Monday Sep, 23 2019 09:59:41 PM

NDBC BIDA BALITA (8.24.19)

NDBC BALITA • 08:15 AM Sat Aug 24, 2019
191
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. OPERASYON ng Small Town Lottery o STL sa Cotabato City at South Cotabato, posibleng sa Setyembre pa umano magpapatuloy.

2. APAT na drug suspects, kabilang ang isang estudyante, arestado sa magkakahiwalay na mga operasyon sa North at South Cotabato.

3. APAT NA MGA PULIS sa General Santos city na tumulong sa buntis na nanganak sa tabing-daan, pinuri ng publiko

4. Driver, naputulan ng paa matapos mabundol ng passenger van ang nililinis niyang cement mixer sa So Cotabato 

 

AT NGAYON SA DETALYE NG MGA BALITA

 

POSIBLENG sa Setyembre pa umano muling magbubukas ang Small Town Lottery o STL outlets sa Cotabato city at South Cotabato.

Ito ay sa kabila ng pagbawi ni P. Duterte sa suspensyon ng operasyon ng STL sa buong bansa nitong nakaraang araw.

Ayon sa pamunuan ng Provident-STL, makikipagpulong pa sila sa pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO sa susunod na linggo para linawin ang mga kondisyong kalakip ng kanilang pagbabalik-operasyon.

Dagdag pa rito, nangangailangan din umano ng sapat na panahon ang pamunuan ng Provident-STL para i-recall ang kanilang mga trabahante.

Maalalang Miyerkules ng gabi nang kumpirmahan ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang pagbawi sa suspensyon ng STL operations alinsunod sa mga sumusunod na kondisyon;

>        Pagde-deposito ng Authorized Agent Corporations o AACs ng cash bond na katumbas ng tatlong buwang PCSO share sa guaranteed minimun monthly retail receipt o GMMRR na bukod pa sa kasalukuyan nilang cash bond.

>       Kapag nabigo ang mga STL operator na makapag-remit sa oras ng kanilang GMMRR sa panahon ng kanilang operasyon, ang cash bond na katumbas ng tatlong buwan ay otomatikong forfeited pabor sa PCSO.

>        Ikatlo, kailangan ding gumawa ng sinumpaang kasulatan ang mga authorized agent corporation na kanilang susundin ang mga obligasyon na nakasaad sa STL-Agency agreement at hindi sila hihingi ng anumang claims sa ahensya maging ito man ay monetary; hindi hihingi ng injunction sa anumang korte upang pigilan ang gobyerno na ipatupad ang kanilang naging kasunduan at rights of prerogative.

>        Panghuli, lahat ng permit ng mga STL Agency na mabibigong sumunod sa mga kondisyon na nakasaad sa IRR ay otomatikong mawawalan ng bisa.

Ayon kay Panelo, tiwala si P. Duterte na dahil sa mga bagong kondisyong itinakda para sa STL operators ay maiiwasan na ang korapsyon at kikita ng sapat ang pamahalaan.

 

-0-

 

PINAALALAHANAN ni Cotabato city mayor Cynthia Guiani ang lahat ng mga miembro ng Sangguniang Panglungsod na isantabi na ang politika at tutukan ang trabaho para sa mga mamamayan ng lungsod.

Kasabay ng isinagawang sesyon ngayong linggo ay pinulong ni mayor Guiani ang mga konsehal at hinikayat ang mga ito na magtulungan para maramdaman ng taumbayan ang pagkakaisa ng kanilang mga inihalal na lider ng syudad.

Ayon pa sa alkalde, sa kasalukuyan ay wala ng minority at majority floor leader dahil iisa na lamang umano ang kanilang floor leader.

Kinausap din ng alkalde ang mga konsehal sa iba pang isyu at ang planong paglikha ng tatlo pang mga barangay mula sa mga malalaking barangay tulad ng Mother Poblacion, Poblacion Siyete at iba pang mga barangay na may malaking land area at populasyon.

