Wednesday Dec, 11 2019 07:04:09 PM

NDBC BIDA BALITA (8.7.19)

NDBC BALITA • 10:30 AM Wed Aug 7, 2019
404
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. BARANGAY CHAIRMAN ng Datu Salibo, Maguindanao, maswerteng nakaligtas sa tiyak na kamatayan pero consultant nito, sugatan nang tambangan sila sa Datu Saudi Ampatuan.

2. Big-time drug personality na taga-Kidapawan City, arestado sa Bansalan, Davao Del Sur

3. DALAWA KATAO, patay sa pinakabagong insidente ng pamamaril sa Tacurong city

4. South Cotabato, magpapatayo ng drug rehab center 

 

-0-

 

Local………………..

MASWERTENG nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang barangay official habang sugatan naman ang consultant nito nang tambangan sila sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.

Nakilala ang nasugatan na si Bayan Salik na consultant ng Barangay Sambolawan, Datu Salibo, Maguindanao.

Habang nakaligtas naman si Barangay Sambolawan chairman at ABC President ng Datu Salibo na si Abdulwariz Zailon.

Sinabi ni Maguindanao PNP Dir. Col. Arnold Santiago na sakay ang mga biktima ng Tamaraw Fx nang paulanan sila ng bala ng di pa nakikilalang mga suspek sa bahagi ng Barangay Dapiawan, Datu Saudi Ampatuan.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek pagkatapos ng pananambang habang agad na dinala sa ospital ang sugatang biktima.

Sa ngayon ay nagpapapatuloy pa ang imbestigasyon ng Datu Saudi Ampatuan PNP sa naturang insidente.

 

-0-

 

POSIBLENG may kinalaman umano sa kanilang trabaho ang tangkang pagpatay sa dalawang mga kawani ng Maguindanao Electric Cooperative o MAGELCO.

Sa report ng Datu Odin Sinsuat PNP, pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang mga biktimang sina Elcialyn Paguital, 34 anyos, auditor ng Magelco at Eduardo Longakit, 45, District Manager ng Magelco pasado alas sieteng gabi kamakalawa sa Ummah Village, Barangay Upper Capiton, DOS.

Sa report ng DOS PNP, nag-uusap lamang umano ang mga biktima sa labas ng bahay ni Paguital nang bigla silang pinagbabaril ng mga suspek gamit ang cal. 45 pistol.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad kung sino ang mga nasa likod ng naturang krimen.

 

 

-0-

 

SUGATAN ang apat na mga mag-aaral nang sumalanta ang ipo-ipo sa maraming mga bahay, paaralan, simbahan at iba pang mga gusali sa Barangay Proper, Marogong, Lanao del Sur.

Sinabi ni Lanao del Sur Provincial Disaster Risk Reduction Management Office head Saripada Pacasum Jr. na pinalid ng ipo-ipo ang 15 mga bahay at iba pang mga establisimento sa lugar sanhi para lumikas ang nasa 30 mga pamilya doon.

Ayon kay Pacasum, patuloy namang ginagamot ngayon sa ospital ang mga batang estudyante na sina Saima Victory, Jawad Camlon, Nurhada Ameraol at Nurmalia Maruhom.

Aniya pa, kasalukuyan ding nakikisilong muna sa kanilang mga kaanak ang mga bakwit at inabutan na sila ng tulong ng Marogong LGU.

Bagaman at sinalanta ng ipo-ipo, nagpasalamat pa rin ang mga residente sa lugar dahil walang nasawi sa insidente.

 

-0-

 

PATULOY PANG pinaghahanap ng kanyang mga magulang sa tulong ng mga otoridad ang batang lalaking tumalon umano at naligo sa Matampay River sa Cotabato city.

Nakilala ang nawawalang bata na si BENSAR MASLA, 9 years old, Grade 4 pupil, at taga Barangay Pob. 7 ng lungsod.

Base sa inisyal na ulat ng City PNP, pasado alas tres ng hapon kahapon nang magkayayaan ang tatlong mag kaklase na maligo sa ilog na nasa tabi ng Matampay Bridge.

