Wednesday Oct, 16 2019 05:40:07 AM

NDBC BIDA BALITA (7.4, 19)

NDBC BALITA • 11:00 AM Thu Jul 4, 2019
328
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JULY 04, 2019 (THU)
7:00 AM

HEADLINES:

 

1. ANIM KATAO, sugatan matapos silang araruhin ng isang pick-up sa Cotabato city.

2. MAGSASAKA, patay habang dalawang iba pa, sugatan sa pamamaril sa Carmen, North Cotabato

3. PDEA 12 personnel na sumailalim sa surprise drug testing, negatibo sa iligal na droga.

4. 300,000 tourists inaasahan sa Tnalak Festival ng South Cotabato 

 

-0-

Local………………..

MABILIS NA ISINUGOD sa ospital ang anim katao dahil sa mga tinamong sugat matapos umano silang araruhin ng isang pick up sa bahagi ng SK Pendatun Avenue, Extension, sa Cotabato city.

Nakilala ang mga biktima na sina JHON RENCE JUMAUAS, na isang cook at ang dalawa pang mga lalaki na nakilala lamang sa mga pangalang DATU at isang NARDS.

Kabilang din sa mga sugatan ang dalawa pang mga pasahero ng isang tricycle na nakilalang sina KADWAN MOKLI at isang PRINCE ALAWI pawang mga residente ng lungsod, at isa pang ginang na nakilalang si NORON ODIN, na taga-Sultan Kudarat, Maguindanao.

Sa inisyal na report ng mga otoridad, pasado alas singko ng hapon kahapon habang nakatayo at naghihintay ng masaksayan ang ilan sa mga biktima nang bigla na lamang umanong umandar ang nakaparadang pickup sa tapat ng isang tindahan sa lugar.

Nahagip din ng naturang sasakyan maging ang ilan sa mga biktimang papasok pa lamang sana sa naturang establisyemento.

Tumigil lamang umano ang nasabing sasakyan nang bumangga na ito sa isang kongkretong poste ng koryente.

Pinakamalubha sa mga biktima si JHON RENCE JUMAUAS na nakaladkad at naipit ng naturang sasakyan.

Bukod sa mga biktima, inararo din ng naturang sasakyan ang isang motorsiklo at isang tricycle na nakaparada rin sa lugar.

 

-0-

 

ARESTADO ang isang lalaki matapos itong makuhanan ng iligal na droga at di lisensyadong baril sa isang checkpoint sa Gonzalo Javier Street, Barangay Rosary Heights 7, Cotabato City.

Kinilala ng City PNP ang nadakip na suspek na si MUJIB AMPATUAN, 24 years old, may asawa, at taga ORG compound ng naturang barangay.

Pasado alas dose ng tanghali kamakalawa nang sitahin ang suspek sa isang checkpoint ng police station 2.

Nang kapkapan ng mga pulis si Ampatuan ay nakuha sa kanya ang cal. 45 pistol na walang lisensya at isang improvised glass tooter na may lamang shabu.

 

-0-

 

Pinagbabaril ang isang radio station sa General Santos City kagabi.

Ayon sa inisyal na ulat, pasado alas otso kagabi nang paulanan ng bala ng isang suspek lulan ng pulang pick-up truck ang Bombo Radyo Gensan Broadcast center.

Sa salaysay ng mga gwardiyang nakabantay sa gusali, galing ang sasakyan sa direksyon ng Gensanville Subdivision bago dumaan sa istasyon at magpaulan ng bala ang driver nito.

Tinamaan ng mga bala ang entrance door ng himpilan at tumagos ito sa recording room kung saan narekober ang isang basyo ng bala ng hindi pa malamang uri ng baril.

Wala namang nasaktan sa mga empleyado ng himpilan.

