Tuesday Oct, 15 2019 04:33:50 PM

NDBC BIDA BALITA (8.12.19)

NDBC BALITA • 09:15 AM Mon Aug 12, 2019
351
By: 
NDBC NCA

NDBC BIDA BALITA 

HEADLINES:

1. MARKET GUARD, kritikal matapos pagbabarilin sa Cotabato city.

2. Mahigit 300 libong pisong halaga ng mga gamit, naabo sa sunog sa Kidapawan City kagabi.

3. TULONG sa mga kaanak ng dalawang mga mangagawa sa Koronadal City na nasawi dahil sa work-related incidents, tiniyak ng pamunuan ng DOLE 12

4. Oplan Lambat Bitag sa Carmen, North Cotabato, nakakumpiska ng 200 mga sasakyan

 

 

AT NGAYON SA DETALYE NG MGA BALITA

 

RAZED TO THE GROUND ang apat na mga establisyemento matapos lamunin ng apoy pasado alas onse kagabi sa National Highway ng lungsod partikular sa Coronica-Dayao Bldg.

Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection Kidapawan City, ang apat na mga establisyemento sa nasabing gusali ay nirerentahan ng China Gap at Concept House, Outbox Call Center, Love & Style Botique at Care and Health Insurance.

Naabo naman ang lahat ng mga gamit sa loob ng nasabing mga establisyemento kasali na ang limang mga computer units ng Outbox Call Center.

Humigit kumulang sa Php300,000.00 naman ang natalang danyos sa nasabing sunog. Dagdag pa sa ulat na nagresponde ang BFP alas 11:52 ng gabi at ideneklara ang fire-out 12:27.

Sa inisyal na impormasyon na nakuha ng BFP, nagsimula umano ang sunog sa isang establishment na nasa second floor ayon sa isang witness. Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa ply-wood ang mga partition doon.

Patuloy naman ang isinasagawang pagsisiyasat ngayon ng BFP upang alamin ang naging sanhi ng sunog. Maswerte na lamang at walang casualty sa nasabing insidente.

Nabatid na ito ang pangatlong sunog na natala ng BFP sa lungsod nito lamang 3rd quarter ng taon. Una ay ang sunog sa Padilla Blg na malapit sa Mercury drug store sa national highway ng lungsod at sinundan ng malaking sunog rin sa Kalye Putol at panghuli itong Coronica-Dayao Bldg.

 

-0-

 

NASA KRITIKAL na kondisyon ngayon ang isang market guard matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Dona Blanco Street, Boliao Uno, Barangay Poblacion Mother, Cotabato City.

Nakilala ang biktima na si JABIDIN MALANG, nasa hustong gulang, miembro ng civil security Unit ng Cotabato City arcade o old market na residente rin ng nabanggit na barangay.

Base sa inisyal na report ng City PNP, pasado alas onse ng umaga kamakalawa habang sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima nang lapitan ng suspek at pinagbabaril gamit ang cal.45 pistol.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan si Malang na ngayon ay patuloy na ginagamot sa ospital.

 

-0-

 

SAMANTALA, isang lalaki naman ang nag-aagaw buhay nang isugod sa pagamutan dahil sa tinamong mga sugat matapos umanong mabiktima ng pananaksak sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Pasado alas dos ng hapon kamakalawa nang dalhin sa DOS PNP station ang di pa nakikilalang biktima na nasa hustong gulang, katamtaman ang taas at may kapayatan na biktima umano ng pananaksak.

Agad din itong isinugod ng mga otoridad sa pagamutan ang biktima at patuloy na inaalam ngayon ang pagkakakilanlan nito.

Sa kabilang dako naman, sugatan din sa pananaga ang biktimang si ARNEL VILLAFUERTE RELATADO, 35, magsasaka na taga Purok 16, Barangay Kitacubong, Alamada, North Cotabato. 

Sa report ng Alamada PNP, pasado alas onse ng umaga kahapon habang pauwi na ang biktima nang kagatin siya ng aso kaya’t binato niya ito.

Ngunit nakita siya ng mga may-ari ng aso na sina JOEL BENITES MUESCO, 35 at EDUARDO BENITES MUESCO JR. 32 na pawang mga construction worker at sinugod.

Pinagtulungan umanong gulpihin ng mga Muesco si Relatado at tinaga pa sanhi upang isugod ang biktima sa ospital.

Samantala, sa Aleosan naman, tuluyan nang binawian ng buhay ang magsasakang si Randy Calabayan, 39 na taga Sitio Bato, Baranqay San Mateo sa bayan.

