Monday Sep, 23 2019 09:42:40 PM

NDBC BIDA BALITA (9.12.19)

NDBC BALITA • 08:45 AM Thu Sep 12, 2019
224
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. IMPLEMENTASYON ng search warrant sa Cotabato city, nauwi sa shootout; dalawa katao sugatan habang isa pa, arestado!

2. ANIM katao na umano'y mga miyembro ng gun for hire, naaresto sa Pikit, North Cotabato

3. BOMB carrier na natuklasan kasunod ng isang shooting incident sa Isulan, Sultan Kudarat, inaalam pa ng mga otoridad

4. Petition for bail ni dating ARMM governor Datu Zaldy Uy Ampatuan kaugnay ng Maguindanao massacre case, ibinasura ng Korte Suprema.

 

at sa detalye ng mga balita...

 

-0-

 

DALAWA KATAO ang naisugod sa ospital habang isa pa ang nadakip ng mga otoridad matapos na mauwi sa shootout ang implementasyon ng search warrant sa Purok Mabagel, Barangay Bagua 1, Cotabato City.

Ipatutupad lamang sana ng mga pulis mula sa Police Station 4 sa pangunguna ni Col. James Golmatico kasama ang CIDG BARMM ang search warrant na inisyu ni Judge Kasan Abdulrakman para kanila TALIB TAN MACARIDO at GUINAID SANGER SEMA nang manlaban ang isa sa mga suspek.

Pasado alas singko ng umaga kahapon nang isagawa ng mga otoridad ang law enforcement operation ngunit sa halip na payapang sumuko ay nagpaputok umano ng baril si Macarido.

Gumanti ang mga otoridad sanhi para tamaan sa hita si MACARIDO na nagtangka pa umanong tumakas.

Nagtamo naman ng tama ng bala sa kanang kamay sa nangyaring palitan ng putok si Police Sr. Master Sgt. Elmer Mosquera.

Nakakuha naman ang mga pulis ng isang M16 armalite rifle at mga bala sa madamong bahagi ng lugar.

Habang wala namang nakuhang baril mula sa isa pang suspek na si Guinaid Sanger Sema na ngayon ay hawak na ng mga otoridad.

 

-0-

 

AMINADO ni South Upi, Maguindanao mayor Reynalbert Insular na mayroong nagaganap na recruitment ng New People’s Army o NPA sa mga liblib na barangay sa kanilang bayan.

Pero tiniyak ni Insular na namo-monitor nila ang mga ito at aktibo rin ang mga pulis at sundalo katuwang ang mga barangay official para masigurong hindi mahuhulog sa patibong ng komunistang grupo ang mga katutubo.

Katunayan, sinabi ni Insular na nitong nakaraang buwan lamang ay pitong mga Teduray IP na umaming mga miembro ng NPA ang kusang sumuko sa South Upi LGU bitbit ang kanilang mga baril.

Bukas-palad naman silang tinanggap ni mayor Insular at inalok ng trabaho para tuluyang makapagbagong-buhay.

Bukod sa mga monitoring ng NPA recruitment, sinabi ni Insular na maigting din ang kanilang pagbabantay sa mga naglalabang pamilya sa kanilang lugar bunsod ng agawan sa lupa.

Ayon kay Insular, mula nang maupo siya sa bilang alkalde ay siniguro niyang maaayos ang anumang alitan ng iba’t ibang grupo dahil sa pinag-aagawang lupa.

Ilan lamang ito sa mga accomplishment ng South Upi LGU sa pamumuno ni Insular na ngayon ay nasa kanyang ikalawang termino.

Sa susunod na linggo ay nakatakdang magdiwang ng ika-43 foundation anniversary ang South Upi ay ipinagmalaki ng alkalde na malaki na ang pagbabago sa kanilang bayan.

Ayon kay Insular, malapit nang matapos ang kanilang proyektong patubig. Malapit na rin anyang makumpleto ang konstruksyon ng mga farm-to-market road sa mga liblib na barangay sa bayan.

Marami na ring umusbong na negosyo sa lugar gaya na lamang ng mga gasoline station, pawnshop at money forwarding establishment na kauna-unahan sa bayan.

