Wednesday Dec, 11 2019 03:27:56 AM

NDBC BIDA BALITA (7.5.19)

NDBC BALITA • 17:15 PM Fri Jul 5, 2019
359
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JULY 05, 2019 (FRI)
7:00 AM

HEADLINES:

1. LALAKI, sugatan sa panibago na namang kaso ng pamamaril sa Cotabato city.

2. TUBONG Kidapawan City, top 8 sa kakatapos na Criminologist Licensure Examinations.

3. Tinalak committee on hip-hop dance contest, nagbabala laban sa solicitation papers

4. Palaboy na pinaaral ng mga traffic officiers sa Koronadal, binigyan ng scholar ng TESDA-12.

 

 

-0-

 

Local………………..

AKSIDENTE at hindi sinasadyang araruhin ng Mitsubishi Montero ang limang mga sasakyan sa SK Pendatun Avenue, Cotabato city na ikinasugat ng walo katao.

Sinabi ng driver ng naturang sasakyan na si Faisa Leah Ponga, ililipat lamang sana niya ng parada ang sasakyan nang mangyari ang aksidente at tumigil lamang ito nang bumangga na sa poste ng kuryente ang SUV.

Ayon naman kay Traffic Management Unit Chief, Police Major Rowell Zafra, kabilang sa mga inararo ng Montero ang dalawang mga tricycle, motorsiklo, pedicab at isang ford escape.

Naisugod naman sa ospital at patuloy na nilalapatan ng lunas ang mga sugatang driver ng dalawang tricycle na sina Michael Ombra Modin, 36 at Dhats Haron Diocolano, 39.

Sugatan din ang pedicab driver na si Suad Kadilon Daukay, Prince Alaweh Sepi, 18 taong gulang na taga-barangay Rosary Heights 3, at Mukri Daukay Kadilon, 19 years old.

Dinala rin sa pagamutan ang tatlong mga pedestrian na sina Normina Maladia Kabugatan, 19 years old ng Pikit, North Cotabato; Noron Gaka Odin babae, 36 na taga-Sultan Kudarat, Maguindanao at John Renz Molanggana Jumao, 19, na taga-Broce, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Posible namang mauwi sa amicable settlement ang insidente matapos na mangako ang may-ari ng SUV na sasagutin ang pagpapagamot sa mga biktima ng aksidente.

 

-0-

 

Local………………..

-0-

 

Duguang isugod sa ospital ang isang lalaki nang pagbabarilin siya ng mga di pa nakilalang suspek sa Bishop Mongeau Street, Barangay Rosary Heights 8, Cotabato City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si ABDULKADIR PASANDALAN ABPEL, 40 anyos, may asawa, at taga -Talitay, ng naturang barangay.

Base inisyal na ulat, nakatayo lamang sa gilid ng kalsada sa nabanggit na lugar ang biktima pasado alas singko ng hapon kahapon nang pagbabarili ng dalawang motorcycle-riding tandem suspects gamit ang cal. 45 pistol.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril.

Nagtamo ng tama ng bala sa tiyan si ABPEL, na agad dinala sa pagamutan.

 

-0-

 

HUMIHILING NGAYON ng mas malalim na imbestigasyon ang bagong upong pinuno ng Army’s 6th Infantry Division na si Maj. Gen. Diosdado Carreon para sa dalawang mga sundalong pinakahuling tinambangan sa Cotabato city at para sa iba pang mga sundalong nasawi rin sa pananambang nitong mga nakaraang buwan.

Sinabi ni Carreon na naglabas na siya ng direktiba sa lahat ng mga kasundaluhang sakop niya para magsagawa ng sarili nilang imbestigasyon sa mga kaso ng pamamaril sa mga sundalo.

Maalalang pinakahuling biktima ng umano ay liquidation squad ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sina Cpl. Herminio Belano na nasawi habang ginagamot sa ospital at Cpl. Pacifico Obillo na ngayon ay nasa stable ng kondisyon.

Ayon kay Carreon, lubos siyang nalulungkot sa pangyayari at mariing kinokondena ng pamunuan ng Army’s 6th ID ang naturang uri ng pag-atake sa mga sundalo na nasa labas ng battle field.