Ngunit nang tumalon si Masla sa ilog mula sa Matampay bridge ay nagtaka ang mga kaklase nito dahil hindi na ito naka-ahon pa.

Nakarating sa pamilya at mga opisyal ng barangay ang pangyayari at agad na hinanap ito.

Ngunit hanggang ngayon ay bigo pa rin silang matagpuan ang bata na posibleng tinangay na ng agos sa ibang lugar.

 

-0-

 

50 porsyento na raw na tapos ang housing project ng National Housing Authority o NHA para sa mga residenteng naapektuhan ng bakbakan sa Marawi City.

Ang NHA ay isa sa mga ahensya ng gobyerno na kabilang sa Task Force Bangon Marawi na responsible sa rehabitasyon ng lungsod.

Ayon kay NHA project management head Roderick Ibañez, higit sa tatlong libo ng kabuuang 4,852 temporary shelters na ang naipamamahagi para sa mga bakwit.

Target na matapos ang natitirang bilang ng transition houses hanggang sa Disyembre ngayong taon.

Samantala, dalawang libong permanent houses naman ang itatayo ng San Miguel Corporation at nakatakdang matapos ang konstruksyon sa May 2020.

 

-0-

 

Sinimulan na ng pamahalaang panlalawigan ang pamimigay ng tulong sa mga nagkasakit na dengue fever sa South Cotabato. Kaugnay nito may iniligay na rin silang fastlane para sa mga dengue patients na mangangailangan ng kanilang tulong.

Ipinahayag ito ni Provincial Social Welfare and Development Officer Haidie Agustin. Nabatid na P1 million sa P15 million na Quick Response Fund ng lalawigan ini ini-rerleasew matapos ang deklarasyon ng State of Calamity dahil sa dengue outbreak ay inilaan sa mga pasyente ng dengue. Nilinaw ni Agustin na ang pinansyal na tulong na matataggap ng mga pasyente ng dengue ay nakabatay sa magiging assessment sa kanila ng mga social workers.

Tiniyak din ni Agustin na maliban sa mga biktima ng dengue fever may pondo din ang PSWDO para sa ibang pangangailangan ng mga mamamayan ng lalawigan.

 

-0-

 

Rehab Center para sa mga drug dependent posibleng ipatatayo rin sa South Cotabato

Balak ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato na magpatayo ng Drug Rehabilitatin Center. Kahalintulad ito ng “Balay Silangan” Project sa Malungon sa Sarangani. Nakipagpulong na sa mga opisyal ng Malungon para sa pagtatayo ng nasabing pasilidad si South Cotabato Assistant Provincial Health Officer Alah Baby Vingno.

Pinagusapan ng mga ito ang mga mekanismo sa pagpapatayo ng “Balay Silangan” Rehab Center. Ayon kay Malungon Municipal Administrator Jessie Dela Cruz, ang “Bahay Silangan” ay proyekto ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

Suportado ito ng lokal na pamahalaan na tumtulong ngayon sa rehabilitasyon ng 30 drug dependents na nakinbang sa plea bargain agreement.

Ang “Balay Silangan” sa South Cotabato ay posibleng ipatatayo sa bayan ng Tupi. Kasunod nito ng paghayag din ng mga opisyal ng Tupi na pagnanais maipatayo sa kanilang lugar ang nasabing pasilidad.

 

-0-

 

Marginalized workers sa Tantangan, South Cotabato makikinabang sa mahigit P2 million pesos na livelihood projects ng DOLE 12

Nakapagbigay sa lokal na pamahalaan ng mahigit P2 million pesos na tulong pangkabuhayan para sa mga marginalized workers ng Tantangan, South Cotabato ang Department of Labor and Employment o DOLE 12. Ayon kay DOLE 12 Assistant Regional Director Arlene Bisnon, ito ay bilang pagpapatupad ng kanilang DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program o DILEEP. Ang nasabing tulong ay mapapakinabangan ng mahigit 100 mamamayan sa Tantangan.

