Thursday Nov, 21 2019 06:42:50 AM

NDBC BIDA BALITA (8.23.19)

NDBC BALITA • 17:00 PM Fri Aug 23, 2019
291
By: 
NDBC NCA

 

HEADLINES:

1. MGA SUSPEK sa pagpaslang sa isang radio broadcaster sa Kidapawan City, kinilala na.

2. P6.8 million na halaga ng Shabu, nasamsam ng mga otoridad sa ikinasang buy bust operation Marawi city.

3. DENGUE CASES sa South Cotabato, halos umabot na ng limang libo base sa record ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit.

4. Suspension order, natanggap na ni North Cotabato Gov. Nancy Catamco.

 

AT NGAYON SA DETALYE NG MGA BALITA

 

-0-

PINANGALANAN na ng Presidential Communications Operations Office at Presidential Task Force on Media Security ang mga sangkot sa pagpaslang sa isang radio broadcaster sa Kidapawan city.

Ang tatlong mga tinukoy na suspek ay mga miembro umano ng Kabus Padatuon o KAPA Ministry.

Dalawang mga miyembro ng Kabus Padatuon o KAPA Ministry International Inc. ang itinuturong mastermind sa pagpaslang sa broadkaster ng Brigada News FM na si Eduardo Dizon.

Ito batay sa iprinisintang saksi ng Presidential Task Force on Media Security sa pangunguna ni Communications Sec. Martin Andanar. Binaril si Dizon habang pauwi noong gabi ng July 2019 sa national highway ng Quezon Boulevard cor. Diversion Road, Sinsuat St., Kidapawan City.

Kabilang sa iniharap si Helario Lapi Jr., ang look-out sa krimen at Renato Seguncillio na siyang nakasaksi sa pamamaril.

Ayon kay Lapi, kasama siya sa meeting na ipinatawag ng Kabus Padatuon (KAPA) leader na si Dante Tabosares alyas Bong Encarnacion kung saan nito iniutos ang pagpatay kay Dizon dahil sa pagiging kritikal sa KAPA scheme.

Ayon kay Lapi, may ilang mamamahayag pa na maaaring target din ng KAPA dahil sa pagbatikos sa kanilang iligal na gawain. Kabilang pa sa akusado sina Junell Gerozaga na siyang gunman at Jun Jacolbe na kanang-kamay ni Tabosares.

Inihayag naman ni Gng. Dizon na kumbinsido siyang KAPA ang nasa likod ng pagpatay sa kanyang mister lalo’t bago ang krimen, sinisiraan sila sa Facebook ng mga taga-KAPA.

Sa panayam ngayong hapon ng DXND kay Jun Jacolbe, mariing itinanggi ng akusado ang paratang laban sa kanya. Samantala sa panig ni Encarnacion, hindi nito sinasagot ang kanyang telepono, pero una ng sinabi nito na bagaman at may mga pagbabanta siya sa biktima ay hindi nito kayang patayin si Dizon. Giit nito na nasakyan lamang ang isyu at away nila sa facebook sa iba pang mga motibo sa pagbaril at pagpatay kay Dizon.

Pero ayon kay PTFOMS Undersecertary Joel Egco, hindi pa naaaresto ang mga suspek dahil wala pang inilalabas na warrant of arrest ang korte. Pero bagamat hindi pa naaresto ang mga suspek, sinabi ni Egco na maituturing nang case closed ang pagpatay kay Dizon dahil tukoy na ang mga suspek at nasampahan na ng kaso sa korte.

 

-0-

 

UMAABOT sa 6.8 million pesos na halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam mula sa dalawang mga drug suspect  sa ikinasang buy bust operation ng mga otoridad sa Barangay Poblacion, Marawi City.

Sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-BARMM Director Juvenal Azurin na kumasa sa 2.2 million pesos na transaksyon ng droga ang mga suspek na sina Alexander Dayondong Aliponto at Adam Pandiin.

Huli na nang malaman ng mga suspek na PDEA AGENTS pala ang kanilang napagbentahan ng iligal na droga kamakalawa.

Ayon kay Azurin, lumalabas sa kanilang inisyal na imbestigasyon na nanggaling sa labas ng Marawi ang mga iligal na droga.

Kahapon, sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at sa ngayon ay pansamantalang nakakulong sa lockup cell ng PDEA BARMM.

