Tuesday Sep, 17 2019 02:24:22 PM

NDBC BIDA BALITA (8.20.19)

NDBC BALITA • 08:30 AM Tue Aug 20, 2019
262
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. PITONG KABABAIHAN sa BARMM, pinarangalan kasabay ng pagdiriwang ng 2019 World Humanitarian Day.

2. Lalaki patay at isa pa sugatan sa magkahiwalay na mg insidente ng pamamaril sa Pikit, North Cotabato

3. MGA KAWANI ng South Cotabato provincial engineering office na nagbebenta umano ng krudo at gasolina, binalaan ni Gov. Tamayo

4, DXND Radyo Bida, nagdiriwang ng 55 taong anibersaryo ngayon

 

AT NGAYON SA DETALYE NG MGA BALITA 

 

 

-0-

 

 

KINILALA at binigyan parangal ng pamunuan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM ang pitong mga kababaihan na nagpakita ng husay at kagitingan sa larangan ng humanitarian work o pagkakawang-gawa.

Isinagawa ang naturang aktibidad kahapon sa BARMM kaugnay ng pagdiriwang ng 2019 World Humanitarian Day.

Mismong si BARMM Minister of the Interior and Local Government Atty. Naguid Sinarimbo, na siya ring hepe ng READi-BARMM, ang nagpakilala sa media ng pitong mga babaeng awardees na sina; Lorna Albani ng Barangay Local Government Unit sa Sulu, Naraida Abo ng United Youth of the Philippines – Women Racmah Abdula ng UNHCR, Sittie Rajabia Monato ng UNFPA, Jayzel Bagares ng Lamitan City DRRMO, Bai Yasmira Naga Pangadapun ng Ministry of Social Welfare - Lanao del Sur A at Tajmirah Hajiron ng Jolo Emergency Rescue Network, Inc.

Sinabi ni Sinarimbo na hindi matatawaran ang kontribusyon ng pito sa larangan ng pagkakawang-gawa lalo’t ibinuwis ng mga ito ang kanilang sariling buhay para tumulong sa mga nangangailangan.

 

-0-

 

Nabatid na isa sa mga awardee na si Bai Yasmira Pangadapun ang kabilang sa mga first responder ng nangyaring Marawi siege. Siya ang nakiusap sa mga miembro ng Maute-ISIS Group na payagang lumabas ng ground zero ang mga bata, matatanda at kababaihan.

Sina Albani, Bagares at Hajiron naman ay mula sa BASULTA island provinces ng BARMM na kilalang kuta ng ekstremistang Abu Sayyaf Group.

Tumugon ang mga ito sa mga pambobomba, sunog at iba pang man-made calamities gayundin sa mga pagbaha kung saan marami sa kanilang mga kababayan ang apektado at nangangailangan ng tulong.

 

-0-

 

INILUNSAD naman kahapon ng Bureau of Public Information o BPI– BARMM ang "Kapihan sa Bangsamoro", ang lingguhang pulong-balitaan ng bangsamoro government.

Sinabi ni BPI-BARMM Officer In-charge Dr. Norodin Salam na isasagawa ang Kapihan sa Bangsamoro tuwing Martes para makapagbigay ng sapat na impormasyon sa publiko hinggil sa mga kaganapan sa BARMM katuwang ang mga mamamahayag.

Sa launching ng Kapihan sa Bangsamoro, unang sumabak sina Minister of the Interior and Local Government Atty. Naguib Sinarimbo at Minister og Social Services Atty. Raisa Jajuri.

Ibinahagi ng dalawang mga ministro ang kanilang mga programa at proyekto at binigyang linaw din ang ilang mga isyu kaugnay ng pagtupad sa kanilang mandato.

 

-0-

 

Arestado ang isang lalaki matapos makuhanan ng pinaghihinalaang iligal na droga sa ikinasang Buy Bust Operation ng mga otoridad sa Mother Barangay Bagua, Cotabato City.

Nakilala ang nadakip na si ALLAN TALISAYSAY REYES, 43 years old, single, at residente rin ng nabanggit na Barangay.

