barangay.

Dagdag pa nito na sa kanyang lugar ay abot sa 30 ang mga natukoy nitong NPA sympathizers ngunit dahil sa patuloy na programa ng pamahalaan laban sa mga terorista ay hindi na ito naniniwala ngayon sa mga ideolohiya ng kilusan.

Aminado rin si Reforial na dati-rati ay dumadaan lang sa kanyang lugar ang nasabing grupo pero ngayon, ni anino nito ay hindi na nasisilayan sa kanilang barangay.

Ang pag-apruba sa nasabing resolusyon ang inilabas nitong Biyernes kasabay ng isinagawang Brgy. Assembly ng barangay Katipunan. Bisita sa nasabing programa ang Philippine Army at PNP-SAF.

Kaugnay nito, ipinahayag ni PNP-SAF 4th SAB Battalion Commander Police Lt. Col. Darwin Padla na dahil sa patuloy na hakbang na ginagawa ng gobyerno upang mawaksi ang rebeldeng NPA ay unti-unti na ring humihina ang kanilang pwersa at unti-unti na ring lumiliit ang kanilang mundo. 

Maliban sa nabanggit na barangay ay sabay ring nagpalabas ng resolusyon ang Sangguniang Barangay ng Linangkob at San Roque, Kidapawan City. Magugunitang abot sa pitong mga barangay sa lungsod ang sabay-sabay na lumahok sa peace rally kamakailan kasabay ng pagwawaksi ng CPP-NPA. Ito ay ang Brgy. Linangkob, San Roque, Gayola, Sto Ñino, MalinaN, San-isidro at ang Katipunan.(Drema BravO) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Kidapawan City government, ginawaran bilang National Kabalikat awardee ng TESDA 12

Ginawaran na bilang National Kabalikat ng Technical Education and Skills Development Authority ang Kidapawan City Government kahapon na isinagawa sa TESDA Auditorium sa Taguig City.

Ito ay bilang pagkilala ng TESDA sa adbokasiya at suporta ng lokal na pamahaalan sa Technical Vocational Education and Training o TVET Program ng ahensya. Tatanggapin ng City Government ang parangal sa ilalim ng Local Government Unit Category mula sa TESDA sa August 30, 2019 sa TESDA Auditorium sa Taguig City.

Kinilala ng TESDA ang mga programa ng City Government na naglalayung mabigyan ng skills training para magkaroon ng kabuhayan ang maraming beneficiaries ng programa.

Sa tulong ng TESDA, nakipagpartner si City Mayor Joseph Evangelista sa pribado at government sector upang maipatupad ang programa sa skills development at livelihood ng mga benepisyaryo.

Ilan lamang sa mga programang ito ay kinabibilangan ng: e-learning System kabalikat ang DepEd at With Love Jan Foundation at Jobstart Program katuwang ang Department of Labor and Employment at mga pribadong kompanya.

Marami na ang nakabenepisyo sa programang nabanggit dahil bukod pa sa pagkakaroon ng skills development at employment sa loob at labas ng bansa, ay nabigyan din sila ng informal education sa pamamagitan ng programa. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Cotabato Electric Cooperative o COTELCO, nagkamit ng parangal sa isinagawang Golden Dagitab awards ng NEA

Humakot ng Pagkilala ang Cotelco sa katatapos na "Golden Dagitab Awards" sa ika-50 taong Anibersaryo ng National Electrification Administration (NEA).

Nasungkit ng Cotelco ang Golden Dagitab Award for Triple A Electric Cooperative, Paramount Excellence Award, 5-year Power House Excellence Award, Advocacy Excellence Award, Model Member-EC Award; Exemplary & Outstanding Leadership Awards; at 3rd place sa Kwentong Dagitab video documentary.

Ayon kay Cotelco General Manager Engr. Godofredo Homez, ito ay bunga ng sestimatikong pamamalakad at sustenableng implementasyon ng proyektong pailaw sa mga barangay.

Pinaabot ng opisyal ang pagsaludo sa mga empleyado at pasasalamat sa mga konsumante na katuwang ng Cotelco sa pagpapatupad ng proyekto.

Bunga ng parangal, aasahang marami pang mga programa ang maipapatupad ng Cotelco upang mapailawan ang malalayong pamilya sa kanayunan na nangangarap ng Liwanag.