Sa ngayon, sinabi ng opisyal na patuloy ang kanyang paalala sa lahat ng mga sundalo na magdobleng-ingat upang maiwasang maulit ang naturang insidente.

May mga hakbang na rin aniya silang ginagawa gaya ng pakikipag-ugnayan sa ibang pang law enforcement units at Local Government Units para maresolba ang mga kahalintulad na kaso.

 

-0-

 

NAGLABAS ng pahayag ang Ministry of Basic, Higher and Technical Education ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o MBHTE-BARMM kaugnay sa itinalaga nitong focal person para sa Lanao del Sur 1 Division.

Sa kanyang inilabas na memo, nilinaw ni Education Minister Mohagher Iqbal na position of trust and confidence ang naturang posisyong ibinigay kay Aleida Nameera Mangata bilang focal person ng dibisyon.

Aniya, si BARMM chief minister Ahod Ibrahim mismo ang nagtalaga kay Mangata sa posisyon sa tulong umano ng kanyang rekumendasyon.

Ipinaliwanag din ni Iqbal na hindi kailangang may kwalipikasyon bilang superintendent ang itatalagang focal person dahil wala namang decision-making at approval authority ang naturang posisyon na gaya ng isang superintendent.

Ayon pa kay Iqbal, naniniwala siyang nararapat si Mangata sa naturang posisyon dahil dati na rin naman itong itinalaga ni former DepEd ARMM Sec. Atty. Rasul Mitmug bilang kindergarten supervisor.

Nakapagtapos din aniya ng kanyang masteral degree si Mangata at may doctorate units din ito.

Ang pahayag ay inilabas ni Iqbal matapos bahain ng batikos sa social media ang pagtatalaga kay Mangata bilang focal person ng Lanao del Sur 1 gayung siya ay isa lamang umanong Teacher 1.

 

-0-

 

PINULONG ni National Anti-Poverty Commission Secretary Atty. Noel Felongco ang key officials ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM kasabay ng courtesy call nito kay BARMM Interim Chief Minister Al-Hadj Murad Ibrahim.

Tinalakay din ni Felongco ang mga antio-poverty program ng pamahalaan para sa mga Pinoy lalo na yung mga nasa laylayan ng lipunan kabilang na ang BARMM.

Sa pinakahuling survey ng Philippine Statistic Authority o PSA, ang Sulu ay nakakuha ng 74.3 percent poverty incidence dahilan para manguna ito sa pinakamahihirap na lalawigan sa buong bansa.

Sinundan naman ito ng Lanao del Sur na may 73.7%, Basilan 71.1%, Maguindanao 51.1% at Tawi-tawi na may 24 percent poverty incidence bagaman at hindi napabilang sa Top 5 Poorest Provinces ng bansa.

Kaugnay nito ay hiniling ni Felongco sa mga lokal na pamahalaan sa BARMM na bumalangkas ng mga konkretong programa para labanan ang kahirapan sa kani-kanilang lugar.

Maaari aniyang makipagtulungan ang LGUs sa iba pang mga ahensya ng pamahalaan para matugunan ang kahirapan sa kanilang mga lugar partikular para sa mga ayudang pang agrikultura para sa sektor ng pangingisda at pagsasaka.

 

-0-

 

Tubong Kidapawan City, top 8 sa kakatapos na Criminology Licensure Examinations

Pasok sa topnotchers ang isang Kidapawaweño sa kakatapos na June 2019 Criminology Licensure Examinations. Si Angelo Lorenzo Andrada, ay nagtapos ng Bachelor of Science in Criminology sa Central Mindanao Colleges o CMC ay nakatira sa Osmeña Drive Poblacion Kidapawan City.

Sinabi ni Andrada, siya ay nagpursige sa panahon ng kanyang pagreview at nagkaton ding nagkasakit sa panahon ng kanilang eksaminasyon.

Sa katunayan, dalawang buwan lamang siyang nakapag-review kumpara sa anim na buwan na pagsasanay ng kanyang mga kaklase. Rank number 8 si Andrada sa 2019 Criminology Board Exam na isinagawa sa University of Mindanao sa Davao City nitong June 9.

