Wednesday Oct, 16 2019 05:46:14 AM

NDBC BIDA BALITA (7.9.19)

NDBC BALITA • 16:00 PM Tue Jul 9, 2019
340
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JULY 9, 2019 (TUE)
7:00 AM

HEADLINES:

1. DALAWANG DRUG SUSPECTS na sangkot din sa iba’t ibang mga krimen, patay sa shootout sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

2. BARANGAY KAGAWAD, patay habang isa pa, sugatan sa pamamaril sa loob ng kanilang bahay sa Pikit, North Cotabato

3. TUMATAAS na suicide incidents sa South Cotabato, ikinabahala ng South Cotabato PNP - Police Community Relations Office

4. Babaeng nakamotorsiklo patay matapos mabangga ang isnag poste ng kuryente sa Kidapawan 

 

 

-0-

 

Local………………..

PATAY ang dalawang mga lalaking drug suspect matapos umanong manlaban sa mga otoridad na naglunsad ng anti-illegal drugs operation sa Barangay Upper Capiton, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Sa report ng DOS PNP, dead on arrival sa isang pagamutan sa Cotabato city kamakalawa ng umaga ang mga suspek na sina Adrian Amando, taga- Lomboy area at Anthony Baleque na taga-Mintex area, matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa halip na sumuko.

Sinabi ni DOS-PNP Chief Police Maj. Erwin Tabora na nakuha mula sa dalawa ang isang cal. 38 revolver na may mga bala, 40-light pistol, isang sachet ng pinaniniwalaang shabu at drug paraphernalia.

Ayon kay Tabora, sangkot umano sina Amando at Baleque sa iba’t ibang mga kaso ng pagnanakaw at holdup sa Barangay Awang at labas-pasok na rin umano ang mga ito sa Maguindanao Provincial Jail.

Batay rin sa mga text message ng mga ito sa kanilang lider, napag-alamang miembro rin ng isang gun-for-hire group ang dalawang nasawi.

Sa ngayon ay tinutugis na ng mga otoridad ang lider ng naturang grupo na sadyang di binanggit ang pangalan sa report.

 

-0-

 

Pa-iimbestigahan ni Cagayan de Oro 1st Disrict Cong. Roland Uy sa kamara ang kontrobersiyang kinasasangkutan ng Kabus Padatuon o KaPa Ministry International Inc.

Sinabi ni Uy na naniniwala siyang susuportahan ng kanyang mga kapwa kongresista ang ihahain niyang resolusyon para ma-imbestigahan ang KAPA.

Ayon pa kay Uy, nakaka-alarma ang dami ng mga taong nabiktima ng grupo ni KAPA founder Pastor Joel Apolinario.

Pinuri rin nito si Pangulong Duterte dahil sa maagap na pagkilos laban sa KaPa.

Samantala, kinasuhan na ng NBI-NCR ng 8-counts ng syndicated estafa si KaPa founder Pastor Joel Apolinario at iba pang mga opisyal ng nabaggit grupo.

Bukod sa NBI, tatlo pang mga pribadong indibidwal ang tumatayong complainant sa kaso laban sa KAPA matapos silang nakapagbigay ng mahigit sa kalahating milyong piso bilang donasyon.

Ipinagharap din ng NBI ang mga KAPA official ng 5-counts ng reklamong paglabag sa section 8 at 26 ng Securities and Regulation Code o SRC.

Bukod kay Pastor Apolinario, respondents din sa kaso ang misis nito na si Reyna Apolinario na nagsisilbing Corporate Secretary ng KAPA at ang 12 mga opisyal.

Maalalang nauna nang naghain ang SEC ng reklamong paglabag sa Securities Regulation Code noong June 18 laban sa KAPA.

 

-0-

 

PATULOY pang inaalam ng mga otoridad ang motibo sa pamamaril sa 16 anyos na binatilyo sa Cotabato city at kung sino ang posibleng may kagagawan nito.

Nagtamo ng multiple gunshot wounds ang biktimang si alyas Patchoy na taga -Dalican, Datu Odin Sinsuat Maguindanao matapos siyang pagbabarilin ng mga di pa nakikilalang salarin sa Pagalamatan Street, Barangay Tamontaka 1, pasado alas singko ng hapon noong Sabado.

