Saturday Aug, 24 2019 09:47:23 PM

NDBC BIDA BALITA (8.10.19)

NDBC BALITA • 21:00 PM Sat Aug 10, 2019
188
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. PAMILYANG naulila ng mga biktima ng Maguindanao massacre, inaantabayanan na ang nalalapit na desisyong ilalabas na hatol ng DOJ laban sa mga akusado.

2. Militar, kinumpirma ang recruitment activity ng makakaliwang grupo sa ilang mga lugar sa North Cotabato

3. Utility worker sugatan sa panghahagis ng granada sa sub-station ng PNP sa T’boli, South Cotabato

 

SA DETALYE NG MGA BALITA.....

 

MAGKAHALONG TUWA at pangamba ang nararamdaman ngayon ng

mga pamilyang naulila ng mga biktima ng Maguindanao massacre kaugnay sa nalalapit na paglalabas ng hatol ng Department of Justice o DOJ laban sa mga akusado sa krimen na nangyari halos sampung taon na ang nakakaraan sa Ampatuan, Maguindanao.

Sinabi ni Justice Now Movement president Emily Lopez na hindi na sila makapaghintay sa magiging desisyon ng DOJ na sampung taon na nilang inaasahan.

Ngunit aniya, nangangamba rin sila sa posibleng maging resulta ng kaso dahil sa pagbabalik sa posisyon sa pamahalaan ng ilan mga itinuturong nasa likod ng naturang krimen.

Ayon kay Lopez, nagpapatuloy ang ginagawa nilang pagpupulong kada buwan kasama ng mga pamilya ng mga biktima kaugnay sa kanilang ipinaglalabang hustisya.

Samantala, sinabi naman ni Maguindanao 2nd district Cong. Toto Mangudadatu na kampante siya sa ilalabas na desisyon ng korte sa kaso at umaasa siyang mangyayari ito bago ang 10th anniversary ng masaker sa November 23.

Matatandaang sa naturang masaker, 58 katao ang nasawi kabilang ang asawa at mga kaanak ni Mangudadatu at ang mahigit 30 mga miyembro ng media.

 

0-0

 

BUKAS NA, August 11, isasagawa ang congressional prayer ng mga mananampalatayang Muslim kaugnay ng pagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice na isa sa mga mahahalagang okasyon sa Islam.

Idineklara na rin ni P. Duterte na regular holiday ang araw ng Lunes, August 12 para sa naturang pagdiriwang.

Sinabi ni BARMM Regional Darul Iftah Grand Mufti Abu Huraira Udasan na ang Eid’l Adha ay bilang pag-alala sa pagtanggap at pagsunod ni Ibrahim sa utos ni Allah na isakripisyo ang sarili nitong anak alang-alang sa kanyang pananampalataya.

Hudyat din ito ng pagsisimula ng taunang pilgrimage sa Mecca ng mga Muslim.

 

 

-0-

 

Patay ang 39 anyos na lalaki nang pagsasaksakin siya ng sariling kapatid pasado alas nuebe ng gabi kamakalawa sa Sitio Bato, Barangay San Mateo Aleosan, North Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Randy Calambro, may asawa habang ang suspek na kanyang nakatatandang kapatid nito ay nakilalang namang si Leonard Calambro, 44 anyos.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lango sa alak ang suspek nang nagkaroon ng mainit na pagtatalo sa biktima hanggang sa pinagsasaksak nito ang kapatid gamit ang kutsilyo.

Naisugod pa sa ospital si Randy pero binawian din ito ng buhay habang ginagamot.

Boluntaryo namang sumuko si Leonard sa PNP at nakatakdang sampahan ng kasong homicide.

 

-0-

 

NAG-ALOK ng 200 libong pisong pabuya ang pamunuan ng Maguindanao Electric Cooperative o MAGELCO para sa mga makakapagbigay ng mahahalagang impormasyon na makakatulong sa mabilis na paglutas ng kaso ng pamamaril sa dalawang mga opisyal nito sa Purok Ummah, Brgy Upper Capiton, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Nakilala ang mga biktima na sina Elcialyn Paguital, 34-anyos, auditor ng Magelco at Eduardo Longakit, 45 anyos, may asawa, na district manager naman ng kooperatiba.

Maalalang nag-uusap lamang ang mga biktima sa harap ng tahanan ni Paquital nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek.

Sa ngayon ay patuloy na nagpapagaling ang mga biktima sa isang pagamutan sa Cotabato City.

