Wednesday Dec, 11 2019 02:19:56 AM

NDBC BIDA BALITA (8.13.19)

NDBC BALITA • 07:00 AM Tue Aug 13, 2019
437
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. DALAGANG GRADUATING STUDENT, ginahasa at pinatay ng kanyang mga pinsan sa Parang, Maguindanao.

2. CPP- NPA, ideneklarang persona non grata sa pitong mga barangay sa Kidapawan City

3. Task Force kontra Dengue ng South Cotabato, hiniling ang tulong ng mga barangay chairman para sa epektibong implementasyon ng kanilang mga programa.

4. Pondo para sa Kalivugan festival, itinakda sa P11 million 

 

AT NGAYON SA DETALYE NG MGA BALITA...

 

-0-

BANGKAY NA nang matagpuan ang isang graduating student na ginahasa at pinatay umano ng apat na mga kalalakihang sinasabing kanya ring mga kamag-anak sa Parang, Maguindanao.

Sadyang di kinilala ang biktima dahil na rin sa pakiusap ng pamilya nito na taga Barangay Poblacion 1 Parang.

Sinabi ni Parang PNP Chief, Lt. Col. Ibrahim Jambiran na natagpuan ang bangkay ng dalaga di kalayuan sa kanilang bahay.

Kaya naman nang makita ng kanilang mga kapit-bahay ang dalawa sa mga suspek na umano ay bangag sa ipinagbabawal na gamot ay kinuyog nila ang mga ito bago isinuko sa Parang PNP station.

Nasawi ang isa sa mga suspek na si Esrael Sarip dahil sa tindi ng pagkaka-bugbog.

Habang ospital naman ang bagsak ng kasama nitong si Tato Bualan alyas Ato dahil sa mga tinamong mga pasa at matinding mga sugat.

Patuloy namang pinaghahanap ng mga pulis ang dalawa pang mga kasamahan ng mga ito na sina Samsudin Sarip alyas Mansuh at Sulayman Sarip alyas Mangcao.

 

-0-

 

“Generally peaceful” umano ang pagdiriwang ng Eid’l Adha o “Feast of the Sacrifice” sa buong bansa, ayon sa report ng PNP.

Sinabi ni PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac na walang naitalang “untoward incidents” kaugnay ng selebrasyon.

Gayunman, nanatili aniyang naka-alerto ang pulisya para matiyak ang kapayapaan at kaayusan hanggang sa natapos ang selebrasyon.

Naghanda rin ang PNP sa pagresponde sa anumang posibleng insidente ng karahasan at krimen.

Ang pagbabantay ng pulisya ay sa gitna ng ulat na banta ng terorismo kabilang ang posibleng pag-atake ng mga ISIS-inspired groups sa mga simbahan at ilang lugar.

Samantala, ipinauubaya naman ng simbahan sa mga otoridad ang pangangalaga sa kaligtasan ng mga mananampalataya kaugnay sa intelligence report na pasasabugin ng grupong ISIS ang ilang simbahang katolika.

Sinabi ni former CBCP spokesperson Msgr. Pedro Quitorio III, tanging obligasyon lamang umano ng simbahan ay ipanalangin ang mga sambayanan para sa kanilang kaligtasan.

Kaugnay nito, binigyan naman ng Department of Justice o DOJ ang National Bureau of Investigation o NBI ng hanggang katapusan ng Agosto para magsumite ng initial report ukol sa umano’y banta ng terorismo.

Ipinag-utos ni Justice Sec. Menardo Guevarra sa NBI ang pag-validate sa impormasyong natanggap ng AFP at PNP.

Ayon kay Guevarra, tulad ng iligal na droga, sineseryoso ng DOJ ang mga impormasyon ukol sa terorismo dahil sa nagdudulot ito ng takot sa publiko.

 

-0-

 

PATAY ang isang laborer matapos pagbabarilin ng motorcycle-riding tandem suspects sa Midsayap, North Cotabato pasado alas kwatro ng hapon kahapon.