Sinabi ni Bisnon na kabilang sa matatanggap ng mga benepisyaryo ang mga gamit sa ipapatayong kabuhayan. Ang mga ito ay ang dressmaking, vulcanizing, welding, carsh wash and auto repair, carpentry, furniture making, massage service, cosmetology, vegetable farming at maraming iba pa. Nilinaw naman ni Bisnon na obligado ang mga benepisyaryo na sumailalim sa pagsasanay. Ito ay upang matiyak na mapangalagaan at mapaunlad ang tulong ng pamahalaan.

Ang DILEEP ay programa ng DOLE para magkaron ng dagdag na income ang mga marginalized workers o mga mangagawang walang sapat na kita. Layunin nito na maresolba ang problema ng kahirapan sa bansa.

 

-0-

 

Bagong DSWD 12 Regional Director may paalala sa mga kawami ng ahensya para mapaigting pa ang serbisyo sa mga mamamayan ng rehiyon

Sumunod sa oras ng trabaho at tamang pananamit o dress code. Ito ang paalala sa mga kawani ng ahensya ng kauupo palang na regional director ng Department of Social Welfare and Development o DSWD 12 na si Cezario Joel Espejosa. Ayon kay Espejo “public Office is a public trust” kaya kapag minabuti ng mga kawani ang kanilang mga trabaho, nakukuha din ng mga ito ang tiwala ng publiko.

Binigyan diin ni Espejo na ang hiring at promosyon ng mga kawani ng DSWD 12 ay nakabatay sa kanilang mga nagawa at kakayahan. Tiniyak ni Espejo ang pagkakaroon ng accountability at transaparency ng mga ito. Hiniling din ni Espejo ang pakikipagtulungan sa kanyang pamumuno ng mga kawani ng DSWD 12. Ayon kay Espejo isa kasi sa kanyang tututukan ang mga inobasyon para mapadali ang pagpapatupad ng mga programa ng DSWD..

Pinalitan ni Espejo bilang Regional Director ng DSWD Regional Office 12 ang nagretiro nang si dating regional director Bai Zorahayda Taha.

 

-0-

 

Dalawa katao patay sa pamamaril sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Magpapagasolina sana ng sinakyang kotse ang dalawang mga biktima nang barilin ng dalawang salarin sa Alunan Highway, Barangay Poblacion, Tacurong City, Sultan Kudarat kahapon. Kinilala ni Tacurong Chief of Police Lt. Col. Rey Egos ang mga biktima ng pamamaril na sina Sangutin Musil alyas Jerry Amino, 53 anyos at Alex Toto 30 anyos.

Ayon kay Egos habang papauwi na sa barangay Pimbalayan Lambayong,Sultan Kudarat, dumaan muna ang mga biktima sa AB Gasoline Station kung saan sila naabutan at pingbabaril ng riding tandem na mga salarin.

Ang dalawang mga biktima na pawang nagtamo ng matinding mga sugat ay agad na binawian ng buhay. Ipinahayag ni Egos na dahil sa naka-bonnet di pa tukoy ng PNP kung sino ang mga salarin na nakuhanan ng CCTV Camera at ano ang motibo ng mga ito sa krimen.

Nilinaw din ni Egos na inaalam pa ng pulisiya kung ang biktimang si Musil ay kumander umano ng Moro Islamic Liberation Front o MILF.

 

-0-

 

Programa para sa mga IP Communities isinusulong ng DA 12

Pinangasiwaan ng Department of Agriculture ang Regional Consultation noong nakaraang linggo para sa Mindanao Inclusive Agricultural Development Projecto MIADP.

Ang special project na ito ay inaaasahang popondohan ng World Bank. Ito ay ayon kay DA 12 Regional Executive Director Milagros Casis. Kung matutuloy mangunguna sa pagpapatupad ng nasabing proyekto ang Department of Agriculture at Mindanao Development Authority o MinDA.

Layunin ng naturang konsultasyon na makuha ang mga mahahalagang datos at impormasyon sa mga ahensya ng pamahalaan hinggil sa mga IP communities sa Mindanao.

Magiging benepisyaryo kasi ng proyektong ito ang mga IP Dumalo sa pagtitipon ang mga consultant mula sa World Bank upang mag obserba, at kaugnay nga nito ay binisita nila ang isang komunidad sa Magpet. Kinausap nila ang mga miyembro ng Komunidad sa Barangay Manobo sa naturang bayan kung ano pa ang kanilang mga programa na kinakailangan, lalung lalo na sa agrikultura.