Maaalalang sinaksak ng nakatatandang kapatid nitong si Leonardo Calabayan ang biktima matapos silang magkaroon ng di pagkakaunawaan nitong August 8.

Naisugod pa sa ospital si Randy pero namatay din habang ginagamot habang ang suspek ay nakakulong na ngayon sa Aleosan PNP lockup cell matapos na boluntaryong sumuko sa mga otoridad.

 

-0-

 

NAGPAALALA NGAYON ang Department of Labor and Employment o DOLE sa mga pribadong employer na sumunod sa holiday pay rules para sa araw na ito.

Ito ay alinsunod sa deklarasyon ni Pangulong Duterte na regular holiday ngayong August 12, bilang paggunita sa Eid’l Adha o ang Islamic Feast of Sacrifice.

Sa ilalim ng pay rules, dapat na mabayaran ng employers ang kanilang mga manggagawa ng 200 percent ng kanilang sweldo para sa unang walong oras nilang trabaho.

Ang trabaho namang sumobra sa walong oras ay kinakailangang bayaran ng dagdag na 30 percent kada oras ng trabaho.

Kapag ang empleyado naman ay nagtrabaho pa rin kahit na araw ng pahinga at holiday, kailangan siyang mabayaran ng dagdag na 30 percent ng kanyang 200 percent daily rate.

Kung ang manggagawa ay hindi nagtrabaho ngayong araw ay makatatanggap pa rin siya ng 100 percent ng kanyang sahod.

 

-0-

 

PATAY ang isang rape suspect matapos na mang-agaw umano ng baril at makipagbarilan sa mga pulis sa loob mismo ng Parang PNP station.

Naisugod pa sa ospital ang suspek na si Datu Mohamad Akmad, 46 years old na taga Brgy. Manion ng bayan, pero binawian din ito ng buhay habang ginagamot sa ospital.

Sa report ng Parang PNP, ikukulong sana sa lockup cell ng naturang himpilan ang suspek at kinukuhanan lang ng mugshot nang manlaban sa mga otoridad pasado alas siete ng umaga nitong Biernes.

Nabatid na bukod umano sa kinakaharap na rape case ay may nauna ng mga nabiktima ng panggagahasa ang suspek kabilang na ang asawa ng kanyang stepson.

 

-0-

 

NAGPAHAYAG ng pakikiisa si Vice President Leni Robredo sa mga Filipino Muslim sa paggunita ng Eid’l Adha o Festival of Sacrifice.

Sinabi ni Robredo na nararapat na alalahanin ang mga biktima ng Marawi seige at iba pang Muslim refugees sa paggunita ng mahalagang okasyon ng mga Muslim

Giit ng bise presidente, patuloy na ipanalangin ang mga nabanggit na Muslim sa pagharap ng mga ito sa mga hamon ng buhay.

Dapat aniyang alalahanin ang mga Muslim na nagsasakripisyo at nagsusumikap makabangon, tulad ng mga kababayan sa Marawi city at mga Muslim refugee na nawalay sa kanilang mga pamilya at naghahangad ng mas magandang kinabukasan.

Nabatid na mahigit 100 libong mga residente ng Marawi ang apektado nang pinasok ng ISIS-inspired Maute group ang naturang lungsod noong May 23, 2017, na siyang dahilan kaya isinailalim ni Pangulong Duterte ang buong Mindanao sa batas militar.

Tumagal ng limang buwan ang kaguluhan sa Marawi hanggang sa tuluyang mabawi ng pwersa ng militar ang lungsod pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabangon mula sa pagkasira nito.

 

-0-

 

Arestado ang isang construction worker sa ikinasang buy bust operation ng mga otoridad sa Alonzo street, Barangay Rosary Heights 11, Cotabato City pasado alas dose ng tanghali kahapon.

Nakilala ang suspek na si NORODIN MAMASALIDO, Alyas ”TAGAY”, nasa hustong gulang, may asawa, at taga Project Site, Malagapas, barangay Rosary Heights 10.

Pinangunahan ni Police Station 2 commander Police Capt. RUSTUM PASTOLERO, katuwang ang PDEA BARRM ang nasabing operasyon na nagresulta sa pagkakahuli sa suspek nang mapagbentahan umano nito ng iligal na droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakuha sa suspek ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu at marked money na ginamit sa operasyon.

Samantala, huli rin isang 40 anyos na lalaki sa ikinasang buy bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Sarmiento, Parang, Maguidanao pasado alas diyes kagabi.

Kinilala ang suspek na si Junald Respicio Lingcay, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Nakuha umano sa kanya ang dalawang mga malalaking pakete ng pinaniniwalaang shabu.