Hinihintay na lamang nila aniya ang pagtatayo ng isang bangko sa bayan para mas mapadali ang kanilang mga financial transaction.

Meroon na ring negosyo center ang bayan at kooperatiba para sa mga kababaihan at LGU worker.

 

-0-

 

Patay ang isang bilanggo habang sugatan naman ang isang police official sa pamamaril sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Nakilala ang nasawi na si Nords Kabil Usman, may kasong illegal possession of firearms at frustrated murder na detainee ng Gen. Salipada K. Pendatun o GSKP-PNP.

Nagtamo naman ng sugat sa braso si Police Captain Rommel Enriquez, ang Chief of Police ng General Salipada K. Pendatun.

Ayon kay Datu Odin Sinsuat Chief of Police, Major Joseph Macatangay, sakay si Usman ng Police Patrol Car kasama ang grupo ni Enriquez mula sa GSKP at patungo sana ng Cotabato City para dumalo sa inquest proceedings.

Ngunit pagsapit nila sa Sitio Katulungan, Barangay Taviran, Datu Odin Sinsuat ay bigla silang dinikitan ng motorcycle-riding tandem suspects at pinagbabaril si Usman gamit ang cal. 45 pistol.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek nang paputukan sila ng mga pulis.

Tinamaan sa ulo at dibdib si Usman na dead on the sport sa insidente.

 

-0-

 

Communist terrorist group idineklara ng lokal na pamahalaan na persona-non-grata sa T’boli, South Cotabato

Tugon ng lokal na pamahalaan sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na paglaban sa insurgency ang pagdeklarang persona-non-grata sa mga kasapi ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army-National Democractic Front o CPP-NPA-NDF sa bayan ng T’boli, South Cotabato.

Ipinahayag ito ni T’boli Mayor Dibu Tuan kasabay sa pagsasapubliko ng lokal na pamahalaan sa ordinansa na mariing nagbabawal sa communist terrorist group sa nasabing bayan.

Dinaluhan ito ng mga myembro ng PNP, militar,kawani ng lokal na pamahalaan at mga opisyal ng barangay. Nakasaad sa resolution ang mga karahasan ng communist terrorist group o CTG sa bayan ng T’boli at karatig lugar.

Kabilang sa mga ito ang pagsunog ng mga heavy equipment ng mga kontraktor, extortion, recruitment ng mga menor de edad at maraming iba pa.

Ayon kay Tuan agad na tumugon ang LGU sa utos ng pangulo dahil prone sa recruitment ang mga indigenous peoples na bumubuo sa 90 porsyento na populasyon ng T’boli.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Philippine Army 27th IB Alpha Company Commander Ist Lt. Gen. Adrian Gautane na ang pagdeklarang persona-non-grata sa T’boli ng rebeldeng grupo ay makaapekto ng malaki sa kanilang operasyon at recruitment.

Ayon kay Gautane, ngayon pa lang ay nabawasan ang recruitment ng rebeldeng grupo sa mga boundary ng T’boli, sa karatig bayan ng Polomolok, Sarangani at General Santos City.

Ito ayon kay Gautane ito ay bunsod ng pinaigting na military operation at pagpapatupad ng mga proyektong pangkabuhayan ng lokal na pamahalaan sa nasabing lugar.

 

-0-

 

Anim na menor de edad na pinaghihinalaang biktima ng human trafficking nailigtas ng mga pulis sa airport ng General Santos City

Nasa pangangalaga na ng Crisis Intervention Unit ng City Social Welfare and Development Office ang anim na menor de edad na pinaghihinalaang biktima ng human trafficking sa General Santos City.

Ang mga ito ay na-rescue ng aviation security personnel sa General Santos City Airport noong Lunes. Ito ay ayon kay Philippine National Police-Aviation Security Unit 12 Commander Lt. Col. Florencio Soriano Jr.,

Ayon kay Soriano naharang nila ang mga menor de edad na may kwestyunableng mga dokomento habang papasakay ng eroplano.

