Saturday Aug, 24 2019 09:55:02 PM

NDBC BIDA BALITA (8.1.19)

NDBC BALITA • 08:45 AM Thu Aug 1, 2019
220
By: 
NDBC NCA

NDBC NEWSCAST
7:00 AM

HEADLINES:

1. MAHIGIT 1,600 mga pamilya, lumikas mula sa North Cotabato at Maguindanao bunsod ng nagpapatuloy na operasyon ng militar laban sa BIFF.

2. KASO ng pagbaril at pagpatay sa radio broadcaster sa Kidapawan City, nagkakalinaw na, ayon sa PNP

3. RESOLUSYON na magbabawal sa pagsangla ng ATM cards ng 4Ps beneficiaries, hiniling ng DSWD 12 sa Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato

4. Mga nakumpiskang illegal drugs, susunugin ng PDEA-BARMM

 

-0-

 

Local………………..

TINATAYANG nasa 1,600 mga pamilya ang lumikas bunsod ng nagpapatuloy na pursuit operation ng militar laban sa ekstremistang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa North Cotabato at Maguindanao.

Nabatid na sa ngayon ay nasa kabuuang 1,691 families ang lumikas mula sa Pikit, North Cotabato at Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao para makaiwas sa mga engkwentro.

Sa tala ng Pikit Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office hanggang nitong July 29, nasa 606 families ang lumikas mula sa Barangay Dasawao ng Shariff Saydona Mustapha.

Pansamantalang nasa Barangay Makasendeg, Paidu Pulangi at Kabasalan sa Pikit ang mga lumikas mula sa nabanggit na bayan.

Habang nasa 1,085 families naman ang lumikas mula sa kanilang mga bahay pero nanatili pa rin sa bahagi ng Shariff Saydona Mustapha.

Kaugnay nito ay nananawagan ngayon ng tulong ang Pikit LGU sa iba pang mga ahensya ng gobyerno at mga humanitarian organization para magbigay ng tulong sa mga bakwit.

 

-0-

 

 

 

 

-0-

 

Chairperson ng naturang konseho si Cotabato city mayor Cynthia Guiani kasama ang ilang mga kilalang lider mula sa local government unit, media, academe, government agencies, business sector, NGOs at youth sector.

Naungusan na ng Regional Advisory Council 12 ang region 13 na pumangalawa lamang at ikatlo naman ang Cordillera region.

Sinabi ni Guiani na malaking karangalan para sa rehiyon ang manguna sa buong bansa at patunay lamang aniya ito na matagumpay ang mga programa ng kanilang konseho batay na rin sa PNP Peace and Order Agenda for Transformation and Upholding of the Rule of Law o PNP P.A.T.R.O.L Plan 2030.

Bukod dito, ayon kay mayor Guiani, nanguna rin ang Cotabato City sa may pinaka-epektibong City Anti-Drug Abuse Council sa buong region 12.

 

-0-

 

PATAY ang mag-asawa habang isa pa ang sugatan sa pananaksak sa Datu Abdullah Sangki, Maguindanao.

Nakilala ang mga napatay na sina Danilo Victorino, 66 anyos at asawa nitong si Adelina, 63 habang sugatan naman si Nowie Mayoga, 41, na pawang mga residente ng Brgy. Mao, Datu Abdullah Sangki.

Sa report ng PNP-BARMM, bigla na lamang umanong dumating sa tahanan ng mga Victorino ang suspek na nakilala namang si Alfred Paz.

Agad na inundayan ng saksak ng suspek ang mag-asawa at maging si Mayoga at mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo pagkatapos gawin ang krimen.

Nagtamo ng maraming sugat sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan ang mag-asawa na agad binawian ng buhay habang naisugod naman sa pagamutan si Mayoga.

Sa ngayon ay inaalam pa ng PNP kung ano ang motibo ni Paz sa pagpatay sa mga biktima at patuloy din syang tinutugis ng mga otoridad.

 

-0-

 

NASA LIGTAS ng kalagayan ang dalawang mga sundalong nasugatan nang sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng militar at New People’s Army o NPA sa Lumba Bayabao, Lanao del Sur.