 

-0-

 

MASELAN ngayon ang kondisyon ng isang karpentero matapos siyang malaglag mula sa bubong ng kinukumpuning bahay na may taas na 20 talampakan sa Barangay Dinganen, Buldon, Maguindanao.

Walang malay ng isugod sa ospital si GALMER SATOMI, nasa hustong gulang, na residente rin ng nabanggit na lugar.

Base sa kwento ng pamilya ng biktima, pasado alas dyes ng umaga kahapon habang kinukumpuni nito ang bubong ng isang bahay sa nabanggit na lugar nang bumigay ang inaapakan nitong kahoy dahilan para siya ay mahulog at bumagsak sa kongkretong sahig.

Nagtamo ng mga bali sa ilang buto si Satomi na hanggang ngayon ay ginagamot sa ospital dito sa Cotabato city.

 

-0-

 

Samantala, sa Midsayap, North Cotabato naman, nadakip din ng mga pulis ang isang lalaking wanted sa kasong pagpaslang na si RONEL CANTOMAYOR CAGUD, 26 years old, magsasaka, at taga Sitio Papandayan, Brgy. Bao, Alamada.

Naaresto si Cagud sa pasado alas sais kagabi sa Barangay Lagumbingan, Midsayap, sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni RTC Branch 24 Judge LILY LYDIA LAQUINDANUM.

Pansamantalang nakakulong sa lockup cell ng Midsayap PNP ang suspek habang inihahanda ang paglipat sa kanya ng bilangguan.

 

-0-

 

ARESTADO sa isinagawang OPLAN PAGLALANSAG OMEGA ng mga otoridad ang isang lalaking wanted sa kasong illegal possession of firearms sa Cotabato city.

Kinilala ang nadakip na si NASSER GUMBILA UKO, may asawa at taga Barangay Datu Balabaran ng lungsod.

Naaresto si Uko ng mga operatiba ng CIDG BARMM, katuwang ang AKG, Maritime Group, CMFC at Police Station 3 ng lungsod matapos ipatupad ang Search Warrant na inilabas ni RTC Branch 27 Jduge Kasan Abdulrakman.

Nakuha mula sa suspek ang isang caliber 9mm Glock 17 pistol; isang Magazine Assembly; 16 na rounds ng mga bala ng caliber 9mm pistol at mga dokumento.

Samantala, sa Midsayap, North Cotabato naman, nadakip din ng mga pulis ang isang lalaking wanted sa kasong pagpaslang na si RONEL CANTOMAYOR CAGUD, 26 years old, magsasaka, at taga Sitio Papandayan, Brgy. Bao, Alamada.

Naaresto si Cagud sa pasado alas sais kagabi sa Barangay Lagumbingan, Midsayap, sa bisa ng

Warrant of Arrest na inisyu ni RTC Branch 24 Judge LILY LYDIA LAQUINDANUM.

Pansamantalang nakakulong sa lockup cell ng Midsayap PNP ang suspek habang inihahanda ang paglipat sa kanya ng bilangguan.

 

-0-

 

Ospital ang bagsak ng dalawang mga lalaki nang magsalpukan ang isang motorsiklo at isang Payong-Payong sa national highway na sakop ng Sultan Mastura, Maguindanao.

Nakilala ang mga sugatan na sina BERNIE BULADO, 44anyos, may asawa at taga barangay Poblacion 8, Midsayap, North Cotabato at TAHER BALILID,Payong-Payong Driver na taga-Sultan Kudarat,Maguindanao.

Pasado alas dos ng hapon kahapon habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo si BULADO nang  makasalubong umano nito at makasalpukan ang paparating na si BALILID na nagmamaneho naman ng kanyang Payong Payong. 

Aminado ang mga biktima na kapwa mabilis ang kanilang pagpapatakbo kaya di na nagawa pang makaiwas sa isa’t isa.

SAMANTALA, ginagamot din ngayon sa ospital ang isang lalaki matapos namang mahagip ng ng isang Mini Elf Truck ang kanyang minamanehong Payong Payong sa Parang, Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si ALLAN CUTAGEM, Payong Payong Driver na taga -Barangay Bongo Island, Parang.

Pauwi n asana si CATAGEM pasado alas kwatro ng hapon kahapon nang makabanggaan nito ang nakasalubong na elf truck.

Tumilapon ang biktima at nagtamo mga sugat sa ibat ibang parte ng kanyang katawan.