Pinangunahan ni Police Station 2 commander Capt. Rustom Pastolero ang operasyon katuwang ang PDEA BARMM na nagresulta sa pagkakahuli ng suspek matapos nitong mapagbentahan ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap ng buyer.

Nakuha sa suspek ang apat na sachets ng suspected shabu at nabawi rin mula rito ang marked money na ginamit sa operasyon.

 

-0-

 

DUGUANG isinugod sa ospital ang isang lalaki matapos mabiktima ng pamamaril sa Demazenod Avenue, Brgy. Rosary Heights 4, Cotabato city, pasado alas nuebe ng umaga kahapon.

Nakilala ang biktima na si APOLLO GATCHALIAN ALGAS, 49 anyos, may asawa, Vice president ng COMPAC II- General Contructor at residente ng Federville Subdivision, Brgy. Rosary Heights 11 ng lungsod.

Base sa inisyal na ulat ng pulisya, patungo na sana sa kanyang opisina ang biktima sakay ng kanyang Toyota Hilux nang sabayan ng riding-tandem suspects at pinagbabaril gamit ang cal. 45 pistol.

Gayunman, nagawa pa ng biktima na makapagmaneho hanggang sa kanilang opisina kaya agad siyang naisugod sa ospital ng kanyang mga kasamahan.

Nagtamo si Algas ng tama ng bala sa leeg at patuloy na ngayong ginagamot sa ospital.

 

-0-

 

Isang pinaniniwalaang Improvised Explosive Device o IED ang sumabog sa Barangay Kiteb, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao pasado alas siyete kagabi.

Gayunman, sinabi ni Army’s 6th Infantry Division Spokesperson Lt. Col. Roberto Breboneria na wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa naturang pagsabog.

Ayon kay Breboneria, isang bomba pa ang nadiskubre ng explosives and ordnance disposal team nang magresponde ito sa blast site.

Hinihinalang mga miembro umano ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang nasa likod ng panibagong pagpapasabog na ang motibo ay maghasik ng takot at harassment din sa mga sundalo sa lugar.

Samantala, napigilan naman ng mga kasapi ng Army’s 2nd mechanized Infantry Battalion at ng Lambayong PNP ang tangkang pagpapasabog sa Lambayong, Sultan Kudarat.

Sinabi ni Lambayong PNP chief Police Lieutenant Gino Fegarido na nagsasagawa sila ng checkpoint sa Brgy. Tinumigues nang may namataan silang mga lalaking naka-motorsiklo.

Hindi na umano dumaan ang naturang mga motorcycle-riding suspects at inihagis na lamang ang dala nilang sako at agad na umalis.

Nang suriin ng mga pulis at sundalo, laman ng sakong iniwan ng mga suspek ang isang bala ng 81mm mortar na aktibo pa umano at pwedeng sumabog.

Agad na kinordon ang area ng Explosives and Ordnance Disposal Team para sa tamang disposisyon ng naturang pampasabog.

 

-0-

 

Sugatan ang dalawang mga pulis sa engkwentro sa Patikul, Sulu kahapon ng umaga.

Sa report ng pulisya, inatake ng mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group ang mga pulis na nagbabantay sa mga guro na nakatalaga sa nasabing bayan.

Dahil dito, nagtamo ng mga tama ng bala ang mga biktima na sina Cpl. Angelo Canapi at Patrolman Nijar Awwalon.

Agad isinugod ang dalawa sa Integrated Provincial Health Office para magamot.

Ang dalawa ay kapwa mula sa 2nd Provincial Mobile Force Coy ng Sulu Police Provincial Office.

 

-0-

 

Lalaki patay at isa pa sugatan sa maghiwalay na pamamaril sa Pikit, North Cotabato

Dead on the spot ang isang lalaki matapos na barilin ng di pa kilalang mga suspek pasado alas 7:00 ng umaga kahapon sa Barangay Silik Pikit, North Cotabato.