 

-0-

 

Dalawang mga commander ng MILF at MNLF, nagka-engkwetro sa bayan Pikit North Cotabato

Dalawang mga naglalabang kumander ng Moro Islamic Liberation Front o MILF at Moro National Liberation Front o MNLF ang nagkasagupa sa Sitio Inalasan Barangay Nunguan Pikit, Cotabato alas 7:30 umaga kamakalawa.

Sa naging panayam kay Municipal Disaster Risk and Reduction officer Tahira Kalantungan, sinabi nitong nagakaengkwentro sina Kumander Mamakan Andatuan ng MILF at Commander Fernando Matugan ng MNLF sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, agawan sa lupa ang dahilan ng pag-engkwentro ng dalawang magkalabang Moro Fronts at matagal na anya ang kanilang alitan. Sinasabing gustong kunin ni Commander Mamakan ang kanyang lupa na pero ayaw namang ibigay ni Commader Fernado. Agad namang tumungo sa lugar ang Pikit PNP, miyembro ng 7th IB at mga Barangay Officials upang humupa ang tensyon sa pagitan ng dalawang kumander.

Isa namang Koned Lumagan ang nasugatan na mula sa di pa malamang grupo dahil sa nasabing palitan ng putok.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Manlalarong tubong Kidapawan, namamayagpag sa larong chess sa Bangkok, Thailand

Namamayagpag ngayon sa bansang Thailand ang isang chess player na taga Kidapawan City matapos manguna sa nasabing patimpalak na ginanap sa Assumption Association, Rama IV, Phra Khanong, Bangkok, Thailand nitong linggo.

Si Ronald Nonles, 35-anyos na laking Nursery Phase 2, Kidapawan City, North Cotabato na itinanghal sa unang pwesto at panalo sa bisa ng superior tiebreak points, ay nakakuha ng 5.5 points sa four wins at three draws sa seven outings.

Kasama ni Nonles ang isa ring Pinoy Fide Master na si Jony Habla na taga Quezon City. Bitbit ni Nonles ang eleganteng tropeyo kasali na ang 7, 000 Thai Baht na cash prize o katumbas ng halos labindalawang libong piso.

Ayon naman kay Operations and Marketing Coordinator National Master at Fide Instructor Winston Joseph Silva ng Jirapak Chess Academy sa Thailand at malapit na kaibigan ni Nonles, muling iniangat ng nasabing Kidapaweño ang bansang Pilipinas sa larangan ng nabanggit na laro.

Nabatid na sunod-sunod na naipanalo ni Nonles ang kanyang game hanggang sa final round kung saan panghuli rito ay isa ring unbeatable chess player ng Thailand na si Prin Laohawirapap.

Samantala, pangatlong pwesto naman ang taga Cotabato City na si Mohamad Sacar na nakakuha ng 5.0 points sa three wins at four draws.

Maliban sa mga nabanggit ay marami ring mga Pilipino players ang kalahok sa nasabing kompetisyon. Sinabi ni Nonles na ang laban niya sa naturang laro ay laban din ng sambayanang Pilipino at iniaalay niya ang tagumpay sa bansa dahil isang karangalan ang mapabilang sa mga international competitions.(Drema Bravo) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Itutuloy na ang byaheng Kidapawan City patungong General Santos ng Yellow Bus Line Incorporated. Alas 4:30 ng umaga sa biyernes babyahe ang unang bus ng YBL mula sa Kidapawan City na may rutang Calunasan M’lang patungong Tulunan - Datu Paglas at Buluan sa Maguindanao, Tacurong - Tantangan - Koronadal –Tupi –Polomolok sa South Cotabato at General Santos City and vice versa.

Ang direktang byahe ay hudyat ng pagbubukas ni City Mayor Joseph Evangelista sa lungsod para sa mga turista at mamumuhunan mula sa Maguindanao, South Cotabato, Sultan Kudarat at Sarangani.

Kinumpirma naman ni YBL Manager Olimpio M. Par ang naturang development matapos nilang mag-usap ng pamunuan ng City Overland Terminal at makumpleto ang mga kaukulang dokumento sa Department of Transportation para legal na makapag byahe.