Sa report ng Midsayap PNP, nakilala lamang ang biktima na si alyas Taguro.

Naglalakad lamang umano ang biktima at pagsapit nito sa tapat ng isang buy & sell store sa Barangay Poblacion 1, Midsayap ay nilapitan siya ng dalawang mga suspek at agad na pinagbabaril gamit ang cal. 45 pistol.

Patay agad ang biktima dahil sa tinamong limang tama ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Inaalam pa ngayon ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek at kung ano ang motibo ng mga ito sa pagpatay sa biktima.

 

-0-

 

Arestado ang isang lalaki matapos isagawa ang isang drug buy bust operation at makuha sa kanyang posisyon ang pinaghihinalaang droga sa San Isidro st. Kimpo Subd. RH13, Cotabato City alas nwebe kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang suspek na si AL-MUSLIMIN PENDALIDAY LAUBAN,29anyos,may asawa,residente ng Rosales St. RH 6 ng lungsod.

Pinangunahan ni PS1 cmmdr Pcapt. Romel Canto ang nasabing opresyon katuwang ang PDEA BARMM na nagresulta sa pagkakahuli sa suspek makaraang mapagbentahan umano nito ang otoridad na nagpanggap na buyer.

Nakuha diumano sa suspek ang isang sachet na pinaghihinalaang shabu at marked money na ginamit sa operasyon.

Nasa kustodiya ng nabanggit na himpilan ng pulisya ang suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya.

 

-0-

 

Patay ang dalawang taong gulang na bata, isang sundalo at isang Citizen Armed Force Geographical Unit o CAFGU member sa pag-atake ng Abu Sayyaf Group o ASG sa Talipao, Sulu kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Private First Class Joie Halasan ng 2nd Special Forces Battalion at isang Aldazier Hassan na miembro ng CAFGU.

Nakasakay ang dalawa sa motorsiklo nang pagbabarilin ng mga suspek sa Patikul-Talipao road.

Dalawang bata naman ang tinamaan din sa pamamaril.

Ang dos anyos na si Abdukalim Sahisa ay namatay sa ospital habang ang isa pang batang onse anyos ay kritikal naman ang kundisyon.

Kinondena naman ng militar ang nasabing pag-atake ng ASG kasabay ng apela sa publiko na huwag magpadaig sa pananakot ng Abu Sayyaf at makipagtulungan sa tropa ng pamahalaan para tuluyang matuldukan ang paghahasik ng karahasan ng naturang ekstremistang grupo.

 

-0-

 

International Standard Certification, target makuha ng dalawang eskwelahan sa rehiyon ayon sa Deped 12 Regional Director

Hiniling ng Deped sa dalawang mga malalaking eskwelahan sa region 12 na mag-apply para makakuna ng International Standard Organization o ISO Certification.

Ayon kay Deped 12 Regional Director Allan Farnazo, ang mga eskwelahan na ito ay ang Koronadal National Comprehensive High School at Koronadal Central Elementary School 1 pawang nasa Koronadal City.

Ipinahayag ni Farnazo na ang pagsailalim sa ISO Certification ay pinaghahandaan na ng nasabing mga eskwelahan. Mahalaga ang ISO Certification.

Ito ay dahil mas lalo pang mapabuti ang performance ng mga magaaral sa pamamagitan ng de kalidad na pagtuturo at pamamahala ng mga eskwelahan Aminado naman Farnazo na sa pinansyal na aspeto ng application sa ISO mahalaga rin ang suporta ng mga magulang.

 

-0-

 

Iligal na droga unti unti nasasawata ng pamahalaan sa rehiyon, ayon sa Spokesperson ng PNP 12

Patunay na unti unting napatagumpayan ng gobyerno ang war on drugs nito ang pagbaba ng supply at pagtaas ng presyo ng illegal drugs sa SOCCKSARGEN.