 

-0-

 

Duguang isinugod sa ospital ang isang lalaki matapos na aksidenteng mabaril ang sarili sa kanilang tahanan sa Barangay Polacion 1, Parang, Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si SAIDALI INSO, 35 years old, may asawa, miembro ng Cafgu, at residente rin ng nabanggit na lugar.

Base sa kwento ng biktima, pasado ala una pasado ng hapon kahapon habang nasa loob ng kanilang bahay at inihahanda ang sarili para sa trabaho nang bigla umanong pumutok ang hawak nitong service firearm na cal. 45 pistol dahilan upang tamaan ang kanyang kaliwang hita.

Agad naman syang dinala ng Parang PNP sa isang pagamutan sa Cotabato city upang agad na malapatan ng lunas.

 

-0-

 

Naalarma ang ilang mga kongresista sa mababang utilization rate para sa Marawi rehabilitation.

Sa budget hearing ng House Committee on Appropriations, mayroong inaprubahan na ten billion pesos sa 2018 at 3.5 billion pesos ngayong 2019 para sa Marawi rehab.

Nasa 3.5 billion pesos ulit ang pondong inilaan para sa Task Force Bangon Marawi kung saan kabuuang 17 billion pesos na ang naging alokasyon dito ng gobyerno.

Pero inamin ni Budget Acting Secretary Wendel Avisado na mas mababa pa sa 10% ang nagagamit na pondo para sa pagbangon ng mga taga-Marawi.

Dahil dito, nagbanta si Lanao del Norte Rep. Abdullah Dimaporo na kukwestyunin ang mababang utilization rate o paggamit sa pondo ng Marawi rehab sa kabila ng malaking pondo na inilaan dito.

Giit ni Dimaporo, hindi kasi katanggap-tanggap na patuloy na naghihirap at naghihintay ang mga mamamayan ng naturang lungsod gayung may sapat namang pondo na inilaan ang pamahalaan para muling maging maayos ang kanilang mga buhay.

 

-0-

 

MAHIGPIT ng ipinagbabawal sa Datu Montawal, Maguindanao ang pagpapabaya sa mga hayop na madalas nagiging sanhi ng aksidente sa kalsada.

Sinabi ni Datu Montawal mayor Datu Ohto Montawal na agad dadamputin ng mga pulis ang mga alagang hayop na makikitang palaboy-laboy sa Cotabato-Davao highway.

Sakali aniyang mabangga ito ng sasakyan, walang pananagutan ang motoristsa bagkus ay pagmumultahin pa ang may ari ng nasagasaang hayop.

ipaliligpit na din ng alkalde ang agri-products na nakabilad sa national highway dahil ang kalsada ay hindi naman aniya solar drier.

 

-0-

 

Isinilbi na kahapon ng Department of Interior and local Goverment Unit o DILG ang suspension order kay North Cotabato Governor Nancy Catamco.

Sa Acknowledgement ng order ay makikitang tinanggap ito ng kanyang kapatid na si Dr Aldrin Catamco alas kwatro ng hapon kahapon.

Matatandaang isinasangkot ang Gobernadora sa Graft and Malversation Charges kaugnay sa di umanoy pagsusuplay ng overpriced fertilizers sa Poro Cebu noong 2004 habang itoy kongresista pa lang.

Inaasahang hahalili sa posisyon ni Catamco si North Cotabato Vice Governor Lala Mendoza Kasama sa mga idinadawit sa nasabing kaso ay ang dating alkalde na si Orville Fua ng Lazi, Siquijor. Ang kaso ay inihain ng ombudsman sa Sandiganbayan.(Mark Tayco)

 

-0-

 

 Bagaman pormal nang inihain ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang 90 day suspension order kay North Cotabato Governor Nancy Catamco sinisiguro nito na ipapatupad pa rin ang lahat ng mga prayoridad at proyekto nito sa lalawigan.