 

-0-

 

MAKAKATUWANG na ng mga sundalo at pulis sa paglaban sa iba’t ibang mga krimen at terorismo ang mga dating mandirigma ng Moro Islamic Liberation Front o MILF na isinasailalim sa decommissioning process sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Sinabi ni Presidential adviser on the Peace Process, Carlito Galvez na binibigyan na ngayon ng basic military training ang mahigit 200 MILF fighters para mapabilang sa Joint Peace and Security Teams o JPSTs.

Ang JPSTs ay tatawagin ding Bangsamoro Auxiliaries na katumbas ng CAFGU o Citizen Armed Force Geographical Unit.

Paliwanag pa ni Galvez, pagkatapos ng kanilang basic military training sa loob ng 26 na araw ay papayagan na ang mga dating MILF combatant na magdala ng armas sa ilalim ng Citizen Armed Forces Agreement na nakapaloob sa Republic Act 7077.

Alinsunod naman sa batas, tatanggap ang mga BARMM Auxiliaries ng subsistence allowance na P150 kada araw o katumbas ng P4,500 kada buwan.

 

-0-

 

Lalaking nakamotorsiklo, sugatan sa pamamaril sa Kabacan, North Cotabato

Sugatan ang isang magsasaka habang nakamotorsiklo makaraang barilin ng di pa kilalang suspek sa National Highway Barangay Osias Kabacan, North Cotabato alas 12:55 ng tanghali kahapon.

Nakilala ang biktima na si Jhonny Kambal Masual, 42 anyos at residente ng Sitio Lumayong, Barangay Kayaga ng bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Kabacan Police, pinagbabaril ng di pa kilalang mga gunman ang magsasaka na sakay ng kanyang motorsiklo patungong Poblacion Kabacan ang direksyon. Duguan ang biktima matapos na magtamo ng tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan gamit ang caliber 45 pistol na narekober din sa crime scene.

Agad na isinugod sa Mindanao Doctors Hospital para sa agarang medikasyon. Naisumite na ang mga ibidensya sa Provincial crime laboratory para sa dagdag na eksaminasyon habang patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng PNP sa naturang pamamaril.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Walong mga piling personalidad ang pinarangalan ng DXND Radyo Bida kasabay sa pagdiriwang ng kanilang ika-55th Founding Anniversary kagabi.

Ang mga napiling indibidwal ay siyang mga namumukod tangi sa paghahatid ng serbisyo, balita at impormasyon sa kabila man ng samu’t saring isyu at kritisismo na ibinabato sa kanila.

Ito rin ay mga taong nagbahagi ng komprehensibong pagpapaliwanag sa kani-kanilang mga ‘field of expertise’. Naging batayan sa pagpili ng mga ito ay mayroong iba’t-ibang kadahilanan tulad ng sumusunod: Pagbibigay ng oras at panahon sa Radyo Bida, pagtugon sa mga katanungan na kinakailangan ng taumbayan, positibong pananaw sa bawat interbyu sa radio at pagbibigay halaga sa bawat pagkakataong kinalangan sila ng media.

Narito ang mga binigyang-parangal ng Radyo Bida:

PROFESSOR MARCOS MONDERIN ng Department of Philosophy and Social Sciences ng University of Southern Mindanao

POLICE LT. COL. BERNARD TAYONG ng Cotabato Police Provincial Office

MAYOR JOSEPH EVANGELISTA ng Kidapawan City LGU 

Schools Division Supt. ROMELITO G. FLORES CESO V ng Kidapawan City Division

POLICE LT. COL. RAMEL HOJILLA ng Kidapawan City PNP

ENGINEER GODOFREDO HOMEZ ng Cotabato Electric Cooperative

ENGINEER HERMES DAQUIPA ng PHIVOLCS Kidapawan at

ENGINEER SANDY ALQUEZA ng Metro Kidapawan Water District.

Nabatid na malaki ang naging papel ng mga napiling indibidwal sa pagbahagi ng balita at impormasyon sa mga pambihirang pagkakataon.

Pinarangalan ang mga ito sa ‘Gabi ng Pagkilala: BIDA KA’, siyang isa sa mga highlight ng kaarawan ng Radyo Bida kagabi sa DXND Mini auditorium.