Ipinahayag ito ni Police Regional Office 12 Spokesperson, Police Lt.Col. Aldrin Gonzales. Ayon kay Gonzales, dahil sa limitadong supply tumaas ngayon sa P7,000 kada gramo ang bentahan ng shubu sa region 12 mula sa P5,000 noong 2016.

Dinagdag ni Gonzales na pakonti na rin ang iligal na droga na narerekober sa anti illegal drug operations ng mga pulis sa region 12.

Ayon kay Gonzales dahil umaasa lamang ng supply ng iligal na droga sa ibang lugar, ang region 12 ay kinokonsidera na “drug consuming region.”

Ang mga pulis sa region 12 ay nakaaresto ng mahigit 6,000 drug suspek sa may 5,000 nilang anti illegal drug operation mula July 1, 2016 hanggang August 3, 2019.

Ayon kay Gonzales mahigit tatlong daan naman na karamihan ay notorious drug pusher ay napatay sa lehitimong anti illegal drug operation ng mga otoridad sa rehiyon.

Sa kabila nito tiniyak ni Gonzales na hindi pa rin dapat makampante ang PNP. Sa katunayan ayon kay Gonzales, ipinagutos ni PNP 12 Regional Director Brig. General Eliseo Tam Rasco ang pagpapaigting ng kanilang “Oplan Tokhang” at “OPlan Double Barrel.”

Ito ay habang nananatili pa ring problema ang iligal na droga sa region 12.

 

-0-

 

23 million pesos inilaan ng TESDA at Department of Tranportation para mga nasa tranport sektor na maapektuhan ng modernisasyon ng pamahalaan sa mga public transport vehicles sa region 12.

Saklaw ng unang batch ng “Tsuper Iskolar” na makikinabang sa mahigit P23 million pesos na pondo para sa nasabing programa sa rehiyon ang may 1,500 na scholars sa region 12.

Ang nasabing pondo ay mula sa Department of Transportation o DOTr at Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.

Layun nito na mabigyan ng skills training ang mga kasapi ng transport sector na maapektuhan sa modernization program ng gobyerno sa mga public utility vehicles o PUV. Sa region 12 ang “Tsuper Iskolar” Program ay inilunsad mismo ni TESDA Director General Isidro Lapena sa Koronadal City.

Ayon kay Lapena, prayoridad ng nasabing programa ang mga Indigenous Peoples, mga dating OFW at mga sumukong rebelde.

Aminado si Lapena na karamihan sa mga nag-apply sa programa ang mga mangagawa ng mga tranport companies, myembro ng mga transport cooperatives, driver at operators associations.

Ayon kay Lapena ang mga ito ay tinukoy ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Office of Transportation Cooperative, at Land Transporation Office.

Ang mga benepisaryo ng nasabing programa ay makikinabang sa libreng skills at entrepreneurial training, assessment at P350 arawang allowance sa loob ng 35 araw. Ayon kay Lapena target din ng TESDA na mag-enroll ng mas maraming scholar sa “Tsuper Iskolar” program sa mga susunod na buwan.

 

-0-

 

Task Force Kontra Dengue ng South Cotabato, hiniling ang tulong ng mga Punong barangay sa kanilang mga programa kontra dengue

Pinulong ng Task Force Kontra Dengue ang mga kasapi ng Association of Barangay Captains o ABC sa lalawigan ng South Cotabato.

Ito ay upang hilingin ang kanilang suporta para sa pinaigting na kampanya kontra dengue sa lalawigan. Ayon kay Provincial Health Office Mosquito-borne Diseases Coordinator Jose Barroquillo, dapat ay mariing ipatupad ng mga Barangay Officials ang 4S strategy laban sa dengue.

Ang mga ito ay ang Search and Destroy mosquito breeding sites, Self Protection measures, Seek early consultation at Support fogging or spraying sa mga dengue hotspot areas.