Habang ngayong araw namang ang official lanunching na isasagawa sa General Santos City. Ang byaheng Kidapawan-Gensan ay isa sa mga programa ng DOTr na naglalayung mapaunlad pa ang maraming lugar sa Mindanao sa pamamagitan ng mga dagdag na rutang magkokonekta sa mga lalawigan nito.

Tinatayang 3-4 na oras ang byahe mula Kidapawan-Gensan and vice versa. Samantala, 230 pesos ang regular na pamasahe at P200 para naman sa SP sa mga deluxe buses na babyaheng Gensan P271 ang regular fare at P231 sa SP para naman sa mga aircon buses.

Sampung units muna ang inisyal na babyahe sa nabanggit na ruta at 4:30 ng madaling araw ang first trip at 3PM naman ang last trip Kaugnay rito ay may job opportunities din para sa mga taga Kidapawan City ang YBL para na rin sa kanilang dagdag na bagong 15 buses na babyahe kalaunan sa mga rutang nabanggit.

Naghahanap sila ng tig labinlimang mga bus drivers at konduktor para sa Kidapawan-Gensan route. 28 years old ang minimum age requirement ng bus driver, may professional driver’s license at six years’ experience sa pagmamaneho ng malalaking truck. Sa mga konduktor naman, at least high graduate o college level ang kinakailangan. Pwedeng mag-aaply ang mga babae bilang bus conductor, sabi pa ng pamunuan ng YBL.(CIO) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Magsasaka patay habang dalawang iba pa sugatan sa pamamaril sa Carmen, North Cotabato

Kinilala ng Carmen PNP ang nasawi na si Allan Saban Gagil, 38 anyos at nakatira sa Sitio Ipil-ipilan, Barangay Cadiis, Carmen, Cotabato. Habang ang mga nasugatan ay nakilalang sina Norodin Masukat Guilani, 40-anyos, at Tagro Nagum Sapalon, 52 -anyos na kapwa nakatira sa Barangay Cadiis.

Naganap ang pamamaril sa Sitio Pedlambero Barangay Liliongan, Carmen Cotabato alas 4:50 ng hapon kahapon. Ayon sa ulat, pinagbabaril ng riding in tandem suspek ang tatlong biktima habang lulan ng motorsiklo. Dead on the spot si Gagil habang mabilis namang naisugod ang dalawang nasugatan sa Bukidnon Provincial Hospital para sa agarang medikasyon.

Nakuha sa crime scene ang caliber 45 pistol na siyang ginamit ng mga suspek sa nasabing pamamaril. Isa ang personal grudge sa mga sinusundang anggulo ng mga pulis sa insidente.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Magsasaka patay habang dalawang iba pa sugatan sa pamamaril sa Carmen, North Cotabato

Kinilala ng Carmen PNP ang nasawi na si Allan Saban Gagil, 38 anyos at nakatira sa Sitio Ipil-ipilan, Barangay Cadiis, Carmen, Cotabato. Habang ang mga nasugatan ay nakilalang sina Norodin Masukat Guilani, 40-anyos, at Tagro Nagum Sapalon, 52 -anyos na kapwa nakatira sa Barangay Cadiis.

Naganap ang pamamaril sa Sitio Pedlambero Barangay Liliongan, Carmen Cotabato alas 4:50 ng hapon kahapon. Ayon sa ulat, pinagbabaril ng riding in tandem suspek ang tatlong biktima habang lulan ng motorsiklo.