 

-0-

 

Kidapawan City LGU, nagbigay na ng tulong sa mga pamilyang apekatdo ng sunog sa lungsod

Nagpa-abot na ng tulong ang Kidapawan City Government sa dalawamput pitong mga pamilya na nasunogan sa Mariano Cuenco Street, Poblacion Kidapawan City.

Nakatanggap sila ng food packs, bigas at mga de lata, hygiene kit, kumot at gamit mahihigaan tuwing gabi. Personal ding tinungo ng CDRRMO ang lugar na pinangyarihan ng sunog upang masuri at ang mga residente ding naiwan sa lugar. Magbibigay din ng dagdag na tulong gaya ng gamot ang mga apektadong indibidwal lalo na ang mga bata at matatanda.

Kaugnay nito, ay humihiling din ng tulong ang Balik Pangarap program para naman sa kanilang mga miyembro na apektado din ng sunog sa nasabing lugar. May ilang mga dating drug users na miyembro ng programa na apektado ng sunog na nangangailangan din ng tulong.

Sa mga nagnanais tumulong, maaring makipag-ugnayan lamang sa kanilang coordinator na si Mr. Joel Aguirre sa Balik Pangarap Building sa ikalawang Palapag ng DTI GO Negosyo Center sa JP Laurel Street sa tapat ng Kidapawan City Pilot Elementary School.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Security Plan para matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan, iprinisenta ng PNP sa 3rd Municipal Peace and order Council meeting sa Kabacan, North Cotabato

Isinagawa sa bayan ng Kabacan ang Third Municipal District Peace and Order Council o MPOC meeting sa Kabacan, Cotabato. Ito ay pinangunahan ni MPOC Chairman Mayor Herlo Guzman Jr. kasama ang mga opisyales ng LGU Kabacan, 7th Infantry Tapat Battalion, PNP, BFP, BJMP, mga guro, Barangay Officials at iba pang stakeholders.

Kabilang sa mga tinalakay, ang mga gagawing paghahanda sa darating na 72nd Founding Anniversary ng bayan kung saan iprenisinta ni Kabacan PNP Chief Police Major Realan Mamon ang inilatag na security plan at troops deployment sa bayan upang masiguro ang kaligtasan ng publiko na dadalo sa aktibidad.

Ayon kay Mamon, nakahanda na ang lahat ng kanyang mga tauhan kasama ang 7th IB ng Philippine Army at mga friendly forces gaya ng mga Baranggay Peace Keeping Action Team (BPAT) at iba pang mga tropa na makakatulong sa pagbibigay seguridad.

Samantala, ipatutupad ng PNP ang “No back pack” policy, pagsusuot ng jacket at pagdadala ng matulis na bagay sa araw ng pagdiriwang bilang safety precaution. Hinimok din ang mga mamamayan na maging mapagmatyag sa paligid at agad na ipagbigay-alam sa mga otoridad kung may makikitang kahina-hinalang tao o bagay. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

PNP-North Cotabato hinirang bilang ‘Best Police Provincial Office’ sa buong bansa

Itinanghal na Best Police Provincial Office ang Cotabato Police Provincial Office of CPPO sa buong bansa ngayon taon.

Ayon kay CPPO Public Information Officer Police Major Julie Lu Melocotones na lumabas ang resulta ng nasabing ebalwasyon kamakalawa mula sa himpilan ng PNP Headquarters sa Camp Crame. Matatandaang a-nuebe ng Hulyo nang isagawa ng isang team mula PNP National Headquarters ang Field Evaluation at Validation sa tanggapan ng CPPO sa Amas, Kidapawan City.

Nabatid na pinangunahan ito ni Police Brigadier General Sterling Raymund Blanco, siyang chairman ng Field Evaluation and Validation team, ang isinagawang interview at pagsusuri sa lahat ng mga dokumenton para masungkit ang nasabing parangal.

