Tuesday Nov, 12 2019 06:32:28 AM

NDBC BIDA BALITA (8.21.19)

NDBC BALITA • 22:45 PM Wed Aug 21, 2019
267
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. SUNDALO, sugatan sa pagsabog ng bomba sa Datu Piang, Maguindanao.

2. BILANG ng mga krime na naitatala sa North Cotabato, bahagya umanong bumababa, ayon sa PNP

3. Mga mamamayan sa region 12 na nawalan ng trabaho dahil sa pagtigil ng operasyon ng Small Town Lottery,  tutulungan ng DOLE 12

4. SoCot Gov. Tamayo, nagpadrug test, mga board members, lahat ng govt workers, pinapa drug test niya 

 

 

AT NGAYON SA DETALYE NG MGA BALITA..............

 

-0-

 

SUGATAN ang isang sundalo sa pagsabog ng isang bomba sa Datu Piang, Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Private First Class Narciso Monreal ng Army’s 57th Infantry Battalion.

Sa report ng Army’s 6th Infantry Division, nagpapatrolya noon si Monreal kasama ang iba pang mga sundalo sa Barangay Reina Regente, Datu Piang nang biglang sumabog ang isang Improvised Explosive Device o IED.

Gayunman, sinabi ni Army’s 57th IB commander Lt. Col. Ernesto Gener na minor wound lang naman ang tinamo ni Monreal.

Hinala naman ni Gener, mga miembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang nasa likod ng naturang pagpapasabog.

Una rito, isa ring IED ang sumabog sa Barangay Kiteb, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni Army’s 6th Infantry Division spokesperson Lt. Col. Roberto Breboneria na nag magresponde ang mga pulis at sundalo sa blast site ay isa pang bomba ang kanilang natagpuan at na-defuse.

Wala namang nasugatan sa naturang pagsabog ngunit naniniwala si Breboneria na target ng pangalawang bomba ang mga sundalo at pulisya na nagresponde sa unang pagsabog.

Ayon kay Breboneria, ito kasi ang bagong istilo ng mga ekstremistang grupo laban sa tropa ng pamahalaan.

Samantala, mayroon ng grupong sinusubaybayan ang Lambayong PNP kaugnay sa tangkang pagpapasabog ng isang bomba sa Brgy. Tinumigues ng bayan.

Ito’y matapos na napigilan ang pagsabog ng bomba nang mamataan ng mga kasapi ng Army’s 2nd Mechanized Infantry Battalion ang dalawang mga lalaking sakay ng motorsiklo na nag-iwan ng isang sakong may lamang 81mm mortar.

Tinangka pang habulin ng mga otoridad ang mga suspek ngunit mas naging prioridad nila ang iniwang bomba bago pa ito makapaminsala.

Agad namang kumilos ang EOD team at na-defuse ang naturang pampasabog.

Sinabi ni Lambayong PNP chief, Police Lt. Gino Fegarido na noong nakaraang linggo ay nakatanggap sila ng intelligence report hinggil sa ipapasok na IED sa kanilang bayan.

Kaya naman aniya, agad silang naghigpit ng seguridad na dahilan para di makalusot ang naturang bomba sa checkpoint.

 

-0-

 

PATAY ang isa umanong miembro ng Bangsamoro Islamic Armed Forces o BIAF ng MILF matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek sa Midsayap, North Cotabato.

 

Sa report ng Midsayap PNP, nakilala ang biktima na si Humido Luntayan Motalib, 34 years old at taga Pinaring, Sultan Kudarat, Maguindanao.

 

Pasado alas nuebe ng umaga kamakalawa habang nakatayo lamang sa gilid ng national highway na bahagi ng barangay Poblacion Otso ang biktima nang lapitan siya ng dalawang mga suspek at pinagbabaril gamit ang cal. 45 pistol.

 

Nagtamo ng limang mga tama ng bala si Motalib sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan na dahilan para hindi na ito umabot ng buhay sa ospital.

 

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa pagbaril at pagpatay sa biktima.

 

 

-0-

 

ARESTADO ang isang babae matapos umano itong magnakaw ng ilang mga paninda sa isang pamilihan sa Don Rofino Alonzo Street, Cotabato City.