Pinaalalahanan din ni Barroquillo ang mga Punong barangay na mariing ipatupad ang “Operation Kulob” para masira ang mga pinamamahayan ng mga lamok na nagdadala ng dengue.

Hinikayat din ni Barroquillo ang mga dumalong ABC members na pulungin din ang kanilang mga kasamahan sa munisipsyo at syudad. Ito ay upang maituro din ang mga nararapat gawin para labanan ang nakamamatay na dengue fever.

Kaugnay nito humiling naman ng suporta sa kanilang Cash/Food For Work program para sa mga volunteer sa anti-dengue drive si Banga ABC Chairman Janemfree Reyes. Ayon naman kay Joy Java ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, bago nila ibigay ang hiling ng bawat LGU kailangan muna ang rekomendasyon ng kanilang mga MDRRMC.

 

-0-

 

58 preso sa South Cotabato Provincial Jail na sumailalim sa drug test, positibo sa iligal na droga ayon sa OIC Provincial Jail Warden

Nagpositibo sa iligal na droga ang 58 mga preso ng South Cotabato Provincial Jail na sumailalim sa random drug testing. Ito ay ayon kay OIC Provincial Jail Warden Felecito Gumapac.

Ayon kay Gumapac muli nitong isinulong ang random drug testing sa mga preso ng nasabing pasilidad matapos makita sa labas ng selda ang tatlong sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Ang mga ito ayon kay Gumapac ay posibleng itinapon ng ilang mga inmate kasunod ng pinaigting kampanya kontra iligal na droga sa kulungan.

Kinumpirma ni Gumapac na kabilang sa mga nagpositibo sa illegal drugs ang umanoy ay presidente ng mga inmate at ilang mga lider ng selda. Ang mga ito ayon kay Gumapac ay inihawalay sa ibang mga preso at ipinaalaam na rin sa korte ang kanilang kalagayan.

Paliwanag ni Gumapac ilang beses na rin kasing nag-apply ang mga ito sa plea bargaining agreement ng korte para mapababa ang kanilang parusa.

Ayon kay Gumapac para walang makapuslit na illegal drugs,naghigpit pa ng seguridad ang mga gwardiya sa provincial jail. Sinabi ni Gumapac na papayagan lamang sa Provincial Jail ang transparent na mga baunan.

Tiniyak din ni Gumapac na matapos simulan ni dating Provincial Jail warden Juan Lanzaderas, tuloy pa rin ang random drug testing sa mga preso ng South Cotabato Provincial Jail.

 

-0-

 

Mahigit 100 na mga SK members sa Kidapawan City, nakatanggap ng tulong mula sa Sangguniang Kabataan officials ng lungsod

Nakatanggap ng tulong ang abot sa 103 na mga Sangguniang Kabataan o SK members na mula sa Barangay Poblacion, Kidapawan City.

Ayon kay SK federation President Cenntina Taynan, ito ay bahagi ng kanilang programa na SK Peace Mission Advocay sa ilalim ng mandato ng SK Reform Act of 2015.

Abot sa 510,000 pesos ang ibinahagi sa mga SK members na ang pondo ay mula sa 10 percent na budget ng SK sa bawat Barangay.

Sinabi ni Taynan, layon ng programa na makatulong sa mga mag-aaral sa kanilang mga bayarin sa paaralan tulad ng mga school projects at boarding house fee habang ang livelihood assistance program ay para naman sa mga out of school youth na makakatulong naman sa kanilang maliit na negosyo. Dumaan din anya sa ibat-ibang mga recommendations mula sa Purok youth officers ang mga benepisyaryo bago napili ng mga SK officials. 