Sa ngayon ay hawak na ng Parang PNP ang naturang suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ngayong araw.

 

-0-

 

Hinihikayat ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista ang mamamayan na pakipagtulungan para sa lalong ika-uunlad pa ng lungsod sa susunod pang mga taon.

Ito ang ipinahayag ng Alkalde sa naging panayam ng Radyo-BIDA kasabay ng pagsimula ng ika- 72nd foundation anniversary ng lungsod at ang pagdiriwang ng Timpupo Festival. Sinabi nitong ang “Fruits eat all you can” ang highlight ng selebrasyon upang maging sentro ng mga masasarap na prutas ang North Cotabato sa buong bansa.

Pinagsisikapan din anya ng City Government para sa mga produkto mula sa lungsod na magkaroon ng Food processing at kailangang mas pursigido pa sa paghahanap na market sa labas ng probinsya. Nabatid na noong nakaraang taon, nabigyan na ng pwesto ang Kidapawan City Fruit grower sa Cebu City upang maibenta at maipakita ang mga prutas na mula sa lungsod.

Isa din anya sa dapat na mabigyan ng solusyon ay ang transport cost dahil noong nakaraang taon ay gumastos anya ang LGU ng 80,000 pesos sa isang sasakyan. Plano ngayong bibili ng sariling refrigerated van na siyang mgadadala ng mga produkto kagaya ng prutas, gulay at bulaklak mula sa lungsod patungo sa ibang mga lugar. VC- EVANGELISTA Si Kidapawan City mayor Joseph Evagelista. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Mahigit 200 na mga sasakyan na may ibat-ibang traffic violations, naimpound sa isinagawang “Oplan Lambat Bitag” sa Carmen, North Cotabato

Mas pinaigting pa ngayon ng PNP ang kampanya kontra kriminalidad sa patuloy na isinasagawang localized lambat bitag sasakyan sa Carmen, North Cotabato.

Ayon kay Carmen Chief of Police Police Captain Jorlito Patrona, madalas din anyang ginagamit ng mga kriminal ang motorsiklo bilang getaway vehicle. Ang naturang operasyon ay naglalayon ding mapababa ang pagtaas ng bilang ng nakawan ng motorsiklo sa bayan.

Kaugnay nito, mas hinihigpitan na rin ng PNP ang checkpoint operations upang maharang ang mga kriminal. Hinihingi din ng nasabing opisyal ang kooperasyon ng mamamayan na makipagtulungan sa kanilang mga isinasagawang operasyon.

Nilinaw rin ni Patrona na hindi lamang mga motorsiklo ang kanilang hinaharang kundi maging mga 4-wheeled vehicles. Nananawagan din ito sa mga magulang na huwag hayaang magmaneho ang kanilang mga menor de edad na anak upang makaiwas na rin sa disgrasya.

Sa ngayon umabot na sa higit dalawang daang mga motorsiklo ang kanilang mga naimpound na may ibat-ibang traffic violations na karamihan ay walang driver’s license at expired ang rehistro.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Motorista, patay sa vehicular crash sa Pikit, North Cotabato

Dead on arrival sa Cruzado Medical Hospital ang isang motorista matapos na mabundol ito sa isang tricycle sa Barangay Inug-nug Pikit, North Cotabato alas 5:20 ng hapon nitong sabado.

Kinilala ang nasawi na si Amula Ayaw Pendaliday, 28 anyos, may asawa at nakatira sa nasabing lugar.

Sa naging imbestigasyon ng Pikit PNP, binabaybay ng biktima ang National Highway sakay ng kanyang Kawasaki bajaj na motorsiklo patungong Kabacan Cotabato ang direksyon at nang pagsapit sa lugar ay bumangga ito sa tricycle na minamaneho naman ni Ibrahim Mojahed, 21 anyos na taga Barangay Macabual ng nasabing bayan.

Nagtamo ng malubhang sugat sa ulo si Pendaliday na mabilis na isinugod sa ospital pero ideneklarang dead on arrival ng mga doctor dahil sa brain injury. Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Mga Sangguniang Kabataan o SK official sa Magpet North Cotabato magiging disaster responders narin ng LGU

Magiging katuwang na ng Disaster office ng Magpet LGU ang mga Sangginiang Kabataan o SK ng bawat Barangay sa pagresponde sa bawat kalamidad na tatama sa bayan.

Ito matapos maibigay na sa kanila ang tig isang motorsiklo mula sa LGU kamakalawa. Ang naturang mga motorsiklo ay gagamitin nila sa kani kanilang mga barangay bilang mga responders.