Sinabi ni Army’s 49th Infantry Battalion commander Lt. Col. Edgar Allan Villanueva na nadiskubre kasi ng ilang mga sundalo ang isang kampo ng NPA sa naturang bayan.

Sa naantalang report, nagkaroon umano ng pagsabog ng improvised explosive device o homemade bomb sa lugar dahilan para masugatan ang dalawang mga sundalo nitong Linggo.

Ani Villanueva, iniulat ng mga residente na mahigit isang buwan nang nananatili ang mahigit 50 mga armadong lalaki sa lugar matapos magtayo ng kampo doon.

Kaya naman agad na nagkasa ng operasyon ang mga sundalo sa kampo at napag-alamang ginagamit ito bilang medical training facility ng mga rebelde.

 

-0-

PATAY na nang matagpuan ang 39-anyos na binata sa Midsayap, North Cotabato.

Natagpuan kahapon ng tanghali ang bangkay ni Edgar Dasmariñas ng barangay Poblacion 4, Midsayap na palutang-lutang sa irrigation canal sa naturang lugar.

Nabatid na lasing umanong naligo si Dasmariñas sa irrigation canal kahapon ng madaling araw kaya’t nalunod at tanghali na nang matagpuan ang bangkay nito.

Samantala, PATAY ang isang lalaking angkas ng motorsiklo matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis na nagsasagawa ng checkpoint sa Sitio Malingaw, Brgy. GT Biruar, sa Parang, Maguindanao pasado ala una ng hapon kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Rogelio Biadog Calderon, may asawa at taga Barangay Nituan ng bayan.

Sinabi ni Parang PNP chief, Police Lt. Col. IBRAHIM JAMBIRAN na dumaan umano ang motorsiklong walang plaka na sinasakyan ni Calderon kaya’t sisitahin sana ito ng mga pulis sa checkpoint.

Pero bigla na lamang umanong bumunot ng baril si Calderon dahilan para paputukan siya ng mga otoridad.

Nagtamo ng maraming tama ng bala si Calderon na agad binawian ng buhay habang nasa ligtas namang kondisyon ang kasama nitong nagmamaneho ng motorsiklo.

Nakuha sa crime scene ang cal. 38 revolver at anim na mga bala, isang malaking pakete ng hinihinalang shabu, aluminum foil at iba pang empty plastic sachets.

Narekober din sa crime scene ang siyam na pirasong fired cartridges ng cal. 45 pistol at isang fired bullet.

Samantala, ayon kay Jambiran, nakatakas ang driver ng motorsiklo sa hindi natukoy na direksyon at ngayon ay patuloy pang pinaghahanap ng mga otoridad.

 

-0-

 

SUSUNUGIN NA bukas, araw ng Biernes, ang mga nakumpiskang iligal na droga ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA–BARMM sa pamamagitan ng thermal destruction.

Sinabi ni PDEA- BARMM Director Juvenal Azurin na susunugin ang naturang mga illegal drug sa Lamsan Industries Incorporated sa Sultan Kudarat, Maguindanao.

Ayon kay Azurin, ang aktibidad ay sasaksihan ng Media, mga opisyal ng militar, pulisya, at mga kinatawan ng Civil Society Organization, LGU, at mga huwes at abogado mula sa Public Attorney’s Office.

Nilinaw naman ni Azurin na ang susunuging illegal drugs ay na-iprisenta sa korte bilang mga ibidensya sa mga pagdinig sa mga kaso ng drug suspects.

 

-0-

 

Kidapawan City Government, planong magpasa ng Anti- Dengue City ordinance

Pinaplano na ngayon ng lokal na pamahalaan na magpasa ng isang Anti- Dengue Ordinance sa Kidapawan City.

Layon ng nasabing ordinansa na makontrol ang pagdami ng mga nagkakasakit ng dengue at oobligahan ang komunidad at mamamayan na gawing pang araw-araw ang kamnpanya kontra dengue. Ito ay makakatulong din anya sa lahat na maging ligtas at malayo sa sakit na dengue ang mamamayan ng lungsod.

Batay sa datus, abot na sa 483 na dengue cases ang natala at ang Barangay Poblacion ang may pinakamaraming kaso mula enero hanggang hulyo 26 ng taon at isa ka tao na ang nasawi.