Samantala, pabor naman ang opisyal sa panukalang palawigin ang Barangay at SK elections upang maipagpatuloy rin ng mga SK officials ang kanilang mga nasimulang mga proyekto. At mas maramdaman pa ng mga miyembro ang mga programa at serbisyon ng mga Sangguniang Kabataan sa lungsod.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Business forum, tampok na aktibidad ngayong araw sa Timpupo Festival sa Kidapawan City

Sa layuning madagdagan ang bilang ng mga investors sa lungsod, magsasagawa ng Business Forum ang Kidapawan City Government ngayong araw. Ito ay isa rin sa tampok na aktibidad sa pagdiriwang ng Timpupo Festival 2019 sa lungsod.

Ayon kay City Tourism Officer Joey Recimilla, sa ganitong paraan aniya ay mas lalong mapapalago pa ang business sector at mahihikayat ang mga kapitalista na mamuhunan sa Kidapawan City.

Nabatid na isa ang Kidapawan sa lumalagong lungsod sa Central Mindanao at nasa ika-labin apat na pwesto ito sa City and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) sa taong 2019 sa buong bansa.

Ang Business forum: NEGO solusyon 2019 ay magbubukas ng malaking business opportunities sa parehong local at big investors sa buong bansa. Ito ay may layuning matutukan ang mga investment priority area sa lungsod ang maisulong ang interes ng mga negosyante.

Aasahan naman ang investment priority area sa mga sumusunod: Cold Storage Facility, Medical Centre/ Hospitals, Housing/ Condominium, Hotels and Resorts, Agri-Base Manufacturing, Eco Tourism/ Recreational parks, Malls/ Retail, IT Parks at Renewable Energy.

Ang pagtitipon ng mga negosyante ay isasagawa sa JC Convention Center Barangay Lanao, Kidapawan City.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Anim ka tao, sugatan sa vehicular crash sa Makilala, North Cotabato

Sugatan ang anim ka tao matapos na magsalpukan ng dalawang mga sasakyan sa National Highway particular sa Purok 11, Barangay Poblacion, Makilala, North Cotabato alas 12:35 ng tanghali kahapon.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Mojahid Cosain Magayan,39 anyos, isang government employee, driver ng Toyota pickup at ang mga sakay nitong sina Anisa Macadato Magayan, 39 anyos, may asawa isang negosyante, Noriama Gapor Sarip 32 anyos, Rainida Limgas Gapor 26 anyos, Nassiba mapandi Botawan, at isang menor de edad na lahat nakatira sa Barangay Poblacion, Pikit, North Cotabato.

Sa imbestigasyon ng PNP, parehong binabaybay ng dalawang sasakyan ang National Highway na nasa magkasalungat na kalsada at nang pagsapit sa pakurbadang daan ay nawalan ng control ang Navara Calibre Pick-up na sasakyan na minamaneho ni Ruel Aguilar Serrano, 76 anyos na residente ng Quezon Boulevard, Kidapawan City.

Sinabi ni Makilala PNP Chief Police Major Arniel Melocotones, naikabig anya ni Serrano ang kanyang manebela sa kaliwang daan dahilan para mabangga nito ang kasalubong na isa pang pick up na minamaneho ni Magayan. Dahil sa lakas ng impact kapwa sugatan ang drayber at ang sakay ng sasakyan na mabilis na isinugod sa bahay pagamutan.(Cherry Exim

 

-0-

 

11-milyon pesos ilalaang pondo ng Provincial Government para sa Kalivungan Festival 2019

Abot sa 11-million pesos ang ilalaang pondo ng provincial government ng North Cotabato para sa pagdiriwang ng Kalivungan Festival ngayong taon.

Ayon kay Josephine Abellana, siyang Chief sa Public Affairs Assistance, Tourism, sports development division, aasahan na ngayong linggo ay ilalabas na ng kanilang tanggapan ang mga schedule ng mg activities na gagawin bago ang araw ng pagdiriwang.

Dagdag pa nito na tatlumpo’t-walong mga aktibidad ang inihanda ng probinsya kung saan ito'y nakasentro sa kultura at tradisyon ng mga taga-North Cotabato.