Sasanayin ng Municipal disaster risk reduction and Management o MDRRM Council ang mga SK officials ng bawat barangay na maging respondent sa panahong darating ang kalamidad sa kani kanilang mga barangay. Nitong opening ng founding anniversary ng bayan ipinamigay ang 30 mga motorsiklo.

Samantala kagabi ay kinoronahan na ang Senior High School Student ng Magpet National High School bilang mutya ng Magpet 2019. Siya ay si Danica Magsico. Ang mutya ng Magpet ay isa sa mga tampok na aktibidad sa ika 56th founding anniversary ng bayan.

Pinuno ng hiyawan ang gymnasium kung saan sampung mga kandidata ang nagpatalbugan sa kani kanilang mga suot. Highlight dito ang kanilang festival attire na gaxwa sa tahiti o walis paypay kung saan kilala ang bayan.(Mark Tayco)

 

-0-

 

Motorsiklo, tinangay ng di pa kilalang magnanakaw sa Makilala, North Cotabato

Tinangay ng di pa kilalang mga magnanakaw ang motorsiklo ng isang lalaki alas 3:30 ng hapon kahapon sa Purok Mangga, Barangay Malasila, Makilala, Cotabato.

Ayon sa biktimang si Jingle D. Lopez, pinarada lamang niya ang kanyang Honda XRM 125 motorcycle kulay asul sa harap ng kanilang bahay nang tangayin ito ng mga kawatan. Iniwan lamang ng may-ari ang kanyang motorsiklo anim na metro ang layo mula sa kanilang bahay.

Personal naman nitong inereport sa PNP at agad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang Makilala Police upang matukoy kung sino ang responsible sa pangtangay ng kanyang motorsiklo. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

 

Magbibigay ng skilled workers para sa pagpapabilis ng expansion at rehabilitasyon ng General Santos City International Airport ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.

Ipinahayag ito ni TESDA 12 Regional Director Rafael Abroga II, matapos makipagpulong sa mga opisyal ng contractor ng airport na Vicente T. Lao Construction.

Ang nasabing kompanya ay kinontrata ng Department of Transportation o DOTr para sa pagpapatayo ng mahigit P400 million na airport terminal. Ito ay kabahagi ng mahigit P900 millionna pondo ng DOTr noong 2015 para sa upgrading ng Gensan Airport Pero ang konstruksyon nito ay naantala dahil sa kakulangan ng mga mangagawa.

Ayon kay Abrogar magtatrabaho sa Gensan Airport ang mga skilled workers na nagsanay sa TESDA. Ipinahayag ni Abrogar na para mahasa pa ang mga mangagawa isinusulong din ng TESDA ang pagkakaron ng onsite training programs para sa mga ito.

Naniniwala si Abrogar na sa pamamagitan nito ay dadami ang mga skilled workers na kailangan ng umuunlad na construction industry sa region 12. Saklaw ng proyekto na target sanang matapos noong 2017 ang pagsasaayos ng water facilities, navigational equipment, power plant at iba pang pangunahing pasilidad sa Gensan Airport.

 

-0-

 

Indigenous Peoples School para sa mga Tagakaolo binuksan sa Malungon, Sarangani

Mapagaaralan na ng mga kabataang Tagakaolo sa Malungon, Sarangni tuwing weekend ang kanilang mga kultura, paniniwala at kasaysayan. Kasunod ito ng pagbubukas ng Tagakaolo School of Living Tradition o SLT sa kanilang lugar.

Itinayo ang SLT sa Barangay Lumabat dahil karamihan sa mga nakatira dito ay kabilang sa tribung Tagakaolo. Ito ay ayon kay Malungon Indigenous Peoples Mandatory Representative Monard Galgo.

Ayon kay Galgo, sa pamamagitan ng SLT ay maipapasa ng Tagakaolo tribe ang kanilang mga kultura at tradisyon sa mga susunod na henerasyon. Ituturo ng mga cultural master at cultural teachers sa mga batang magaaral sa SLT ang paggawa ng indigenous accessories, tulad ng headress, damit at maraming iba pa.

Ayon naman kay Tagakoalo Cheftain Datu Beto Angonia ang mga ito ay kanilang idi-display sa SLT. Layun nito na maipaalala sa mga batang Tagakaolo ang kahalagahan ng kanilang kultura.

Ipinahayag naman ni Sarangani Sulong Tribu Program Manager Celito Tirando na binuo ang SLT para patatagin ang IP Curriculum sa mga kalapit na public schools. Ang Sulong Tribu ay programa para sa IP Development ng pamahalaang panlalawigan ng Sarangani.

