Saturday Aug, 24 2019 09:47:30 PM

NDBC BIDA BALITA (8.3.19)

NDBC BALITA • 09:15 AM Sat Aug 3, 2019
241
By: 
NDBC NCA

NDBC NEWSCAST

HEADLINES:

1. MAHIGIT 200 mga mandirigma ng MILF, sumasailalim sa basic military training ng AFP.

2. PASTOR ng UCCP, patay sa pamamaril sa Antipas, North Cotabato

3. FETUS, natagpuan sa basurahan ng public terminal ng Koronadal City

4. DA-12 bumuo ng task force kontra Army worm sa rehiyon

 

At ngayon sa detalye....

 

UCCP pastor, patay sa pamamaril sa Antipas, North Cotabato

Dead on the spot ang isang pastor ng United Church of Christ in the Philippines matapos na pagbabarilin ng di pa kilalang mga suspek sa Purok 5, Barangay Magsaysay, Antipas North Cotabato alas 7:15 ng umaga kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Pastor Ernesto Javier Estrella, 51 years old, may asawa, Pastor ng UCCP Antipas at residente ng Purok 6, Barangay Malatab ng bayan.

Sa naging imbestigasyon ng Antipas Police, patungo sana ang biktima sa Barangay Poblacion sakay ng kanyang Yamaha STX na motrsiklo at nang pagsapit sa Purok 5 ay pinagbabaril ito ng mga suspek na lulan din ng motorsiklo na nasa kasalungat na daan.

Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa ulo dahilan ng kanyang agarang pagkamatay habang mabilis namang tumakas ang suspek sa di pa malamang direksyon. Di pa tiyak ngayon ng pulisya kung ano ang motibo ng mga responsable sa pagbaril at pagpatay sa nasabing pastor. NDBC BIDA BALITA

 

 

-0-

UMAABOT sa 225 mga mandirigma ng Moro Islamic Liberation Front - Bangsamoro Islamic Armed Forces o MILF-BIAF ang sumasailalim sa basic military training sa Division Training School ng Army’s 6th Infantry Division sa Camp Lucero, Carmen, North Cotabato.

Ang naturang mga mandirigma ay unang batch pa lamang ng mga MILF fighter na sumasailalim sa 26-araw na pagsasanay para sa paglikha ng Joint Peace and Security Team o JPST.

Kasama sa composite group ang mga sundalo at pulis.

Magkakaroon ng 200 JPST na binubuo ng anim na libong mga tauhan na tutulong sa pagpapatupad ng Normalization Track ng Comprehensive Agreement sa Bangsamoro sa pagitan ng pamahalaan at MILF.

Dumalo naman sa inagurasyon ng naturang aktibidad sina BARMM Ministry of Environment, Natural, Resources and Energy Minister Abdulraof Macacua na kumatawan kay BARMM Interim Chief Minister Alhaj Murad Ebrahim at si Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr.

 

-0-

 

Sugatang nagtungo sa Police Station 2 sa Cotabato city ang isang ginang upang isumbong ang ginawang pananakit at pananaksak umano sa kanya ng sariling pamangkin sa kanilang lugar sa Purok Shariff, Malagapas, barangay Rosary Heights 10.

Nakilala ang biktima na si misis FAHIMA USOP, 27 anyos.

Sa report ng pulisya, pasado ala una ng hapon kamakalawa nang bigla na lamang umanong sugurin ng suspek na nakilala lamang sa alyas na “Panabal” sa kanilang tahanan ang biktima.

Nagtamo ng mga pasa at sugat sa katawan at ang biktima na kagagawan umano ng kanyang pamangkin.

 

-0-

 

Pormal ng sinampahan ng paglabag sa RA9156 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang dalawang mga suspek na magkahiwalay na inaresto makaraang makuha sa kanila ang mga pinaghihinalaang iligal na droga sa Cotabato city.

Ang mga nakasuhan ay nakilalang sina NESTOR PLAMOR PEKA,at NINO PACLIBAR YASA Alyas “Palak” mga nasa hustong gulang at pawang mga residente ng lungsod

Magugunitang hinuli ang dalawa sa magkahiwalay na lugar dito sa lungsod nitong nakalipas na linggo sa ikinasang magkakasunod na Drug Buy Bust Operation ng mga otoridad.