Dumalo sa nabanggit na Anti- dengue Forum ang mga Kapitan at mga kagawad na namumuno sa Committee on health ng kada barangay.

Ayon sa pag-aaral, noon ay nakukuha lamang ang dengue virus sa lamok na infected nito samantala ngayon ay maari ng mapasa ng inang lamok sa kanyang mga itlog ang dalang virus.

Kung kaya’t ang bawat komunidad ay malaki ang ginagampanng papel lalo na sa pagpapanatili ng malinis na kapaligiran. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Kaso ng pagpatay sa isang radio broadcaster sa Kidapawan City, case-cleared na ayon sa PNP

Case cleared na kung ituring ng Special Investigation Task Group ng PNP ang kaso ng pagpatay sa radio broadcaster na si Eduardo ‘Ed’ Dizon.

Si Dizon ay pinatay sa isang ambush noong July 10 ng gabi habang papauwi na ito mula sa kanilang radio station na Brigada News FM.

Ayon kay PNP Spokesperson Lt. Col Bernard Tayong, case-cleared na ang nasabing kaso dahil apat na mga suspek ang tukoy na nila sa ngayon kung saan tatlo dito ay nasampahan na ng kaso sa piskalya habang patuloy namang iniimbestigahan ang isa pa.

Ang natukoy namang apat na mga suspek sa pagpatay kay Dizon ay base na rin sa nakalap ng PNP mula sa mga kuha ng CCTV footages at mga witness sa naturang kaso.

Nabatid na noong Hulyo a-22 ay naisampa na ng pulisya ang kasong murder laban sa tatlo.

Dagdag pa ni Tayong na at-large ang nasabing mga suspek sa ngayon habang ipinaliwanag naman nito na ang isang hindi pa tukoy na suspek ay patuloy ngayong pinag-aaralan ng task group dahil idinadawit pa ito sa tatlo.

Samantala, may mga tinututukang anggulo ngayon ang PNP dahilan kung bakit hindi pa maaaring isiwalat ng pulisya ang malalim na dahilan ng pagbaril kay Dizon. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Public School Teacher na isang wanted person, arestado sa Mlang, North Cotabato

Arestado ang isang public school teacher na wanted sa batas matapos namataan ng personahe ng Mlang PNP, alas syete kagabi sa Purok 1, Brgy Calunasan, Malng, North Cotabato.

Kinilala ang naaresto na si Gerlie Lumbay Villagonzalo, 38 years old, may asawa na residente ng nabanggit na lugar at guro sa New Lawaan Elementary School ng bayan.

Ayon sa ulat ng Mlang PNP, naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Jose Tabaosares ng RTC 12, Branch 16, Kabacan, North Cotabato na may petsang July 24, 2019.

Si Villagonzalo ay may kasong paglabag sa RA 7610 o violation of slight physical injuries sa ilalim ng article 266 ng Revised Penal Code. Dagdag pa sa ulat na isang bata umano ang pinagbuhatan ng kamay ng nasabing guro kaya ito sinampahan ng kaso.

Nakapiit na ngayon sa custodial facility ng Mlang PNP ang suspek at kakarahapin ang kasong isinampa laban sa kanya.

 

-0-

 

2 Substations ng Cotabato Electric Cooperative o Coteleco 

Itatayo sa Kidapawan City at Carmen, North Cotabato All-set na ang konstruksyon ng dalawang Power Substations ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco na inaasahang makokompleto ngayong taon.

Isang 20MVA ang itatayo sa Kidapawan City habang 5MVA substation naman sa bayan ng Carmen na inaasahang tutugon sa Low Voltage at tumataas na power demand.

Ayon kay Cotelco General Manager Engr Godofredo Homez, mabilis na tumataas ang peak demand dahil sa dumaraming konsumante at malapad na Service area ng Cotelco dahil ng Sitio Electrification Program.

Ang pondo ng proyekto ay kinuha mula sa Capital Expenditures na inaprobahan ng Asembliya sa taong 2015.

Paliwanag ni Homez, lagpas na sa peak demand ang Kidapawan City kaya’t minamadali ang pag aasikaso ng proyekto upang maiwasan ang power shortage. Sa ngayon, nirerepaso na ng Cotelco ang mga kinakailangang dokumento kasabay ang preparasyon ng project-site at ang pagtayo ng 69KV lines.