Dinala ng mga gwardya sa Police Station 1 ang suspek na nakilalang si WANA RACMAN, 22 anyos, taga Malagapas, Barangay Rosary Heights 10 ng lungsod.

Sa report ng PNP, pasado alas syete kagabi habang nagsasara na ang tindahan nang mapansin nila ang kahina-hinalang ikinikilos ng suspek at nang sitahin siya ng mga gwardya at tinder ay doon na nadiskubre ang mga itinago niyang items na nagkakahalaga ng mahigit tatlong libong piso.

 

SAMANTALA, isang negosyante naman ang nabiktima ng babaeng snatcher habang namamalengke sa Mega Market, barangay Poblacion Mother ng lungsod.

Nakilala ang biktima na si RAQUEL LAURON FRANCO, negosyante na taga South Upi, Maguindanao.

Sa report ng pulisya, pasado alas kwatro ng madaling araw kamakalawa nang magtungo siya sa lugar para mamili.

Bigla na lamang umano siyang nilapitan at sandaling kinausap ng isang babaeng nagpakilalang si “WENDY” at maya-maya pa ay hinablot na nito ang kanyang bag at itinakbo.

Ayon kay Franco, naglalaman umano ang kanyang bag ng mga mahahalagang dokumento at cash na 28 thousand pesos.

 

-0-

 

NAIS ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani na hatiin ang mga barangay sa lungsod na mayroong malalaking land area at may mga populasyong umaabot sa higit 20 libo.

Giit kasi ni mayor Guiani, mas magiging epektibo at maayos ang makararating na serbisyo sa mga mamamayan ng barangay kapag mas maliit ang populasyon nito at kayang tutukan ng mga barangay official.

Sa mungkahi ng alkalde, maaaring hatiin ang mga malalaking barangay na gaya ng Mother Barangay Poblacion, Barangay Poblacion 7, Rosary Heights at Tamontaka area.

Kapag natuloy ang naturang plano, posibleng aabot na sa 40 ang mga barangay sa Cotabato city mula sa kasalukuyang 37 villages.

Nabatid na nag-ugat ang naturang panukala nang mapansin ni mayor Guiani na may ilang mga barangay sa lungsod ang maituturing na non-performing o hindi nakakapagbigay ng sapat at angkop na serbisyo sa kanilang mga mamamayan.

Ayon kay Guiani, nasa pitong mga barangay sa lungsod ang mahigpit nila ngayong tinututukan subalit hindi na binanggit pa ng alkalde kung ano-anong barangay ang mga ito.

 

 

-0-

 

Dead on the spot ang magsasakang nakikipag-inuman lamang sa loob ng kanyang bahay sa Purok Kaunlaran, Sitio Natipakan, Barangay Latagan, Matalam North Cotabatao.

Nakilala ang biktima na si Medardo Espina Barro alyas Dodong, 59 anyos at nakatira sa nabanggit na lugar. Sa naging imbestigasyong PNP, nag iinuman lamang ang biktima kasama ang kanyang anak at ang kapatid nito alas 8:00 ng gabi kamakalawa nang pagbabarilin ng mga armadong suspek.

Nakapagtanong pa umano ang mga suspek kung may mga sundalo sa lugar bago ito pinagbabaril. Mabilis na tumakas ang mga suspek sa Barangay Kabangbangan, President Roxas, Cotabato matapos gawin ang krimen habang nagtamo ng sugat mula sa tama ng bala si Barro sa kanyang leeg at tiyan dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Narekober sa crime scene ang tatlong fired cartidges ng caliber 5.56MM na siyang ginamit ng mga suspek sa pamamaril.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Bumaba sa halos limampung kaso ng iba’t-ibang krimen o 8 focus crime ang probinsya ng North Cotabato sa 2nd at 3rd quarter ng taon kumpara noong 2018.

Ito ang ibinahagi ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO sa ikalawang Provincial Peace and Order Council o PPOC Meeting nitong lunes sa Rooftop, Capitol, Amas, Kidapawan City.

Base sa inilabas na data ni Police Lt. Col. Joyce Birrey, siyang Deputy Provincial Director for Admin o DPDA ng CPPO, abot sa 221 ang kabuuang kaso ng ibat-ibang krimen ang naitala mula June 01 hanggang August 15 ngayon taon.

