Wednesday Oct, 16 2019 05:10:31 AM

NDBC BIDA BALITA (7.6.19)

NDBC BALITA • 13:00 PM Sat Jul 6, 2019
286
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JULY 06, 2019 (SAT)
7:00 AM

 

HEADLINES:

1. ANAK ng dating gubernador ng Maguindanao at apat na iba pa, patay sa shootout sa Pikit, North Cotabato.

2. DALAWANG mga babaeng drug suspect, arestado sa BUY BUST OPERATION sa Cotabato city.

3. TATLONG mga high profile NPA member, sumuko sa militar sa Sarangani

 

-0-

Local………………..

PATAY ang anak ng dating gobernador ng Maguindanao na naging mayor ng Pagulangan sa checkpoint sa Barangay Inug-ug, Pikit, North Cotabato kagabi.

Kinumpirma umano ng mga kaanak nito na si Datu Hashim Matalam, anak ni dating Maguindanao Governor at Pagalungan mayor Norodin Matalam, ang isa sa mga nasawi sa engkwentro.

Sinabi ni Brig. Gen. Alfredo Rosario ng Army’s 602nd Brigade, nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng armadong grupong sakay ng gray Nissan Patrol car at mga sundalong nagbabantay sa checkpoint.

Ayon kay Rosario, hindi tumigil sa checkpoint ang naturang sasakyan bagkus ay naunang namaril sa mga sundalo ang mga sakay nito.

Nakuha naman ng mga sundalo ang mga high-powered firearms at isang granada sa loob ng sasakyan ng mga suspek.

Dagdag pa ni Rosario, una ng nasa red alert status ang kanyang mga tauhan na nasa ilalim ng 7th Infantry Battalion matapos na sumali sa clan war o rido ang mga armadong grupo mula sa Moro Islamic Liberation Front o MILF.

 

-0-

 

Local……………………

HULI ang dalawang mga babae matapos na makuhanan ng ipinagbabawal na droga sa ikinasang buy bust operation ng mga otoridad sa Purok Lumayon 4, Mother Barangay Poblacion, Cotabato City.

Nakilala ang mga nadakip na sina RAYHANIE SALIK KUGA, Alyas “DAGA”, 21 anyos, at ZAINAB MOHAMAD ACOB, 46, na pawang mga residente rin ng nasabing Barangay.

Pinangunahan ni Police Station 2 commander Captain Elexon Villa Bona ang nasabing operasyon kasama ang PDEA BARMM na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek pasado alas syete ng gabi kamakalawa.

Napagbentahan kasi nina Kuga at Acob ng shabu ang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakuha mula sa mga suspek ang anim na sachets ng pinaghihinalaang shabu at mga drug paraphernalia kabilang ang perang ginamit sa buy bust operation.

 

-0-

 

Inihayag muli ni Pangulong Duterte ang planong ilipat sa Mindanao Development Authority o MinDA si Agriculture Secretary Manny Piñol.

Sinabi ng pangulo na kailangan si Piñol para mapabilis ang pag-unlad ng bagong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Si Piñol anya ang magiging ‘point man’ ng national government sa BARMM.

Ayon kay Duterte nahihirapan siya sa Mindanao dahil mabagal ang usad ng aktibidad ng gobyerno sa nasabing rehiyon.

Ang panibagong pahayag ng pangulo ay tila pagtanggap sa pagbibitiw sa pwesto ni Piñol.

Nauna nang sinabi ni Duterte noong nakaraang linggo na itatalaga ang kalihim sa MinDa.

Ayon sa presidente, mahalaga ang papel ng MinDa para sa kabuuang pag-unlad ng Mindanao.

Iginiit din ng presidente na nais niya ng kapayapaan sa rehiyon matapos ang ilang taong kaguluhan.

Umaasa anya siya na ang pagbuo sa Bangsamoro region ang solusyon para matamo ang kapayapaan sa rehiyon.

Sa panig ni Piñol, nauna na rin nitong sinabi na malugod niyang tatanggapin ang pamumuno sa MinDA kung yun ang kagustuhan ng pangulo.

 

-0-

PATULOY na ginagamot ngayon sa ospital ang pangulo ng Notre Dame Village Operators and Drivers Association o NDVODA na biktima ng pamamaril sa Archbishop Mongeau Avenue, Brgy. Rosary Heights 9 ng lungsod kamakalawa.

Sinabi ni PNP Station 2 Commander, Police Captain Rostum Pastolero na hanggang ngayon ay inaalam pa nila ang posibleng motibo sa tangkang pagpatay kay Abdulkadir Pasandalan Abpel, 50 anyos, may-asawa at residente ng Purok Talitay, Brgy. Rosary  Heights 7.