Target ng Cotelco na maging operational ang dalawang substations bago magtapos ang taong 2019.

 

-0-

 

Mga aplikante sa kanilang mga scholarship programs tinatanggap na ng OWWA region 12

Mayroon lamang hanggang August 23,2019 para magsumite ng kanilang mga requirement ang mga aplikante sa mga scholarship program ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA region 12. Ito ay ayon kay OWWA 12 Officer-in-Charge Kristine Sison.

Ayon kay Sison maaring mag-apply sa kanilang Education for Development Scholarship Program o EDSP ang mga kapatid o dependent ng single na OFW na active member ng OWWA.

Ang mga ito dapat ay graduating sa Grade 12, 21 years old and below at may average na 80% pataas o kabilang sa upper 20% ng kanilang batch.

Ayon kay Sison pwede namang makinabang sa Congressional Migrant Workers Scholarship Program o CMWSP ang mga migrant workers na 45 years old and below, high school graduate, may 80% above average , walang failing grade at hindi nakatapos ng second year college. Pwede ring mag-apply sa CMWSP ang grade 12 na anak ng isang OWWA member na hindi lalagpas sa 21 years old.

Ang mga benepisyaryo ng nasabing mga scholarship program ay makatatanggap ng tig P60,000 na educational assistance kada taon.

Ayon kay Sison ang qualifying examanation sa mga ito ay pangungunahan ng Department of Science and Technology. Nanawagan naman si Sison sa mga nais mag-apply sa kanilang mga scholarship program na tumungo sa OWWA 12 Office sa Koronadal City dala ang kanilang mga kinakailangang dokomento.

 

-0-

 

Resolosyon na nagbabawal sa pagsanla ng ATM cards ng 4Ps benefeciary hiniling ng mga opisyal ng DSWD 12 sa Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato

Nakahanda si South Cotabato Board Member Henry Ladot na pagaralan ang posiblidad na pagbalangkas ng resolosyon na mariing nagbabawal sa mga 4Ps benefeciary na isanla ang kanilang cash card o ATM cards. Ayon kay Ladot ito ay kanya pang isasanguni sa mga kasamahan sa konseho.

Sinabi ni Ladot na kasabay din nito pag-institutionalized sa backyard gardening . Ito ang tugon ni Ladot sa hiling ng Department of Social Welfare and Development na tulungan sila na maresolba ang pagsanla ng ATM card ng mga 4Ps benefeciary.

Ayon naman kay Hilal Marohom ng DSWD 12 mahigit 40,000 pa lamang sa may 400 thousand 4Ps benfeciary sa rehiyon ang nakakuha ng benepisyo gamit ang kanilang cash card.

Ipinahayag ni Marohom na hinihiling din nila sa SP ang pag-institutionalized sa pamamagitan ng ordinsa sa backyard gardening. Layon nito ayon kay Marohom na mahikayat ang mga 4Ps benefeciary na magtanim at hindi lamang umasa sa tulong ng gobyerno.

 

-0-

 

Paniningil sa rabies vaccination ipinaliwanag ng provincial veterinarian ng South Cotabato Maaring ipatutupad na ng Provincial Veterinary Office ang P50 pesos na singil sa rabies vaccination bago magtapos ang 2019.

Paliwanag ni Provincial Veterinarian Dr. Flora Bigot paubos na rin kasi ang alokasyon ng rabies vaccine ng Bureau of Animal Industry BAI sa lalawigan. Dinagdag din ni Bigot na ang paninigil sa pagpapabakuna ng mga alagang hayop ay nakasaad sa revenue code ng South Cotabato.

Ayon kay Bigot aasahan na ng publiko ang paninigil nila sa rabies vaccination sa susunod na taon. Pero sa ngayon ayon kay Bigot, ay libre pa ang ginagawa nilang rabies vaccination sa bayan ng Polomolok. Ipinahayag ni Bigot naipatupad nila ang rabies vaccination sa pito pa lamang sa sampung mga bayan sa South Cotabato.