May mga tinututukan ng suspek ang pulisya kaugnay ng naturang kaso pero nangangailangan pa ang mga ito ng dagdag na mga ebidensya at mga testigo.

 

-0-

 

Kidapawan City LGU, iniimbitahan ang publiko sa dalawang araw na “Lumba sa Kabayo” na isa sa mga aktibidad ng Timpupo Festival sa lungsod

Magsisimula na ngayong umaga ang dalawang araw na “Lumba sa Kabayo” na isa sa mga tampok na aktibidad ng timpupo festival sa Kidapawan City. Sinabi ni Romy Elsufa na siyang organizer ng aktibidad, ito ay isasagawa sa Barangay New Bohol ng lungsod alas 8:00 ngayong umaga.

Aasahan naman na makikilahok ang mahigit sa walumpung mga kabayo na mula sa ibat-ibang horse association sa Visayas at Mindanao na may ibat-ibang kategorya. Bukas naman ang championship round sa mga nanalong kabayo na lalaban uli sa motorsiklo.

Anya, handa na ang lugar kung saan isasagawa ang aktibidad at maging ang contingency plan kung may di inaasahang pangyayari at nakastandby na ang mga tauhan ng 911 at City health office. VC- ELSUFA Romy Elusfa na siyang organizer ng “Lumba sa Kabayo”. Samantala, iniimbitahan naman ang lahat at nilinaw nitong ito ay libre. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Lalaki, huli sa isinagawang anti-illegal drug operation ng PNP sa Kidapawan City

Arestado ang isang drug suspek sa isinagawang drug operation ng City PNP pasado alas 4:00 ng hapon kahapon sa Bautista Street, Poblacion Kidapawan City.

Kinilala ng PNP Chief Police Lt. Col Ramel Hojilla ang naaresto na si Judy Tupaz Vasquez, 38 anyos, may asawa at nakatira sa nasabing lugar. Naaresto ang suspek matapos isagawa ang buy-bust operation ng PNP, RPDEU 12 at PDEA region 12. Nakuha sa kanya ang isang sachet ng pinaghihinalaang ilgal na droga at 500 peso bill na marked money.

Siya ay nakakulong na custodial facility ng City PNP at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive dangerous drugs Act of 2002. Samantala, naaresto din ang mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-North Cotabato ang lalaki na wanted sa kasong child abuse.

Nakilala ang suspek na Ramie Bigasin na taga Nursery Phase 2, Poblacion ng Kidapawan City. Siya ay may kasong paglabag sa anti-child abuse act o Republic Act 7610 na inisyu ni Judge Jose Tabosares ng Regional Trial Court branch 23 ng Kidapawan City. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Dalawang mga carnapping suspects, huli sa Mlang, North Cotabato

Huli ng Mlang PNP ang dalawang mga carnapping suspects alas 4:00 ng hapon kamakalawa sa Purok 6A New Antique Mlang, North Cotabato. Ang mga suspek na sadyang hindi kinilala sa report na parehong mga Children in conflict with the Law na kapwa 18 years old at 12 anyos.

Nahuli ang dalawa sa tulong isang Barangay kagawad matapos makuha ang isang Kawasaki bajaj na motorsiklo na may license plate 5895 na pagmamay-ari ng isang Ronilo Dalisay Guillermo, 44 anyos, isang mgasasaka na nakatira sa lugar.

Ayon sa biktima, tinangay ng mga suspek ang kanyang motorsiklo alas 7:00 ng umaga kamakalawa habang nakaparada lamang malapit sa kanilang tahanan. Nasa kustudiya nan g PNP ang 18 anyos na suspek habang ang menor de edad ay nasa kustudiya ng WCPD section. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Militar kinumpirma na may recruitment activity pa rin ng makakaliwang grupo sa ilang lugar North Cotabato

Kinumpirma ng militar na may mga ginagawang recruitment activity parin ang rebeldeng grupo sa ilang mga lugar sa North Cotabato. Ito ang ipinahayag ni 72nd Infantry Battalion commander Lt. Col Rey Alvarado ng Philippine army na nakabase sa Magpet, North Cotabato.

Ayon sa kanya, sa pamamagitan ng Community Support Program, na direktiba ng higher headquarters lalo na sa mga kabataan upang hindi na umanib sa kaliwang grupo.