Dead on the spot si Gagil habang mabilis namang naisugod ang dalawang nasugatan sa Bukidnon Provincial Hospital para sa agarang medikasyon. Nakuha sa crime scene ang caliber 45 pistol na siyang ginamit ng mga suspek sa nasabing pamamaril. Isa ang personal grudge sa mga sinusundang anggulo ng mga pulis sa insidente.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Kaso ng dengue nitong 1st at 2nd quarter sa bayan ng Magpet halos dumoble

Umabot na sa 136 kaso ng dengue ang naitala sa bayan ng magpet nito lang 1st at 2nd quarter ng taong ito. Sa datos na inilabas ng Municipal Health Office, mas mataas ang bilang ngayong taon kumpara sa datos noong 2018 na umabot lang sa 100 sa buong taon.

Una naring humarap sa sesyon ng Sangguniang bayan si Municipal Health Officer Dr. Floreyln Pimentel matapos ikaalarma ang pagtaas ng kaso ng dengue kung saan isang bata ang namatay na hinhinalang tinamaan ng dengue.

Ayon din kay RHU-Dengue Coordinator at Sanitary Inspector Mitchi Montes, ang barangay Poblacion ang may pinakamataas na kaso na umabot sa 22, sinundan ng barangay Temporan na umabot sa 15 at pumangatlo ang Barangay Gubatan na nakapagtala ng 14 na kaso.

Dagdag pa na nito lang kalagitnaan ng mayo nagsimulang tumaas ang bilang ng mga nagkasakit ng dengue dahil sa sunod-sunod na buhos ng ulan. Sa paglilibot ng RHU sa barangay Poblacion, napag-alaman na isa sa mga nakikitang dahilan ng pagdami ng lamok ay ang stagnant water, mga gulong at butas sa lupa na may lamang tubig, flower pots at iba pa.

Sa susunod na linggo ay magsasagawa ng dengue Forum ang RHU para makapagbigay ng dagdag na kaalaman sa mga mamayan ng lalawigan hinggil sa mga dapat gawin upang maiwasang manirahan ang lamok sa bawat komunidad. Maging ang mga skwelahan ay papasukin rin ng RHU para sa Information and Dissemination Campaign.

Sa buong Probinsya, nasa ika 11 pwesto ang bayan ng Magpet na may mataas na kaso ng dengue. Nangunguna rito ang Midsayap na sinundan ng Kidapawan, Makilala, Kabacan, Alamada, Carmen, Libungan, Mlang President Roxas at Matalam.(Mark Tayco) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

PDEA 12 personnel na sumailalim sa surprise test negatibo sa iligtal na droga.

Negatibo sa iligal na droga ang mga nag-pa drug test na 110 na mga personnel ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA region 12.

Kabilang sa mga sumailalim sa mandatory surprise drug testing ang mga operatiba, administrative at Technical Personnel ng nasabing ahensya. Isinagawa ang drug testing pagkatapos mismo ng kanilang buwanang pagpupulong sa PDEA XII Regional Headquarters sa General Santos City.

Ayon kay PDEA 12 Regional Director Naravy Duquiatan, ang pagsasailalim sa drug testing ng kanilang mga personnel ay bahagi ng kanilang standard procedure.

Sinabi ni Duquiatan na bilang ahensya ng gobyerno na nangunguna sa kampanya kontra iligal na droga, dapat ay maging ehemplo din sa publiko ang mga personnel ng PDEA. Ito ay sa pamamagitan ng pagsailalim sa drug testing na kabahagi ng internal cleansing sa ahensya ni PDEA Director General Aaron Aquino.

 

-0-

 

 

Abot sa mahigit 300,000 na mga turista ang inaasahang makikisaya sa nalalapit na 20th Tnalak Festival at 50th Foundation Anniversary ng South Cotabato. Ito ay ayon kay South Cotabato Arts, Culture, Tourism and Museum Unit Officer-In-Charge Indira Cagaanan.

Kaugnay nito sinabi ni Cagaana na nakahanda ang seguridad para matiyak ang matiwasay , masaya at ligtas na selebrasyon. Ilan sa mga matutunghayan ng mga mamamayan sa isang linggong pagdiriwang ang Regional Trade Expo, 2nd National Open Hip-Hop Competition, Tnalak Color Run, Tnalak Festival Tri-People Grand Parade at Search for Mutya ng South Cotabato.