Pinuri naman ng nasabing heneral ang naging presentasyon ni North Cotabato Provincial Director Colonel Maximo Layugan ang lahat ng naging accomplishment ng CPPO na pasok mula May 1, 2018 hanggang April 30, 2019. Nakatakda namang tatanggapin ni Colonel Layugan ang naturang parangal sa Camp Crame sa August 09 kasabay ng 118TH Police Service Anniversary.

Sa naturang parangal, 80% ay nagmula sa mga isinumeting dokumento at 20% naman ay nangaling sa operation readiness at interview. Matatandaang tatlong mga nominee lamang mula walumpu’t isang mga provincial headquarters sa buong bansa ang pinagpiliang magwagi kung saan pasok noon sa top 3 ang Benget at Tarlac PPO pero nangunana sa lahat ang North Cotabato PNP. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Ticket para sa “fruits eat all you can” sa Kidapawan City, maari ng mabili sa City tourism office simula ngayong araw

Nasa 6,000 na mga ticket ang ibebenta ng City tourism office para sa mga gustong sumali sa fruits eat all you can na isa sa mga hightlights ng timpupo festival sa Kidapawan City.

Sinabi ni City Tourism officer Joey Recimilla, ito ay fist come first first serve simula ngayong araw hanggang sa linggo at bukas kahit weekend. Ang aktibidad ay isasagawa sa August 14 hanggang August 18, 2019 sa City plaza.

Mabibili sa halagang 50 pesos ang ticket ng fruits eat all you can na abot sa 3,000 kilos ang ihahanda araw-araw.

Karamihan sa mga prutas na gagamitin sa fruits eat all you can ay binili ng City government mula sa Kidapawan City fruit grower maliban sa mga prutas na wala sa lungsod. Bukod dito, abot sa 30 stalls naman ang magbebenta ng ibat-ibang mga prutas sa City pavillon.

Samantala, una ng nagpa-alala ang City PNP sa publiko na makiisa sa inilatag na seguridad upang mapanatili ang katiwasayan ng pagdiriwang. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Big-time drug personality na taga Kidapawan City, arestado sa Bansalan, Davao Del Sur

Hindi na nakapalag pa ang isang big-time drug personality matapos ikasa ng Bansalan Municipal Police station ang buy-bust operation sa Purok 5 B, Brgy. Mabuhay, Bansalan, Davao del Sur kamakalawa. Kinilala ng Police Regional Office 11 ang suspek na si Calixto Molido Pasanting, 44-anyos, may asawa na residente ng Malaluan Compound, Kidapawan City.

Ayon sa ulat, kumagat ang suspek sa bitag ng nagpanggap na police asset para bilhan ito ng droga. Nakuha naman mula sa kanya ang isang malaki at isang maliit na pakete ng pinaniniwalaang iligal na droga na nagkakahalaga ng abot sa P86, 000.00

Ayon kay Police Regional Office (PRO) 11 Regional Director PBGen Marcelo Morales, ang nasabing operasyon ay bahagi lamang ng pinalakas nilang kampanya kontra droga lalo na sa mga high value targets o HVTs at illegal drug syndicates.

Katuwang ng Bansalan PNP sa nasabing operasyon ang Police Intelligence Branch ng Davao del Sur Police Provincial Office at PDEA Davao del Sur. Nakakulong na ngayon sa custodial facility ng Bansalan PNP ang suspek at kakaharapin ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

-0-

2 BIFF `extort men' surrender in Pikit

NORTH COTABATO --- Two members of the outlawed Bangsamoro Islamic Freedom Fighters involved in the group’s extortion activities...

Strong winds destroy houses in Mlang

NORTH COTABATO – A number of houses were flattened by strong winds that battered parts of the earthquake-wracked Mlang town Tuesday.

The...

Ex-druggy helps PDEA arrest Bongao big time drug peddlers

COTABATO CITY  – A former drug peddler who already mend ways and volunteered to help the government fight illegal drugs was the key in the...

BTA members empowered into crafting revenue legislation

COTABATO CITY – A member of the Bangsamoro Transition Authority of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BTA-BARMM) today said...

P34 million worth of shabu seized in Tawi-Tawi bust

COTABATO CITY - Authorities seized P34 million worth of shabu from three drug traffickers who fell in an entrapment operation Tuesday in Bongao...