Samantala kabilang naman sa mga naging nominee sa nasabing parangal ay sina LTC Rhodjun Rosales ng 39th IB, Framer Mella na isang psychological analyst, Mayor Russel Abonado ng Mlang LGU at Dr. Hamir Hechanova ng City Health Office. Ito ang kauna-unahang pagkakaton na nagkaroon ng nasabing pagkilala ang Radyo Bida sa mga taong naging tulay sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon.(Cherry Exim) NDBC

 

-0-

 

Isinilbi na kahapon ng Department of Interior and local Goverment Unit o DILG ang suspension order kay North Cotabato Governor Nancy Catamco.

Sa Acknowledgement ng order ay makikitang tinanggap ito ng kanyang kapatid na si Dr Aldrin Catamco alas kwatro ng hapon kahapon.

Matatandaang isinasangkot ang Gobernadora sa Graft and Malversation Charges kaugnay sa di umanoy pagsusuplay ng overpriced fertilizers sa Poro Cebu noong 2004 habang itoy kongresista pa lang.

Inaasahang hahalili sa posisyon ni Catamco si North Cotabato Vice Governor Lala Mendoza Kasama sa mga idinadawit sa nasabing kaso ay ang dating alkalde na si Orville Fua ng Lazi, Siquijor. Ang kaso ay inihain ng ombudsman sa Sandiganbayan.(Mark Tayco)

 

-0-

 

Top 3 wanted person sa bayan ng Carmen, North Cotabato, arestado

Inaresto ng pulisya ang number 3 wanted person sa isinagawang operasyon ng PNP sa Purok 3, Barangay Poblacion Carmen, North Cotabato alas 7:30 ng umaga kahapon.

Kinilala ang suspek na si Rogen Buatis Abejon, 21 anyos at residente ng nabanggit na Barangay.

Siya ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 Article 3 ng RA 7610 o Special protection against child abuse, exploitation and discrimination na inisyu ni Judge Alandrex Betoya, presiding judge ng RTC branch 16, Kabacan Cotabato.

Temporaryong nakakulong ang suspek sa custodial facility ng PNP at sasampahan ng karampatang kaso sa korte ngayong araw.(Cherry Exim)

 

-0-

 

Dengue cases sa lalawigan halos umabot na sa 5,000 base sa datus ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit ng South Cotabato

Nakapagtala ng 4,908 na dengue cases ang provincial epidemiology and surveillance unit o PESU ng South Cotabato mula January hanggang August 14,2019.

Mas mataas pa rin ito sa 1,709 na naitala ng nasabing tanggapan kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Pinakamarami na 996 sa mga ito ay nasa Koronadal City, sumunod ang mga nagdeklara ng State of Calamity dahil sa dengue na Surallah na may 633 at Tantangan na may 629.

Sa kabila nito hindi naman nagdagan ang 22 na binawian ng buhay dahil sa dengue na naitala ng PESU sa South Cotabato sa unang linggong Agosto.

Matatandaan na para mapigilan ang pagdami pa ng mga nagkakasakit ng dengue, hiniling ng Task Force Kontra Dengue ang tulong ng mga barangay officials sa South Cotabato.

Ayon kay Mosquito Born Disease Coordinator Jose Barroquillo,ito ay sa pamamagitan ng paghikayat sa mga mamamayan sa komunidad ng maigting na pagpapatupad ng “Operation Kulob”.

Ito ay bukod pa sa pagkabit ng mga information education materials kontra dengue sa mga matataong lugar sa barangay. Layun nito na malinis ang mga bagay at lugar na maaring pamahayan ng mga lamok na nagdadala ng dengue. Nanguna rin sa 4 o clock na sabayang paglilinis sa compoung ng kapitolyo ang mga kawani ng provincial health office.

 

-0-

 

Shooting Competition para paghandaan ang panganib sa kanilang trabaho nilahukan ng mga kasapi ng PDEA 12

Nagpakitang gilas sa paghawak at pagpapaputok ng armas ang mga agent at personnel ng Philippine Drug Enforcement Agency PDEA 12. Layun ng kumpetisyon na mahasa ang kakayahan ng mga kasapi ng PDEA sa pagbaril at mabilis na pagresponde.

Ito ay ayon kay PDEA 12 Regional Director Naravy Duquiatan. Naniniwala din si Duquiatan na sa pamamagitan ng shooting competition ay mapalakas ng mga PDEA agent at personnel ang kanilang stamina at sustainability. Ayon kay Duquiatan ang shooting competition ay isa sa mga programa ni PDEA Director General Aaron Aquino.

Nakilahok din sa shooting competition sa shooting range ng PRO 12 sa General Santos City ang mga agent ng PDEA sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Ayon kay PDEA BARMM Director III Juvenil Azurin kailangan nila ito para mapaghandaan ang mga mapanganib at armadong drug personalities.