Isinampa ang kaso sa mga suspek sa City Prosecutors Office,Cotabato City kay Associate Prosecution Attorney 2, Atty. Anwar Masacal, matapos na mag positibo umano sa mga pagsusuri na shabu ang mga nakuha sa dalawang mga lalaking suspek.

 

-0-

 

Sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-BARMM ang 15 milyong pisong halaga ng mga nakumpiskang Marijuana at shabu sa isang pribadong pasilidad sa Maguindanao.

Sinabi ni PDEA-BARMM Director Juvenal Azurin na ang sinunog nilang mga iligal na droga ay nakumpiska nila mula sa iba’t ibang operasyong kanilang inilunsad mula pa noong 2014.

Ang pagsunog sa mga shabu at marijuana ay bilang pagpapakita sa publiko na hindi nire-recycle ng pamahalaan ang mga ito.

Ang mga droga ay inilagay sa loob ng isang incinerator sa loob ng isang planta ng kuryente sa Barangay Simuay, Sultan Kudarat, Maguindano.

Maliban sa shabu kasama sa mga sinunog ay marijuana at iligal na mga gamot na nasamsam sa iba’t ibang operasyon ng PDEA sa Cotabato City, Maguindanao, Lanao del Sur at Marawi City.

Sinaksihan ng maraming personalidad ang pagsunog ng droga kasama ang mga kagawad ng Media kabilang si Judge Kasan Abdulrakman ng RTC-12.

Tiniyak ni Azurin sa publiko na ang lahat ng mga iligal na item na hindi na kinakailangan bilang katibayan sa korte ay nawasak.

Ang mga gamot sa mga bote at plastic sachet naman ay pinasagasaan sa pison.

 

-0-

 

Nasawi ang tatlong katao habang tatlo pa ang nadakip sa pagsakalay ng mga otoridad sa isang bahay Basilan.

Isinagawa ang pagsalakay kahapon ng umaga sa bahay ng pinaniniwalaang miyembro ng Abu Sayyaf.

Ginawa ang raid sa Sitio Kasangyangan, Barangay Candiis sa bayan ng Mohammad Ajul.

Ayon kay Mayor Ibrahim Ballaho, kabilang sa nasawi sa operasyon ang dalawang dating miyembro ng Abu Sayyaf.

Sumisigaw naman ng hustisya ang pamilya ng dalawa dahil nilabag umano ng mga sumalakay na pulis ang kanilang karapatan.

Nabatid na ang dalawa ay dati nang sumuko sa mga sundalo.

 

-0-

 

Lalaking wanted sa kasong estafa sa bayan ng Arakan, Cotabato, arestado sa Davao City

Arestado ang isang magsasaka na wanted sa batas matapos na mamataan sa Sitio Tibal-og Barangay, Marilog District, Davao City alas 2:00 ng hapon kahapon. Kinilala ang naaresto na si Peter Apang Unsad alyas Unot, 56 anyos na nakatira sa Purok 5 Barangay Sinuda.

Sa ulat ng Arakan PNP, ang nahuling suspek ay may kasong estafa sa bayan ng Arakan, North Cotabato na may petsang August 16, 2018.

Ang matagumpay na operasyon ay isinagawa ng pinagsanib pwersa ng Arakan Police sa pangunguna ni Police Captain Jose Mari Molina at ng Marilog Davao City Police Office.

Siya ay nakapiit na ngayon sa custodial facility ng PNP at nakatakdang sasampahan ng karampatang kaso sa korte ngayong araw.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Deped Kidapawan City Division, nagsagawa ng simultaneous clean up drive kontra dengue sa lungsod

Nagsagawa ng simultaneous clean up drive ang Department of Education Kidapawan City Division sa pangunguna ni Schools Division Supt. Rommelito Flores alas 3:00 ng hapon kahapon.

Sa panayam ng Radyo BIDA kay Flores, sinabi nitong lahat ng mga public schools sa lungsod ang naglunsad ng aktibidad kahapon bahagi ng kanilang kampanya kontra dengue.

