Tuesday Nov, 12 2019 06:32:42 AM

NDBC BIDA BALITA (9.11.19)

NDBC BALITA • 16:15 PM Wed Sep 11, 2019
199
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. ABOT sa isang daang pamilya, lumikas sa isang liblib na barangay sa Midsayap, North Cotabato sa takot na maipit sa away ng dalawang magkalabang pamilya.

2. Carnapper na may kaso ring homicide, arestado sa President, Roxas, North Cotabato

3. Mga biktima sa pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat tumanggap ng tulong mula sa DSWD 12

4. 

 

-0-

 

UMAABOT na sa halos isang daang mga pamilya ang nagsilikas mula sa Barangay Kadigasan, Midsayap, North Cotabato matapos sumiklab ang rido o away ng dalawang mga pamilya sa lugar.

Suspendido rin ang klase ng mga paaralan sa naturang barangay dahil sa takot ng mga residente na maipit sa bakbakan ng mga grupong taga-suporta ng magkalabang pamilya Silongan at Madidis.

Nabatid na ang dalawang mga grupong naglalaban sa lugar ay pawang mga miembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF ngunit “personal” ang alitan ng mga Silongan at Madidis dahil sa pinag-aagawang lupa.

Sa report ng Army’s 602nd Brigade, sinubukan umanong awatin ng MILF Task Force Ittihad ang dalawang naglalabang mga pamilya ngunit pinaputukan rin sila ng mga ito.

Humupa lamang ang gulo nang mamagitan na ang mga matataas na opisyal ng MILF, Muslim elders at mga lokal na opisyal sa lugar.

Napag-alamang isa katao umano ang nasawi at dalawa ang sugatan sa pamilya Madidis habang dalawa naman ang sugatan sa pamilya Silongan.

Sugatan din ang dalawang mga miembro ng Task Force Ittihad ng MILF nang sinubukang mamagitan sa magkaaway na mga pamilya.

Sa ngayon, pansamantalang nanunuluyan sa kani-kanilang mga kamag-anak ang mga nagsilikas na pamilya at umaasa ang mga ito na mareresolba ang sigalot ng dalawang mga pamilya sa lalong madaling panahon.

 

-0-

 

ARESTADO ang isang drug suspect sa ikinasang Buy Bust Operation ng mga otoridad sa Sausa Street, Barangay Rosary Heights 1, Cotabato City pasado alas dose ng tanghali kahapon.

Nakilala ang nadakip na si RYAN EVANGELISTA CABAGBAG, alyas “Long” na residente rin ng nabanggit na Barangay.

Pinangunahan ni Police Station 3 Commander Major Teng Bacal ang operasyon na nagresulta sa pagkakahuli ng suspek makaraang mapagbentahan nito ng iligal na droga ang isang police asset.

Nakuha mula sa suspek ang tatlong sachets ng pinaghihinalaang shabu, drug paraphernalia at marked money na ginamit sa operasyon.

Samantala, Kinasuhan na sa Cotabato City Prosecution Office ang isa pang drug suspect na nahuli rin sa isa pang Buy Bust Operation sa barangay Poblacion 5 ng lungsod.

Maalalang naaresto ang suspek na si USOP DARPING ABDULLAH na taga Campo Muslim, Mother Brgy.Bagua

nang bentahan nito ng shabu ang isang pulis na nagpaggap na buyer.

 

-0-

 

HALOS 700 mga residente ng Rajah Buayan, Maguindanao ang nakabenipisyo sa libreng mga serbisyo na hatid ng Rapid Emergency Action on Disaster Incidence ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o o READI-BARMM.

Bukod sa medical consultation ay nagsagawa rin ang grupo ng dental services, operation tuli, Bloodletting at typing, blood sugar screening, free haircut at namahagi ng libreng mga gamot at bitamina, mga buntis kit at nagbigay pa ng Earthquake Drill at orientation on Mines Risk Reduction sa mga hindi sumabog na Improvise Explosive Devise o IED. 

Sinabi ni Jo Henry ng READI BARMM, naging katuwang nila sa naturang aktibidad ang IPHO Maguindanao, Red Cross Cotabato at Maguindanao Chapter, 33rd Infantry Battalion, BARMM Helps at Rajah Buayan LGU.

Samantala, una rito, nagsagawa rin ng Libreng Gamutan ang Maguindanao provincial government sa Shariff Aguak.

Halos isang libong mga mamamayan ng bayan ang nakabenipisyo ng libreng medical checkup, eye check up at glasses, dental Check up, tuli, feeding program at iba pang mga serbisyo.