Nakuha naman mula sa crime scene ang anim na mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol at 12 mga bala ng 9mm pistol.

Kaugnay nito ay nananawagan naman ng hustisya ang mga pamilya at mga kaanak ng biktima dahil sa brutal na pagkamatay nito sa murang edad.

 

-0-

 

NALAMBAT sa ikinasang buy bust operation ng Police Station 1 at PDEA BARMM sa Cotabato city ang isang driver na suma-sideline umanong magbenta ng iligal na droga.

Gayunman, minalas ang suspek na si CAMLON SUMAGKA MAULANA JR., 39 anyos, na taga - Purok-7, Barangay Bagua 3 ng lungsod matapos na mapagbentahan nito ng iligal na droga ang isang pulis kamakalawa ng hapon.

Nakuha mula kay Maulana ang isang sachet ng suspected shabu at ang marked money na ginamit sa operasyon.

Sinabi ni Police Station 1 commander, Police Capt. Romel Canto na nasa kanilang kustudiya ngayong ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.

 

-0-

 

NASA MASELANG KONDISYON ngayon sa isang pagamutan sa Cotabato city ang isang lalaki matapos siyang magtamo ng grabeng mga sugat nang maaksidente sa national highway na sakop ng Banisilan, North Cotabato.

Nakilala ang biktima na si LADTUDAN GUIAMADEL, taga -Sitio Abadao, Banisilan.

Ayon sa misis ng biktima, pasado alas syete ng umaga kamakalawa habang nagmo-motorsiklo pauwi si GUIAMADAL nang sumemplang ito matapos na iwasan ang nakasalubong na isa pang motorsiklo.

Bumagsak sa konkretong kalsada ang biktima at nabagok pa ang ulo.

Bukod sa mga sugat at pasa ay nabalian din ng mga buto sa paa si Guiamadel na patuloy na ginagamot ngayon sa ospital.

 

-0-

 

ARESTADO ang limang mga babaeng pinaghihinalaang shoplifters matapos na maaktuhan umanong nangunguha ng iba’t ibang item sa loob ng isang tindahan sa Gov. Gutierrez Avenue, Barangay Rosary Heights 7, Cotabato City.

Nakilala ang mga suspek na sina JENNY ALEGADO, RIZZA AGUYON, mga nasa hustong gulang at parehong mga taga Kidapawan City at tatlong iba pa na nakilalang sina JOAN NELBIDA, MARITES DURAN at LUCILLE DUMALAG, na kapwa mga taga-Koronadal City naman.

Sa report ng mga otoridad, pasado bandang alas kwatro ng hapon kamakalawa nang mapansin ng bantay sa nasabing tindahan ang diumano’y kahina-hinalang ikinikilos ng mga suspek.

Nang lapitan at suriin suriin umano ang mga ito ng gwardya ay dun na nabawi sa mga ito ang mga ninakaw nilang paninda na kinabibilangan ng anim na lata ng mamahaling gatas at mga shampoo.

 

-0-

 

Kidapawan City Disaster Risk and Reduction Management Office, nagsagawa ng surprise inspection sa ilang mga internet café sa lungsod

Nakitaan ng ibat-ibang paglabag sa City Ordinance ang karamihan sa mga internet café sa isinagawang surprise inspection ng mga otoridad sa Kidapawan City.

Sinabi ni CDRRM at public safety head Psalmer Bernalte, pito mula sa walong mga internet café na kanilang sinuyod sa lungsod ay nakitaan ng ibat-ibang paglabag.

Kabilang na ang pagpapapasok sa mga estudyanteng naglalaro sa panahon ng klase, walang business permit, walang CCTV camera at nakitang mga pornographic sites sa mga monitor. Dagdag pa ni Bernalte, plano nilang gagawing regular ang pagsasagawa ng inspection sa lahat ng mga internet café upang mamonitor lalo na ang estudyante na sa halip ay nasa paaralan.