 

-0-

 

Mais sa halip na bigas isinsulong ng provincial nutrition office na malakip sa meal package para sa mga buntis sa South Cotabato

Sa halip na bigas ilalakip ng Provincial Nutrition Office ng South Cotabato sa kanilang Buntis Alagaan, Tamang Nutrisyon Kailangan o BATAK Package ang mais.

Ito ay ayon kay Provincial Nutrition Action Officer Ma. Ana Uy. Ayon kay Uy ang dinurog na puting mais na mas kilalang “tinigib” ay mas makatutulong sa kalusugan ng mga buntis.

Paliwanag ni Uy mas nakakabusog ang puting mais kumpara sa kanin na maaring maging sanhi ng diabetes. Pero nilinaw ni Uy na kasalukuyan pang isinasailalim sa laboratory test ang BATAK Package na plano nilang ilunsad sa susunod na buwan.

Binigyan diin ni Uy na sa sinapupunan pa lamang dapat ay matiyak na ang kalusugan ng sanggol sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang nutrisyon sa mga ina. Ayon kay Uy ang kalusugan at paglaki ng isang bata ay nakadepende sa kung ano ang kinakain ng mga ito.

Kaya ayon kay Uy hindi totoo na namamana o dahil sa genes ang pagiging bansot. Nabatid na ang South Cotabato ay isa sa 33 mga lalawigan sa bansa na may pinakamaraming bansot na sanhi ng malnutrisyon. Gayunpaman ayon kay Uy ang prevalence rate ng pagkabansot o stunting sa South Cotabato ay bumaba sa 9.30% noong 2018 mula sa 13.5% kumpara sa nakalipas na limang taon.

Dinagdag din ni Uy na patuloy ang pagbaba ng malnutrition rate sa South Cotabato. Sa katunayan ayon kay Uy, ang lalawigan ay naging Consistent Regional Outstanding Winner in Nutrition o CROWN awardee sa nakalipas na limang taon.

 

-0-

 

Tulong sa mga kaanak ng dalawang mangagawa sa Koronadal City na nasawi dahil sa work-related incidents tiniyak ng DOLE 12 Regional Director

Pinoproseso na ng Department of Labor and Employment o DOLE 12 ang mga benepisyo para sa mga naulila ng dalawang mga mangagawa nasawi dahil sa work-related incidents sa Koronadal City.

Ayon kay DOLE 12 Regional Director Sisinio Cano ang mga kawani ng attached agency ng DOLE na Employees Compensation Commission o ECC ay nakipagugnayan na sa mga naulila nina Rod Mark Panoy at Ronelo Lumawag. Ayon kay Cano sa pamamagitan ng Employees Compensation Program ng DOLE ang pamilya ng dalawang mga mangagawa ay makatanggap ng tig P10,000.

Matatandaan na angn utility worker na si Lumawag na ay nasawi sa pananaga ng katrabaho nito habang naglilinis sa Provincial Treasurer’s Office ng South Cotabato noong Hulyo. Habang si Panoy naman ay nasangkot sa vehicular crash habang papunta sa tinturuan nitong pribadong kolehiyo sa Koronadal noong Hunyo.

Kaugnay nito, binigyan diin ni Cano na mahalaga sa mga mangagawa ng region 12 na malaman ang mga programang maaring mapakinabangan sa DOLE.

Ayon kay Cano ang DOLE ay may iba pang attached agency tulad ng ECC na may inilaang benepisyo sa mga mangagawang naaksidente o nasawi dahil sa trabaho. Sakop nito ang mga mangagawa sa goberyno at pribadong sektor.

 

 

 

 

Bishops push for greater mining accountability

KIDAPAWAN CITY - Mindanao bishops have joined the initiative for the government to hold mining firms accountable for the environmental and...

The Word of God is living and effective

Reading 1ROM 1:16-25

Brothers and sisters:
I am not ashamed of the Gospel.
It is the power of God for the...

MILF infighting sends civilians fleeing

DATU MONTAWAL, Maguindanao  – A long standing territorial dispute between members of Moro Islamic Liberation Front in Maguindanao erupted...

NDBC BIDA BALITA (10.15.19)

HEADLINES:

1. KAWANI ng BARMM Ministry of Education, patay sa pamamaril ng riding tandem suspects sa Cotabato...

Explosion rip through premises of church in Datu Piang

MAGUINDANAO --- A grenade blast rocked late Monday the vicinity of a Catholic church in Datu Piang town that a militant bloc that...