Nakilala ang nasawing biktima na si Elmer Amahan Baclayon, 27-anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Barangay Kolambog ng nasabing bayan. Ayon sa ulat, inihatid lamang ng biktima ang kanyang anak sa paaralan at nang lumabas na ito ay nilapitan siya ng mga suspek at pinagbabaril. Patay noon din ang biktima matapos magtamo ng maraming tama ng bala sa kanyang ulo at katawan.

Samantala, sugatan din ang isang 25 anyos na lalaki na binaril ng mga suspek sa Barangay Poblacion, Pikit Cotabato alas 10:00 naman ng umaga kahapon. Nakilala ang biktima na si John Joel Santos at nakatira sa nasabing lugar. Naglalakad lamang umano ang biktima sa harap ng Barangay Hall nang pagbabarilin ito ng di pa kilalang suspek.

Mabilis na isinugod sa Cruzado Medical Hospital ang biktima matapos magtamo ng sugat sa ibat-ibang parte ng katawan. Blangko pa hanggang sa ngayon ang PNP hinggil sa motibo ng mga suspek sa nasabing magkahiwalay na pamamaril.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Weeklong celebration ng Timpupo festival sa Kidapawan City, naging matiwasay sa pangkalahatan- ayon sa PNP

Naging maayos at matiwasay sa pangkalahatan ang pagdiriwang ng Timpupo Festival 2019 sa Kidapawan City. Ayon sa PNP, sa isang linggong selebrasyon ay walang mga naitalang mga untoward incidents sa lungsod.

Ito ay dahil na rin sa pakikipagtulungan ng mga mamamayan sa lahat ng ginagawang security checks lalong lalo na sa mga activity area. Daan-daang mga pulis at iba pang mga force multipliers ang ipinakalat sa lungsod upang masigurong walang makalusot na may mga balak manggulo sa selebrasyon.

Maging sa mga entry at exit point ng lungsod, mahigpit rin ang ginawang inspection sa mga sasakyan at motorsiklo. Lahat ng may dalang backpacks ay mahigpit ang pagcheck at ipinaiiwan bago pumasok sa City Plaza.

Samantala, sinabi ni City Mayor Joseph Evangelista umani ng positibong reaksyon mula sa turistang nakiisa sa selebrasyon. Sa susunod na taon, imumungkahi ng alkalde na isali rin ang mga gulay, at cut flowers sa pagdiriwang ng Timpupo 2020. 

Dagdag pa nito, malaki din anya ang tulong ng “Bagsakan sa Prutas” para sa malilit na fruit growers na mula sa lungsod.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Babae na drug suspek, huli sa patuloy na anti-illegal operation ng PNP sa Matalam, North Cotabato

Huli sa buy-bust operation ng pulisya ang babaeng drug suspek sa purok 3, Barangay Manubuan, Matalam North Cotabato alas 5:30 ng hapon kamkalawa.

Sa ualt ng Matalam PNP, nakilala ang suspek na si Beverly Ann Maglangit Playda alyas Ann, 25 anyos at nakatira sa Barangay Zone 3, Sta Cruz, Davao Del Sur.

Ang operasyon ay sa pakikipagtulungan ng PNP at ng PDEA 12. Nakuha mula sa kanya ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu at ang buy bust money na siyang ginamit sa operasyon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous drugs Act of 2002 ang suspek na ngayon ay inihahanda nan g PNP. Siya ang temporayong nakapiit na custodial facility ng PNP at inaantay na masampa ang kaso sa korte. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

PDEA 12 tinukoy ang mga lugar na talamak ang bentahan ng droga sa North Cotabato

Limang mga lugar sa North Cotabato ang tinukoy ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 na talamak ang bentahan ng iligal na droga.

Ito ang inihayag ni PDEA Regional Director Naravy Daquiatan sa isagawang Provincial Anti-Drug Advisory Council o PADAC Meeting kahapon sa Rooftop Capitol, Amas, Kidapawan City.

Ayon kay Daquiatan, ito ay ang bayan ng Midsayap, Pikit, Pigcawayan, Kidapawan at Kabacan North Cotabato.