Magbabayad ang may-ari dahil ang paglabag ang may karampatang penalidad at maari din anyang maipasara ang mga internet café na walang mga business permit.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Isang bahay na gawa sa light materials, nasunog sa Kidapawan City

Tinupok ng apoy ang isang bahay sa Purok Lanzones Barangay sinago, Kidapawan City alas 11:30 ng umaga kahapon. Ayon kay Kidapawan City Fire Marshall captain Marjorie Ressurection, ang nasunog na bahay ay pagmamay-ari ni Ricky Fernandez na tinitirhan ng dalawang mga working students.

Agad na nakapagresponde ang BFP Kidapawan nang makatanggap ng ulat pero mabilis na tinupok ng apoy ang bahay dahil gawa ito sa light materials. Tinatayang abot sa 20, 000 ang iniwang danyos kabilang na ang mga gamit ng dalawang mga mag-aaral.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng BFP- Kidapawan sa kung ano ang dahilan ng nasabing sunog. Wala namang nasugatan o nadamay na mga kalapit na bahay dahil sa insidente. VC- RESSURECCION Si Kidapawan City Fire Marshall Captain Marjorie Ressureccion.

May payo naman ang opsiyal sa publiko na siguraduhing nakatanggal sa saksakan ang lahat ng mga de kuryenteng gamit bago umalis upang maisawan ang kahalintulad na insidente.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Barangay Kagawad patay habang isa pa sugatan sa pamamaril sa loob ng kanilang bahay sa Pikit, North Cotabato

Patay ang isang Barangay kagawad habang sugatan naman ang ina nito matapos na pagbabarilin habang natutulog sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Talitay, Pikit, Cotabato.

Kinilala ang nasawi na si incumbent Barangay Kagawad Ismael Ulimpay Zailon, 27 anyos habang ang nasugatan ay nakilalang si Salipaga Ulimpay Zailon, 48 anyos na kapwa nakatira sa nasabing lugar.

Sa ulat ng Pikit PNP, alas 11:30 ng gabi kamakalawa nang pagbabarilin ng di pa kilalang suspek ang dalawang biktima habang natutulog sa kanilang bahay. Dead on the spot ang Barangay Kagawad habang mabilis namang naisugod sa ospital ang ina nito.

Personal grudge naman ang isa sa mga sinusundang anggulo ng mga pulis sa naturang pamamaril. Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng PNP sa kung ano ang motibo ng mga suspek sa pagbaril sa dalawang biktima.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Babae patay nang mabangga sa poste ng kuryente ang motorsiklo nito sa Kidapawan City

Dead on arrival sa pagamutan ang isang 30-anyos na babae nang maaksidente sa bahagi ng Quezon Blvd. Kidapawan City, pasado alas dyes ng kagabi.

Kinilala ang biktima na si Ruth Majesca Delector Tulang, 30-anyos, single, isang private employee at residente ng Mariano Cuenco St. ng lungsod. Ayon sa ulat ng Kidapawan City PNP traffic section, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo na Yamaha Mio, kulay itim na may temporary plate number 12110.

Pero habang binabaybay nito ang outer lane sa bahagi ng Quezon Blvd, particular sa harap ng PhilHealth Office ay aksidente nitong nabangga ang electric post ng Cotabato Electric Cooperative o COTELCO. Dahil sa lakas ng impact, nagkasugt-sugat ang biktima sa kanyang ulo at katawan.

Nabatid naman na may nakalagay na reflector sa nabanggit na poste at may ilaw naman sa nasabing lugar. Agad namang dinala ng City 911 ang biktima sa pagamutan pero dineklara na itong dead on arrival ng doktor.(Drema Bravo) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Lalaki patay sa pamamaril sa Kidapawan City

Dead on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek sa bahagi ng national highway sa Brgy.Sibawan ng lungsod, pasado alas-3 hapon kahapon.

Kinilala ng biktima na si Ricky Bustamante, 34-anyos, may asawa na residente ng nabanggit na lugar. Sa ulat ng Kidapawan City PNP, papunta sanang paaralan ng biktima lulan ng kanyang kulay pulang  motorstar upang sunduin ang kanyang anak nang mangyari ang pamamaril.