Ang RD’s Cup Arm Proficiency ay kabahagi ng 17th Anniversary Celebration ng PDEA na may temang “Relentless in Building a Drug-Resistant Citizenry and a Drug-Free Country.”

 

-0-

 

Kaligtasan ng publiko sa Tuna Festival tiniyak ng City Police Director ng General Santos City

Nakalatalag na ang seguridad ng pulisiya sa Tuna Festival ng General Santos City sa Setyembre. Ipinahayag ito ni Gensan PNP City Director Police Col. Aden Agradante.

Ayon kay Agradante naayos na ang security plan ng PNP para masigurong ligtas ang mga mamamayan na makikisaya sa isa sa pinakamalaking festival sa Gensan.

Inihayag ng nasabing police official na tututukan nila ang Oval Plaza at iba pa pang mga lugar na pagdausan ng Tuna Festival. Magsisimula ang 2019 Festival ng Gensan sa pamamagitan ng Tuna Float Parade sa Pioneer Avenue sa August 30.

Magtatapos naman ito sa pamamagitan ng Tunaman Triathlon Race Day sa September 8.

 

-0-

 

Magsasagawa rin ng health forum para sa mga opisyal ng mga eskwelahan sa South Cotabato ang Department of Health o DOH 12. Layunin nito na maresolba ang nakakalaarmang pagdami ng insidente ng suicide sa lalawigan.

Ipinahayag ito ni DOH 12 Non-Communicable Diseases Focal Person Ivy Joy Gallinero.

Ayon kay Gallinero, magsasagawa sila ng health forum para sa mga school heads, guidance councilors at mga nurse. Isusunod naman nila sa mga ito ayon kay Gallinero ang mga Parents Teachers Association o PTA President sa South Cotabato, student leaders, Sagguniang Kabataan Presidents at officials.

Ayon kay Gallinero ituturo sa mga ito ang mga sintomas ng depression na madalas sanhi ng pag-suicide ng mga kabataan. Una nang nagsagawa ng health forum sa mga kasapi ng media ang provincial information office sa pakikipagtulungan nito sa DOH..

Ipinahayag ni Gallinero na ipinagpasalamat nila ang pagtutok ng lokal na pamahalaan sa mga suicide incidents sa South Cotabato na umabot na sa 30 buhat noong Enero hanggang Hunyo nitong taon.

 

-0-

 

Pinarangalan ng Department of Agrarian Reform ang mga kasapi ng Kambuakay Farmers Association o KFA sa Barangay Zion, Maitum, Sarangani Province.

Ito ay matapos sumailalim sa apat na buwang Farm Business School o FBS. Karamihan sa 36 na mga nakinabang sa FBS ay mga magsasakang T’boli. Itinuro sa mga ito kung paano gawing negosyo at pagkakakitaan ng malaki ang pagsasaka.

Ayon sa magsasakang si Evangeline Cadilleno lalo pa nilang naintindihan kung ano ang farm management sa pamamagitan ng FBS. Ang mga magsasaka na sinasanay sa FBS ay hinahati batay sa kanilang mga produkto at potensyal ng mga ito sa merkado. Layun nito na maturuan ang mga magsasaka na maghanap ng market para sa kanilang mga produkto para sa mas malaking kita.

Ayon naman kay Maitum Acting Municipal Agrarian Reform Program Officer Gregory John Marshall, dahil sa mga natutunan sa FBS ang mga myembro ng KFA ay naging farmer-entrepreneur.

 

 

 

 

Cotabato Light announces power interruption

COTABATO CITY - To facilitate primary pole and transformer relocation, the Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) has scheduled a 4-...

49 forest protectors trained to protect Alamada's remaining forest covers

ALAMADA, North Cotabato - In a bid to save the remaining forest covers of Alamada in North Cotabato, the Department of Environment and Natural...

63 North Cotabato villages officially now part of BARMM

COTABATO CITY - Officials of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) led by Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim officially...

NDBC BIDA BALITA (Nov. 20, 2019)

HEADLINES:

1. DRUG SUSPECT, patay habang dalawa pang mga kasamahan nito, nakatakas sa buy bust operation ng mga...

Islamic body issues ruling on BARMM family planning program

COTABATO CITY  – The Regional Darul Ifta (Islamic House of Opinion) today issued ruling on the implementation of the government’s...