Tuesday Jul, 23 2019 02:45:15 PM

NDBC BIDA BALITA (7.9.19)

NDBC BALITA • 15:45 PM Wed Jul 10, 2019
191
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JULY 10, 2019 (WED)
7:00 AM

HEADLINES:

1. COTABATO CITY councilor, binato ng dumi ng tao habang patungo ito sa ikalawang sesyon ng Sangguniang Panglungsod kahapon.

2. Ilang mga bahay sa North Cotabato, bahagyang nasira matapos yanigin ng magnitude 5.6 na lindol ang lalawigan.

3. Utility Worker patay matapos tagain ng kasamahan nito sa trabaho sa kapitolyo mismo ng South Cotabato

 

-0-

 

Local………………..

BAHAGYANG NAGKAGULO sa Sangguniang Panglungsod ng Cotabato city kahapon matapos na batuhin ng dumi ng tao ng hindi pa nakikilalang suspek si city councilor Popoy Formento.

Nagkatensyon sa City Council sa lungsod ng Cotabato nang hagisan ng dumi ng tao ang isang City Councilor.

Sinabi ni city vice mayor Graham Nazzer Dumama na papasok na sana sa session hall ng SP si Formento nang mangyari ang insidente.

Hinabol pa umano ni Formento at ng mga gwardya ang suspek pero hindi na nila ito inabutan.

Wala ng nagawa ang konsehal kundi umuwi na lamang para maligo at makapagpalit ng suot.

Bumalik din kaagad ito sa SP pagkatapos magbihis para dumalo sa ikalawang sesyon ng SP.

Naniniwala naman si vice mayor Dumama na posibling may personal na galit kay councilor Formento ang nasa likod ng pagtatapon sa kanya ng dumi ng tao.

Sa ngayon, iniutos na ni Dumama sa mga gwardya ng SP na magbantay ng mabuti sa bisinidad lalo na kapag may gagawing sesyon.

Pina-iimbestigahan na rin nito ang pangyayari na ayon sa bise alkalde, ikalawang beses ng ginawa kay Formento.

Nung unang sesyon kasi ng SP ay binato rin ng dumi ng tao ang sasakyan ng konsehal.

 

-0-

 

TATLO KATAO, kabilang ang apat na taong batang lalaki ang patuloy ngayong ginagamot sa ospital matapos na masangkot sa vehicular crash sa magkakaibang lugar sa Cotabato city at Maguindanao.

Duguang isinugod sa ospital ang binatilyong si DATU KING DANDANG, 17 years old ng Brgy. Pigcalagan, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Nagtamo kasi ito ng mga sugat at pasa sa katawan makaraang maaksidente habang nagmomotorsiklo sa national highway na sakop ng Brgy. Ladia, Sultan Kudarat pasado alas singko ng hapon kahapon.

Iniwasan daw ni DANDANG ang nakasalubong nitong pampasaherong van dahilan para mawalan siya ng kontrol sa manubela at sumempalang.

Samantala, nabundol naman ng motorsiklo sa national highway na sakop ng Brgy. Tambunan, Talayan, Maguindanao ang apat na taong gulang na si Teng.

Pasado alas onse ng umaga kamakalawa nang mahagip ng motorsiklo ang bata habang tumatawid sa kalsada.

Tumilapon ang bata sanhi para mabagok ang ulo at magtamo pa ng mga galos sa katawan.

Ilang oras lang ang nakalipas, isang lalaki rin ang isinugod sa ospital na walang malay matapos na ma hit and run sa Ortouste Street, Cotabato city.

Mabuti na lamang at nadaanan ng lalaking nagmamaneho ng multicab ang biktimang si RICHARD DINAN, 24 anyos ng Barangay Rosary Heights 10, na nakahandusay sa daan at kaagad niya itong tinulungan.

