Saturday Aug, 24 2019 09:23:43 PM

NDBC BIDA BALITA (8.9.19)

NDBC BALITA • 08:45 AM Fri Aug 9, 2019
176
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. Korte Suprema, inaasahang magpapalabas na ng hatol sa Maguindanao massacre case ngayong Nobyembre.

2. Recruitment ng mga nagpakilalang miyembro ng MNLF sa Magpet North Cotabato, ipinatigil ng PNP

3. Pagtuturo sa mga magaaral ng paglaban sa dengue fever, ipinagutos ng Deped  Regional Director sa mga public schools ng Region 12

4. Sapat na supply ng dugo, tiniyak ng REd Cross South Cotabato 

 

SA DETALYE NG MGA BALITA....

 

Inaasahang magpapalabas na ng hatol ang korte sa Maguindanao massacre case ngayong Nobyembre.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, natapos na noon pang Hulyo 17, 2019 ang huling hearing sa sala ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) Judge Jocelyn Solis Reyes.

Binigyan lamang nito ng hanggang Agosto 15, 2019 para isumite ang kani-kanilang memorandum o written summation.

Sa oras na makapagsumite na sila ay saka pa lamang maikukunsiderang submitted for decision ang kaso, kahit magsumite o hindi ng memoranda ang bawat partido.

Ani Guevarra, inaasahan na niya na makapaglalabas na rin ng desisyon bago pa ang ika-10 anibersaryo sa insidente sa Nobyembre 23, 2019.

Magugunita na Nobyembre 23, 2009 ng paslangin ang 58 katao kasama ang 32 mamamahayag sa Barangay Salman sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao habang patungo sa kapitolyo para sa paghahain ng Certificate of Candidacy ni dating Buluan Vice Mayor Esmael Mangudadatu.

Ang COC ay para sa pagtakbo ni Mangudadatu sa pagka-gobernador ng Maguindanao kung saan nakalaban niya si dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. na pangunahing akusado sa kaso.

Magugunitang ang mahigit 100 akusado ay nabasahan ng sakdal at nalitis, isa ang naibasura ang kaso, isa ang tinanggal sa amended information at dalawa ang idineklarang state witness habang apat ang namatay kabilang na si dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr.

 

-0-

 

Arestado ang isang lalaking nahulihan ng pinaghihinalaang shabu matapos na isagawa ng mga otoridad ang drug buy bust operation sa Magallanes St. Poblacion 6,Cotabato City. Alas kwatro ng hapon kahapon.

Nakilala ang suspek na si JUN MANIBPEL MUKA alyas “Jona”, nasa hustong gulang.

Ikinasa ang Drug Buy Bust Operation sa pangunguna ni PS4 Commander Police Major. RAZID LINCOB, katuwang ang PDEA BARMM na nagresulta sa pagkakahuli kay Manibpel makaraan nitong mapagbentahan ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakuha sa suspek ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu at marked money na ginamait sa opersyon.

SAMANTALA

Pormal ng sinampahan ng kaso sa Cotabato City Prosecutors Office ng paglabag sa RA9165 ang tatlong lalaking naaktuhan umano ng mga otoridad na gumagamit ng iligal na droga sa lungsod.

Ang mga suspek ay nakilalang sina DIMSON DONTING JR., JEROME REYES at ANJELO ARELLANO, mga nasa hustong gulang, utility workers, at kapwa mga residente ng Cotabato City.

Magugunitang hinalughug ng mga otoridad ang isang boarding house dito sa lungsod nitong nakalipas na linggo makaraan umano silang maka tanggap ng report na may nag papot session na mga lalaki sa loob ng kwarto na tinutuluyan ng isa sa mga suspek.

Inabutan diumano sa akto ng mga otoridad ang mga suspek na gumagamit ng pinaghihinalaang shabu dahilan ng kanilang pagkaka aresto at tuluyang masampahan ng kaso.

 

-0-

 

Patay ang isang 22 anyos na binata matapos na magpatiwakal sa loob ng kanyang silid sa Barangay Sadaan Midsayap, North Cotabato alas 5:00 ng umaga kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Jerome Borbe Jison, 22 anyos at residente ng Bagong Silang Caloocan City at pansamantalang naninirahan sa bayan ng Midsayap.

Sa report ng Midsayap PNP, natagpuan na lamang ng kanyang katrabaho na nagpatiwakal at wala ng buhay si Jison.

