Monday Sep, 23 2019 09:16:02 PM

NDBC BIDA BALITA (9.10.19)

NDBC BALITA • 08:30 AM Tue Sep 10, 2019
196
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. Vice Mayor ng Datu Unsay, Maguindanao, arestado sa inilunsad na law enforcement operation ng mga otoridad.

2. Special Investigation Task Group, binuo ng PNP 12 para mapabilis ang imbestigasyon hinggil sa pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat.

3. Kidapawan City Veterinary Office, magsasagawa ng blood sampling sa mga baboy sa harap ng problema sa African Swine Fever.

4. Lady Engineer, patay sa pananaksak sa Banga, South Cotabato.

 

‘ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

 

-0-

 

ARESTADO ang vice mayor ng Datu Unsay, Maguindanao sa inilunsad na Law Enforcement Operation ng pinagsanib na pwersa ng AFP, CIDG-BARMM, PNP at PDEA-ARMM sa tahanan ng dating opisyal ng Autonomous Region in Muslim Mindanao sa Sitio Ameril, Barangay Manggay, Talitay Maguindanao.

Kinilala ni PDEA BARMM Director Juvenal Azurin, kinilala ang nadakip na si Datu Unsay Vice Mayor Bai Janine Ameril.

Nabatid na target sana ng ikinasang operasyon si Mike Sittie alyas Kumander Mike na nahaharap sa patong-patong na mga kasong kriminal at may warrant of arrest.

Unang pinasok ng grupo ang bahay ni dating ARMM Assemblyman Sidic Ameril ngunit tanging ang may bahay lamang nito na vice mayor ang nadatnan ng mga otoridad.

Nakuha mula sa bahay ng mga Ameril ang iba’t ibang uri ng high-powered firearms at mga bala, at mga hinihinalang shabu na aabot sa 200 thousand pesos ang halaga.

Nilinaw naman ni Azurin na hindi nila ni-raid ang bahay ng mga Ameril, kundi nakita lamang nila ang mga nakumpiskang baril at iligal na droga nang pasukin nila ang bahay.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PDEA-BARMM ang nadakip na si vice mayor Ameril at patuloy na ini-imbestigahan.

 

-0-

 

SUMUKO NA sa militar ang 14 na mga miembro umano ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa Maguindanao.

Sa report ng Army’s 6th Infantry Division, isang mataas na pinuno ng BIFF at 13 mga kasamahan nito ang sumuko sa 33rd Infantry Battalion na pinamumunuan ni Lt. Col.Elmer Boongaling.

Dala ng mga sumukong BIFF rebel ang isang cal. 45 pistol, dalawang M16 at isang M-14 armalite rifles, tatlong Rocket Propelled Grenade o RPG launchers, isang uzi 9mm, at isang cal 50 barrett.

Ayon sa lider ng sumukong grupo na sadyang di pinangalanan para sa seguridad ng kanyang pamilya, ilang dekada na umano siyang kasapi ng iba’t ibang rebel groups kaya masasabi umano niyang walang magandang naidulot sa kanya at sa kanyang pamilya ang pakikidigma.

Ang mga sumukong BIFF member ay tumanggap ng financial at livelihood assistance at scholarship para sa mga anak nito na mula sa pamahalaan.

 

-0-

 

PITONG mga foreign terrorist umano ang kinakanlong ngayon ng mga local extremist group sa Mindanao.

Sinabi ni AFP Western Mindanao Command Spokesperson Major Arvin Encinas na tumutulong at sinasanay umano ng naturang mga dayuhang terorista ang mga local extremist gaya ng BIFF at Abu Sayyaf.

Ayon kay Encinas, maliban sa naturang mga banyagang terorista, may iba pa aniyang mga terorista mula sa ibang bansa ang kanilang binabantayan upang matiyak na hindi sila magkakaroon ng pagkakataong makapagsagawa ng mga pag-atake.

Samantala, sinabi ni Encinas na wala pa ring pagbabago sa liderato ng mga local terrorist group katulad nina Bongus Karialan ng BIFF at Abu Toraife sa bahagi ng Jolo, Sulu.

