Tuesday Nov, 12 2019 06:38:32 AM

NDBC BIDA BALITA (8.19.19)

NDBC BALITA • 06:45 AM Tue Aug 20, 2019
238
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. DALAWANG mga menor de edad, sugatan sa panibagong insidente ng pamamaril sa Cotabato city

2. APAT na drug suspects, huli sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operations ng PNP sa North Cotabato

3. Region 12, may bagong 350 na mga pulis

4. May-ari ng punerarya sa Kidapawan, patay nang pagsasaksakin ng kanyang dating empleyado. 

 

ATR NGAYON SA DETALYE NG MGA BALITA...

-0-

 

GINAGAMOT ngayon sa ospital ang dalawang mga menor de edad na pinahuling biktima ng pamamaril sa Cotabato city kahapon.

Kinilala ng City PNP ang mga sugatang biktima na sina Kimji Lidasan, 17 years old at Jehan Abped, 14, pawang mga estudyante at residente ng Kimpo Subdivision, Barangay Rosary Heights 13 ng lungsod.

Sa report ng pulisya, pasado alas nuebe ng umaga kahapon habang bumibili lamang sa isang tindahan malapit sa kanilang bahay ang mga biktima nang lapitan sila ng tatlong mga suspek na sakay ng payong-payong at pinagbabaril ng isa sa mga ito gamit ang cal. 45 pistol.

Nagtamo ng tama ng bala sa tiyan si Kimji habang sa hita naman tinamaan si Jehan.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang mga biktima habang ang mga suspek naman ay tumakas patungong TV Juliano, barangay Rosary Heights 12 at hanggang ngayon ay patuloy na tinutugis ng mga otoridad.

 

-0-

 

ARESTADO ang dalawang mga suspected drug pusher sa isinagawang buy bust operation sa Pikit, North Cotabato.

Sinabi ni Pikit PNP chief, Police Captain Mautin Pangandigan na naging katuwang nila sa nasabing operasyon sa Barangay Inug-ug sa Pikit, Cotabato ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-12.

Nakilala naman ang mga nadakop na sina Buhari Katugan Edris alyas Tolaw, 31 taong gulang, at Reybodin Mandatu Biang, 28, na pawang mga residente rin ng bayan.

Nakuha mula sa dalawa ang ilang pakete ng shabu at ang marked money na ginamit sa operasyon.

Nasa kustodiya na ngayon ng Pikit PNP ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

-0-

 

DUGUANG  isugod sa ospital ang limang taong gulang na batang lalaki matapos itong mabundol ng kotse sa national highway na sakop ng Talayan, Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Kominie Guro na residente rin ng nabanggit na bayan.

Ayon sa di nakinilalang driver ng kotseng nakabundol sa bata, pasado alas otso ng umaga kamakalawa habang binabaybay nito ang kalsada nang bigla umanong tumawid ang biktima dahilan upang mabangga niya ito.

Agad naman niyang isinugod sa pagamutan ang bata na nagtamo ng maraming sugat sa katawan.

SAMANTALA, isang lalaki naman ang halos walang malay na dalhin ng mga pulis sa ospital dahil sa tindi ng mga sugat na tinamo makaraang maaksidente habang nagmo-motorsiklo sa tapat ng Catholic cemetery, sa Sinsuat Avenue, Cotabato City

Nakilala ang biktima na si MARLON BELLO, empleyado ng Cable TV company, at residente rin ng lungsod.

Pasado alas nuebe ng gabi kamakalawa habang pauwi na sana ang biktima nang mawalan ito ng kontrol sa minamanehong motorsiklo dahil sa bilis ng kanyang takbo kaya siya sumemplang.

 

-0-

 

MULING TINIYAK ni Sen. Bong Go ang kanyang suporta para sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng Bangsamoro regionnang dumalo siya sa 72nd Founding Anniversary ng Sultan Kudarat, Maguindanao.