Sinasabing depression ang dahilan ng pagpapakamatay ng binata dahil nag- away umano sila ng kanyang kasintahan.

Ibidensya din ang mga nakitang palitan ng text message ng kanyang girlfriend bago ginawa ang pagpapakamatay.

Wala namang nakikitang foul play sa nasabing insidente.

 

-0-

 

Idineklara kahapon ng Malacañang ang Agosto 12 (Lunes) bilang regular holiday dahil sa obserbasyon ng Eid’l Adha.

Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na nilagdaan kahapon ni Pangulong Duterte ang Proclamation 789 na nagdedeklarang holiday ang Agosto 12 sa buong bansa.

Ang Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ay isa sa pinakamahalagang holiday sa mga Muslims.

Hudyat ito nang pagsisimula ng mga Muslim para sa taunang pilgrimage sa Mecca.

Ang National Commission on Muslim Filipinos ang nagrerekomenda sa Pangulo kung kailan ang petsa ng mga Muslim holidays batay sa kanilang kalendaryo.

Noong nakaraang taon ay natapat ito ng Agosto 21.

 

-0-

 

Duguan ng isugod sa pagamutan ang isang lalaking naka motorsiklo matapos itong mabangga ng isang pampasaherong Multicab sa Sinsuat Ave. partikular sa tapat ng dapdap area dito sa lungsod alas sinco kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktima na si ABDULATIZ ABAS,20anyos residente ng Tamontaka, Cotabato City.

Base sa inisyal na ulat pauwi na si ABAS, lulan ng kanyang menamanehong motorsiklo ng bigla umanong mag U Turn sa kalsada ang Multicab na menamaneho naman ni LUDIVICO ABUKILYO, 50anyos, residente ng Brgy.Labungan, Datu Odin Sinsuat Maguindanao na nag resulta sa malakas na pagkakabangga sa biktima.

Nagtamo ng mga sugat sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan si ABAS at nasira ang motorsiklo nito dahil sa insidente.

Samantala sa Pigcawayan North Cotabato, arestado ang dalawang lalaki sa isinagawang buybust operation ng Pigcawayan PNP kamakalawa sa Barangay Capayuran.

Kinilala ang mga suspek na sina Jerwin booc Largonio alyas "AJ", 21 anyos, isang magsasaka at Datu Hussain Tayuan Sinarimbo, alyas "tong-tong", 21 anyos, estudyante na residente ng Poblacion 3, Pigcawayan.

Nagpanggap na asset sang isang police na bumili ng droga sa dalawa at nang maiabot na ito ay dito na inaresto ang dalawa.

 

-0-

 

 

Sold out na ang lahat ng ticket para sa “Fruits eat you all can” sa Kidapawan City na isa sa mga highlights ng 72nd foundation anniversary ng lungsod. Ang fruits eat all you can ay isasagawa sa City Plaza simula August 14 hanggang 18, 2019.

Abot naman sa 6,000 tickets ang naibenta ng City tourism office at naubos agad sa isang araw lamang. Ngayong araw ay sisimulan ang aktibidad ng “Lumba sa Kabayo” sa Barangay New Bohol Kidapawan City alas 8:00 ng umaga.

Sinabi ni City Tourism office, Joey Recimilla ang natitirang 300 tickets ay ibebenta sa lugar kung saan isasagawa ang aktibidad sa loob ng apat na araw. Prayoridad din anya nito ang hindi mga taga Kidapawan City na nais makilahok sa programa na inihanda ng City LGU. Samantala, tila bumabaha ang iba’t-ibang uri ng prutas ngayon sa lungsod ng Kidapawan habang papalapit nang papalapit ang pagdiriwang ng Timpupo Festival.

Kitang-kitang sa mga pangunahing lansangan ng lungsod ang mga nakahilerang mga prutas na mabibili lamang sa mababang halaga. Pangunahin dito ang kahon-kahong lanzones, mangosteen, rambutan at sako-sako ring mga durian. Mabibili ang Lanzones sa halagang 40-pesos bawat kilo, Mangoesteen sa 35-pesos kada kilo, Rambutan sa 20-pesos per kilo at Durian sa 40-60 pesos bawat kilo depende sa variety nito.