Ang Libreng Gamutan ay bahagi ng selebrasyon ng 56th Foundation Anniversary at 1st Pandala Festival ng Shariff Aguak.

 

-0-

 

Tumaas ng 31 million pesos ang kita ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM sa loob lamang ng dalawang buwan.

Sinabi ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim sa nakaraang Bangsamoro Transition Authority o BTA session na ang Ministry of Environment, Natural Resources and Energy o MENRE-BARMM ang nakapag-remit ng dagdag na 31 million pesos sa Bangsamoro Treasury para sa total revenue collection na 239 million pesos mula Enero hanggang Agosto ng taong ito.

Aniya mas mataas ang koleksyon na ito kumpara sa parehong period noon sa ilalim ng ARMM na nakakolekta lamang ng 205 million pesos.  

Ayon naman kay MENRE Minister Abdulraof Macacua, isa sa mga priority goal ng MENRE ay ang pagtatatag ng moral governance sa environmental protection.

Samantala, magsisimula na ngayong araw ang Technical Budget Hearing ng iba't ibang Ministries ng BARMM matapos magsumite ng kanilang budget proposals para sa susunod na taon.

Sinabi ni BARMM Spokesperson at Interior and Local Government Minister Naguib Sinarimbo na ang budget deliberation ay pangungunahan ng Ministry of Finance and Budget Management. 

Ayon kay Sinarimbo, posible namang mapupunta sa Ministry of Basic, Higher and Technical Education ang malaking parte ng 2020 budget ng Bangsamoro Government.

 

-0-

 

Carnapper na may kaso ding homicide, arestado sa President, Roxas, North Cotabato

Inaresto ng PNP ang isang lalaking wanted dahil sa dalawang kaso na homicide at carnapping sa inilunsad na operasyon ng PNP sa Purok 5, Barangay Sarayan President, Roxas, North Cotabato alas 10:00 ng umaga kahapon.

Nakilala ang suspek na si Datumanong Ampuan Macaalay, 54 anyos na nakatira sa Barangay Salat. Dala ng pulisya ang warrant of arrest na inisyu Judge Rogelio Narisma ng Regional Trial Branch 17, Kidapawan City na may petsang March 05, 2012.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa custodial facility ng President Roxas PNP habang inaantay na maisampa ang kaso sa korte. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

PNP- North Cotabato, mas hinigpitan ngayon ang seguridad kasabay ng Sulu at Isulan bombing

Mas pinalalakas pa ngayon ng PNP at AFP ang kanilang kampanya kontra terorismo at iba pang uri ng kriminalidad sa buong probinysa ng North Cotabato.

Sa naging panayam kay Cotabato Police Provincial Office o CPPO spokesperson Police Lt. Col Bernard Tayong, sinabi nitong lalo anya nilang hinihigpitan ang seguridad sa mga bayan ng lalawigan.

Ito ay kasabay na rin sa magkahiwalay na pagsabog sa Isulan Sultan Kudarat at suicide bombing incident sa Julu, Sulu kamakailan na parehong nasa Mindanao.

Nagpalabas na rin ng kautusan si Provincial Director Police Col. Maximo Layugan sa mga chief of Police na higpitan ang isinasagawang security checks sa lahat ng pumapasok sa kanilang lugar. Kabilang na ang lahat ng mga matataong lugar tulad ng terminal at palengke. 

Umapela din sa publiko ang opisyal na maging mapagmatyag at mapagbantay sa lahat ng pagkakataon at kung may mapansin na kahina-hinalang tao o bagay ay agad na ireport sa pinakamalapit na estasyon ng pulis.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

NFA- North Cotabato, patuloy ang pagbili ng mga palay ng mga magsasaka sa probinsya –ayon sa Provincial assistant Manager

Mariing pinabulaanan ng National Food Authority o NFA North Cotabato na pinipili lamang nila ang kanilang binibiling palay ng mga local farmers na mula probinsya. Ayon kay NFA North Cotabato Provincial Assistant Manager Robelito Campued, patuloy ngayon ang pamamimili ng ahensya sa mga palay kung makakapasa anya sa kanilang specification.

Nasa 17 per kilo ngayon ang kanilang bilihan ng palay na maliban pa sa mga insintibo na maari nilang makuha mula sa ahensya na aabot sa 20.70 centavos. Nilinaw din nitong limitado lamang ang kanilang binibiling fresh palay dahil sa kakulangan na rin ng mga drier.