Nakatakda naman itong gawaran ng pagkilala sa July Convocation Program ng lokal na pamahalaan ng Kidapawan bilang isang achiever ng lungsod. Plano niyang pumasok at mapabilang sa Philippine National Police.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Dengue cases sa bayan ng Kabacan, North Cotabato, patuloy ang pagtaas ngayong pagsimula ng tag-ulan

Abot sa 68 cases o 78.95 percent ang naitalang nagkakasakit ng dengue sa bayan ng Kabacan, North Cotabato para sa ikalawang quarter lamang ng taon.

Batay sa datos ng Rural Health Unit, nasa tatlomput walong kaso lamang ang naitalang dengue cases sa kaparehong kwarter ng nakalipas na taon.

Nangunguna sa may pinakamaraming kaso ang Baranagy Poblacion na mayroong labing walong kaso at sinundan ng Barangay Aringay na mayroong labing pito. Sa ngayon ay mas pinalalakas pa ng Kabacan LGU ang Aksyon Barangay Kontra Dengue o ABKD program.

Samantala, inaasahan naman na darating ngayong buwan ang dalawang fogging machine upang magamit sa pagtulog na mapuksa ang lamok na may dalang sakit na dengue. Nagpayo naman ang tanggapan sa publiko na panatilihing malinis ang kapaligiran ng bawat mamamayan upang maiwasang pamugaran ng lamok.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Bureau of Fire Protection, kinumpirma na Electrical short circuit ang sanhi ng pagkasunog ng Sugni superstore sa Kabacan, North Cotabato

Ipinalabas na ng Bureau of Fire Protection ang resulta ng kanilang isinagawang imbestigasyon sa nangyaring sunog sa Sugni Superstore sa Kabacan, North Cotabato.

Ayon kay Kabacan Fire Marshall Jerry Reyes, electrical short circuit ang dahilan ng nasabing sunog na nagsimula sa opisina ng nasabing establisyemento. Nabatid na BFP- National office na ang nagsagawa ng imbestigasyon sa abot 75Million pesos na iniwan nitong danyos.

Nakitaan din ang establisyemento ng maraming paglabag bago ang nangyaring sunog dahilan para hindi magbigay ng Fire safety inspection certificate ang Kabacan-BFP. V

Dagdag pa ni Reyes, bukod sa nasunog na Sugni Superstore marami din anyang ibang establisyemento ang nakitaan ng paglabag sa Fire safety requirements ng BFP pero kino-comply naman nila ito sa ngayon.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Gobernadora ng North Cotabato, isusulong ang magandang kalidad ng serbisyo sa kalusugan sa mga pagamutan sa probinsya

Sa unang linggo pa lamang ng pag-upo ni North Cotabato Governor Nancy Catamco ay agad nitong pinulong ang lahat nga department heads ng probinsya. Partikular na rito ay ang pagpupulong kasama ang Chiefs of Hospital na pinamumunuan ng Head of Integrated Provincial Health Office (IPHO) na si Dr. Joel Sungcad.

Nabatid na una nang binisita ng gobernadora ang Cotabato Provincial Hospital upang makita ang aktwal na kalagayan nito at ng mga pasyente. Binigyang-diin ng gobernadora ang kanyang pahayag sa panahon ng kanyang panunumpa, na i-angat ang kalidad ng serbisyo sa kalusugan sa lalawigan, sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga ospital ng gobyerno.

Isa na rito ay ang one-stop-shop MALASAKIT CENTER na itatatag sa Cotabato Provincial Hospital. Binanggit din ni Catamco ang pagtatayo ng Provincial Blood Bank Center at lingguhang aktibidad ng bloodletting para sa mga pangangailangan lalo na sa mga mahihirap na mamamayan sa probinsya.

Bilang bagong punong tagapagpaganap, ang gobernadora ay umaasa na ang Lupon ng Lalawigan ng Kalusugan ay hindi lamang gagana bilang isang advisory committee sa mga usapin sa kalusugan kundi tumutulong din sa pagpapalakas ng moral ng mga empleyado at kawani ng ospital.