Natamo ng biktima ang tama ng baril sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan na dahilan ng kanyang agarang kamatayan. Narekober naman sa crime scene ang anim na fired cartridge cases ng kaliber .45 baril.

Nagpapatuloy pa hanggang ngayon ang imbestigasyo ng Kidapawan City PNP hinggil sa panibagong kaso na naman ng pamamaril sa lungsod, habang di pa bati ang motibo ng krimen.(Drema Bravo)

 

-0-

 

School-based immunization ipinatutupad ngayon ng provincial health office sa 7 mga public schools sa South Cotabato

Makikinabang sa malawakang immunization ng provincial health office ang mga nasa kindergarten hanggang grade 7 sa 7 mga pampbulikong eskwelahan sa South Cotabato Ito ang ipinahayag ni Provincial Health Office School Based Immunization Focal Person Genesis Navales.

Sinabi ni Navales na kabahagi ng school-based immunization ang pagbibigay ng bakuha kontra tigdas sa mga nasa kidergarted hanggang grade 7. Magbibigay din sila ayon kay Navales ng dagdag na tetanus diptheria sa mga grade 1 pupils at grade 7 students.

Habang ang mga babaeng estudyante na nasa grade 4 ay bibigyan ng bakuna kontra Human Papilloma virus o anti-cervical cancer. Dinagdag din ni Navales kung mapagpadala ng letter of intent maari rin silang magsagawa ng school-based immunzation sa mga pribadong eskwelahan sa South Cotabato.

Target naman ng Department of Health na mabigyan ng bakuha sa school-based immunization ang mahigit 10 milyong magaaral sa buong bansa.

 

-0-

 

Driving Course ng TESDA napakinabangan ng 17 dating NPA member sa Maasim, Sarangani Province

Matapos ang ang 15 araw na pagsasanay nakuha na ng 17 dating mga rebelde sa Maasim, Sarangani ang kanilang National Certificate o NC II sa Driving sa Technical Education and Skills Development Authority o TESDA. Kasama rin sa mga nakinabang sa programa ang mga kaanak ng dating mga myembro ng NPA.

Ayon kay alyas Anna, matapos mawalan ng katinuan ang kanyang tyuhin na dating NPA member, kumuha ito ng scholarship sa TESDA para makatulong sa kanyang pamilya. Nabatid na si Anna ay tumatayong ngayong bread winner matapos sumakabilang buhay ang kanyang NPA member na mister nang maka-engkwentro ang militar.

Kaugnay nito, tiniyak ni Maasim Mayor Zyrex Pacquio na tutulungan nitong makahanap agad ng trabaho ang mga dating NPA member na graduate ng TESDA. Ito ay upang agad na makapagsimula ng bagong buhay.

Ayon naman kay TESDA 12 Regional Director Rafael Abrogar II, ang pagtulong nila sa mga sumukong rebelde ay bilang pagtalima na rin sa utos ni Director General Isidro Lapena. Umapela din si Abrogar sa kanilang mga graduate na hikayatin ang mga dating kasamang NPA na mag-enroll sa TESDA.

Abot pa sa mahigit 200 mga dating NPA member sa Maasim ang makikinabang pa sa mga programa ng TESDA at iba pang ahensya ng pamahalaan .

 

-0-

 

Mindanao Business Conference na may layong makahikayat ng mga mamumuhunan gagawin kasabay ng 20th Tnalak Festival at 53rd Foundation Anniversary ng South Cotabato sa July 18

Magaganap ang Mindanao Business Confeence na pangungunahan ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato sa July 18. Layunin nito na maipakita sa mga mamumuhunan ang katiwasayan at kaayusan hindi lamang ng South Cotabato kungdi maging ng karatig lugar.

Ito ay ayon kay Assistant Provincial Planning and Development Coordinator Manny Jumilla. Ayon kay Jumilla kumpirmado na ang pagdalo sa aktibidad ng mahigit 60 mga kinatawan ng mga chamber of commerce ng Europa, Amerika, Italy at Pilipinas. Darating din ang Indonesian Consulate at iba pang mga konsulado na nakabase sa Mindanao at kinatawan ng Mindanao Development Authority o MinDA.