Kapansin-pansin naman ang isang fruit stand na malapit sa crossing Saniel sa national highway ng lungsod kung saan may pa-‘eat all you can’ pa ito sa prutas na Durian sa halagang 70-pesos lamang. Ayon pa kay Ronel Parohinog na isang fruit vendor, mas mabilis aniyang maubos ang durian kumpara sa iba pang mga prutas.

Samantala, nabatid na July 12 nang ay inilunsad ng Kidapawan City Government ang ‘Bagsakan sa Prutas’ kung saan inilagay ito sa Overland Terminal ng lungsod. Ang nasabing lugar ay siyang common area ng mga fruit grower para idisplay at ibenta ang kanilang mga prutas. Ang ‘Bagsakan sa Prutas’ ay isa sa mga tampok na aktibidad sa Timpupo festival. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Mahigit 100 na mga sasakyan na may ibat-ibang traffic violations, huli sa isinagawang Opaln Lambat Bitag sa Pikit, North Cotabato

Abot sa 150 na mga sasakyan ang na-impound ng PNP sa isinagawang Oplan lambat bitag sasakyan sa Pikit North Cotabato. Ang operasyon ay isinagawa ng tauhan ng Pikit PNP, Regional Mobile Force Battalion 12, TMU- Pikit at ng Highway Patrol group simula alas 7:00 ng umaga kanina.

Umabot sa 90 na mga motorsiklo at 60 tricycles ang na-kaimpound ngayon sa Pikit Municipal Police station na may ibat-ibang traffic violations. Sa ulat ng PNP, kadalasan sa kanilang nahuli ay walang OR/CR at walang driver’s License.

Ang naturang hakbang ay upang mapalakas pa ang kampanya kontra nakaw- motorsiklo sa nasabing lugar.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

NCIP North Cotabato, nagpaalala sa mga lumad sa probinsya na wag ibenta ang kanilang mga ancestral domain

Pinaalalahan ngayon ni North Cotabato NCIP head Joey Bugay ang mga katutubo na wag ipagbenta ang kanilang ancestral domain sa lalawigan. Ito matapos makatanggap ng ulat ang Radyo-BIDA na maraming mga lumad ang nagbebenta ng kanilang lupain.

Sinabi ng opisyal, mayroong labin-apat na mga ancestral domain sa buong probinsya ng North Cotabato at ito ay community- owned ng mg IP at hindi maaring ibenta at sirain.

Dahil ito anya ay mapapakinabangan ng mga susunod na henerasyon.

 Samantala, mariin namang tinutulan ni North Caotabato Governor Nancy Catamco ang pangingialam ng Department of Agrarian Reform sa ancestral domain claims ng mga katutubo sa pamamagitan ng pagpapasailalim sa CLOA o Certificate of Land Ownership.

Sinabi nitong maliban sa sertipikong pag-aari ng lupa, inaalisan ng CLOA ng karapatan ang mga IPs na mapreserba ang kanilang kultura para maisalin sa susunod na henerasyon. Dagdag pa ni Catamco, ayon sa Indigenous Peoples’ Rights Act of 1997 o IPRA Law kailangang igalang ng kahit anong ahensya ng gobyerno ang karapatan ng IP’s kabilang ang pamumuhay ng tahimik sa kanilang pag-aaring lupa na sumasalamin sa kanilang mayamang kultura at paniniwala.

Iniutos din nito ang pag-imbentaryo ng lahat ng mga lupaing sakop ng ancestral domain claims ng probinsya upang may akmang proyekto na ipatupad sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga investors. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 
MIDSAYAP, NORTH COTABATO - Patay ang isang 22 anyos na binata matapos na magpatiwakal sa loob ng kanyang silid sa Barangay Sadaan Midsayap, North Cotabato alas 5:00 ng umaga kahapon.
Kinilala ang biktima na si Jerome Borbe Jison, 22 anyos at residente ng Bagong Silang Caloocan City at pansamantalang naninirahan sa bayan ng Midsayap. Sa naging imbestigasyon ng pulisya, natagpuan na lamang ng kanyang katrabaho na nagpatiwakal at wala ng buhay si Jison.
Sinasabing depression ang dahilan ng pagpapakamatay ng binata dahil nag- away umano sila ng kanyang kasintahan.
Ibidensya din ang mga nakitang palitan ng text message ng kanyang girlfriend bago ginawa ang pagpapakamatay. Wala namang nakikitang foul play sa nasabing insidente.