Ayon kay Pastolero, nagpapagaling lamang si Abpel ngunit handa aniya itong magbigay ng pahayag hinggil sa insidente.

Maalalang nasa loob lang ng NDVODA booth ang biktima nang dumating ang riding tandem suspects at pinagbabaril ang biktima ng apat na beses gamit ang cal. 45 pistol.

Maswerteng hindi naman napuruhan si Abpel at isang bala lang ang tumama sa kanyang bewang.

-0-

 

Inirekomenda ni Civil Service Commission o CSC Commissioner Aileen Lizada sa mga opisyal ng gobyerno at lokal na pamahalaan na magkaroon ng polisiya para sa paggamit ng cellphone ng kanilang mga kawani sa oras ng trabaho.

Paliwanag ni Lizada, magkakaiba ang mandato ng mga ahensiya ng gobyerno at lokal na pamahalaan kaya’t maaring hindi magkakatulad ang gagawing panuntunan.

Aniya maaring gawin ay magpalabas ng kanya-kanyang memorandum ang mga tanggapan ng gobyerno.

Dagdag pa nito, sa ganitong paraan hindi magkakaroon ng pangit na impresyon ang mamamayan na nangangailangan ng serbisyong-publiko.

Samantala, sinabi naman ni DILG Sec. Eduardo Año na pag-aaralan nila ang mungkahi ng CSC.

 

-0-

 

Tatlong high profile NPA member sumuko sa militar sa Sarangani

Dala ng tatlong mga high profile na myembro ng New Peoples Army o NPA sa Sarangani sa pagsuko ang kanilang mga armas.

Ito ang ipinahayag ni Philippine Army 1002nd Brigaide Commander Col. Adonis Bajao. Ayon kay Bajao, ang mga rebelde na sumuko sa mga kasapi ng 73rd IB ng militar ay pawang mga myembro ng NPA Guerilla Front 73 na nagkukuta sa Sarangani at bahagi ng Davao Oriental.

Bitbit ng mga ito sa pagsuko ang AK-47 Armalite at carbine rifles. Ayon kay Bajao dahil sa pangamba sa kanilang buhay matagal bago nakasuko ang tatlong mga NPA member.

Ipinahayag ni Bajao na nakiusap ang mga ito sa mga pastor ng Sovereign Grace Mission na makipag negosasyon sa militar. Ang mga sumukong NPA member ay ikinustodya ng 1002nd Brigade para sa briefing at imbestigasyon.

Sinabi naman ni Sarangani Enhance Comprehensive Local Integration Program o E-Clip Focal Person Lizette Lopez na mamadaliin nila ang proseso para agad na makinabang sa nasabing programa ang mga sumukong rebelde.

Saklaw ng E-Clip ang pagbibigay sa mga rebel returnees ng tulong pangkabuhayan, housing assistance, skills training, coverage sa health insurance at maraming iba pa.

 

Ayon kay Lopez ang mga rebelde na sumuko na may dalang aarmas ay makatatanggap din ng dagdag na pinansyal na tulong. Sa ngayon ayon ka Lopez tanging maibibigay pa lang nila sa tatlong mga sumukong NPA member ang agarang tulong tulad ng damit, pagkain, pang-personal hygiene at P8,000 inisyal na pinansyal na tulong.

Abot na sa sampung mga myembro ng NPA ang sumuko sa Sarangani Province ngayong taon.

 

-0-

 

Suicide incidents, tututukan ng Gobernador ng South Cotabato

Tiniyak ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr.na tututukan nito ang nakababahalang pagtaas ng ng suicide incidents sa lalawigan. Ayon kay Tamayo ito ay kanyang gagawin sa pamamagitan ng pagpapaigting ng mental health programs.

Dinagdag ni Tamayo na bubuo ito ng special body na makipagugnayan sa Provincial Population Office at Provincial health Office. Layunin nito na mas matutukan pa ang mga insidente ng suicide sa lalawigan na karamihan sa mga biktima ay pawang mga kabataan.

Ayon kay Tamayo para masolosyonan ang tumataas na suicide incidents sa South Cotabato, kukuha ang provincial government ng psychiatrist. Pinahuling insidente ng suicide sa lalawigan ay naitala nitong Hunyo lamang sa bayan ng Tantangan, South Cotabato.