Ayon kay Jumilla ihahayag ng mga participant ang kanilang mga business plan sa South Cotabato at buong Mindanao. Sa pamamagitan nito ayon kay Jumilla ay maibabahagi rin ng mga opisyal ng South Cotabato kung ano ang kanilang business plan sa lalawigan.

Sinabi ni Jumilla na kabilang sa mga ipapakita ng mga opisyal ng South Cotabato sa nasabing aktibidad ang mahigit 100 ektaryang special economic zone. Matatagpuan ito sa boundary ng Polomolok at General Santos City.

Umaasa si Jumilla na makatutulong ang Mindanao Business Conference para makahabol ang economic development ng South Cotabato sa ibang lugar na madalas dayuhin ng mga investor.

 

-0-

 

Tumataas na suicide incidents sa lalawigan ikinabahala ng Police Community Relations Officer ng PNP South Cotabato

Nakapagtala ng 29 na insidente ng suicide ang Pulisiya sa South Cotabato mula Enero hanggang ngayong Hulyo. Pinakahuli sa mga ito ang pagpakamatay ng isang 49 anyos na ama sa Barangay Zone I, Koronadal City noong Linggo.

Ayon kay South Cotabto PNP, Police Community Relations Officer o PCR Lt Col. Marvin Duadua, mNaitala din ng PNP na 2/3 sa mga nag-suicide ay mga lalaki na hirap ibahagi ang kanilang mga problema.

Ayon kay Duadua madalas naging sanhi ng pag-suicide ng mga biktima ang labis na depression. Nauna nang ipinahayag ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. natutukan ng kanyang administrasyon ang pagresolba ng suicident incidents sa lalawigan.

Ito ay sa pamamagitan ng pag-hire ng dagdag na psychiatrist at pagagtatag ng isang grupo na tutulong sa kampanya kontra dito ng provincial population office at provincial health office.

 

-0-

 

Rabies sanhi ng pagkamatay ng anim katao sa lalawigan ngayong taon, ayon sa Provincial Health Officer ng South Cotabato

Abot na sa anim katao ang nasawi sanhi ng rabies sa South Cotabato ngayong taon, base sa datus ng Integrated Provincial Health Office o IPHO South Cotabato. Kinumpirma ito ni Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr.

Ayon kay Aturdido, karamihan sa mga biktima ay piniling magpa-tandok kesa sa magpagamot sa doktor. Ipinahayag din nito na tatlo sa mga nasawi dahil sa rabies sa lalawigan ay naitala sa Koronadal City. Mayroon namang tig isang mga biktima ang mga bayan ng T’boli, Tampakan at Sto. Nino.

Hiling ni Aturdido sa sinumang makagat ng aso o anumang hayop na may rabies dumulog sa Animal Bite Center para magamot agad. Ayon kay Aturdido ngayong kulang ang rabies vaccine sa tao, mahalaga na mapigilan ang pagkalat ng rabies.

Magagawa ito ayon kay Aturdido sa pamamagitan ng pagpapabakuna sa mga aso at iba pang alagang hayop na nagtataglay ng rabies.

 

 

 

 

 

Agri and fisheries top industries in the proposed BARMM investments list

COTABATO CITY  -  Agriculture and Fisheries are top industries which the Bagnsamoro region can offer to investors both foreign and local...

Pope names new Sorsogon bishop

SORSOGON - Pope Francis has appointed Fr. Jose Alan Dialogo of the Manila archdiocese as the new bishop of Sorsogon.

The...

Bishops push for greater mining accountability

KIDAPAWAN CITY - Mindanao bishops have joined the initiative for the government to hold mining firms accountable for the environmental and...

The Word of God is living and effective

Reading 1ROM 1:16-25

Brothers and sisters:
I am not ashamed of the Gospel.
It is the power of God for the...

MILF infighting sends civilians fleeing

DATU MONTAWAL, Maguindanao  – A long standing territorial dispute between members of Moro Islamic Liberation Front in Maguindanao erupted...