Nilinaw ng opisyal na hindi residente ng nabanggit na mga bayan ang gumagawa ng iligal na transaksyon pero hindi rin nito itinanggi na may iilang mga residente rin ang sangkot sa bentahan ng droga lalo na sa bayan ng Pikit at Midsayap.

Karamihan naman sa mga drug peddlers dalawang bayan ay yaong mga transcient lamang o hindi nanatili ng matagal sa nasabing lugar. 

Kaugnay nito, ibinahagi rin ng nasabing ahensya na abot na 478 ang kanilang isinagawang anti-illegal drug operations kung saag 536 dito ang naaresto sa buong rehiyon.

Ang nasabing bilang ay mula Enero hanggang Hunyo nitong taon. Samantala, abot naman sa 78 na mga high value target ang naaresto ng PDEA mula una hanggang ikalawang quarter ng taon.

Sa ngayon aniy ayon kay Daquiatan, ay patuloy ang pina-igting na kampanya ng PDEA na nagresulta sa mababang demand at suplay ng droga sa kanilang AOR. Nabatid na una na nitong binanggit ang SOCCSKSARGEN bilang drug consuming region.(Drema Bravo) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

P50, 000 na pabuya, inilabas ng LGU sa maaring makakapagturo ng suspek sa pagpatay ng isang market guard sa Antipas, North Cotabato

Nagpalabas na ng pabuya ang lokal na pamahalaan ng Antipas Cotabato sa kung sino man ang makakapagturo sa suspek sa pamamaril ng isang market guard sa Barangay Poblacion ng bayan.

Sa ulat ng Antipas Police, binaril ng riding tandem suspects ang biktimang si Antonio Catague Ayon, 58 anyos, na isang market guard habang ito ay nasa trabaho alas 9:00 ng gabi nitong linggo.

Sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan tinamaan ang biktima na isinugod pa sa pagamutan pero ideneklarang patay ng mga doctor. Mabilis na nagsagawa ng hot pursuit operation ang PNP sa posibleng pagkadakip ng mga suspek. Sa mga makakapagbigay ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng mga suspek ay maaring makipag-ugnayan sa Antipas Police at i-text ang numero 0918-6048-956.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Free Anti Rabies Vaccination sa mga aso’t pusa, tampok sa 55th Founding Anniversary ng DXND Radyo BIDA

Bukas na gagawin ang Free anti-rabies vaccination sa mga alagang aso’t pusa sa DXND Radyo BIDA compound. Ayon kay Radyo BIDA Kidapawan Manager Grace Vergara Tanghal ang aktibidad ay bahagi ng ika-55 (singkwentay singko) na anibersaryo ng himpilang ito.

Layun ng programa na maibsan ang mga aso’t pusa na hindi nababakunahan na delikado para sa tao. Ito ay sa pakikipagtulungan ng City veterinarian office sa pangunguna ni Dr. Eugene Gornez at ng OPVet sa pamumuno ni Dr. Rufino Sorupia.

Maliban dito, ay gagawin naman sa Huwebes ang Free Legal consultation na handog ng Abogado sa Katawhan sa pakikipagtulungan ng Integrated Bar of the Philippines North Cotabato Chapter sa pangunguna ng kanilang Presidente Atty. Emma Ferenal Andiano.

Ayon kay NDBC Kidapawan Program Director, Rhoderick Beñez may mga Pakulo din sa ere kungsaan mamimigay ng DXND Radyo BIDA ng 55 na radio sets sa 55 na mga masugid na tagapakinig ng himpilan. Bukod pa ito sa Pakta Pakton T-Shirt Dayun.

Giit ni RB ng bayan na nakasentro sa selebrasiyon sa temang, Radyo BIDA, 55 na kasabay mo sa bawat Kwento ng Pagbabago. Una na ring sinabi ni NDBC CEO Fr. Rogelio Tabuada na magpapatuloy ang DXND sa kanyang misyon na maiparating sa mamamamyan ang impormasiyon at maipalaganap ang ministeryo ng OMI sa larangan ng pagbo-broadcast.