 

-0-

 

NAKUMPIRMA NA ng mga otoridad kahapon na Pinoy ang isa sa dalawang suicide bombers na nasa likod ng kambal na pagsabog sa Indanan, Sulu noong June 28.

Sa pamamagitan ng DNA test, naberipika ng PNP na ang Pinoy na nakilalang si Norman Lasuca ang isa sa mga suicide bombers.

Nag-match ang DNA sample ni Lasuca sa sample mula sa kanyang ina na si Vilma Alam Lasuca sa pagsusuring isinagawa ng PNP Crime Laboratory.

Nauna nang kinilala ni Vilma ang anak base sa na-recover na ulo nito sa blast site.

Bigo naman ang mga otoridad na kilalanin ang isa pang suicide bomber na kasama ni Lasuca.

Maalalang walo katao, kabilang ang mga suicide bomber at tatlong mga sundalo, ang nasawi sa naturang kambal na pagsabog habang nasa 22 katao pa ang nasugatan sa insidente.

Samantala, itinanggi naman ng AFP na may nakapasok sa bansa na Egyptian couple na umano’y suicide bombers at kasalukuyang nasa Sulu.

Sinabi ni AFP Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo na wala silang impormasyon ukol sa presensiya ng naturang mga dayuhan na umano ay may ugnayan sa Abu Sayyaf Group.

Samantala, aminado naman ni Wesmincom Commander Lt.Gen. Cirilito Sobejana na may namomonitor silang presensiya ng ilang foreign terrorists sa Sulu, pero walang Egyptian couple.

Sinabi ni Sobejana na kabilang sa kanilang namonitor ay Indonesian at Moroccan terrorist na nagpasabog sa Lamitan, Basilan.

 

-0-

 

IGINIIT ni Barangay Libungan Torreta chairman Datu Abdulrakman Rahman ng Pigcawayan, North Cotabato na hindi residente ng kanilang lugar ang drug suspect na nadakip sa buy bust operation ng Pigcawayan PNP at PDEA BARMM kamakailan.

Ang tinutukoy ni Rahman ay ang suspek na si Nalds Adtis Utto na nahuli nitong Sabado ng hapon sa Brgy. Manuangan, Pigcawayan.

Nakuha mula kay Utto ang 500 gramo ng suspected shabu.

Ayon kay Rahman, hindi rehistradong botante ng kanilang barangay si Utto.

Binigyang-diin din ng opisyal na hindi kinokonsinte ng kailang barangay ang paggamit at pagtutulak ng iligal na droga at mahigpit itong tinututukan ng kanilang Barangay Anti-Drug Abuse Council o BADAC.

Ginawa ni Rahman ang paglilinaw dahil ayaw nitong mabahiran ng masamang impresyon ang kanilang barangay lalo na kung may kinalaman sa iligal na droga.

 

-0-

 

TUMANGGAP ng 100 libong piso at certificate of recognition mula sa lokal na pamahalaan ng Cotabato city at Department of Social Welfare and Development o DSWD 12 ang dalawang mga bagong centenarian ng lungsod.

Pinangunahan mismo ni city mayor Cynthia Guiani ang pagbibigay ng cash grants at pagkilala sa mga centenarian na sina Sion Paten Gopo ng barangay Poblacion 4 at Sulaya Kassan Datumanong ng barangay Kalanganan 2.

Saksi din sa simpleng seremonya sina Tita Guiani-compania ng DSWD 12, Senior Citizen Focal Person Cheribin Mena Viloria at Jovita Isnani ng Office of the Senior Citizens Affairs.

 

-0-

 

Mahigit 60 na mga benepisyaryo mula sa North Cotabato, nakatanggap ng livelihood assistance sa integrated livelihood intervention ng DOLE region 12

Abot sa 888,000 ang inibaot na livelihood assistance sa higit anim na pung na mga benepisyaryo na mula pa sa ibat-ibang bayan sa North Cotabato.