Ito ang inihayag ng gobernadora sa isinagawang Press conference kahapon sa Kidapawan City. Giit ng gobernadora, inasahan na niya na ang kanyang suspension order kung kaya’t sinabi nito sa mga department heads na tutukan ang kanilang prayoridad pagkatapos ng kanyang temporaryong absence.

Kabilang na dito ang dagdag sweldo sa mga contract service at sa mga job order na mga nurses at ibang professional health service providers sa provincial at mga district hospitals.

Ang paglalagay sa mga nabakanteng posisyon sa mga ospital upang maipahatid ang tamang serbisyong medikal sa mamamyan ng probinsya. Pangatlo ang dagdag allowances na matatanggap ng mga Barangay Health Workes kon BHW, Barangay Nutrition Scholars ug mga Day Care Workers.

Pang-apat dito ang paglagay ng additional air-conditioning units at iba pang pasilidad sa lahat ng mga ospital para sa mga pasyente, pagtatag ng Malasakit center at ang pagposeso ng mga dokumento ng Central Airport.

Samantala, sinabi nitong ang pag implementa ng suspension order at hindi matatawag na penalidad bagamat sinusunod lamang ang legal na proseso at pagsubok na dapat malampasan.

Uupong OIC Governor ngayon si kasalukuyang Vice Governor Emmylou Lala Mendoza habang bise-gobernador si Board Member Shirlyn Macasarte Villanueva.

 

-0-

 

 

Nakumpiska ng Criminal investigation and detection group o CIDG North Cotabato ang kahon-kahaong mga sigarilyo at katol sa kanilang bagsakan sa Barangay Sibsib, Tulunan North Cotabato pasado alas 1:00 ng kahapon.

Naaresto din ang may ari na si Johnny Pacal, 45 anyos, Elfrance Necor 22 anyos na kapwa nakatira sa Barangay Bagontapay Mlang at Jeffrey Orong 23 anyos na taga La Esperenza, Tulunan, North Cotabato.

Sa ulat ng CIDG North Cotabato, nagsagawa uymano sila ng operation kontra sa iligal na droga at illegal numbers game na nagresulta sa pagkaka-aresto ng tatlo. Binibenta umano nila ito sa halagang 30 pesos bawat pakete.

Sinabi ng may-ari na si Pacal, hindi umano nila alam kung kanino galing ang nasabing mga supply at nagnenegosyo lamang anya sila na may pwesto sa bayan ng Tulunan.

Karamihan din anya sa kanilang mga produkto ay galing pa sa Davao City at hindi nila kilala ang kanilang mga supplier.

Samantala, pinabulaanan din nito ang una ng lumalabas na ulat na umano’y nakipag-areglo sila sa pagitan ng tanggapan ng CIDG pero sasamapahan sila ng kaukulang kaso. Wala pang pahayag ang tanggapan ng CIDG hinggil sa nasabing kaso.

 

-0-

 

Iniimbitahan ngayon ng lokal na pamahalaan ang lahat ng kabataan sa Kidapawan City edad 17 anyos hanggang 21 anyos na kumuha ng Philippine Military Academy Admission Test bukas August 25 alas 7:00 ng umaga.

Tumanggap din ng on site application ang PMA para sa walk in examinees kahapon mula 8am-12:30 pm sa City Gymnasium.

Ilan sa mga requirements ng PMA Admission test ay ang mga sumusunod: Duly Accomplished Application Form with 2pcs 2x2 ID picture with white background; Photocopy of PSA Issued Birth Certificate; at Form 137/138 or copy of latest grades.

Ang gustong kumuha ay dapat Natural born Filipino Citizen; Physically fit and of good moral character; Single at hindi nakapag-asawa; Walang kinakaharap na kaso o asunto; At least High School Graduate na may 85% General Average; at least 5 feet flat at hindi lagpas sa 6’4” para sa mga lalaki at babae; at 17 years old at hindi na lagpas pa sa 22 years old pagsapit ng June 1, 2020.