Ang hakbang ng DepEd ay upang matulungang mapababa ang patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa Kidapawan City na nangunguna sa may pinakamaraming kaso sa buong North Cotabato.

Bukod anya sa pagbibigay ng kaalaman sa mga kabataan ay ang pagtugon sa mismong dapat na gawin tulad ng pagsira ng mga breeding sites ng mga lamok na nagdadala ng dengue virus.

Dagdagpa ni Flores, nagpalabas na rin anya ng kautusan na gagawing regular o sa tuwing araw ng biyernes ang nasabing aktibidad upang mapanatiling malinis ang bawat paaralan sa lungsod at makaiwas sa sakit na dengue.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Bilang ng mga pamilyang lumikas dahil sa takot na maipit sa gulo sa pagitan ng militar at BIFF sa Pikit, Cotabato, umabot na sa mahigit 900

Abot na sa 955 na mga pamilya ang lumikas patungo sa ligtas na lugar dahil sa takot na maipit sa gulo sa nagpapatuloy na operasyon ng militar laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa bayan ng Pikit, North Cotabato simula pa noong July 25.

Sinabi ni Pikit Municiapl Disaster Risk and Reduction officer Tahira Kalantungan, ang mga pamilya ay mula pa sa ibat-ibang lugar ng bayan at mga dependents na tinatayang 4,000 katao.

Pansamantalang namalagi ang mga bakwit sa mga paaralan at mosque na problema din anya ang pagbaha tuwing malakas ang pag-ulan. Bukod sa mga pamilyang taga Pikit, North Cotabato ay may mga pamilya ring lumikas na mula sa Maguindanao.

Dagdag pa ni Kalantungan, nagpaabot na ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga pamilya na apektado ng nasabing operasyon at nanawagan naman ito sa mga gusto pang magpa-abot ng tulong ay mariing makipag-ugnayan sa kanilang opisina.(Cherry Exim) VC- KALANTUNGAN Si MDRRM Officer Tahira Kalantungan. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Proposed CAFGU Active Auxiliary patrol base ng militar, pinasabogan sa Magpet, North Cotabato

Maswerteng walang nasugatan sa nangyaring pagsabog sa Purok 3, Barangay Bantac, Magpet North Cotabato alas 3:00 ng hapon kahapon.

Sa naging panayam kay 72nd Infantry Battalion Commander Lt. Col Rey Alvarado, pagtatayuan sana ng CAFGU Active Auxiliary o CAA base ang lugar upang makapagbigay ng seguridad sa mga turistang na pupunta sa lugar. Bago din aniya nangyari ang pagsabog ay may nakitang mga lalaki sa lugar na posibleng responsable sa pag-iwan ng di pa matukoy na pampasabog.

Dagdag pa ni Alvarado, posibleng ayaw ng mga armadong grupo na pagtayuan ng patrol base sa lugar dahilan para pasabogan nila ito.

Ayon pa sa army official, hindi aniya dahilan ang pagpapasabog para hindi itutuloy ang magpapatayo ng patrol base sa lugar.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

Mga gamit sa pananahi, naibigay ng DOLE 12 sa grupo ng mga kababaihan sa Palimbang, Sultan Kudarat.

Nakinabang sa mahigit P200,000 na kabuhayan starter kits para sa patahian ang grupo ng mga kababaihan sa bayan ng Palimbang, Sultan Kudarat.

Ang mga ito ay pawang mga benepisyaryo ng DOLE Integrated Livelihood Program o DILEEP ng Department of Labor and Employment o DOLE region 12.

Ayon sa mananahi na si Janipa Hamsa malaking tulong ang natanggap nilang makina sa pananahi para mapaunlad ang kanilang kabuhayan. Tiniyak naman ni Palimbang Mayor Joenime Kanipa ang patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programa ng DOLE. Ito ay upang maiahon sa kahirapan ang mga mamamayan ng Palimbang.

Sinabi ni Kanipa na imomonitor nila ang mga benepisyaryo at hinikayat din ang mga ito na ingatan ang mga gamit na bigay sa kanila ng pamahalaan.