Isinagawa ang turn over ceremony kahapon sa Kidapawan City sa DOLE office ng North Cotabato na pinangunahan ni DOLE Regional Director Sisinio Cano at Provincial Director Marjorie Latoja.

Sa naging panayam ng Radyo-BIDA kay DOLE Regional Director Sisinio Cano, sinabi nito na ang programa ay bahagi ng kanilang integrated livelihood intervention sa mga benipisyaryo na mula sa ibat-ibang sector sa mga bayan ng Pikit, Makilala at Pigcawayan.

Nabigyan din sila ng starter kit para sa Food vending, carpentry, beauty care, gardening at iba pa. Ang tulong pangkabuhayan ay isa lamang sa marami pang mga programa ng DOLE at ang pagbuo ng safety officer sa bawat establisyemento.

Dagdag pa ng opisyal sa mga nais mag-avail sa mga programa ang serbisyo ng DOLE ay maaring bumisita lamang sa PESO office sa kada lugar o sa kanilang tanggapan.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Pedestrian, sugatan matapos na mabundol ng sasakyan sa Kabacan, North Cotabato

Ospital ang bagsak ng isang 27 anyos na pedestrian matapos na mabundol ng isag sasakyan sa National Highway particular sa Barangay Kayaga, Kabacan North Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Nadjer Ali Didatar, 27 anyos at nakatita sa Maria Clara Street ng nasabing bayan. Sa ulat ng Kabacan PNP traffic section, binabaybay ng isang Toyota Vios ang National Highway patungong Cotabado ang direksyon at nang pagsapit sa lugar ay hindi nito napansin ang tumatawid na lalaki.

Dahil sa lakas ng impact nagtamo ng sugat sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan ang pedestrian na mabilis namang isinugod sa hospital para sa agrang medikasyon. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Tatlong miyembro ng Pamilya, sugatan matapos na makuryente sa Kidapawan City

Patuloy na ginagamot ngayon isang pamilya matapos na makuryente sa ginagamit na mikropono sa isang videok machine sa Barangay San Roque, Kidapawan City alas 8:30 ng umaga kahapon.

Nakilala ang mga biktima na sina Brendo Tangian, 41 anyos, asawa nitong si Ailyn Tangian, 38 anyos at isang anak na si Vannessa Tangian, 19 anyos na lahat nakatira sa nasabing lugar.

Ayon sa ulat ng Kidapawan City 911, may okasyon umano sa bahay ng mga biktima at masayang nagkakantahan gamit ang videok machine nang biglang nakuryente si Brendo Tangian dahil sa hinahawakang nitong mikropono. Agad namang tumulong ang asawa nito ang isa pang anak dahilan para madamay at makuryente rin.

Mabilis na isinugod ang lahat ng biktima sa Kidapawan Doctors Hospital Incorporated. Napuruhan ang mag-asawa habang minor injury lang ang natamo ng kanilang anak na 19- anyos na anak.

 

-0-

 

Cotabato Police Provincial Office nominee sa Best Police Provincial Office sa buong bansa

Pasok ang Cotabato Police Provincial Office of CPPO sa top 3 best Police Provincial Office sa buong bansa ngayon taon. Kahapon ay isang team mula PNP National Headquarters ng Camp Crame ang nagsagawa ng Field Evaluation at Validation sa tanggapan ng CPPO sa Amas, Kidapawan City.

Pinangunahan naman ni Police Brigadier General Sterling Raymund Blanco, siyang chairman ng Field Evaluation and Validation team, ang isinagawang interview at pagsusuri sa lahat ng mga dokumentong kakailanganin para masungkit ang nasabing parangal.

Maayos namang naipresenta ni North Cotabato Provincial Director Colonel Maximo Layugan ang lahat ng naging accomplishment ng CPPO na pasok mula May 1, 2018 hanggang April 30, 2019.