May bagong mandato rin silang natanggap galing sa central office na clean and dry at may Moisture Content na 14 percentang kanilang binibiling palay. 

Samantala, 700 bags ng palay sa bawat 7 hectars ang binibili sa ngayon ng NFA at 200 bags of palay para sa isang local farmer. 

Si NFA North Cotabato Provincial Assistant Manager Robelito Campued. Panawagan naman ng opisyal sa lahat ng mga local farmers sa probinsya na sa National Food Authority ibenta ang kanilang palay na bumubili ng mas mahal at samantalahin ang pagkakataong ibinigay ng gobyerno.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

 

-0-

 

Organisasiyon ng lumad sa North Cotabato, nagsagawa ng diyalogo sa Kidapawan City kahapon

Tiniyak ng Apo Sandawa Lumadnong Panaghinusa sa Cotabato o ASLPC na patuloy ang kanilang pagsuporta para sa pagpapanatili ng Kapayapaan sa bahaging ito ng Mindanao.

Ito ayon kay Provincial Indigenous People’s Mandatory Representative Datu Jaime Odo matapos ang isinagawang diyalogo ng grupo na isinagawa sa City Coop Training Center, Barangay Magsaysay, Kidapawan city, kahapon.

Sinabi ng opisyal na legal pa rin umano ang nasabing pangkat na patuloy na nagbibigay ng mga programa at proyekto para sa mga lumad upang lalo pang mapa-angat ang pamumuhay ng mga tribu.

Kabilang na dito ang pagbibigay ng scholarship sa mga mag-aaral na lumad. Nilinaw ni Datu Ramon Bayaan, miyembro ASLPC na nagamit lamang umano sila ng mga rebeldeng grupo para sa kanilang mga ideolohiya, gayunpaman magpapatuloy ang kanilang grupo para matulungan ang mga lumad.

Ang diyalogo ay dinaluhan ng iba’t-ibang mga sektor Kasama na dito si Fr. Peter Geremia ng PPN Representative, Kidapawan City PNP, 19th IB ng Philippine Army, mula sa pamahalaang lokal, simbahan (Diocese of Kidawan) at iba pa. 

 

-0-

 

Nanawagan ngayon ang National Irrigation Administration o NIA North Cotabato sa mga magsasaka ng palay sa lalawigan na malawakang ipinapatupad ngayon ng ahensya ang Republic Act 10969 o ang Free Irrigation Service Act o FISA of 2019.

Ang nasabing batas ay naglalayong mabawasan ang pasanin o bayarin ng mga magsasaka na hindi hihigit sa walong ektarya ang kabuuang lupang sakahan sa pagbayad ng serbisyo ng patubig lalo na ang may mga Irrigation Service Fee Back Account.

Ayon kay North Cotabato NIA Head Engineer Saldi Serafino, ito ay sa pamamagitan ng Condonation upang pormal na matanggal o mawala ang mga utang sa lupang kanilang sinasaka.

Ang nasabing programa ay kalakip sa Implementing Rules and Regulation o IRR ng Free Irrigation Service Act.

Kaugnay nito, pinaalalahan naman ng ahensya na kinakailangang magdala lamang ng Irrigator’s Association Certificate of Good Standing o Clearance, cedula at alin mang proof of ownership tulad ng mga sumusunod: 1. Land Title 2. Tax Declaration 3. Deed of Sale kung ito ay nabili 4. Certificate of Land Ownership Award o CLOA 5. Certificate of Extra Judicial Settlements para sa mga napamanahan ng lupa. Ang nasabing aplikasyon ay bukas hanggang ika-30 ng Setyembre ngayong taon.(Drema Bravo) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

 

Makilala evacuation areas flooded

KIDAPAWAN CITY - Following heavy down pour and strong wind that blew off tarpauline shanties in quake victims' evacuation areas here, floods hit...

Hail storm hits Makilala, North Cotabato evacuation sites

MAKILALA, North Cotabato - Ipinakita ng ilang mga netizen sa kanilang social media post sa facebook kung gaano karami ang yelong dala ng...

TESDA execs aid Makilala quake victims

KIDAPAWAN CITY  – More than 700 families affected by the series of earthquakes in Makilala, North Cotabato have received relief assistance...

CBCP head seeks help for underserved quake-hit areas

KIDAPAWAN CITY - The head of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) has called attention to the plight of earthquake...

Mayor officiates wedding rites amid tremors, lady senator acts as “ninang”

KIDAPAWAN CITY – Senator Risa Hontiveros became an “instant godparent” to a couple wed by Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista here...