Mas mataas ito sa 260 kaso na naitala noong nakalipas na taon sa kapareho ring panahon. Dagdag pa rito, pinakaraming naiulat ay ang kaso ng theft o insidente ng pagnanakaw na abot sa halos limampu habang sinundan naman ng nakaw-motorsiklo abot naman sa 45 kaso.

Ang 8 focus crime ay kinabibilangan ng murder, homicide, physical injuries, rape , robbery, theft, motorcycle theft at carnaping. Kaugnay nito, ibinahagi rin ni Birrey ang iba pang mga naging accomplishment ng CPPO na pasok sa nasabing quarter. 

Samantala, hindi rin itinanggi ng opisyal na nanatili pa ring banta sa seguridad ang presensiya ng mga rebeldeng grupo sa probinsya. Ito ngayon ang isa sa mga pinagtutuunan ng pansin ng pulisya para manatiling mayapa ang probinsya.(Drema Bravo) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

North Cotabato Provincial Government, bibili ng mga bagong ambulansiya at mga disaster equipment

Aprobado na ni North Cotabato Governor Nancy Catamco ang pondo upang pambili ng mga bagong mga ambulansiya at ilang mga disaster equipment na magagamit sa kalamidad para sa relief operations. Kabilang din dito ang pagbuo ng Hazard Monitoring and early Warning system Facility.

Abot sa P10.1 milyon pesos ang inilaang pondo ng Provincial Government para ipambili ng mga bagong kagamitan. Magagamit din anya ito sa kahit-anumang mga kalamidad na darating sa lalawigan. Ito din ang naging resulta sa kakatapos ng isinagawang Provincial Disaster Risk and Reduction Management Council sa pangunguna ng gobernadora kamakailan sa Amas, Provincial Capitol.

Sa pamamagitan anya nito ay mapabilis na makapagresponde ang Disaster team sa mga kalamidad o kahit anumang disaster risk situation sa probinsya.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Binata na dati ng nakulong, arestado sa buy-bust operation ng PNP sa Matalam, North Cotabato

Inaresto ng PNP ang binata na tulak droga sa patuloy na isinasagawang anti-illegal drug operation sa Purok 2 Barangay Kilada, Matalam North Cotabato alas 3:20 ng hapon kahapon.

Sa ulat, nakilala ang suspek na si Ebrahim Lu Masukat, alays Ebra 25 anyos na taga Purok Islam Barangay Poblacion ng nabanggit na bayan.

Nabatid na nakulong na noong taong 2015 sa Kidapawan City ang suspek dahil din sa iligal na droga at nakalabs lamang dahil sa probation program ng gobyerno. Sa nasabing buy-bust operation, nakuha sa kanya ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu at ang buy bust money.

Siya ay nasa kustudiya na ng PNP at inihahanda na ang kaso laban sa kanya. Samantala, huli din ang isa pang dug suspek sa buy-bust operation ng PNP sa Sitio Lumayong Barangay Kayaga, kabacan North Cotabato alas 4:30 ng hapon kahapon.

Kinilala ang suspek na si Tonda Pintocasan Kinudal alyas tonda, 26 anyos at residente ng Sitio Tumbao, Simbuhay, Kabacan, Cotabato. Sinubukan pa umanong tumakas ng suspek patungo sa Carmen Cotabato matapos matunugang police ang kanyang katransakyon, pero mabilis na nagsagawa ng hot pursuit operation ang pulisya.

Nakuha sa kanya ang dalawang sachet ng shabu, mga drug paraphernalia at ang kanyang motorsiklo.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Arestado ang umano'y suspek sa pagnanakaw sa Carmen, North Cotabato matapos maharang sa isinagawang check point operation ng mga tauhan ng Cotabato Police Mobile Force Company Unit at ng Carmen police sa Barangay, Amas Kidapawan City kagabi.

Kinilala ni Carmen PNP Chief Police Major Jorlito Patrona ang suspek na si Jay-ar Pajarillo , 24 anyos, may asawa, isang construction worker at residente ng Sitio Malugasa, Barangay Liliongan, Carmen, Cotabato.