Pinuri naman ng opisyal ang naging presentasyon ng CPPO personnel pero hindi pa nito masabi kung malaki ang tsansa ng nasabing tanggapan na makuha ang best police provincial office sa buong bansa. VC: PGen Blanco Samantala napansin naman ng Heneral ang mataas na bilang ng rape cases sa probinsya na abot na sa mahigit isang daan kaso, na halos kapareho ring bilang sa iba ring mga lalawigan sa bansa.

Iminungkahi nito na mas paiigtingin pa ang ginagawang hakbang at Information Education Campaign ng mga local police stations dahil nabatid na karamihan sa naturang kaso ay nangyayari sa malalayong sitio ng North Cotabato.

Sa naturang parangal, 80% ay magmumula sa mga isinumiting dokumento at 20% naman ay manggagaling sa operation readiness at interview. Maliban sa CPPO, pasok rin ang provincial office ng Benguet at Tarlac sa top 3 mula walompu’t isang mga provincial headquarters sa buong bansa.

Iaanunsyo naman ang magwawaging best provincial police office ngayon August 9, 2019 kasabay ng 118TH Police Service Anniversary.

 

-0-

 

Magnitude 5.6 na lindol yumanig sa Makilala, North Cotabato Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang bayan ng Makilala, North Cotabato alas 8:36 kagabi.

Sa ulat ng PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY o Phivolcs na tectonic ang pinagmulan ng nasabing lindol kungsaan may lalim na 10 kilometro sa kanlurang bahagi ng bayan ng Makilala.

Naramdaman naman ang Intensity V - Makilala, North Cotabato; Kidapawan City; Koronadal City; Santa Cruz, Davao Del Sur;

Intensity IV - Magpet, Matalam, Kabacan and Tulunan, North Cotabato; Davao City; Polomolok, Tupi, Tampakan, and Sto. Nino, South Cotabato; Tacurong City; President Quirino, Sultan Kudarat; Glan and Malungon, Sarangani

Intensity III - General Santos City; Kiamba, Sarangani; Kalilangan and Damolog, Bukidnon; Carmen, North Cotabato; Bagumbayan, Sultan Kudarat

Intensity II - Cotabato City; Nabunturan, Compostela Valley; Valencia City; Maramag, Lantapan, Cabanglasan, Kadingilan, and Kibawe, Bukidnon; Pikit, North Cotabato

Instrumental Intensities: Intensity V - Kidapawan City;

Intensity I - Zamboanga City Kaugnay nito, matapos ang 5.6 na lindol ay nasundan naman ito ng 12 aftershocks sa lugar ng Tulunan at Makilala at Columbio sa Sultan Kudarat.

Pagsapit ng alas-10:12 ng gabi ay nasundan ng 4.8 na magnitude na lindol na ang sentro pa rin ay ang bayan ng Makilala kung saan tectonic ang pinagmula at may lalim na 12 kilometro.

Samantala, sa kaugnay na balita nagsupende na ng klase ang lahat ng antas ng paaralan sa parehong pampubliko at pribado sa Makilala, Antipas at Kidapawan City.

Sinuspende naman ang klase kalahating araw sa bayan ng Tulunan. Pero kailagan pa rin umanong bumalik ng mga guro sa paaralan ngayon araw upang masuri at kung may namonitor na pagkasira sa mga building.

 

-0-

 

 Mga establisemento sa Koronadal na bigong bayaran ang kontribusyon ng kanilang mga empleyado binigyan ng show cause order ng SSS

Binibigyan ng Social Security System ng 15 araw ang 11 mga establismento sa Koronadal City na ayusin ang kanilang delingquency sa nasabing ahensya. Ang nasabing mga establismento ay binigyan ng ahensya ng show cause order dahil sa kabiguan na bayaran ang SSS Contirbution ng kanilang mga empleyado.

Iba sa mga ito ay hindi pa naipatala ng mga mayari sa SSS. Nanguna sa pagsuyod sa mga pasaway na establisemento sa Koronadal si SSS Central Office Operations Legal Division I and II Acting Vice President Atty. Renato Cuisia.