Ilalathala ng PMA sa mga National Newspaper ang mga pumasa sa Admission Test o di kaya ay ipapadala ang notices sa pamamagitan ng mail.

May magandang oportunidad na naghihintay sa mga graduates ng PMA para maging opisyal ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. Ito ay maliban pa sa pagiging iskolar sa akademya sa apat na taon na may kalakip na libreng monthly allowances. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Nakahanda na ang gagawing Trabaho, Negosyo, Kabuhayan at World Café Opportunity ng Technical Education and Skills training o TESDA sa Amas, Kidapawan City bukas.

Ito ay sa pakikipagtulungan na rin ng Department of Labor and Employment o DOLE 12, POEA, DTI at iba pang ahensya ng gobyerno.

Aabot sa 60 mga local na employer ang aasahang sasali para makapagbigay ng trabaho at 20 mga international manpower company na kukuha ng empleyado para sa abroad.

Samantala, nakahanda na rin ang TESDAsa malawakang enrollment na magbukukas ng ng scholarship program na para sa mga gustong makinabang sa kanilang programa ng Tekbok. Kasabay din ng nasabing World Café of Opportunity ang selebrasyon ng TESDA ng ika 25 anibersaryo ngayong taon.

Maliban sa trabaho, negosyo, kabuhayan at schorlarship ay magbibigay din ng libreng serbisyo ang TESDA katulad ng manicure, massage, inumin at iba pa sa mga gustong mag-apply ng trabaho Ang World Café of Opportunities taunang programa ng TESDA na nagbibigay ng oportunidad sa mga TESDA graduates na makahanap ng trabaho sa Pilipinas maging sa ibang bansa at magkaroon ng ediya sa usaping negosyo.

Maliban dito, magbubukas din ang nasa 991 na mga scholarship program sa ibat-ibang kwalipikasyon. Inaaanyayahan ni TESDA 12 Regional Director Rafael Y. Abrogar II ang mga nagtapos ng Tekbok sa rehiyon na makibahagi sa nasabing taunang aktibidad.

Hindi lang scholarship ang sinisigurado kundi maging ang trabaho sa bawat graduates nito sa rehiyon. Dagdag pa niya sa mga gustong maka kuha ng TESDA scholarship ay maaari din silang mag-apply sa nasabing programa. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Kasado na ang nakatakdang pagbubukas ng Kalivungan festival Celebration 2019 o ang 105th Founding Anniversary ng Cotabato Province kasabay ng pagbubukas ng Market-Market sa Kapitolyo Agro-Fair sa darating na August 26 sa Centennial Pavilion o the Basket, Capitol Compound, Amas, Kidapawan City.

Bukas sa publiko ang mga exhibits at display upang saksihan na kinabibilangan ng mga booth display na naglalaman ng natatanging produkto ng bawat bayan sa lalawigan, small and medium enterprises at cooperative display.

Ang market-market sa kapitolyo ay isa sa mga highlights ng selebrasyon ngayong taon kung saan naka-feature dito ang mga produktong pang-agrikultura at agro-ecotourism sites ng bawat bayan sa lalawigan.

Ang market-market sa kapitolyo ay isang linggo na magsisimula August 26 hanggang September 1 kasabay ng culmination program at awarding ng best dressed booth ang lead office para sa pagsasakatuparan ng Market-Market sa Kapitolyo ay ang Office of the Provincial Agriculturist ng Cotabato. Tema ng Kalivunagn Festival ngayon taon “Masaganang Cotabato: Dumaki.”

Samantala, hindi naman maaapektuhan ang mga inihandang programa sa Kalivungan Festival kahit na nasuspende si Governor Nancy Catamco ng 90-days dahil sa kanyang dating kaso. NDBC BIDA BALITA

 

 

-0-

 

 

Estudyante at construction worker arestado sa operasyon laban sa iligal na droga ng mga pulis sa Koronadal City

Kinilala ng Koronadal City PNP na pinamumunuan ni Police Lt. Col Joefel Siason ang inarestong estudyante na si Jay Ar Flores, 23 years old, at nakatira sa Barangay Poblacion, Sto. Nino, South Cotabato. Si Flores ay inaresto sa drug-bust operation ng mga pulis sa Barangay Morales, Koronadal.