Naharang ang suspek dahil din sa dala nitong 10 inches na haba ng kutsilyo.

Napag-alaman din sa isinagawang beripikasyon ng mga otoridad na sangkot umano ang suspek sa insidente ng pagnanakaw sa bayan ng Carmen, partikular sa Sitio Macatactac, Barangay Liliongan noong lunes ng gabi Habang narekober sa kanya ang isang unit ng cloudphone cellphone na pagmamay-ari ni Nasrudin Ento at Samsung cellphone na pagmamay-ari naman ni Sherly Galego.

Sa ngayon nakakulong na ang suspek sa custodial facility ng Carmen PNP at nakatakdang sasampahan ng kaso sa korte.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Mandatory drug test ipinagutos ng gobernador sa lahat na mga kawani ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato

Mayroon lamang hanggang ngayong araw para magpa-drug test ang lahat ng mga kawani ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato. Kasunod ito ng utos ni Governor Reynaldo Tamayo Jr na mandatory drug test sa mga job order at permanent employees ng provincial government.

Ayon kay Tamayo siya mismo ay sasailalim din sa drug testing na inaasahan nitong gagawin din ng mga myembro ng Sangguniang Panlalawigan. Sinabi ni Tamayo na para walang lusot, aakuin na ng provincial government ang bayarin sa pagpapa-drug test ng kanilang mga kawani.

Ang provincial government ng South Cotabato ay may mahigit 2,000 mga empleyado. Kaya para sa mas maayos na drug testing activity, unang isasalang ang mga Department Heads at isusunod ang mga nasa rank ang file. Ayon kay Tamayo ang job order na magpositibo sa illegal drugs ay agad na tataggalin sa trabaho. Voice Clip…Si South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr.

Kaugnay nito ipinahayag naman ni Board Member Glyzel Mariano Trabado na handa ang mga myembro ng SP na magpa-drug test bilang tugon sa hamon ng gobernador. Ito ay para mapatunayan sa mga mamamayan ng lalawigan na hindi sila gumagamit ng illegal drugs.

Naniniwala naman si Trabado na walang opisyal sa South Cotabato ang positibo sa illegal drugs.

 

-0-

 

Mga mamamayan sa rehiyon na nawalan ng trabaho dahil sa pagtigil ng Small Town Lottery Operation, tutulungan ng DOLE 12

Makatatanggap ng tulong mula sa pamahalaan ang mga mamamayan sa region 12 na nawalan ng trabaho. Kasunod ito ng pagpapatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte sa operasyon ng Small Town Lottery o STL. Sa katunayan ang mga field offices ng Department of Labor and Employment o DOLE 12 ay magsasagawa ng profiling sa mga nagtatrabaho noon sa STL.

Ito ay ayon kay DOLE 12 Regional Director Sisinio Cano.

Ayon kay Cano layon nito na mabigyan ng kaukulang tulong tulad ng emergency employment o livelihood assistance ang mga trabahante noon sa STL.

Ipinahayag ni Cano na ang mga nagtatrabaho sa STL na tutulungan ng DOLE ay maaring makatanggap ng mula P10,000 hanggang P20 ,000 na livelihood starter kits.

Ang halaga na matatanggap ng bawat benepisyaryo ay nakadepende sa kanilang hihilinging kabuhayan. Matatandaan na ipinatigil ng Pangulo ang STL dahil umano sa anomalya sa Philippine Charity Sweepstakes o PCSCO.

 

-0-

 

Psychiatrist may payo sa publiko para mapigilan ang suicide kasunod ng paglobo ng suicide incidents sa South Cotabato

Maging alerto kung may mga kaanak o kakilala na hindi nakatulog ng hanggang dalawang linggo dahil sa depression, nawalan ng pagasa, at walang ganang gumagalaw.

Ayon sa Psychiatrist na si Dr. Marius Oco, madalas ang mga ito ay palatandaan ng mga taong may posibilidad na mag-suicide. Payo ni Oco sa mga mamamayan, kausapin o dalhin sa psychiatrist ang sinumang nakitaan ng sintomas ng depression.