Pinakamatanda sa mga ito ay 16 years old at pinakabata naman ay tatlong taong gulang. Ayon kay Soriano, lumabas sa kanilang imbestigasyon na ang mga na-rescue na menor de edad ay pawang kabilang sa tribung Manobo.

Ang mga ito ay nagaaral sa Salugpungan Ta'Tanu Igkanugon Community Learning Center sa Talaingod, Davao del Norte.. Lumabas naman sa pagsusuri ng mga kawani ng city social welfare and development office ng Gensan na mabuti ang kalagayanng mga na-rescue na menor de edad.

Ayon kay Soriano, pinagaaralan ng pulisiya ang pagsasampa ng kasong human trafficking laban sa isang pastor na kasama umano ng nailigtas nilang mga menor edad.

 

-0-

 

Sangguniang Panlalawigan kinatigan ang isinusulong ng gobernador na pagpapatayo ng Malasakit Center sa South Cotabato

Tiyak na ang pagkakaron ng Malasakit Center sa lalawigan ng South Cotabato. Kasunod ito ng pag-apruba ng mga myembro ng Sangguniang Panlalawigan sa ordinansa na nagbibigay ng otoridad kay Governor Reynaldo Tamayo Jr na lumagda ng kasunduan sa Office of the President.

Ayon kay Board Member Ellen Grace Subere Albios ang pamahalaan ay maglalaan ng P5 milyon kada buwan para sa operasyon ng nasabing pasilidad. Ito ay ilalagay naman sa Provincial Hospital ng South Cotabato. Nilinaw naman ni Albios na tanging makikinabang lamang sa Malasakit Center ay tanging mga pasyente ng provincial hospital.

Nakasaad naman sa kasunduan na obligasyon ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato na tiyakin na tanging mga mahihirap lang ang makinabang sa Malasakit center.

Ang “Malasakit Center” ay magsisilbing one-stop-shop o lugar para sa mga ahensya ng gobyerno na kailangan ng mga mahihirap na pasyente.

Makikita dito ang mga kawani ng Department of Health, Philippine Charity Sweepstakes, Philhealth at Department of Social Welfare and Development. Kapag nabuksan na ang Malasakit Center sa South Cotabato Provincial Hospital ito ay pangatlo na sa Soccksargen region.

Unang nagkaroon ng Malasakit Center sa region 12 ang Sultan Kudarat Provincial Hospital sa bayan ng Isulan at Dr. Jorge P. Royeca Hospital sa General Santos City.

 

-0-

 

Mental health forum para maresolba ang problema ng suicide incidents nilahukan ng mga personnel ng Deped sa South Cotabato

Dumalo sa mental health forum na pinangunahan ng provincial health office ng South Cotabato ang mga School heads, nurse,at Guidance Counselor ng Department of Education o Deped.

Layun nito na maresolba ang tumataas na kaso ng suicide incidents sa lalawigan. Itinuro ng psychiatrist na si Dr.Marius Orlando Duco sa mga participant ang sanhi ng depression at stress na madalas kinakaharap ng mga kabataan ngayon.

Ang mga ito ay ang cyber o child bullying, problema sa pamilya, at kapaligiran. Inirekomenda din ni Duco sa mga participant ang mga dapat gawin sa mga magaaral na nagpa-panic at may anxiety attacks. Katuwang ng provincial health office sa pagtaguyod ng nasabing forum ang Provincial Anti-Drug Abuse Council at Provincial Information Office.

Matatandaan na noong nakaraang buwan isinailalim din sa mental health forum ng mga ito ang mga kasapi ng media sa lalawigan ng South Cotabato.

 

-0-

 

Nagdala ng pampasabog na natuklasan kasunod ng shooting incident na ikinasawi ng isa katao, inaalam pa ng mga otoridad sa Isulan, Sultan Kudarat

Iniimbestigahan pa ng mga pulis at militar ang pakakatuklas nila ng isang improvised explosive deviced o IED kasunod ng insidente ng pamamaril na ikinasawi ng isa katao sa Isulan, Sultan Kudarat noong Martes ng gabi.

Binaril ang mga biktima na hindi muna kinilala ng PNP habang nakaupo sa nakaparadang motorsiklo sa tabing daan sa barangay Kenram sa nasabing bayan. Ito ay ayon kay Isulan Chief of Police, Lt. Col. Modesto Carrera.