Nanguna sa pagaresto sa kanya ang mga kasapi ng City Police Drug Enforcement Unit na pinangunahan ni Police Executive Master Sergeant Rey Lim. Arestado din ang kasama umano ni Flores na si Jay Jay Escabarte, 28 years old, binata at construction worker.

Tinangka pa umano ng dalawa na tumakas sa pamamagitan ng pagsuntok at pagtulak sa mga pulis ngunit sila ay nahuli pa rin ng mga ito. Nakuha ng mga pulis sa mga drug suspek ang dalawang pakete ng pinaghihinalaang shabu at limang daang pisong marked money. Inihahanda na ng Koronadal PNP ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban kina Flores at Escabarte na bagong mga drug personoality lungsod.

 

-0-

 

Sumuko ang dalawang mga myembro ng New Peoples Army sa mga bayan ng Malapatan at Alabel sa Sarangani.

Ipinahayag ito ni Philippine Army 73rd Infantry Battalion Civil-military Operations Officer 1Lt. Jerry Maborrang. Kinilala ni Maborrang ang mga sumukong NPA member sa mga alias na Tatay Tawara at “Fermin”.

Ang mga ito ay pawang mga kasapi ng Guerilla Front 73 ng NPA na nagkukuta sa mga lalawigan ng Sarangani at Davao Occidental. Sinabi ni Maborrang na dala ng dalawang myembro ng NPA sa kanilang pagsuko ang kanilang mga armas. Ang kawalan ng katiyakan sa kanilang ipinaglalaban at kahirapan sa bundok ang nagtulak sa mga ito na magbalik loob sa pamahalaan.

Nangangamba din ang mga ito ayon kay Maborrang sa kanilang kaligtasan dahil sa pinaigting na operasyon ng militar laban sa NPA. Sinabi ni Maborrang na ang mga rebel returnees ay makikinabang sa Enhance Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP ng gobyerno.

Pero sa ngayon sila ay nasa pangangalaga pa ng pamahalaang panlalawigan ng Sarangani.

Abot na sa 26 na mga myembro ng NPA ang sumuko sa Sarangani at Davao Occidental simula noong Mayo.

 

-0-

 

Apat na pulis Gensan na tumulong sa buntis na nanganak sa tabing daan pinuri ng publiko

Hinangaan ng kanilang mga pulis officials, kasamahan at mga mamamayan ang apat na mga pulis sa General Santos City. Ito ay matapos tulungan ang isang buntis na naabutan ng panganganak sa tabing daan sa Barangay Tambler, General Santos City pasado ala una ng madaling araw kahapon.

Ayon kay Patrolman Ernesto Liboon ng city Police Station 6, pauwi na sila mula sa regional headquarters ng PNP 12 nang madaanan ang isang lalaking humihingi ng tulong. Ayon kay Liboon napilitang pumara sa lugar ang magasawa nang masira ang tricycle na maghahatid sana manganganak na Misis sa ospital.

Ipinahayag ni Liboon bigla na lamang napaanak ang buntis habang ito ay inihahanda nilang dalhin sa ospital. Kasama ni Liboon ang mga kapwa Patrolman na sina Jessie Lanciola Jr., Anthony Codera, at John Mark Zagales. Ang kapapanganak pa lamang na misis at kanyang sanggol ayunang dinala ng nasabing pulis ay isang ospital sa Calumpang.

Pero dahil sa puno na ito,sinabihan silang ng mga staff na ideretso na ito sa Dr. Jorge P Royeca Hospital. Ayon kay Liboon nagaatubli sila noong una na gawin ito dahil sa pangamaba sa kaligtasan ng mag-iina. Pumayag lamang sila ng tiyakin ng mga hospital straff na ligtas na ang magiina dahil nakaiyak na ang kapapanganak na sanggol.