Dagdag pa ng opisyal, may mga namonitor pa rin ngayong sa ilang lugar sa lalawigan na mga kabataan na sumasali sa grupo.

Ang mga pangako at pagbibigay ng pera ang dahilan na nahihikayat ang mga menor de edad. Sinabi din nitong target ng grupo ang nasa IP community lalo na ang kulang sa edukasyon at kulang sa impormasyon.

Kaugnay nito, muling nagpa-alala ang militar na handa ang gobyerno na sila ay protektahan ang mga nais na bumalik sa pamahalaan. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Estudyanteng ina sa Mlang Cotabato, umani ng paghanga sa social media na dala ang kanyang 1 taong gulang na anak habang nag-aaral

Umani ng paghanga sa mga netizen ang isang estudyanteng ina na dala-dala ang kanyang isang taong gulang na anak habang siya ay nag-aaral sa Barangay Sangat, Mlang North Cotabato.

Siya ay si si Paula Cereneo, 21 anyos na isang single mother at nag-aaral sa Southern Baptist College na residente din ng nasabing lugar. Sa kanyang kwento, pursigido anya siya na makapagtapos ng pag-aaral upang maitaguyod ang kanyang anak.

Kakayanin ang pagdadaanang hirap bilang isang estudyante at isang ina makapagtapos lamang ng pag-aaral at maging isang guro. Pinayuhan naman nito ang kanyang kapwa mag-aaral na huwag pumasok sa isang bagay na hindi pa sigurado at hindi napaghahandaan .

Humanga naman sa kanya ang kanyang mga kaklase dahil ipinakitang pagsisikap na makapagtapos sa pag-aaral at hindi hadlang ang kanyang pinagdaanan. Isa lamang si Cereneo na mga taga North Cotabato na hindi ikinahihiya ang sitwasyon upang makamit ang pangarap sa buhay. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Sugatan ang isang electrician matapos barilin ng di pa nakikilalang suspek sa national highway na sakop ng Barangay Crossing Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si MOHAMMAD ABDULLAH, 49 anyos, residente ng nabanggit na lugar.

Base sa inisyal na ulat, pasado alas syete ng gabi habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo pauwi ang biktima nang pagbabarilin ng suspek gamit ang shotgun.

Agad namang tumakas ang suspek matapos gawin ang krimen.

Nagtamo ng mga tama sa katawan ang biktima at ngayon ay patuloy na nilalapatan ng lunas sa ospital.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Sultan Kudarat PNP upang matukoy ang suspek at motibo nito sa tangkang pagpatay sa biktima.

 

-0-

 

Comelec may itinakda nang araw sa filing ng certificate of candidacy para sa election sa unang legislative district ng South Cotabato at lone district ng Gensan

Tatanggap ng certificate of candidacy ng mga nais kumandidato sa unang Distrito legislative district ng South Cotabato at lone district ng Gensan ang Comelec sa August 26 hanggang 28. Kinumpirma ito ni South Cotabato Provincial Election Supervisor Attorney Jay Gerada.

Sinabi ni Gerada na ang COC ng mga kakandidato sa first district ng South Cotaobato ay maaring I-file sa Provincial Comelec Office sa Koronadal City. Habang tatanggap naman ng COC ng mga kakandidato sa lone district ng Gensan ang Comelec sa nasabing syudad.

Sasakupin ng unang legislative district ng South Cotabato ang mga bayan ng Tampakan, Tupi, at Polomolok. Ayon kay Gerada, gagamitin pa rin ng Comelec sa Special election sa Oktobre 26 ang book of voters o listahan ng mga botante noong May election.

Ibig sabihin nito ayon kay Gerada hindi maaring makaboto sa special election ang mga nagpaparehistro ngayong Agosto at Setyembre. Sinabi ni Gerada na automated pa rin ang nasabing special election. Matatandaan na hindi natuloy ang eleksyon noong Mayo kasunod ng pagtatag ng hiwaly na distrito ng Gensan sa first district ng South Cotabato

 

-0-

 

Tulong ng publiko para mapangalagaan ang marine wildlife sa Sarangani Bay hiniling ng Sarangani Bay Protected Seascape-Megafauna Response team, kasunod ng pagkakatuklas ng patay na pawikan sa Alabel

Umaapela ang mga kasapi ng Sarangani Bay Protected Seascape-Megafauna Response Team sa mga mamamayan na nasa mga bayabayin na proteksyunan ang mga yamang dagat sa Sarangani Bay..