Kaugnay nito, hinihikayat ni Encinas ang publiko na makipagtulungan sa mga otoridad sa pagbabantay ng seguridad sa kanilang lugar.

 

-0-

 

ARESTADO ang isa umanong notoryus na carnapper sa Midsayap, North Cotabato matapos nitong pagtangkaang tangayin ang motorsiklong pag-aari ng isang pulis.

Sa report ng Midsayap PNP, nakilala ang nadakip na suspek na si Wheng Afdal, 35 years old, binata at taga Barangay Dulawan, Datu Piang, Maguindanao.

Pasado alas dose ng tanghali kahapon nang mapansin ni Patrolman Jeric Eduarte ang isang lalaking kinakalikot ang kanyang motorsiklo habang nakaparada sa bahagi ng barangay Poblacion Dos.

Nang napa-andar at akmang sasakyan na ng suspek ang motorsiklo ay saka lumapit si Eduarte at inaresto si Afdal.

Nabatid na si Afdal ang itinuturong responsable sa mga nakawan ng motorsiklo sa bayan.

Nakuha mula sa suspek ang isang cal. 45 pistol at mga bala, dalawang sachets ng pinaniniwlaaang shabu at motorsiklo at isang master key na ginagamit ng mga ito sa kanyang pagnanakaw.

 

-0-

 

Senior citizen na drug suspek, nahuli sa buy-bust operation ng PNP sa Makilala, North Cotabato

Arestado ang isang negosyante na sumasideline sa pagbebenta ng illegal na droga sa inilunsad na buy-bust operation ng pulisya sa Purok 9A Barangay Poblacion, Makilala Cotabato alas 8:25 ng umaga kahapon.

Sa ulat ng Makilala PNP, nakilalala ang suspek na si Pio Pansacala Hernani alyas Piyot, 60 anyos at nakatira sa nasabing lugar.

Sa operasyon nakumpiska ang dalawang sachet ng shabu at 1,000 peso bill na buy-bust money at nang kapkapan ay nakuha din ang iba pang tatlong mga droga at mga drug paraphernalia.

Inihahanda na ngayon ng Makilala PNP ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002 na posibleng isasampa ngayong araw. Ang nasabing operasyon ay hakbang rin ng Makilala PNP laban sa illegal na droga sa lugar. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Kinumpirma ng AFP Western Mindanao Command o WestMinCom na teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) Dawlah Islamiyah ang nasa likod ng pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat, umaga nitong Sabado.

Ito ang inihayag ni WestMinCom Commander Major General Cirilito Sobejana sa Radyo Bida matapos ang kanilang isinagawang imbestigasyon.

Kinumpirma rin ni Sobejana na parehong grupo lamang ang nagpasabog sa Carlitos Restaurant noong buwan ng Abril at ang pagsabog pasado alas-7:00 ng umaga, nitong Sabado.

Inihayag din ng opisyal na abot sa 250-thousand pesos ang hinihinging pera ng nasabing grupo kung saan extortion ang isa sa mga motibo sa nangyaring pagsabog na ikinasugat ng walo katao. Sinabi ni Sobejana, mismong ang local na pamahalaan ng Isulan ang kinikikilan ng teroristang grupo at dahil hindi ibinigay ang kanilang kahilingan ay muling naglunsad ng pagsabog ang mga ito.

Aniya, pinalitan lamang ng teroristang grupo ang pangalan na responsable sa naturang pagsabog kamakalawa. Batay sa inisyal na imbestigasyon ang signature ng improvised explosive device (IED) na ginamit sa pagsabog kamakalawa ay mula sa teroristang grupo.

Nagpapatuloy pa rin sa ngayon ang joint investigation ng AFP at PNP hinggil sa insidente.

Apela naman ni Sobejana sa publiko na maging mapagmatyag at ireport sa mga otoridad kung may napapansin silang mga hinahinalang galaw ng isang indibidwal.

Samantala, sa ngayon aniya patuloy ang pina-igting na intelligence gathering at pagsasagawa ng seguridad ng military sa mga matataong lugar. Ito ay dahil ikinaa-alarma na rin ng AFP ang kaso ng suicide bombing sa ilang lugar sa Mindanao.