Sa kanyang naging talumpati, sinabi ni Go na nakatutok ang gobyerno sa pagpapa-unlad sa Mindanao, lalo na ang bagong tatag na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM na hitik sa likas na yaman.

Kaugnay nito, ayon kay GO, hindi lang imprastraktura ang prayoridad niya kundi maging ang pagpapabuti pa ng mga serbisyong medikal at pangkalusugan para mapakinabangan ng lahat ng mga Pilipino, lalo’t higit sa mga nasa malalayo at liblib na lugar.

Samantala, nagpasalamat naman si Sultan Kudarat Mayor Shameem Mastura sa senador dahil sa pagtatayo ng Malasakit Center sa Maguindanao na malaking tulong sa mga mahihirap na mamamayan ng probinsya.

 

-0-

 

NAGING MATAGUMPAY ang inilunsad na Earthquake at Tsunami drill ng Rapid Emergency Action on Disaster Incidence o READI-BARMM sa Brgy. Kusiong, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao nitong Sabado.

Isinagawa ang disaster-preparedness drill sa lugar na matinding tinamaan ng 1976 Moro Gulf earthquake.

Sinabi ni BARMM Ministry of the Interior and Local Government Minister Atty. Naguib Sinarimbo, siya ring hepe ng READI BARMM, na mahalaga ang ginagawang pagsasanay upang mabigyan ng kaalaman ang mga mamamayan sa mga dapat gawin sakaling muling mangyari ang nabanggit na kalamidad.

Samantala, nagpasalamat naman si Sinarimbo sa lahat ng kanilang mga naging katuwang at nakiisa sa pagsasanay lalo na sa mga residente ng lugar at mga barangay official na lumahok sa aktibidad.

 

-0-

 

Patay na ng matagpuan ang may-ari ng Collado Funeral Homes matapos na pagsasaksakin sa loob ng kanyang silid sa Purok 5, Barangay Balindog Kidapawan City alas 12:00 ng madaling araw nitong biyernes.

Sa ulat ng Kidapawan City PNP, nakilala ang biktima na si Carlos Collado Sr., 80 anyos na residente ng nasabing lugar habang ng suspek ay kinilalang si Ritchie Cajucom Alpuerto.

Ayon kay City PNP Chief Police Lt Col. Ramel Hojilla, dugoan ang senior citizen matapos na magtamo ng walong mga tama ng saksak sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan dahilan ng kanyang agarang pagkamatay gamit ang kitchen knife.

Sinasabing dating nagtatrabaho sa biktima ang suspek at pinaalis lamang dahil nagnakaw umano ito. Nabatid na lango din sa nakakalasing na inumin ang suspek na Alpuerto nang gawin nito ang krimen.

Agad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang PNP at nahuli ang suspek sa likurang bahagi lamang ng bahay ng nasawing biktima.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Dalawang mga drug suspects, huli sa magkahiwalay na anti-illegal drug operation ng PNP sa Makilala at Matalam, North Cotabato

Arestado ang dalawang mga drug suspects sa isinagawang buy- bust operastion ng PNP sa magkahiwalay na lugar sa North Cotabato.

Unang nahuli si Rey Mendoza Elevazo alyas Bagsot, 47 anyos, isang karpintero na taga Zamora St,. Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Ang operasyon ay isinagawa ng Matalam PNP sa Crossing Kilada, Barangay Poblacion, Matalam, Cotabato alas 8:50 ng gabi nitong biyernes. Nakuha mula sa kanya ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu at ang 1,000 peso bill an siyang buy bust money na ginamit sa operasyon.

Samantala, huli din ang isang negosyante na tulak droga sa buy-bust operation sa Purok 3, Barangay Poblacion, Makilala ala 1:20 ng hapon kahapon. Kinilala ang suspek na si Alvin Maya Carillo, 33 anyos na residente rin ng nabanggit na lugar.