Binigyan diin ni Oco na hindi dapat I-sensationalized lalong lalo na ang maselang mga impormasyon sa suicide.

Ito ay maging sa TV, radyo, at social media. Layun nito na hindi pamarisan ng iba. Ayon kay Oco kumplikado at hindi masyadong naiintidihan ng nakararami ang mga sanhi ng suicide kaya mahalaga ang papel ng media para mapigilan ito.

Nilinaw ni Oco na walang supression dito sa papel ng mga mamamahayag at hinikayat lamang nila ang mga ito na maging maingat sa pag-report ng suicide incidents.

Ayon kay Oco mahalaga na pagtunan sa pag-report sa mga insidente ng suicide ang pagtuturo nito sa publiko, at paghikayat sa mga may suicidal tendency na humingi ng tulong.

Sinabi ito ni Oco sa Mental Health Forum para sa mga mamamahayag na pinangunahan ng provincial information office ng South Cotabato sa Koronadal. Kasunod ito ng pagdami ng suicide incidents sa South Cotabato na umabot na sa 30 ngayong taon.

 

-0-

 

Dengue cases sa lalawigan bumaba na raw , ayon sa provincial health officer ng Sarangani

Huwag maging kampante at ipagpapatuloy lamang ang pagsagawa ng mga hakbang para tuluyang masawata ang dengue fever sa lalawigan.

Ito ang panawagan ni Provincial Health Officer Dr. Arvin Alejandro sa mga mamamayan ng Sarangani. Ayon kay Alejandro maaring naitala na sa Sarangani ang pinakamaraming dengue cases kaya ito bumababa na ngayon tulad ng madalas nagaganap sa lalawigan.

Dinadag din ni Alejandro na maging ang provincial health office ng Sarangani ay nanatili pa ring nakaalerto laban sa sakit na dengue. Ito ay matapos maitala sa lalawigan ang mahigit 1,200 na kaso ng dengue mula January hanggang August 12 nitong taon. Mas mataas ito ng may 192% kumpara sa 433 na naitala sa Sanrangani sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Anim katao na rin ang nasawi dahil sa dengue sa Sarangani ngayong 2019. Ayon kay Alejandro, patuloy din ang tulong ng provincial health office sa kampanya kontra dengue ng mga lokal na pamahalaan sa Sarangani. Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga chemical sa fogging operations at chemically treated o Olyset net sa mga eskwelahan.

 

-0-

 

DA nagbigay ng mahigit P4 million pesos na halaga ng tulong sa mga magsasaka ng Lebak, Sultan Kudarat

Nakapagbigay ng abot sa mahihigit P4 million na halaga ng tulong ang Department of Agriculture 12 sa mga magsasaka ng Lebak, Sultan Kudarat.

Ito ay bilang pagpapatupad ng kanilang Special Area of Agricultural Development o SAAD program. Nanguna sa pabibigay ng nasabing tulong si DA 12 Regional Executive Director Milagros Casis.

Ayon kay Casis kalakip sa mga tulong pangkabuhayan na natanggap ng mga magsasaka ng Lebak ang produksyon ng upland rice, gulay at farm animals.

Maliban sa SAAD program nagbigay din ng assistance package ang DA sa mga magsasaka ng Lebak. Kinabibilangan ito ng mga tractor, at certified na seeds ng palay at mais.

 

Makilala evacuation areas flooded

KIDAPAWAN CITY - Following heavy down pour and strong wind that blew off tarpauline shanties in quake victims' evacuation areas here, floods hit...

Hail storm hits Makilala, North Cotabato evacuation sites

MAKILALA, North Cotabato - Ipinakita ng ilang mga netizen sa kanilang social media post sa facebook kung gaano karami ang yelong dala ng...

TESDA execs aid Makilala quake victims

KIDAPAWAN CITY  – More than 700 families affected by the series of earthquakes in Makilala, North Cotabato have received relief assistance...

CBCP head seeks help for underserved quake-hit areas

KIDAPAWAN CITY - The head of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) has called attention to the plight of earthquake...

Mayor officiates wedding rites amid tremors, lady senator acts as “ninang”

KIDAPAWAN CITY – Senator Risa Hontiveros became an “instant godparent” to a couple wed by Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista here...