 

-0-

 

Sapat na dugo para sa dengue patients tiniyak ng Philippine Red Cross sa South Cotabato

Sapat pa rin ang supply ng dugo sa Philipppine Red Cross o PRC sa South Cotabato sa kabila ng pagdami ng dengue cases sa lalawigan.

Tiniyak ito ni PRC South Cotabato Chapter Administrator Erwin Rommel Del Carmen. Ayon kay Del Carmen malaking tulong ang mga blood letting activity ng kanilang mga stakeholders para makapagimbak sila ng maraming dugo. Sa katunayan ayon kay Del Carmen kumpara noon, mas madali na ngayon makakuha ng dugo ang publiko sa PRC.

Paliwanag nito,ang PRC na mismo ang nagre-release ng dugo sa mga ospital ng South Cotabato para malakip sa kanilang bills at rechargeable sa Philhealth. Pero nilinaw din nito na maari pa rin namang kumuha ng dugo sa PRC ang mga nangangailangan.

Tugon ito ni Del Carmen sa pangamba ng publiko na posibleng magkaubusan ng dugo sa South Cotabato dahil sa patuloy na pagtaas ng dengue sa lalawigan.

Ang Department of Health 12 ay nakapagtala ng 4,452 na kaso ng Dengue sa South Cotabato mula Enero hanggang Agosto 3 ngayong taon, na pinakamarami sa SOCCKSARGEN. Ito ay mas mataas sa 1,580 kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Abot na rin sa 22 ang nasawi dahil sa dengue sa lalwigan ngayong 2019.

 

-0-

 

City Health Office ng Koronadal pinarangalan ng DOH dahil sa pangunguna ng programa nito kontra TB sa region 12

Nangunguna bilang Top Peforming Rapid Testing of Drug Resistant TB laboratory o RTDL Site sa buong rehiyon ang City Health Office ng Koronadal.

Ito ay dahil sa matagumpay na pagpapatupad ng Programatic Management of Drug-Resistant Tuberculosis o PMDT. Dahil dito tumanggap ng parangal mula sa Department of Health ang nasabing tanggapan. Ayon kay PMDT Physicial Dr. Stephen Mortera kasunod ito ng mga istratihiya na kanilang ginawa para mapaigting ang kampanya laban sa Tuberculosis o TB.

Kabilang sa mga ito ay ang pagsasanay sa mga Barangay Health Workers sa Integrated Directly Observed Treatment o iDOTS. Ayon kay Mortera, layun ng programa na magkaroon ng access sa gamutan sa TB ang mga mamamayan ng lungsod.

Ito ay sa pamamagitan ng pagdadala sa mga barangay ng mga programa kontra TB buhat pa noong nakaraang taon.

Sa ngayon ay siyam na mga pasyente ng Multi-drug-resistant tuberculosis o MDRTB ang tinututukan para gumaling ng PMDT. Ang mga ito ay mula sa 21 mga TB patients noong nakaraang taon. Lima sa mga ito ay tuluyan nang gumaling sa sakit na TB.

 

-0-

 

Pagtuturo sa mga magaaral ng paglaban sa dengue fever, ipinagutos ng Deped Regional Director sa mga public schools ng Region 12

Ituro sa mga estudyante kung papaano labanan ang sakit na dengue fever. Ipinagutos ito ni Department of Education o Deped 12 Regional Director Allan Farnazo sa mga pampublikong eskwelahan sa rehiyon. Ayon kay Farnazo, ito ay bilang pakikiisa na rin ng Deped sa pinaigting na kampanya kontra sa dengue fever ng pamahalaan.

Binigyan diin ni Farnazo na dapat ay maituro sa Agham at kahalintulad na mga asignatura sa elementarya at High school ang “Enhanced 4S Against Dengue.”

Ang mga ito ay ang Suyurin at sirain ang pinamumugaran ng lamok, Sarili ay Protektahan laban sa lamok, Sumangguni agad sa pagamutan kung may sintomas ng dengue at Sumuporta sa fogging o spraying kapag may banta ng dengue outbreak. Hinikayat din ni Farnazo ang mga school officials na makipagugnayan sa Parents Teachers Association o PTA.

Ayon kay Farnazo maari ring maglaan ng pondo ang mga eskwelahan sa pagawa ng poster ng “Enhanced 4s Against Dengue,”symposium, at mga repellant.

Sa Marbel I Central Elementary School sa Koronadal City, naglagay na ng mga Olyset o chemically treated net sa bintaha ng mga silid aralan ang mga guro.