Dalawang mga sachet ng iligal na droga ang nakumpiska sa suspek at 1,000 peso bill na buy-bust money. Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive dangerous Drugs Act of 2002 sa dalawang mga nahuling suspek.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Mahigit 40 na pares ng Indigenous People, libreng ikinasal sa isinagawang tribal mass wedding sa Kidapawan City

Abot sa apat-napung mga pares ng Indigenous People ang ikinasal ng libre sa isinagawang traditional wedding rite sa Kidapawan City gymnasium kahapon.

Ang kauna-unahang tribal mass wedding ay isa din sa mga tampok na aktibidad ng Timpupo festival 2019 kasabay ng culmination day kahapon. Ayon kay Deputy Mayor Datu Camilo Icdang, ang nasabing apat-napung mga pares ay matagal ng nagsasama, at karamihan ay matanda na rin pero hindi pa ikinasal.

Sila ay nagmula pa sa ibat-ibang lugar sa Kidapawan City at nahirapan ding makinabang sa mga programa ng gobyerno tulad ng 4’PS program at ang pagkuha ng emergency Philhealth dahil na rin sa kakulangan ng mga dokumento.

Malaki rin ang pasasalamat ni Icdang sa nasabing inisyatiba ng City Government na mabigyan ng libreng serbisyo ang mga tribu sa lungsod.

Kabilang din dito ang pagbibigay halaga sa kanilang tradisyon, paniniwala at kanilang relihiyon. Kung kaya’t ipinag-utos ni City Mayor Joseph Evangelista sa lahat ng mga tribal leaders sa lungsod na hanapin ang ilan pang mga IP couple na hindi pa legal ang kanilang pagsasama.

Pagkatapos ng seremonya, personal na iniabot ng alkalde ang kanilang marriage certificates at sinabing aasahan pa ang ganitong serbisyo sa susunod pang taon.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Bilang ng Rape Cases sa North Cotabato, tumaas ayon sa PNP

Tumaas pa lalo ang bilang ng rape cases sa probinsya ng North Cotabato nitong unang at ikalawang quarter ng taon.

Ito ang inihayag ni Police Colonel Maximo Layugan, siyang Provincial Director ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO.

Abot naman sa labin-dalawang kaso ang itinaas nito kumpara sa datus noong nakaraang taon sa parehong panahon. Nilinaw ni Layugan na ang pagtaas ng nasabing kaso ay dahil na rin sa kumpiyansa ng mga mamamayan na iparating sa PNP ang insidente ng pangagahasa.

Ang nasabing bilang kasi ay mga dati ng kaso ng nasabing krimen na ngayon lang nai-report sa kanilang himpilan. Karamihan din dito ay nangyari noon pang mga nakalipas na taon.

Samantala, sa kabila ng mataas na kaso ng nakaw-motorsiklo sa probinsya ay sinabi na Layugan na bumaba naman ito kung ikukumpara noong nakaraang taon. Matatandaan na ang motorcycle theft ay may mataas na bilang sa crime-against property base sa inilabas na crime statistics ng CPPO. (Drema Quitayen) NCB BIDA BALITA

 

-0-

 

Security guard at isa pa, sugatan sa pamamaril sa Kabacan, North Cotabato

Sugatan ang dalawang mga lalaking nakamotorsiklo makaraang pagbabarilin ng di pa kilalang mga suspek alas 4:35 ng hapon nitong sabado sa Sitio Lumayong Barangay Kayaga, Kabacan North Cotabato.

Sa ulat ng Kabacan PNP, kinilala ang mga biktima na sina Roy Tacuken Bacana, 42 anyos, may asawa, security guard ng USM- Kabacan campus at ang angkas nitong si Julies Sali, 34 anyos, magsasaka na kapwa nakatira sa nasabing Barangay.

Pinagbabaril umano ng di pa kilalang mga suspek ang dalawang biktima habang sakay ng motorsiklo patungong Carmen Cotabato ang direksyon. Nagtamo ng tama ng bala si Bacana sa kanyang kaliwang balikat at sa tiyan habang sa kanang paa naman kay Sali.