Nabatid na sa Agosto 26, ay pormal na magsisimula ang mga ibat-ibang aktibidad at patimpalak na magtatagal hanggang September 1, araw ng Kalivungan Festival.

Ipinaliwanang ni Abellana na ang magiging hashtag ngayong taon ay ‘HashtagBibosaKapitolyo’ dahil karamihan sa mga gagawing programa at pagdiriwang ay mangyayari sa loob mismo ng capitol grounds maliban na lamang sa mga sports activities na kailangan ng maayos na venue.

Sinabi rin ni Abellana na posibleng walang mga bigating artista at kilalang mga political figures ang darating dahil nais ng probinsya na tangkilin muna ang sariling atin at suportahan ang mga local artists.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay inuumpisahan na nila ang paglalagay ng mga humps para sa gagawing motocross competition na gaganapin sa capitol grounds. Aabangan din ang Cultural Showdown sa mismong araw ng Kalivungan Festival kung saan magiging tampok ang mga nangingibabaw na kultura sa bawat bayan ng probinsya.

Tema ng Kalivungan Festival 2019: “We are people of diverse culture to celebrate our unity peacefully coexisting in the Province of Cotabato”(Drema Bravo) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

CPP- NPA, ideneklarang persona non grata sa pitong mga Barangay sa Kidapawan City

Hindi na welcome sa pitong mga Barangay sa Kidapaang City ang mga miyembro ng New People’s Army o NPA matapos na madeklara silang Personan Non Grata.

Dala ang kanilang mga plakards na may nakasulat na mga pagkondena sa New People’s Army ay nagsagawa ng Peace rally ang mga residente kahapon bilang bahagi ng closing ceremony ng apat na araw na Peace Building Seminar na inorganisa ng 72nd Infantry battalion ng Philipine Army.

Sa naturang pagtitipon ay ibinahagi at binigyan ng dagdag na kaalaman ang mga residente hinggil sa mga hindi mabuting maidudulot ng pagsuporta o pagsampa sa armadong grupo.

Ayon kay Lt Col. Rey Alvarado, ang battalion Commander ng 72nd IB, wala umanong napatunayan o magandang naidulot sa komunidad ang presensya ng NPA kundi takot sa mga residente.

Sa pagpasok ng peace and development Program ng Philippine army ay matigil na aniya ang ginagawang panluluko at pagsakay sa issue ng mga magsasaka sa pitong mga barangay. Sa naging salaysay naman ng ilang mga residenteng ay pinangakuan umano sila ng mga NPA ng lupa at iba pa na hindi naman umano nangyari.

Sa harap ng mga residente, LGU ar Army Official ay nagdeklara ang pitong mga barangay Chairman ng Katipunan, San Roqe, Gayola, Linangkob, San Isidro, Sto Nino, at Malinan na Persona Non Grata na sa kanilang mga barangay ang mga myembro ng NPA.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

 

 

 

P34 million worth of shabu seized in Tawi-Tawi bust

COTABATO CITY - Authorities seized P34 million worth of shabu from three drug traffickers who fell in an entrapment operation Tuesday in Bongao...

Mayor Sayadi wants ML to stay, saying it helped improved city peace and order

COTABATO CITY – If she had her way, Cotabato City Mayor Cynthia Guiani-Sayadi prefers that Martial Law in Mindanao stays.

...

Cartoon characters in SoCot Christmas festival wow public

KORONADAL CITY - Cartoons are not just for kids anymore.

The South Cotabato Provincial government understands that all...

Performance management training for BTA staff held

COTABATO CITY – The Office of the Parliament Speaker organized a three-day ‘Total Performance Management (TPM)’ training for Bangsamoro...

Explosives, war materiel seized by gov't troops in Zambo Norte

ZAMBOANGA CITY - Operating troops from the Bravo Company of the 97th Infantry Battalion recovered explosives and war materiel after a clash in...