Ayon naman kay DOLE 12 Regional Director Sisinio Cano para mamonitor ang mga nabigyan ng Kabuhayan Starter Kits, nakikipag ugnayan ang ahensya sa mga lokal na pamahalaan.

Dinagdag ni Cano na maliban sa paghahanap ng mga proyektong pangkabuhayan na pwedeng maging halimbawa sa region 12, hangad din ng ahensya ang tagumpay ng mga nabigyan nila ng livelihood projects.

 

0-0

 

Program to Institutionalize Meritocracy and Excellence in Human Resource Management Bronze Award ng Civil Service Commission, natanggap ng Human Resource Management Office ng Tacurong City, Sultan Kudarat

Iginawad ng Civil Service Commission ang pinakamimithing Program to Institutionalize Meritocracy and Excellence in Human Resource Management o PRIME-HRM Bronze Award sa Human Resource Management Office ng lokal na pamahalaan ng Tacurong City, Sultan Kudarat.

Ito ay pinamumunuan ni Elsa Indanao na tumanggap ng parangal sa Pasay City kasama ang kasalukyang alkalde ng syudad na si Roncal Montilla at former Mayor Lina Montilla.

Naging batayan naman sa pagbibigay ng nasabing parangal sa Tacurong City ang apat na PRIME-HRM Level 2 Maturity Indicators. Ang mga ito ayon kay Indanao ang Recruitment Selection at Placements; Peformance Management; Learning and Development; at Rewards and Recognitions. Nabatid na ang onsite assessment para sa mga ito ay isinagawa ng mga kinatawan ng CSC noong 2017 at 2018.

Ang Tacurong City ay isa sa 15 lokal na pamahalaan sa bansa at natatangi sa SOCCKSARGEN na ginawaran ng CSC ng PRIME-HRM Bronze Award. Kaakibat ng parangal na ito ang pagbibigay ng CSC ng go signal sa Tacurong City LGU na mag-apruba ng mga appointment,.

Habang mga kawani ng HRMO o kanilang mga kinatawan ay mayroon ding 20% discount sa mga training ng Civil Service Institute at endorsement o rekomonendasyon sa scholarship program ng iba’t mga institusyon.

 

-0-

 

Fetus natagpuan sa basurahan ng public terminal ng Koronadal City

Ipinalibing na sa public cemetery ng city social welfare and development office ang isang fetus ilang oras matapos matagpuan sa basurahan ng Koronadal City public terminal kahapon ng umaga.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na ang fetus na nakasilid sa garbage bag ay natuklasan ng utility worker na si Mauro Sorongon. Sinabi ni Sorongon sa mga pulis na nagulat ito nang makita ang fetus habang nagse-segregate ng mga basura.

Ayon naman sa ilang mga staff ng City Social Welfare and Development Office sa kanilang taniya ang fetus na natagpuan ay mga nasa limang buwan pa lamang. Hindi pa batid ng mga pulis kung sino ang nagtapon sa nasabing fetus sa basurahan na nasa loob pa mismo ng compound ng Koronadal City Integrated Public Terminal.

 

-0-

 

Mga barangay na labis naapektuhan ng dengue fever kinukulang na umano ng pondo, ayon sa Association of Barangay Chairman President ng South Cotabato

Paubos na umano ang pondo ng ilang mga barangay sa South Cotabato na mayroong dengue outbreak. Ipinahayag ito ni South Cotabato Association of Barangay Chairman o ABC President Rolando Malabuyoc.

Ayon kay Malabuyoc na ex-officio member din ng Sangguniang Panlalawigan, may mga barangay sa South Cotabato na nga nauna na nga nagdeklara ng State of Calamity dahil dengue.

Kaugnay nito pinasalamatan naman ni Malabuyoc ang mga local government units at Provincial Health Office sa pagtulong sa mga barangay para maipagpatuloy ang mga programa kontra dengue fever.

Sinabi ni Malabuyoc na mariing ipinatutupad ngayon sa mga barangay ng South Cotabato ang “Operation Kulob” o ang pagtanggal at paglilinis sa mga bagay at basura na maaring pamuhayan ng mga dengue carrying mosquitoes.

Matatandaan na para makatulong sa mga lokal na pamahalaan at barangay sa pagsawata sa dengue fever, inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang mahigit P15 million na pondo para dito.