Mabilis na isinugod sa ospital ang mga sugatang biktima para sa agarang medikasyon at agad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang PNP sa posibleng pagkadakip ng mga suspek.

Sa ngayon, patuloy pa ang malalimang imbestigasyon mg PNP- Kabacan hinggil sa pinakabagong kaso ng pamamaril sa bayan.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Region 12 may bagong 350 na mga pulis

Matapos dumaan sa mahaba at masusing screening process , nanumpa na sa tungkulin ang 350 na mga bagong police sa Region 12. Nanguna sa oath taking ng mga ito sa PNP 12 regional headquarters sa General Santos City si Regional Director Brig. General Eliseo Tam Rasco.

70 mga bagong police recruit sa SOCCKSARGEN ay mga kababaihan at 280 naman ang mga kalalakihan.

Bago maging full pledge na kasapi ng PNP, ang mga ito ay sasailalim muna sa tig anim na buwan na Public Safety Basic Recruit course at Field Training Program. Kailangan din ng mga ito na magaaral ng 45 araw na Basic Internal Security Operations Course.

Ang mga ito ay tatanggap ng buwanang sahod na mahigit P29,000. Ang bagong batch ng mga police trainees ay kinabibilangan ng mga graduate sa criminology, nursing, Information Technology, Education at iba pang four-year courses.

Kaugnay nito, umapela si Rasco sa mga bagong police recruit na gawin ang tama,ligal at magkaoon ng social conscience. Pinayuhan din ni Rasco ang mga ito na huwag sumuko at patuloy lamang na magpursige para magtagumpay sa piniling larangan.

 

-0-

 

State of Calamity dahil tumataas na dengue cases, nais ideklara ng Disaster Risk Reduction and Management Office sa Gensan.

Inirekomenda ng Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC ang pagdeklara ng stage of calamity sa General Santos City.

Ito ay bunsod ng tumataaas na kaso ng dengue fever sa syudad. Ayon kay Gensan CDRRM Officer Agripino Dacera Jr., layun nito na mapigilan pa ang pagkalat ng sakit na dengue sa nasabing lugar na umaabot na sa outbreak level. Sinabi ni Dacera na ang kanilang rekomendasyon ay naibigay na sa Gensan City Council.

Ayon kay Dacera kapag nasa State of Calamity na, maaring nang magamit ng lokal na pamahaalan ng Gensan ang 30% ng kanilang calamity fund para sa mga programa kontra dengue sa 26 mga barangay sa syudad.

Ang Gensan LGU ay nakapagtala ng mahigit 700 dengue cases mula Enero hanggang August 9. Tatlo sa mga nagkasakit nito ay nasawi. Kaugnay nito, ipinahayag ni Gensan City Health Officer Dr. Rochelle Oco na isinusulong nila ang paglalagay ng rehydration centers sa mga rural health units at pagbili ng dagdag na dengue NS1 rapid test kit.

 

-0-

 

 Townhall meetings para sa mas maayos na pamamahala ipatutupad ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato

Planong ilunsad ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato ang town hall meetings kasabay ng 3rd Integrity Week Celebration sa Setyembre.

Ito ayon kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. Layon ng programa na mapagusapan sa komunidad ang mga mahahalagang programa na dapat maipatupad sa lalawigan. Sa katunayan ayon kay Tamayo, pinaghahandaan na nila ang pakikipagpulong sa mga Barangay Officials at kanilang mga stakeholders sa mga komunidad.

Ang town hall meeting ay sinusunod ng pamahalaang panlalawigan sa “Dagyaw” Open Government and Participatory Governance regional town hall meeting. Ito ay ipinatutupad naman ng Department of the Interior and Local Government o DILG. Kabilang sa paguusapan sa townhall meetings ang free hospitalization program at kahalagahan ng pangongolekta ng tax sa mga barangay.