Ipinahayag ni Carrera na isa sa mga biktima ay dead on the spot habang ang isa ay dinala sa pinakamalapit na ospital.

Ang IED na natagpuan ng mga pulis sa crime scene ay agad naming na-deactivate ng mga kasapi ng Explosive Ordnance Division o EOD Team ng militar. Nilinaw ni Carrera na inaalam pa ng mga otoridad kung ang narekober na IED ay dala ng mga biktima o riding tandem na mga salarin.

Sinabi ni Carrera na sa ngayon ay di pa matiyak ng PNP kung ito ay may kaugnayan sa pagsabog sa Isulan na ikinasugat ng walo katao noong Sabado.

 

-0-

 

Nakatira sa Barangay Inug-ug ng bayan na umano’y sangkot sa carnapping at extortion activities sa nabanggit na bayan at mga kalapit na lugar.

Ang nasabing operasyon ay pinangunahan ng Joint Task Force Central, 7th Infantry Battalion ng Philippine Army katuwang ang North Cotabato Provincial Field Unit ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG 12.

Kabilang sa mga nakumpiska sa kanila ang 2 M16 rifles, M1 Garand rifle – 1, homemade caliber .30 rifle, 2 M19 pistols, hand grenade, bolo knife, assorted magazines, at assorted ammunition. Iniimbestigahan na rin ngayon ng mga otoridad kung sangkot din ang nasabing mga suspek sa serye ng pamamaril sa nasabing bayan.

Sa ngayon, kulong na ang anim na mga suspek at sasampahan ng kaso sa korte.

 

-0-

 

DSWD 12, muling nagpaliwanag hinggil sa pagkabalam ng mga social pension ng mga senior citizen sa rehiyon

Muling ipinaliwanag ng Department of social welfare and Development ang dahilan ng pagkabalam ng pagbibigay ng social pension ng mga senior citizen sa North Cotabato at maging sa buong rehiyon.

Sinabi ni Senior Citizen Focal Person Lavinia Saraw, patuloy naman ang kanilang pamamigay ng benepisyo sa lahat ng mga indeigent na senior citizens.

Ito matapos na makatanggap ng samut-saring relamo ang Radyo-BIDA na karamihan umano sa mga senior citizen ay hindi pa natanggap ang kanilang pension. Muli nitong iginiit na dumaan pa ang ahensya ng data cleansing at revalidation dahil dapat anya ang mga senior citizen na walang natatanggap na ibang social pension tulad ng SSS at GSIS ang kwalipikado sa programa.

Ang 3,000 na cash na matatanggap ng bawat benipisyaro ay ibibigay ng mismong regional office sa pamamagitan ng kanilang special disbursing officer sa bawat lugsod at bayan.

Nabatid na sa Kidapawan City ay nakatanggap na ang walong libo na mga indigent Senior citizen mula sa lungsod.

Ilan ding mga bayan sa North Cotabato tulad ng Kabacan, Banisilan at President Roxas. Sa ngayon hindi pa maibibigay ang eksaktong petsa kung kailan mabibigyan ang lahat ng benepisyaryo dahil ito ay nakadepende at kung matatapos na ang system generation na isinasagawa ng ahensya.

 

-0-

 

Multi-Billion HydoElectric Power plant, planong itatayo sa bayan ng Magpet, North Cotabato –ayon sa COTELCO

Matapos ang malalimang diskosyon inaayos na ngayon ng Cotabato Electric Cooperativeo Cotelco at UniHydro Company ang planong pagtayo ng 2Billion peso Hydro Electric Power Plant sa Kabacan river sa bayan ng Magpet, Cotabato.

Ang pasilidad ay binubuo ng dalawang power generators na may maximum capacity na 15MW. Ayon kay Cotelco GM Engr. Godofredo Homez, isinasailalim na sa review ang probisyon ng Memorandum of Agreement, maging ang mga kasalukuyang regulasyon o pagpapahintulot ng Department of Energy.

Siniguro ng opisyal, may embedded line ang Cotelco kaya't di na dadaan sa transmission grid ang makokontratang kuryente mula sa planta.