Kasunod ito ng pagkakadiskubre nila sa patay na pawikan o sea turtle sa baybayin ng Barangay Maribulan,Alabel, Sarangani noong nakaraang linggo. Ayon sa Marine Biologist at Megafauna Response Team Veterinarian Dr. Roy Mejorada, maaring nailigtas pa sana ang nasabing pawikan. Ito ay kung naging alerto ang mga mamamayan sa monitoring sa mga na-stranded na yamang dagat at pag-report sa mga otoridad sa mga lumabag sa environmental law.

Ayon kay Mejorada, natuklasan kasi nila na may sugat sa palikpik ang pawikan na tinangay ng alon sa tabing dagat. Matatandaan na isang patay din at sugatang pygmy whale ang natagpuan ng mga mamamayan sa Barangay Taluya, Glan noong Mayo.

Ayon sa mga kasapi ng Megafauna Response Team mahalaga ang mga yamang dagat na ito para mapanatiling balanse ang ecosystem. Ito ang dahilan kugn bakit ayon sa nasabing grupo mahalaga ang pagtutulungan ng lahat ng sektor sa pangangalaga ng Sarangani Bay Protected Seascape.

 

-0-

 

Wanted na nakipagbarilan sa kanila, inaresto ng mga pulis sa Polomolok, South Cotabato

Kinilala ng Polomolok PNP na pinamumunuan ni Police Lt. Col Samuel Cadungon ang inarestong wanted na si Kenneth Abdullah Bueno nakatira sa Barangay Rubber, Polomolok, South Cotabato.

Nabatid na sa halip na huminto pinaharurot pa umano ni Bueno ang minameneho nitong motorsiklo at pinaputukan ang mga pulis. Ito ay pagsapit sa chokepoint ng mga pulis sa Purok San Miguel, Poblacion Polomolok.

Ang wanted na si Bueno ay tinamaan ng bala ng baril sa kanang paa ng gantihan ng mga pulis kaya ito natumba sa highway at masukol ng mga pulis.

Pero nakatakas naman ang nakatakbong angkas nito. Ang sugatang si Bueno ay dinala ng mga poulis sa Polomolok Municipal Hospital. Si Bueno ay number 10 Wnted sa bayan ng Polomolok dahil umano sa pagkakasangkot nito sa iligal na droga

 

-0-

 

Utility worker sugatan sa panghahagis ng granada sa sub-station ng PNP sa liblib na Sitio ng T’boli, South Cotabato Pananakot ang motibo na tinukoy ng mga pulis sa panghahagis ng granada sa kanilang sub-station sa Sitio Tablogan, Barangay Aflek, T’boli, South Cotabato mag-aalas dose ng hatinggabi noong Huwebes.

Ito ang lumabas sa pagsisiyasat ng T’boli PNP na pinamumunuan ni Police Major Bernie Faldas.

Ang insidente ay ikinasugat ng civilian utility na si Erwin Piang, 25 years old nakatira din sa lugar. Basag naman ang salamin ng bintana sa kaliwang bahagi ng sub-station kung saan sumabog ang umano’y granada.

Narekober ng mga pulis sa likod ng kanilang sub-station ang safety lever ng sumabog na granada.

Ayon kay Faldas isang saksi rin ang pinaputukan ng tatlo katao na naka-itim na jacket na nakita nito malapit sa PNP substation. Ito ay nang kanyang pailawan ng flashlight habang patakas patungong tabing ilog. Hindi pa batid ng T’boli PNP kung sino ang naghangis ng granada sa kanilang sub-station.

 

 

 

 

 

Cotabato City bags 8 awards from DOH

COTABATO CITY - Cotabato City got not just one, not just two, and not even just three, but eight awards during the 2019 Regional Awarding...

DFA-Basilan gov't passport services gains headway

BASILAN  - More than a thousand residents have benefited from the joint passport processing program of the office of Gov. Jim Salliman and...

Gun licensing amnesty program for BARMM recommended

COTABATO CITY --- Peace advocates wants a firearm licensing amnesty for civilians in the Bangsamoro region to complement the...

NDBC BIDA BALITA (8.24.19)

HEADLINES:

1. OPERASYON ng Small Town Lottery o STL sa Cotabato City at South Cotabato, posibleng sa Setyembre pa umano...

PNP acquires 10 new choppers

DAVAO CITY--The Philippine National Police (PNP) has acquired 10 new helicopters to further enhance its crime-fighting capability, an...