 

-0-

 

Mga kawani ng provincial engineering office na nagbebenta umano ng krudo at gasolina, binalaan ng gobernador ng South Cotabato

Isumbong sa kanya ang mga kasama na nagbebenta umano ng krudo o gasolina.. Ito ang babala ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr, sa mga kawani ng Provincial Engineering Office.

Sinabi ito ni Tamayo matapos mabatid ang umanoy pagbebenta ng fuel ng ilang mga kawani ng motorpool. Binigyan diin ni Tamayo na sa dami ng mga community organizers ng pamahalaang panlalawigan, imposibleng hindi makararating sa kanya ang anomalya ng ilang mga kawani.

Hamon ni Tamayo sa mga taga provincial engineering office ,para mailigtas ang sarili isumbong ang mga umanoy anomalya ng kanilang mga kasama. Sinabi ni Tamayo na mayroon lamang hanggang kahapon ang mga kawani ng provincial engineering office para isumbong kung sino sa kanila ang nagbebenta ng krudo o gasolina.

Iginiit ni Tamayo na kapag walang nagsumbong sa kanya tatanggalin nito ang lahat na mga job order na kawani ng provincial engineering office. Habang ang lahat naman na mga permanent employee ay ililipat sa mga malalayong lugar. Ito ay para malaman kung gaano kahirap ang magtrabaho sa gobyerno. 

 

-0-

 

Problema sa pagka-bansot sa mga bata, tinututukan ng provincial nutrition office ng South Cotabato

Target ng provincial nutrition office na lalo pang mabawasan ang bilang ng mga batang bansot sa South Cotabato. Ito sa kabila ng patuloy na pagbaba ng bilang ng mga bansot sa lalawigan.

Sa pinakahuling datus ng provincial nutrition office bumaba ngayon sa 9.30 percent ang mga batang kulang sa tangkad mula sa 11.57% buhat noong 2017. Ito ay ayon kay Provincial Nutrition Action officer Ma. Ana Uy.

Ayon kay Uy nanatili pa ring batayan sa malnutrition rate ng Philippine Plan of Action for Nutrition ng gobyerno ang pagkabansot. Nangunguna sa mga lugar sa South Cotabato na may pinakamaraming bansot ang T’boli,Lake Sebu at Banga.

Ayon kay Uy para maresolba ang problema, tinututukan ngayon ng provincial health office ang First 1,000 days ng mga bata. Ito ang mga panahon na mula sa ipinagbubuntis hanggang sa ikadalawang taon gulang na kritikal sa paglaki ng mga ito. Ginagawa ito ng provicial nutrition office sa pamamagitan ng pagbibigay ng wastong nutirisyon sa mga buntis

 

-0-

 

Magsasaka na suma-sideline umanong tulak ng shabu inaresto ng mga pulis sa Sto. Nino, South Cotabato

Kinilala ng Sto. Nino PNP naq pinamumunuan ni Police Lt. Deogenes Hare ang inarestong magsasaka na si Ignacio Adrias Jr.,47 years old

Si Adrias ay inaresto ng mga pulis sa kanilang lugar sa Purok Lovers, Barangay, Ambalgan, Sto. Nino. Kasama ng mga kasapi ng Sto. PNP sa kanilang drug buy-bust operation sa lugar ang mga kasapi ng Regional Police Drug Enforcement Unit o RPDEU 12.

Nakuha sa kanya ng mga pulis kay Adrias ang iba’t ibang pakete ng pianghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P11,000 at P500 marked money. Inaresto si Adrias kasunod ng pagkakaresto rin ng mga pulis sa isang construction worker na sangkot din umano sa iligal na droga sa karatig bayan ng Banga.

Kinilala ngBanga PNP na pinamumunuan ni Police Major Joseph Forro III ang arestadong drug suspek na si Kamarudin Cansay, 31 years old. Si Cansay ay inaresto ng mga kasapi ng Regional Police Drug Enforcement Unit at Banga PNP sa kanila lugar sa Barangay Lamba, Banga. Nakuha ng mga pulis sa kanya ang 12 pakete ng pinaghihinalaang shabu kabilang ang drub buy-bust item, P500 marked money, tooter at kilohan.