Matapos pakinggan ang mga isyu at alalahanin na iniharap ng Chiefs of Hospital, nagpaalala naman ang gobernadora na dapat silang magkaisa dahil ang tagumpay ng pangangasiwa ay hindi lamang umaasa sa mga pinuno kundi sa pamamagitan ng pagsisikap ng lahat .

Ang Miyembro ng Lupon ng Ikalawang Distrito sa probinsya ng Cotabato na si Dr. Philbert Malaluan, Chairman, Committee on Health ng Sangguniang Panlalawigan ay naroon din sa nasabing pagpupulong. Samantala, kahapon naman ay sinurpresa ng mga empleyado ng kapitolyo ang gobernadora nang ito’y papasok pa lamang ng kanyang tanggapan.

Ito ay pagpapakita lamang ng kanilang suporta sa mga bagong manunungkulan lalo na kay Catamco.(Drema Bravo) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

Nagbabala sa publiko ang Hip Hop Competition Committee para sa Tnalak 2019 ng South Cotabato hinggil sa mga kumakalat na solicitation para sa mga kalahok sa nasabing kompetisyon.

SInabi ni Engr. Felix Sadiang-abay, Provincial Assessor at Committee Chairman ng National HipHop Competition na hindi na kailangang magsolicit ng mga kalahok dahil nagbibigay ang Provincial Government ng South Cotabato ng financial assistance.

Makikita sa sulat na ang "South Crew Dancers" mula umano sa South Cotabato ang nanghihingi ng financial assistance.

Ayon kay Sadiang-abay, walang entry para sa Hiphop competition ang mula sa South Cotabato . Wala rin sa official list of entries ang "South Crew Dancers."

Nilinaw ni Sadiang-abay na walang entry ang South Cotabato dahil may mga prior commitment na ang ilang grupo sa ibang bansa.

Nabatid na ang 2019 Hiphop competition ay mayroong 15 entries mula sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

-0-

 

Personal na inabot ni TESDA 12 Director Rafael Y. Abrogar II kay James Bacoy, 21 anyos na nagtapos sa ALS sa tulong narin ng Koronadal City Traffic Office ang Certificate of Commitment para sa kanyang pag-aaral sa TESDA.

Kamakaylan ay naging viral sa social media si Bacoy na kung saan ay natapos nito ang kanyang pag-aaral Alternative Learning System (ALS) ng DepEd na sa kabila ng kahirapan sa buhay at kakulangan ng suporta mula sa kanyang mga magulang at ang tumayong mga magulang ni Bacoy ang mga kawani ng Koronadal City Traffic Section.

Ayon pa sa dating chief ng Koronadal City Traffic Office na si Arnel Falcis, matagal nang gusto ni Bacoy na makapagtapos ng pag-aaral at maka kuha ng welding sa TESDA.

Paalala naman ni TESDA 12 Director Rafael Y. Abrogar II na walang pinipili ang programa si TESDA at isa na si Bacoy sa mga gustong abutin ng programa dahil na rin sa kanyang pangarap sa buhay.

Dagdag pa ni TESDA Director Abrogar II na hindi lang welding dahil maraming programa ang TESDA para sa mga taong gustong magpursige sa buhay.

Isa lang sa Bacoy sa mga nagpapatunay na kahit sa hirap ng buhay ay pwedeng magpursige para umasenso.

P34 million worth of shabu seized in Tawi-Tawi bust

COTABATO CITY - Authorities seized P34 million worth of shabu from three drug traffickers who fell in an entrapment operation Tuesday in Bongao...

Mayor Sayadi wants ML to stay, saying it helped improved city peace and order

COTABATO CITY – If she had her way, Cotabato City Mayor Cynthia Guiani-Sayadi prefers that Martial Law in Mindanao stays.

...

Cartoon characters in SoCot Christmas festival wow public

KORONADAL CITY - Cartoons are not just for kids anymore.

The South Cotabato Provincial government understands that all...

Performance management training for BTA staff held

COTABATO CITY – The Office of the Parliament Speaker organized a three-day ‘Total Performance Management (TPM)’ training for Bangsamoro...

Explosives, war materiel seized by gov't troops in Zambo Norte

ZAMBOANGA CITY - Operating troops from the Bravo Company of the 97th Infantry Battalion recovered explosives and war materiel after a clash in...