Ayon kay Cuisia ito ay bilang pagpapatupad ng kanilang Run After Contribution Evaders o RACE. Layunin nito ayon kay Cuisia na lalo pang maipalaganap ang kahalagahan ng pagbabayad ng SSS Contribution, mapataas ang kanilang collection at mariing mapitupad ang batas. Naitala ng SSS Koronadal na hindi sumusunod sa probisyon ng Social Security Act of 2018 ang 2,500 na mga establisemento.

Mahigit 2,000 sa mga ito ay hindi regular na nagbabayad ng SSS contribution habang mahigit 500 daan naman ang wala pang SSS payments. Ito ay nakaapekto naman sa mahigit 22,000 na mga mangagawa sa South Cotabato at karatig lugar. Kaya yon kay Cuisia maliban sa pagbibigay ng show cause order ipapaaresto rin ng SSS sa pammagitan ng kanilang ipatutupad na Oplan Tokhang ang mga pasaway na employer.

Ayon kay Cuisia maari ring kumpiskahin ng ahensya ang mga ari-arian ng mga employer na bigong bayaran ang SSS Contribution ng kanilang mga mangagawa. 

 

-0-

 

Utility Worker ng provincial government patay sa pananaga ng arestadong kapwa utility worker sa kapitolyo mismo ng South Cotabato

Kinilala ng Koronadal City PNP na pinamumunuan ni Police Lt.Col. Rey Egos ang biktima na si Ronelo Lumawag, 43 anyos.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na ang biktimang si Lumawag ay pinagtataga ng itak ng suspek at kapawa nito utility worker na si Ric Villa, 59 anyos.

Ito ay habang naglilinis sa loob mismo ng Provincial Accountant’s Office sa loob ng kapitolyo alas sais y medya ng umaga kahapon. Sinubukan pa umano ni Lumawag na tumakas ngunit siya ay naabutan pa rin ng humabol na suspek.

Ang biktimang si Lumawag ay dead on arrival sa South Cotabato Provincial Hospital. Ito ay matapos magtamo ng mga taga sa ulo at iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Personal na alitan sa pagitan ng biktima at suspek ang anggulong sinusundan ng imbestigasyon ng mga pulis sa insidente. Nagpadala na ng staff para kumausap sa suspek at sa pamilya ng biktima si South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr.

 

-0-

 

Mga bakwit na lumikas dahil sa rido sa karatig bayan ng Palimbang, Sultan Kudarat, nakabalik na sa kanilang mga Sitio sa Barangay Ned, Lake Sebu, ayon sa Gobernador ng South Cotabato

Nakauwi na ang 260 pamilya sa tatlong Sitio ng Barangay Ned, Lake Sebu, South Cotabato na lumikas noong nakaraang linggo dahil sa takot na maipit sa rido sa katabing bayan ng Palimbang, Sultan Kudarat.

Ito ay ayon kay South Cotabato Provincial Governor Reynaldo Tamayo Jr. Si Tamayo ay tumungo sa Ned para kausapin ang dalawang pamilya na tuldukan na ang hindi pagkakasundo noong Byernes.

Matatandaan na ang mga lumikas na pamilya ay mula sa mga Sitio ng Molmol,, Kisayan at Kumilat sa Ned na malapit lang sa Barangay Molon, Palimbang kung nasaan ang rido.

Ito ay kinasangkutan ng pamilya at suporter nina Mike Binago at Salik Sadam. Ayon kay Tamayo, para mapanatili ang katiwasayan sa nasabing lugar hiniling dito ang paglalagay doon ng army at CAFGU detachment.

Ipinaliawag ni Tamayo sa mga bakwit na bagama’t maayos ang kanilang kalagayan sa Barangay Gym hindi maikakaila na malayo ito sa kanilang normal na pamumuhay kaya dapat ay makauwi na ang mga ito. 