Sinabi ni Homez, ito ay isang inspirasyon para paghusayan pa ang Serbisyo na kalakip ang pag-asa para sa bawat pamilya na siyang nagmamay-ari ng Cotelco. (Cherry Exim)

 

-0-

 

Teenage pregnancy sa syudad bumababa na raw ayon sa City Population Officer ng Gensan

Nakapagtala ng 77 na kaso ng teenage pregnancy ang lokal na pamahalaan ng General Santos city sa school year 2018-2019. Mas mababa ito sa 116 na kaso na kanilang naitala noong nakaraang school year. Ayon kay Gensan City Population Officer Judith Janiola, ang patuloy na pagbaba ng teengage pregnancy cases ay resulta ng kanilang mga advocacy programs at information and education campaigns.

Kabilang sa mga ito ayon kay Janiola ang Comprehensive Sexual Education o CSE na ipinatutupad nila sa tulong ng Deped. Ayon kay Janiola sa pamamagitan ng nasabing programa ay mas naituturo sa mga kabataan ng Gensan ang peligro ng pre-marital sex, pagbuo ng kanilang grupo at paghubog sa kanila para maging mabuting lider.

Maliban sa mga ito ayon kay Janiola, pinaigting din nila ang pagtuturo ng responsible parenthood sa mga komunidad at magulang. Ayon kay Janiola lumbas sa kanilang pagaaral na isa sa mabisang solosyon sa teenage pregnancy ang pakikipagtulungan ng mga magulang para matukoy ang sanhi nito.

Naniniwala din si Janiola na maiiwasan ang maagang pagbubuntis kung matibay ang pundasyon ng isang pamilya.

 

0-0

 

Insentibo mula sa provincial government matatanggap ng mga magsasaka ng palay sa South Cotabato

Maglalaan ang pamahalaang panlalawigan ng mula P5 million hanggang P20 million pesos para sa insentibo at pambili ng produksyon ng mga magsasaka sa South Cotabato.

Ipinahayag ito ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. Binigyan diin ni Tamayo na kailangang maprotektahan laban sa mga mapagsamantalang rice traders ang mga magsasaka sa lalawigan. Ayon kay Tamayo, walang tubo at mababawi lamang ng mga magsasaka ang kanilang mga gastusin sa P13 per kilogram na bentahan ng palay sa kasalukuyan.

Ito ayon sa gobernador ay dapat agad na mabigyan ng solosyon. Dinagdag din nito na plano ng provincial government na makipagugnayan sa National Food Authority o NFA.

Ayon kay Tamayo para tumaas ang kanilang kita, handa ang pamahalaang panlalawigan na magdagdag ng P2 per kilogram sa presyohan ng palay ngayon ng NFA na P21 kada kilogram.

Sinabi ni Tamayo na ang Office of the Municipal Agriculturist ay tutukoy sa mga magsasaka, lawak ng mga palayan at production cost. Magbibigay din ng identification card ang pamahalaang panlalawigan sa mga benepisyaryong magsasaka.

Layon nito ayon kay Tamayo na matiyak na tanging mga lehetimong mga magsasaka lamang ang mabibigyan ng insentibo. Ayon kay Tamayo para malaman kung anong angkop na produkto ang itatanim sa isang lugar kailangan din ng lalawigan na magkaroon ng dalawang soil analysis centers. Ang mga ito ay ilalagay sa Upper Valley at Lower Valley area ng lalawigan.

Ayon kay Tamayo sa ngayon ang mga magsasaka ng palay sa South Cotabato ay mayroon lamang na produksyon ng mula 80 hanggang 100 bags per hectare. Ito ay mas mababa sa mula 250 hanggang 350 per hectare kumpara sa ibang mga lugar sa bansa.

 

-0-

 

Mga mangingisda sa Sarangani at Gensan na nakulong sa Indonesia dahil sa illegal fishing, tinutulungang makauwi ng isang NGO sa General Santos City.

Isinusulong ng isang Non-government organization ang pagpapalaya sa may 24 na mga Pilipinong mangigisda na nakakulong sa Indonesia dahil sa illegal fishing.

Ayon kay Oblates of Notre Dame Hesed Foundation Inc., Executive Director Sister Susan Bolanio OND, nakikipag ugnayan sila ngayon sa Department of Foreign Affairs o DFA at Philippine Consulate sa Manado, Indonesia.

Ayon kay Bolanio, ang nasabing mga mangigisda ay magkakahiwalay na naaresto simula noong Hulyo hanggang sa kasalukuyan. Ito ay habang lulan ng fishing boats na ginagamit umano sa illegal fishing sa karagatan ng Indonesia.