Ang pakikiisa ng publiko sa mga kuro-kuro kaugnay sa mga mahahalagang isyu na kinakaharap ng lalawigan ay kinilala ng lokal na pamahalaan. Ito ay ayon naman kay Provincial Information office OIC Haydee Temploneuvo.

 

-0-

 

First 1,000 Days Law unang ipatutupad ng gobyerno sa Tacurong City, Sultan Kudarat

Nakahanda ang konseho na suportahan ang First 1,000 Days Law sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Ipinahayag ito ni Tacurong Vice Mayor Lino Montilla sa pakikipagpulong ng mga lokal na opisyal ng nasabing syudad sa mga kinatawan ng Zuelling Family Foundation at Nutrition International.

Ang Zuelling Foundation at Nutrition International ang magiging katuwang ng pamahalaang nasyonal sa pagsasanay sa mga lokal na opisyal kung paano paigtingin ang mga nutrition program sa Tacurong.

Kasunod ito ng pakakapili sa nasabing syudad bilang isa sa tatlo lugar sa bansa kung saan unang ipatutupad ang First 1,000 Days Law.

Kasama ng Tacurong na maging pilot area ng nasabing batas ang Puerto Princesa City sa Palawan at Tagum City. Ito ay dahil sa maayos na nutrition services. Layun ng First 1,000 Days Law na magkaroon pa ng access sa mga health at nutrition programs ng gobyerno ang mga mahihirap na pamilya.

Ito ay sa unang 1,000 days o mula sa ipinagbubuntis hanggang sa ikadalawang taon gulang ng isang bata. Bilang pilot area ng nasabing batas, ang Tacurong City ay makatatanggap ng lahat ng tulong para mapabuti ang kanilang mga health at nutrition program.

 

-0-

 

Mga magsasaka sa North Cotabato nakinabang sa mga farm input ng Department of Agriculture

Upang matulungang makapagtanim ng palay ang mga magsasakang sa North Cotabato na hindi na gagastos nang malaki sa farm inputs, binigyan ang mga ito ng mahigit limamg libong bags ng certified palay seeds at Abono.

Ayon kay Provincial Agriculturist Remedios Hernandez, malaki ang pagpapahalaga ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagtulong sa mga magsasakang nahgihirapan sa presyo ng certified na binhi ng palay at abono upang sila ay makapagtanim muli.

Sa katunayan, libreng dekalidad na binhi ng palay at fertilizer ang ipinamigay sa kanila. Ang pondo para sa nasabing rice production assistance ay mula sa 2019 budget ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cotabato na nagkakahalaga ng mahigit sa P21 milyon.

Inaasahang marami pang mga magsasaka ng palay ang mabibiyayaan ng libreng certified palay seeds at pataba kapag nakumpleto na ang listahan ng qualified recipients.

Ang pamamahagi ng libreng palay seeds at pataba ay ayuda sa mga magsasakang apektado ng mataas na presyo ng agricultural inputs, mga kalamidad at pag-atake ng mga peste at sakit sa mga palayan.

 

 

 

 

Makilala evacuation areas flooded

KIDAPAWAN CITY - Following heavy down pour and strong wind that blew off tarpauline shanties in quake victims' evacuation areas here, floods hit...

Hail storm hits Makilala, North Cotabato evacuation sites

MAKILALA, North Cotabato - Ipinakita ng ilang mga netizen sa kanilang social media post sa facebook kung gaano karami ang yelong dala ng...

TESDA execs aid Makilala quake victims

KIDAPAWAN CITY  – More than 700 families affected by the series of earthquakes in Makilala, North Cotabato have received relief assistance...

CBCP head seeks help for underserved quake-hit areas

KIDAPAWAN CITY - The head of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) has called attention to the plight of earthquake...

Mayor officiates wedding rites amid tremors, lady senator acts as “ninang”

KIDAPAWAN CITY – Senator Risa Hontiveros became an “instant godparent” to a couple wed by Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista here...