 

-0-

 

16 nasawi dahil sa dengue sa lalawigan, ayon sa provincial health officer ng South Cotabato

Naitala ng provincial health office ang tatlo sa 16 na pinakamaraming nasawi sanhi ng dengue sa South Cotabato sa bayan ng Surallah. Mayroon namang tig dalawa ang mga bayan ng T’boli, Sto.Nino, Polomolok, Banga at Koronadal at tig isa naman sa Norala, Tampakan, at Tupi.

Kinumpirma rin ni South Cotabato Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr. na nakapagtala sila ng mahigit 2,700 na dengue cases mula Enero hanggang Hunyo.

Ito ayon kay Aturdido ay mas mataas ng may 128% kumpara sa kanilang naitala sa kaparehong panahon noon nakaraang taon.

Kaugnay nito ayon kay Aturdido pinulong na ng Integrated Provincial Health Office o IPHO at mga taga DILG ang mga myembro ng Association of Barangay Chairman, Municipal Health Officers at mga sanitary inspectors. Layunin nito na makapagpatupad agad ng mga kaukulang hakbang para mapigilan ang pagdami pa ng mga magkakasakit ng dengue sa South Cotabato.

Binigyan diin ni Aturdido na pinaka-epektibo pa ring pamamaraan para masawata ang dengue ang pagkakaisa sa kalinisan ng komunidad.

 

-0-

 

Listahan database sng DSWD maging batayan sa pagbalangkas ng mga programa ng pamahalaang panlalawigan ng Sultan Kudarat

Magagamit na ng pamahalaang panlalawigan ng Sultan Kudarat ang Listahan database ng Department of Social Welfare and Development sa pagbalangkas ng mga prgrama para sa mga mahihirap na mamamayan sa lalawigan. Kasunod ito ng paglagda ng kasunduan ng mga opisyal ng National Househod Targeting Unit ng DSWD 12 sa mga opisyal ng lalawigan ng Sultan Kudarat.

Ayon kay Sultan Kudarat Provincial Planning and Development Coordinator Ramos Zaragosa, mahalaga ang nasabing data base sa pagbuo ng kanilang mga development plans.

Ipinahayag naman ni Provincial Social Welfare and Development Officer Elenita Saavedra na sa pamamagitan ng listahan ng DSWD ay magkakaroon sila ng mas angkop na projection sa kanilang mga plano.

Makikita sa listahan ng DSWD 12 ang mga household indicators tulad ng bilang ng mga persons with disability, senior citizens, solo parents, at mahihirap na pamilya. Ayon naman kay dating Sultan Kudarat Governor Datu Pax Mangudadatu, mahalaga ang mga ito sa pagbalangkas ng mga programa para sa social protection, edukasyon,kahirapan at maraming iba pa.

 

-0-

 

Produkto ng mga magsasaka at mangigisda mabibili ngayon sa Agribusiness Support for Promotion and Investment in Regional Exposition ng DA XII sa General Santos City

Sinimulan kahapon ng Department of Agriculture XII ang tatlong araw na Agribusiness Support for Promotion and Investiment in Regional Exposition o ASPIRE sa SM Mall General Santos City. Ayon kay DA 12 Regional Executive Director Milagros Casis, mabibili sa “Agri-Kita sa Dose” ang mga processed foods,gulay at iba pang mga agricultural products.

Ang mga ito ay gawa ng micro, small and medium enterpises na nakinabang sa mga programa ng ahensya. Ang aktibidad ay pinangungunahan ng Agribusiness and Marketing Division o AMAD ng DA. Kasama din sa programa ang Department of Trade and Industry 12, Philippine Chamber of Commerce and Industry, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Local government ng Gensan at SM City Gensan.

Layunin ng ASPIRE na inilunsad ng DA noong 2017 na matulungan ang mga magsasaka at mangigisda sa promosyon ng kanilang mga produkto. Ito ay para makahanap ng mas maraming market na magbibigay sa kanila ng mas mataas na kita.

Agri and fisheries top industries in the proposed BARMM investments list

COTABATO CITY  -  Agriculture and Fisheries are top industries which the Bagnsamoro region can offer to investors both foreign and local...

Pope names new Sorsogon bishop

SORSOGON - Pope Francis has appointed Fr. Jose Alan Dialogo of the Manila archdiocese as the new bishop of Sorsogon.

The...

Bishops push for greater mining accountability

KIDAPAWAN CITY - Mindanao bishops have joined the initiative for the government to hold mining firms accountable for the environmental and...

The Word of God is living and effective

Reading 1ROM 1:16-25

Brothers and sisters:
I am not ashamed of the Gospel.
It is the power of God for the...

MILF infighting sends civilians fleeing

DATU MONTAWAL, Maguindanao  – A long standing territorial dispute between members of Moro Islamic Liberation Front in Maguindanao erupted...