Nabatid na ang unang grupo ng 12 mga mangigisda mula Sarangani ay nahuli ng Indonesian Navy noong July 1. Habang ang apat na iba pa ay nahuli sa unang lingo ng Agosto.

Walong mga mangigisda naman mula Gensan kabilang ang isang menor de edad ang nahuli noong Agusut 23. Ang mga ito ay naka-detain sa Bitung, North Sulawesi Province sa Indonesia at kinasuhan ng illegal entry at fishing.

Ayon kay Bolanio nakaalarma na ang patuloy na paghuli ng mga mangingisdang Pinoy sa karagatan ng Indonesia. Ayon kay Bolanio karamihan sa mga inarestong mangingisda ay walang pangunahing requirement na ID mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Kaugnay nito ipinahayag naman ni Gensan Mayor Ronnel Rivera na tumutulong sa pagpapauwi sa mga nakulong na mangingisda sa Indonesia ang isang Inter-agency body. Ito ay pinamumunuan ng lokal na pamahalaan ng General Santos City. Dinagdag din nito na para maresolba ang problema kailangan ayusin ang problema sa border sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia.

 

-0-

 

Mahigit 100 CCTV Camera inilagay ng LGU sa mga strategic na lugar sa Koronadal City

Ipinakalat ng lokal na pamahalaan ang mahigit isang daang close circuit television o CCTV camera sa mga strategic na lugar sa sentro at boundary ng mga barangay sa Koronadal City.

Ito ay ayon kay City Disaster Risk Reduction and Management Council Action Officer Cyrus Jose Urbano. Ayon kay Urbano 22 sa mga CCTV ang hindi pa gumagana dahil sa konstruksyon ngayon ng Bolok Bridge. Inirerekomenda din ni Urbano ang maigting na pagpapatupad ng lokal na pamahalaan ng ordinansa na naguutos sa mga tanggapan ng gobyerno na maglagay ng CCTV Camera.

Ito ay upang makatulong sa pagbabantay ng seguridad ng publiko. Ayon kay Urbano karamihan kasi sa mga CCTV na ito ay nakaharap sa mga pangunahing daan sa Koronadal.

Ipinahayag ni Urbano na mahalaga ang mga CCTV na nakaharap sa mga daan para makatutulong sa imbestigasyon sa mga road crash incidents.

 

-0-

 

NFA Administrator tiniyak ang dekalidad at sapat na supply ng bigas para sa mga biktima ng kalamidad sa bansa

Ligtas at dekalidad ang mga bigas na nakaimbak ngayon sa mga bodega ng NFA sa buong bansa at handang i-release sa mga biktima ng kalamidad. Tiniyak ito ni NFA Administrator Judy Carol Dansal.

Ayon kay Dansal ang NFA ay mayroong supply ng bigas na aabot ng mula 15 hanggang 30 araw. Ito ay bilag pagtalima na rin sa rice terrification law na naipasa noong Pebrero.

Ayon kay Dansal, nasunod ng NFA ang ininuutos ng nasabing batas . Dinagdag din ni Dansal na ang NFA ay mahigit 300 mga bodega na maaring pagbenahan ng mga rice farmers ng kanilang mga produkto sa buong bansa. Ang NFA buying price ngayon ng palay ay mula 17 hanggang P20 kada kilogram.

Samantala inaprubahan ng NFA Council ang P37 per kilogram na bentahan ng bigas ng NFA na ginagamit sa relief operations . Layun nito na mabigyan ng pagkakataon ang ahensya na makabawi sa epekto ng ng rice tarrification law.

 

 

Barangay chairman, companion dead in Kabacan shooting incident

NORTH COTABATO --- Two were killed, one of them a barangay chairman, while two others were wounded in an attack in Kabacan town in this...

Look: Cops haul fish and marine products sold outside Kalamansig town market

KALAMANSIG, Sultan Kudarat - Police authorities here on Sunday hauled containers and fish peddled by fish vendors beside the highway as...

2 MILF members detained for illegal gun possession

MAGUINDANAO --- Two members of the Moro Islamic Liberation Front were arrested Saturday for unauthorized carrying of firearms....

Top ASG member, 2 others yield to gov’t forces

ZAMBOANGA CITY - The WestMinCom’s campaign against violent extremism reaps good results as more terrorists yield to the government forces...

Though our Lord Jesus Christ was rich, he became poor

Reading 1AM 8:4-7

Hear this, you who trample upon the needy
and destroy the poor of the land!
“When will the new moon be over...