 

-0-

Binuo ng Police Regional Office 12 ang Special Investigation Task Group Manolette para mapaigting ang kanilang imbestigasyon sa pagsabog sa parking area sa Isulan, Sultan Kudarat noong Sabado.
Ito ay ayon kay PRO 12 Regional Director Brig. Gen. Eliseo Tam Rasco. Katuwang ng PNP sa nasabing task group ang militar, local government unit at iba pang law enforcement agency.
Ayon kay Rasco mariing kinokondena ng pulisiya ang pagsabog na ikinasugat ng walo katao. Umapela naman si Rasco sa publiko na habaan pa ang pasensya at sumunod sa pinaigiting na seguridad sa rehiyon. Hiniling din nito sa mga mamamayan na maging alerto at agad na isumbong sa mga kinaukulan ang mga kahina-hinalang bagay o personalidad.
Kaugnay nito kinumpirma naman ni Isulan Chief of Police, Pol. Lt. Col Joven Bagaygay na ang component ng umanoy IED na pinasabog sa Isulan ay pareho din sa ginamit noong nakaraang taon.
Gayunpaman, tumanggi muna si Bagaygay na tukuyin ang grupo na nagpasabog sa lugar. Kinumpirma din ni Bagaygay na ang suspek na nagiwan ng pampsabog sa terminal ay lalaking naka-hood.
Pero ayon sa spokesperson ng 6th Infantry Division ng militar na si Lt. Col Edwin Alburo ang pagsabog sa Isulan ay kagagawan umano ng grupo ni Abu Toraife ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF. Ito ay mariin namang pinabulaanan ni BIFF Spokesperson Abu Misri Mama

 

-0-

 

 

Mahigit 8,000 na mga indigent senior citizens sa Kidapawan City, nakatanggap ng social pension mula sa DWSD

Nakatanggap na ng social pension ang mahigit sa 8,000 na indigent senuor citizens sa Kidapawan City mula sa Department of social welfare and development office.

Sila ay nakatanggap ng tig P6, 000 o katumbas sa P500 na buwanang social pension mula Enero hanggang Disyembre ng taong 2019.

Ito ay magpapatuloy hanggang sa September 6 ng taon sa City gymnasium sa lahat ng senior citizens sa lungsod na hindi tumatanggap ng benepisyo mula sa GSIS at SSS.

Ang kanilang social pension ay cash at payroll based at pinayuhang gamitin para sa pambili ng kanilang pagkain, maintenance medicine at iba pang nilang pangangailangan. Aasahan ding madadagdagan pa ang kanilang benipisyo sa mga susunod na taon mula sa LGU dahil pinag-aaralan na ito ngayon at patuloy ang pagbabalangkas ng Implementing rules and regulation o IRR.

Samantala, wala pa namang eksaktong petsa kung kailan maipalabas ang cash assistance ng mga senior citizen sa Kidapawan City. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Hinihikayat ngayon ang lahat ng opisyal at maging ang mga kawani ng gobyerno na ibigay ang wasto at tamang serbisyo taumbayan ayon na rin sa idinidikta ng batas.

Ito ay kasabay na rin ng pagdiriwang ng Civil Service Commission anniversary ngayong buwan na may temang Civil Service at 119: Upholding Integrity and Building a High-Trust Society, umaasa ang publiko sa mga kawani ng gobyerno na makapagbigay ng tamang serbisyo at maayos na pakikitungo sa mamamayan sa lahat ng panahon.

Batayan din ang mga probisyong isinasaad ng RA 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees kung saan ay idinidikta nito sa mga opisyal at kawani ng Pamahalaan na umiwas sa ano mang uri ng irregularidad at korupsyon at pagkakaroon ng payak at simpleng pamumuhay na naa-ayon sa batas ng estado.

Highlight ng 119th Civil Service Month celebration ay ang paggawad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2019 Outstanding Government Officials and Employees ng bansa sa isang seremonya na gaganapin September 19, 2019.