 

-0-

 

Pondo para sa dumadami nilang mga iskolar hinihiling sa konseho ng alkalde ng General Santos City

Plano ngayon ng lokal na pamahalaan ng General Santos city na dagdagan ng 10% kada taon ang kanilang mga scholar. Layun nito na mabigyan ng pagkakataon ang mas maraming mahihirap ngunit deserving na mamamayan na makapagaral.

Ayon kay Gensan Mayor Ronnel Rivera hinihiling nila sa konseho ang dagdag na pondo para sa kanilang scholarship program na Edukasyon para sa mga Kabus nga Residente sa Gensan o EduKAR.

Ang nasabing programa ay may mahigit 1,000 benepisyaryo na kumukuha ng bachelor degress at vocational courses. Habang ang Alay sa Kabataang Generals Lahat ng Alaga at Talino o Aklat Office ay mayroon namang mahigit 800 scholar.

Ayon kay Rivera ang mga ito ang pinakamaraming batch ng kanilang mga scholars kasunod ng pag-institionnalized sa nasabing programa. Ang Gensan LGU ay naglaan ng P15 million pesos para sa pagpapatupad ng kanilang EduKAR Scholarship Program.

Ang mga bagong scholar ay nabigyan na ng certificate ng Gensan LGU na lumagda din ng kasunduan sa mga partner nilang eskwelahan.

 

-0-

 

 Coco Vinegar production itinuro ng Agricultural Training insitute sa mga magniniyog ng North Cotabato

Tinuruan ng mga kawani ng Agricultural Training Institute o ATI ng DA ang mga magsasaka sa North Cotabato gawing kapaki-pakinabang ang buko juice na madalas ay tinatapon na lamang sa palengke. Ito ay sa pamamagitan ng pagawa ng suka mula dito.

Layunin dito na maresolba ang pagkabahala ng publiko sa synthetic vinegar sa mga pamilihan Ang pagsasanay sa Provincial Gym ng North Cotabato sa Kidapawan City ay nilahukan ng mahigit 200 katao. Maging madali at simple ang paggawa ng coco vinegar gamit ang acetator na unti unting nagpapaasim sa Coco Juice.

Ito ay ayon kay Normina Pham ng Department of Science and Technology o DOST Kidapawan City. Ayon kay Pahm ,malinis, ligtas at hindi ginamitan ng pampaasim na synthetic acetic acid ang Coco Coco vinegar na ginamitan ng acetator.

Ang mga nakilahok sa training ay tinuran din ng mga kawani ng Philippine Coconut Authority ng food manufcturing process at food safety sa vinegar production. Layon din ng training na suportado ng pamahalaang panlalawigan na magkaroon ng dagdag na pagkakakitaan ang mga maniniyog sa North Cotabato.

 

Type a message...

Power outages cut peoples view of Duterte’s SONA

KIDAPAWAN CITY  – Residents of Kidapawan City and nearby towns of Makilala and Mlang in North Cotabato were dismayed by the turned of events while...

Kidapawan Muay Thai boxers win gold in Butuan tourney

KIDAPAWAN CITY  – Muay Thai boxers from Kidapawan City made its presence felt in the Mindanao leg of Philippine championships recently in Butuan...

Displaced persons revisit home in Marawi affected areas

MARAWI CITY - Escorted by soldiers, 700 displaced families revisited their homes in Marawi affected areas on June 20.

“Soldiers provided...

Soldier hailed for honesty in Zambo City

ZAMBOANGA CITY - He is a well-rounded warrior with exceptional skills, an epitome of a true soldier living up to the Armed Forces of the...

Duterte cites BOL as key milestone in Mindanao peace agenda

COTABATO CITY  – The signing and ratification of the Bangsamoro Organic Law (BOL) is President Rodrigo Roa Duterte’s major accomplishment in the...