Ayon kay Liboon,sa kabila ng kawalan ng sapat na kaalaman sa pagpapaanak ginawa nilang apat ang kanilang makakaya para matiyak ang kaligtasan ng magiina na hiniling ng pamilya na huwag nang isapubliko ang pagkakakilanlan.

Ayon kay Gensan City Police Director Col. Lagradante, natatangi ang ginawa ng mga pulis sa magiina na sana ay tularan din ng kapwa nila pulis.

 

-0-

 

Driver naputulan ng paa nang salpukin ng pampasaherong van ang nililinis na cement mixer sa Tantangan, South Cotabato

Nagpapagling pa sa ospital ang driver ng cement mixer matapos mabiktima ng vehicular crash sa national highway Barangay Dumadalig, Tantangan, South Cotabato kahapon.

Kinilala ni Tantangan Chief of Police Captain Romeo Albano Jr. ang biktima na si Juvy Alita nakatira sa Lebak, Sultan Kudarat. Ayon kay Albano naipit si Alita nang salpukin ng rumaragasang van ang cement mixer na ginagamit sa road construction na kanyang nililinis.

Sinabi ni Albano na dahil sa higpit ng pakakaipit nito sa pagitan ng Van at cement mixer naputulan ng kaliwang paa ang biktimang si Alita. Ayon kay Albano, posibleng nakatulog ang driver ng pampasaherong van na si George Bacuy kaya nasalpuk ng minamenhong van ang cement mixer.

Ayon kay Albano maswerteng minor injury lamang ang natamo ng dalawang pasahero ng van na mula Koronadal at patungong Tacurong City.

Ang driver ng van na si Bacuy na taga Polomolok, South Cotabato ay ikinustodya ng Tantangan PNP habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa insidente.

 

-0-

 

Rice farmers na apektado ng Rice Tarrification Law makikinabang sa programa sa pautang ng DA

Naglaan ng P1.5 billion ang Department of Agriculture para sa mga magsasaka sa bansa na apektado ng mas murang imported rice sanhi ng pagpapatupad ng Rice Tarrification Law o RTL.

Ang nagsasaka sa isang ektaryang lupain pababa ay maaring makapag-loan ng P15,000 sa ilalim ng Expanded Survival and Recovery Assistance Program for Rice Farmers o SUREAid ng DA.

Ito ay ayon kay DA Secretary William Dar ay babayaran sa loob ng walong taon. Ipatutupad ng DA ang SUREAid Program simula sa September 1. Ang mga produktonog palay ng mga magsasaka na makikinabang sa nasabing programa ay bibilhin naman ng National Food Authority o NFA.

Ayon kay Dar layon ng programa na matulungan ang mga magsasaka na makabawi sa pamamagitan ng tuloy tuloy na produksyon.

 

 

 

Barangay chairman, companion dead in Kabacan shooting incident

NORTH COTABATO --- Two were killed, one of them a barangay chairman, while two others were wounded in an attack in Kabacan town in this...

Look: Cops haul fish and marine products sold outside Kalamansig town market

KALAMANSIG, Sultan Kudarat - Police authorities here on Sunday hauled containers and fish peddled by fish vendors beside the highway as...

2 MILF members detained for illegal gun possession

MAGUINDANAO --- Two members of the Moro Islamic Liberation Front were arrested Saturday for unauthorized carrying of firearms....

Top ASG member, 2 others yield to gov’t forces

ZAMBOANGA CITY - The WestMinCom’s campaign against violent extremism reaps good results as more terrorists yield to the government forces...

Though our Lord Jesus Christ was rich, he became poor

Reading 1AM 8:4-7

Hear this, you who trample upon the needy
and destroy the poor of the land!
“When will the new moon be over...