Taong 2017 nang gawaran ng Pangulo si Ginoong Julito Saladan, Agricultural Technologist ng Kidapawan City Agriculture Office bilang isa sa Pag-asa Awardee ng Outstanding Government Employees ng bansa.

Napili bilang natatanging kawani ng gobyerno si Saladan matapos niyang maimbento ang African Night Crawler ANC Dormitel – isang kagamitan na nagpo-proseso sa mga nabubulok na basura na ginagawang organic fertilizer o compost.

Malaking tulong ang nabanggit na imbensyon ni Saladan sa kampanya ng City Government na malimitahan ang koleksyon ng basura at mapakinabangan ang mga ito sa mga tahanan at komunidad NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Investment scams iimbestigahan ng konseho sa General Santos City

Magsasagawa ng legislative inquiry hinggil sa paglipana ng mga umanoy mapanlinlang na investment scheme ang konseho ng General Santos City. Layun nito na malaman ang mga illegal investment scheme sa Gensan at kung papaano ito masawata ng lokal na pamahalaan.

Ang inquiry na inindorso ni Vice Mayor Loreto Acharon ay tatalakayin sa regular session ng konseho ngayong araw.

Ito ay ayon kay Gensan City Councilor Jose Edmar Yumang ay bilang tugon na rin ng konseho sa hiling ng mga mamamayan ng Gensan Umaasa si Yumang na sa pamamagitan ng legislative inquiry ay makabuo sila ng ordinansa na magpo-protekta sa mga mamamayan ng Gensan laban sa mga kahina-hinalang investment schemes.

Ayon kay Yumang ang legislative inquiry ay inaasahang dadaluhan ng mga operator, agent,broker at mga biktima ng investment schemes. Ito ay sa pamamagitan din ng pakikipag ugnayan ng konseho sa city permits and licensing office, National Bureau of Investigation o NBI at Criminal Investigation and Detection Group o CIDG.

 

-0-

 

Paglipat ng mga laray vendor sa Rizal Park, pinaghahandaan na ng lokal na pamahalaan ng Koronadal

Mayroon lamang hanggang ngayong araw, September, 10 para makapagsumite ng aplikasyon at requirement sa lokal na pamahalaan ang mga ambulant o laray vendors na lilipat sa Rizal Park sa Koronadal City.

Ito ay ayon kay City Economic Enterprise Development o CEEDO Officer Judith Labial Amido.

Ayon kay Amido maglalagay ng pansamantalang pwesto sa Rizal park ang mga Laray Vendors sa syudad. Kasunod ito ng pagbalik sa loob ng palengke ng mga nasunugang stall owners noong nakaraang taon.

Marami sa mga ito ay apektado ang road clearing operation ng LGU Kasama din sa mga lilipat ang mga nagbebenta sa likod ng lumang city hall.

Inaasahang magsisimula nang magbenta sa Rizal Park ang mga laray vendor sa September 14. Kaugnay nito pinaalalahanan din ni Koronadal Economic Development Consultant Reynaldo Legaste ang mga vendor na lilipat sa Rizal Park na sumuot ng occupational ID.

Ayon kay Legaste, mariin ding ipinagbabawal sa mga ito ang paggamit ng plastic para mapanatili ang kalinisan sa nasabing lugar.

Ang mga laray vendor na magbebenta sa Rizal Park ay kailangan namang magbayad ng P10 kada square meter na kanilang ookupahin. Ito ay nakasaad sa Local Revenue Code ng Koronadal City. Maaring magsumite ng kanilang aplikasyon at requirement sa lokal na pamahalaanang mga ambulant o sidewalk vendors hanggang ngayon araw, September 10.

 

-0-

 

Dating Regional Rehabilitation Center for Youth sa Tupi, gagamitin bilang drug treatment facility ng provincial government ng South Cotabato

Pumapayag ang Department of Social Welfare and Development o DSWD 12 na gawing drug treatment facility ang kanilang lumang Regional Rehabilitation Center for Youth o RCCY sa Tupi, South Cotabato.