Ihihahanda na ng mga pulis ang kasong paglabag sa comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa dalawang inarestong mga drug suspect.

 

-0-

 

Tulong sa mga atleta sa 2019 Batang Pinoy Games tiniyak ng City Sports Coordinator ng Koronadal

Makatatangap ng ng tig P8,000 na tulong pinansyal mula sa lokal na pamahalaan ng Koronadal ang mga atleta nito na sasabak sa 2019 Batang Pinoy Games.

Tiniyak ito ni City Sports Coordinator Jonari Javellana. Maliban dito ayon kay Javellana may inilaan din ang lokal na pamahalaan ng tig P5,000 sa mga atleta nito na nasabing patimpalak na makakasungkit ng gold medal.

Ayon kay Javellana para hindi na mamoroblema sa kanilang pasahe, maghahandog din ng libreng sakay sa kanila ang lokal na pamahalaaan. Gaganapin ang 2019 Batang Pinoy Games sa Puerto Princesa City, Palawan sa August 25 hanggang 30.

Samantala sa Tacurong City, Sultan Kudarat handa na ring sumabak sa Batang Pinoy Games ang kanilang 40 mga atleta. Ang mga ito ay ipinakilala ni City Sports and Development Officer Jorjhon Cajandig sa kanilang flag raising ceremony kahapon kasama ang kanilang mga coach.

Tanyag ang Tacurong City sa Arnis pero may magpapadala din sila ng mga athlete sa athletics, badminton, chess, gymnastics, judo at wushu. Tiniyak naman ni Tacurong Mayor Angelo Montilla ang suporta nito sa kanilang mga Batang Pinoy Athletes.

 

-0-

 

Seguridad hinigpitan kasunod ng pagpositibo sa iligal na droga ng 58 preso sa provincial jail ng South Cotabato.

Mariing ipinatutupad ngayon ang body search sa South Cotabato Rehabilitation and Detention Center na mas kilalang provincial jail. Ito ayon kay OIC Provincial Jail Warden Felecito Gumapac ay bilang kabahagi ng paghigpit ng seguridad sa nasabing pasilidad.

Layon nito ayon kay Gumapac na walang makalulusot na iligal na droga sa provincial jail. Kaugnay nito, hiniling naman ni Gumapac sa mga dalaw ng mga preso na sundin ang nasabing polisiya.

Ito ay bukod pa sa pagtulong sa monitoring sa presensya ng umanoy illegal drugs sa kulungan. Ayon kay Gumapac para sa mas mahigpit na pagbabantay nagdagdag ng 30 mga jail guard ang pamahalaang panlalawigan sa provincial jail.

Kasunod ito ng pagpositibo sa iligal na droga ng 58 nga preso at pagkakatuklas ng mga jail guard ng tatlong sachet ng pinaghihinalaang shabu sa labas ng selda. Dinagdag din ni Gumapac na inaalam pa ng mga otoridad kung paano naipasok ng di pa kilalang suspek ang umanoy illegal drugs sa Provincial Jail ng South Cotabato.

 

 

NoCot village exec shot dead

KABACAN, North Cotabato  – Two men riding tandem on a motorbike shot dead a village official here on Sunday while he was on his way to his farm,...

Traffic rerouting plan eyed when Quirino Bridge undergo rehab

COTABATO CITY  – The Cotabato City traffic management unit is preparing a rerouting plan to be implemented once the Department of Public...

Armed MNLF men stopped, disarmed by Army in Maguindanao

COTABATO CITY -- Some 37 assorted long and short firearms were confiscated by government military troops Saturday in a gathering of Moro...

144 homes damaged by "Marilyn" in Tawi-Tawi

BONGAO, Tawi-Tawi – Close to 150 homes were damaged by Tropical Depression Marilyn that hit the islands here on Friday and Saturday, local...

Pope Francis to visit Thailand and Japan in November

VATICAN — The Vatican confirmed Friday that Pope Francis will travel to Thailand and Japan in November with stops scheduled in Tokyo,...