Ang nasabing pondo ay bahagi ng Quick Response Fund ng lalawigan ngayong 2019. Sa pinakahuling tala ng Provincial Health Office, umabot na sa mahigit 4,000 ang dengue cases sa South Cotabato mula Enero hanggang katapusan ng Hulyo.

 

-0-

 

Lalaki patay sa pamamaril sa Koronadal City

Dead on arrival sa ospital ang isang lalaki na biktima ng pamamaril sa Koronadal City pasado alas syete kagabi.

Ang biktima ay binaril ng nakamotorsiklo na suspek,habang nakaupo sa driver seat ng nakaparada nitong Montero Sport Mitsubishi Vehicle sa Alunan Avenue .

Ito ang lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng Koronadal City PNP na pinamumunuan ni Police Lt. Col Rey Egos. Tumanggi naman ang pulisiya na pangalanan ang biktima ayon na rin sa kahilingan ng pamilya nito.

Ang hindi kinailalang biktima ay tinamaan ng bala ng 45 pistol sa ulo na naging sanhi ng kanyang dagliang pagkasawi.

Hindipa batid ng mga pulis kung sino ang nagiisang salarin at ano ang motibo nito sa pagpatay sa biktima.;

 

0--

 

Task Force kontra Army Worm na namemerwisyo sa ilang sakahan sa rehiyon binuo ng DA 12

Itinatag ng Department of Agriculture ang Technical Working Group for Surveillance and Monitoring of Fall Army Worm para masawata ang pangaatake ng Army Worm sa ma pananim sa ilang bahagi ng Region XII.

Ayon kay DA 12 Regional Executive Director Milagros Casis trabaho din ng nasabing Task Force na imonitor, at bumalangkas ng mga rekomendasyon sa pagsugpo sa nasabing peste. Ang mapinsalang Fall Army Worm ay kadalasan kinakain ang bunga ng mais.

Ayon kay Casis, dahil sa isang migratory pest, mabilis din itong dumami at maghanap ng mapepesteng sakahan. Umapela din si Casis sa mga magsasaka na agad na makipagugnayan sa Regional Crop Protection Center ng DA 12. Ito ay kapag nanalasa ang army worm sa kanilang mga pananim.

 

0-0-

 

Mga bagong local chief executives sa lalawigan isinailalim sa capacity building ng DILG South Cotabato

Sumasailalim sa tatlong araw na capacity building ang mga bagong halal na Local Chief Executives sa lalawigan ng South Cotabato.

Ang mga ito ay ang mga alkalde ng Koronadal City,at mga bayan ng Lake Sebu, Tampakan, Tupi at Norala. Ang training ay pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government o DILG.

Layunin ng nasabing aktibidad na lalo pang maipaliwanag sa mga bagong local chief executives ang kanilang mandato, responsibilidad at iba pang dapat gawin bilang mga pinuno sa kanilang mga bayan at syudad. Ipinahayag ito ni DILG South Cotabato Provincial Director Atty. Rochelle Sero.

Ipinahayag ni Sero na susunod naman nilang isasailim sa capacity building ang mga bagong halal na local legislators o myembro ng mga sangguniang bayan at lungsod sa South Cotabato.

 

 

 

 

Type a message...

 

 

Cotabato City bags 8 awards from DOH

COTABATO CITY - Cotabato City got not just one, not just two, and not even just three, but eight awards during the 2019 Regional Awarding...

DFA-Basilan gov't passport services gains headway

BASILAN  - More than a thousand residents have benefited from the joint passport processing program of the office of Gov. Jim Salliman and...

Gun licensing amnesty program for BARMM recommended

COTABATO CITY --- Peace advocates wants a firearm licensing amnesty for civilians in the Bangsamoro region to complement the...

NDBC BIDA BALITA (8.24.19)

HEADLINES:

1. OPERASYON ng Small Town Lottery o STL sa Cotabato City at South Cotabato, posibleng sa Setyembre pa umano...

PNP acquires 10 new choppers

DAVAO CITY--The Philippine National Police (PNP) has acquired 10 new helicopters to further enhance its crime-fighting capability, an...