Ayon kay DSWD 12 Regional Director Cezario Joel Espejo, ito ay napagusapan nila ng mga opisyal ng lalawigan. Ipinahayag ni Espejo na makatutulong ang rehab center sa pagpapaigting ng kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan sa lalawigan.

Matatandaan na ang RCCY sa Tupi ay nagsilbing 24 hour treatment at rehabilitation facility sa mga children in conflict with the law o CICL. Ito ay bago pa ilipat sa karatig bayan ng Tantangan.

Sinabi ni Espejo na nakapagkasunduan nila na payagan ang lokal na pamahalaan ng Tupi na gamitin ang RCCY building bilang South Cotabato Recovery Center. Habang magtatalaga naman ng mga staff at maglalagay ng pasilidad para sa operasyon nito ang pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato.

 

-0-

 

South Cotabato napiling pilot area para sa road projects ng United Nations Development Program

Makikinabang sa mga road projects ng United Nations Development Program UNDP ang lalawigan ng South Cotabato.

Kasunod ito ng pagkakapili ng UNDP sa South Cotabato bilang isa sa 20 mga lalawigan sa bansa na pilot area sa kanilang localized Sustainable Development Goals o SDG projects.

Kaugnay nito, ipinahayag ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr.na handa ang lalawigan na bumuo ng mga pamantayan at local process. Layun nito na mapabuti pa ang 74 na mga indicator. Sa proyekto.

Ayon kay Tamayo dapat matupad ang lahat ng mga adhikainn kaugnay sa pagpapatupad ng proyekto. Ayon kay Tamayo kapag pumalpak kasi ang isa sa mga ito apektado rin ang lahat ng mga proyekto.

Kaya ayon sa Gobernador, magsasagawa ng maigting na monitoring sa mga target areas ng UNDP projects ang pamahalaan panlalawigan ng South Cotabato. Ipinatutupad ang SGD sa tulong ng Department of the Interior and Local Government o DILG.

Binigyan diin ni Tamayo na konektado sa daan ang lahat, kaya malahalaga ang pagpapatayo ang dekalidad na paggawa ng mga ito. Sa pamamagitan nito ayon kay Tamayo napapalawak din ng ang oportunidad sa mga komnunidad.

 

-0-

 

Engineer patay sa pananaksak sa Banga, South Cotabato

Sinaksak ang biktima sa loob mismo ng kanyang bahay sa Barangay Benetiz, Banga,South Cotabato. Kinilala ni Banga Chief of Police, Major Joseph Forro III ang biktima na si Madelyn Rendon 41 years old isang engineer.

Ayon kay Forro matapos sumigaw na humihiling ng tulong naabutan pa ng kanyang mga kapitbahay ang duguang si Rendon. Ipinahayag ni Forro na nakita pa ng mga kapitbahay ng biktima ang isa katao na tumukas sa pamamgitan ng paglundad sa pader.

Naniniwala si Forro na maaring hindi lamang isa katao ang may kagagawan sa krimen. Ang biktimang si Rendon na nagtamo ng mga sugat ng pananaksak sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan ay binawian ng buhay habang isinusugod sa ospital.

Robbery o pagnanakaw ang motibo na tinukoy ni Forro ng mga di pa kilalang suspek sa krimen.

 

Barangay chairman, companion dead in Kabacan shooting incident

NORTH COTABATO --- Two were killed, one of them a barangay chairman, while two others were wounded in an attack in Kabacan town in this...

Look: Cops haul fish and marine products sold outside Kalamansig town market

KALAMANSIG, Sultan Kudarat - Police authorities here on Sunday hauled containers and fish peddled by fish vendors beside the highway as...

2 MILF members detained for illegal gun possession

MAGUINDANAO --- Two members of the Moro Islamic Liberation Front were arrested Saturday for unauthorized carrying of firearms....

Top ASG member, 2 others yield to gov’t forces

ZAMBOANGA CITY - The WestMinCom’s campaign against violent extremism reaps good results as more terrorists yield to the government forces...

Though our Lord Jesus Christ was rich, he became poor

Reading 1AM 8:4-7

Hear this, you who trample upon the needy
and destroy the poor of the land!
“When will the new moon be over...