Ayon sa gurong si Juliet Abellar, ito ay mabisang pang-trap hindi lamang sa lamok kungdi maging sa iba pang mga insekto. Sa katunayan ayon kay Abellar, buhat ng naglagay sila ng Olyset net wala nang nagka-dengue sa kanilang mga magaaral.

 

-0-

 

Tuna ng Gensan bibida sa festival sa Jersey City, New Jersey USA.

Matitikman ng mga mamamayan na makikisaya sa “GenSan Tuna Festival” sa Jersey City, New Jersey USA ang ipinagmamalaking Tuna ng General Santos City.

Ito ay kaugnay sa unang taong anibersaryo ng sisterhood ng Gensan sa New Jersey City sa August 16. Kinumpirma ito ni Gensan Councilor Shandee Llido-Pestano na siya ring Chairman ng Committee on Tourism ng konseho sa nasabing syudad.

Ayon kay Pestano ibibida rin sa festival sa Owen Gundy Pier Exchange sa Jersey City ang mga tribal dances. Ito ay pangungunahan ng grupong SocSarGen USA sa pakikipagtulungan kay Jersey City Mayor Stevel Fulop at kanilang Municipal Council and the Office of Cultural Affairs. Matatandaan na ang sisterhood agreement sa pagitan ng Gensan at Jersey City ay nilagdaan nong Aug 14.

Kaugnay nito ipinahayag ni Pestano na plano ng lokal na pamahalaan ng Gensan na gawing “sister hood” lane ang bahagi ng Pioneer Avenue.

Ayon kay Pestano ilalagay dito ang mga watawat ng mga sister cities ng Gensan. Ito ay bilang pagkilala sa naitulong ng mga ito sa mga mamamayan at pagunlad ng lungsod. Ang General Santos City ay mayroon ring sisterhood agreement sa Canberra, Australia; Hadano, Japan; Monterrey Mexico, Naga City, Iloilo City, at Quezon City sa Pilipinas.

 

-0-

 

Task Force kontra African Swine Fever binuo ng DA 12

Matapos ipagutos ni Dating Agriculture Secretary Manny Pinol ang pagpapatigil ng pag-angkat ng mga produktong galing sa mga bansang apektado ng African Swine Fever o ASF, binuo ng Department of Agriculture XII ang Regional Quick Response Team o RQRT nas mas kilalang ASF Task Force.

Layunin nito na mapigilan ang pinangangambahang pagpasok ng ASF Virus sa rehiyon. Matatandaan na nagpulong sa General Santos City ang mga kinatawan ng gobyerno. Kasama ng mga ito ang mga representate ng State universities, municipal at provincial veterinarians, livestock technicians at mga pribadong kampanya.

Pinagusapan ng mga ito ang pagpapaigting ng disease emergency preparedness sa region 12 Ang ASF ay sakit ng mga domestic at wild pigs na dala ng mapinsala, nakamamatay at nakakahawang virus sa mga alagang baboy. Ito ay ayon kay Bureau of Animal Industry o BAI Veterinarian IV Dr. May Magno. Nilinaw ni Magno na hindi nakahahawa sa tao ang ASF.

Pero maaring itong makaapekto sa P263 billion na hog industry sa bansa. Ang pagbuo ng ASF Task Force ay makatutulong hindi lamang sa paglaban sa ASF kungi maging sa pagpapaunlad ng swine industry sa SOCCKSARGEN. Ito ay ayon naman kay DA XII Regulatory Division Chief Dr. John Pascual

Cotabato City bags 8 awards from DOH

COTABATO CITY - Cotabato City got not just one, not just two, and not even just three, but eight awards during the 2019 Regional Awarding...

DFA-Basilan gov't passport services gains headway

BASILAN  - More than a thousand residents have benefited from the joint passport processing program of the office of Gov. Jim Salliman and...

Gun licensing amnesty program for BARMM recommended

COTABATO CITY --- Peace advocates wants a firearm licensing amnesty for civilians in the Bangsamoro region to complement the...

NDBC BIDA BALITA (8.24.19)

HEADLINES:

1. OPERASYON ng Small Town Lottery o STL sa Cotabato City at South Cotabato, posibleng sa Setyembre pa umano...

PNP acquires 10 new choppers

DAVAO CITY--The Philippine National Police (PNP) has acquired 10 new helicopters to further enhance its crime-fighting capability, an...