Pabor ito para sa mga konsumante - dahil wala nang System's Loss at VAT na ipapataw sa Bill. Sinabi ni homez, malaliman ang pagrerepaso ng mga dokumento at target mapaipatupad ang proyekto bago magtapos ang taong 2019. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Ilang mga magsasaka sa Mlang, North Cotabato, iisa ang reaksyon matapos ang isinagawang Rice-Forum kahapon OK NA! at OK NA LANG!

Ito ang kadalasang salita na maririnig sa mga magsasaka sa bayan ng Mlang, North Cotabato na dumalo sa isinagawang Rice Forum sa session hall ng bayan kahapon ng hapon.

Bagama’t may iilang mga magsasaka ang dismayado pa rin sa mababang presyo ng palay, ay mainam na ring nagsagawa ng hakbang ang pamahalaan upang bilhin ang kanilang mga ani.

Ayon kay Aling Carmelita, kahit papaano ay natuwa naman ang ilang mga rice farmers sa nasabing bayan dahil mas mataas ang buying price ng National Food Authority o NFA at natuwa rin ang mga ito sa hakbang ng lokal na pamahalaan na silay alalayan.

Pero hindi sigurado si Aling Carmelita sa kahihinatnan ng ilang mga magsasaka pagdating sa itinakdang specifications at qualifications ng NFA na papasa sa kanilang standard bago ito bilhin. Sa parehong usapin, may kaunting tuwa rin si Aling Lolita nang malamang mas mataas ang buying price ng nasabing ahensya.

Aniya, tama-tama lamang ang babalik na kita nito mula sa kanyang mga nagastos sa palayan simula pagtanim hanggang anihan. 

Ang tinig ng ilang mga magsasaka sa nasabing bayan sa isinagawang Rice Forum. Samantala, nilinaw naman ng NFA na sapat ang kanilang pondo upang bilhin ang mga palay ng rice farmers sa bayan ng Mlang.

 

-0-

 

IBINASURA ng Korte Suprema ang petition for bail ni dating ARMM Governor Datu Zaldy Uy Ampatuan kaugnay ng Maguindanao massacre case.

Sa desisyon ng SC First Division, wala umanong merito ang petisyon para payagan siyang makapag­lagak ng piyansa.

Nangangahulugan na mananatili pa rin ito sa kulungan.

Tinukoy din ng SC na nabigo ang petitioner na patunayang may “reversible error” o pagkakamali sa naunang desisyon ng Court of Appeals.

Sa iba pang balita, kontra-diskrimininasyon sa pangkalahatan at 'di lang kasarian, ang tipo ng panukalang sesertipikahan umano bilang "urgent" ni Pangulong Duterte.

Kagabi kasi, inakala ng lahat na pinapamamadali na ni P. Duterte ang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression o SOGIE Equality Bill, na magpaparusa sa diskriminasyong batay sa kasarian.

Pero ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo, tinutukoy niya yaong universal anti-discrimination proposal na kahawig ng sa Davao city.

Giit ni Panelo, dapat ay walang pinapaborang iisang sektor ang gobyerno at ang batas ay katanggap-tanggap dapat para sa lahat.

Barangay chairman, companion dead in Kabacan shooting incident

NORTH COTABATO --- Two were killed, one of them a barangay chairman, while two others were wounded in an attack in Kabacan town in this...

Look: Cops haul fish and marine products sold outside Kalamansig town market

KALAMANSIG, Sultan Kudarat - Police authorities here on Sunday hauled containers and fish peddled by fish vendors beside the highway as...

2 MILF members detained for illegal gun possession

MAGUINDANAO --- Two members of the Moro Islamic Liberation Front were arrested Saturday for unauthorized carrying of firearms....

Top ASG member, 2 others yield to gov’t forces

ZAMBOANGA CITY - The WestMinCom’s campaign against violent extremism reaps good results as more terrorists yield to the government forces...

Though our Lord Jesus Christ was rich, he became poor

Reading 1AM 8:4-7

Hear this, you who trample upon the needy
and destroy the poor of the land!
“When will the new moon be over...