Sinabi nito na kapag kinulang na ang rabies vaccine, bibili na ang provincial government para matapos ang kanilang anti rabies vaccination.

Ayon kay Bigot hihilingin din nila sa mga lokal na pamahalaan na magbigay ng counterpart sa rabies vaccination sa susunod na taon.

 

0-0

 

 

Wildlife Rescue Center na una sa rehiyon, pinasinayaan ng DENR region 12

Matatagpuan ang kauna unahang Regional Wildlife Rescue Center sa Sultan Kudarat State University o SKSU-Lutayan Campus sa barangay Blingkong,Lutayan, Sultan Kudarat.

Nanguna sa pagpapasinaya sa nasabing pasilidad ang mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources o DENR Region 12. Itinatag ito ng ahensya bilang pagtalima na rin sa “Wildlife Resources Conservation and Protection Act.”

Layon nito na mapaigting ang pangangalaga sa mga wildlife specie. Ito ay ayon kay DENR 12 Conservation and Development Division Chief Ali Hadjinnaser. Ayon kay Hadjinnaser maari ring pagaralan ng mga wildliffe enthusiast sa may 2,500 squarte meter pasiliad ang tamang pangangalaga sa mga mahuhuling wildlife specie sa region 12.

 

0-0-

 

Dengue Cases sa South Cotabato tumaas kahit na isinailalim na sa State of Calamity ang lalawigan

Sa kabila ng deklarasyon ng state of calamity dahil sa dengue ourbreak tumaas pa rin ang dengue cases sa South Cotabato. Mula sa mahigit 3,000 noong nakaraang linggo umabot na sa 4,172 ang dengue cases ngayong sa lalawigan.

Ayon kay Assistant Provincial Health Officer Dr. Alah Baby Vingno ito ay mas mataas naman ng 177% kumpara sa kanilang naitala mula Enero hanggang buong buwan ng Hulyo noong nakaraang taon.

Nakapagtala naman ng clustering ng dengue cases ang provincial health office sa ilang mga barangay ng Koronadal, Banga, Norala, Tampakan, Tantangan, T’boli, Surallah at Tupi. Paliwanag ni Vingno may clustering ng dengue kapag nakapagtala ng tatlong kaso ang isang barangay sa magkasunod na tatlong linggo.

Dinagdag ni Vingno na nasa outbreak level pa rin ang kaso ng dengue sa mga nasa state of calamity na mga bayan ng Norala at Sto. Nino. Ito ay kahit bumaba pa ang dengue cases sa nasabing mga lugar nitong nakalipas na araw.

Kinumpirma din ni Vingno na mula sa 21 noong nakaraang linggo umabot na rin sa 22 ang nasawi dahil sa dengue fever sa South Cotabato. Pinakamaraming apat sa mga ito ay naitala sa Surallah,tig tatlo sa Koronadal at Polomolok, tig dalawa sa Banga, Santo Nino, Tampakan, T’boli, at Norala at may tig iisa ang Tantangan at Tupi.

Para mapaigting ang kampanya kontra dengue inabpurbahan ng Sangguniang Panlalawigan ang mahigit P15 million na pondo para dito.

Gagamitin ang pondo sa pagsagawa ng malawakang information education campaign, medical, burial at hospitalization assistance sa mga biktima, mga gamit sa fogging at misting operations, cash for work program , province wide voluntarily blood profiling program at maraming iba pa.

Cotabato City bags 8 awards from DOH

COTABATO CITY - Cotabato City got not just one, not just two, and not even just three, but eight awards during the 2019 Regional Awarding...

DFA-Basilan gov't passport services gains headway

BASILAN  - More than a thousand residents have benefited from the joint passport processing program of the office of Gov. Jim Salliman and...

Gun licensing amnesty program for BARMM recommended

COTABATO CITY --- Peace advocates wants a firearm licensing amnesty for civilians in the Bangsamoro region to complement the...

NDBC BIDA BALITA (8.24.19)

HEADLINES:

1. OPERASYON ng Small Town Lottery o STL sa Cotabato City at South Cotabato, posibleng sa Setyembre pa umano...

PNP acquires 10 new choppers

DAVAO CITY--The Philippine National Police (PNP) has acquired 10 new helicopters to further enhance its crime-fighting capability, an...