Ang mga mahilig gumimik ay maari namang makisaya kada gabi sa mga palabas sa Alunan Avenue, Koronadal City kung saan din matatagpuan ang Tnalak Strip, Food Garden, Bahay Kubo Showcase, plants at products display. Tiniyak din ni Cagaanan ang mas engrandeng Tri-People Street Dancing Competition ngayong taon.

Matatandaan na ang Tnalak Festival at Foundation Anniversary sa July 12 hanggang 18 ay pinaglaanan ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato ng mahigit P27 million.

 

-0-

 

 Dalagita na pinaghihinalaang may meningococcemia mariing minomonitor ng mga doktor sa General Santos City Inilipat na sa isolation room ang isang pasyente sa Dr. Jorge Royeca Hospital sa General Santos City dahil sa pangamba ng meningococcemia.

Tinukoy ng Chief of Hospital na si Dr. Ryan Aplicador ang pasyente an isang 15 anyos na dalagita na isinugod doon noong nakaraang linggo. Ito ayon kay Aplicador ay nakitaan ng sintomas ng meningococcemia tulad ng pagsusuka, comvulsion, mataas na lagnat, labis na pananakit ng ulo at stiff neck.

Ipinahayag ni Aplicador na nabigyan na rin nila ng pangontrang gamot para sa nasabing karamdaman ang nagkaroon ng kontak sa nasabing pasyente.

Ayon kay Aplicador kapag nakumpirma sa test na may menengococcemia ang pasyente agad nila itong bibigyan ng antibiotic. Maari rin nilang I-refer ang pasyente sa mas malaking ospital kung hihilingin ng kanyang mga kaanak.

Gayunpaman nilinaw ni Aplicador na ang pagaling ng meningococcemia ay nakapende sa kakayahan ng pasyente na sumailalim sa antibiotic treatment at hindi sa kakayahan ng ospital. Tiniyak din ni Aplicador ang maayos na paghawak sa suspected na kaso ng meningococcemia sa nasabing pagamutan.

 

-0-

 

Monitoring sa mga bahain at landslide prone areas ngayong tagulan pinaigting ng disaster risk reduction and managgement office ng General Santos City

Mariing binabantayan ngayon ng lokal na pamahalaan ang mga mababang lugar at mga barangay malapit sa mga baybayin ng General Santos City.

Ito ay dahil sa pangamba ng mga pagbaha at storm surge ngayong tagulan. Sa ngayon ay nakipagugnayan na ang city disaster risk reduction and management council o CDRMMC sa kanilang mga counterpart sa barangay.

Ipinahayag ni Gensan CDRRMC Action Officer Agripino Dacera Jr. na nakatutuok ngayon ang kanilang monitoring sa anim na mga barangay na mapanganib sa kalamidad.

Ang mga ito ay ang San Isidro, Lagao, City Heights, Buayan, Baluan at bahagi ng Katangawan kung saan madalas naiipon ang tubig mula sa karatig barangay ng Conel at Mabuhay. Dinagdag ni Dacera na para maibsan ang mga pagbaha natapos na lokal na pamahalaan ang drainage sa ilang mga barangay ng Gensan. Naniniwala din si Dacera na matapos sumailalim sa mga pagsasanay, may kakayahan na ang disaster team ng mga barangay sa Gensan na rumesponde sa kalamidad.

 

-0-

 

Water Lilies sinimulan nang tanggalin ng provincial environment and management office sa tourist destination na Lake Sebu, South Cotabato

Target ng Provincial Environment Office o PEMO na malinis ang mga water lilies sa mahigit walong ektaryang bahagi ng Lake Sebu sa South Cotabato.

Ito ay ayon kay PEMO Senior Environment Management Specialist Loida Villa. Sa ngayon ayon kay Villa ay nalinis na rin ang mga water lilies sa may 2,000 sqm na bahagi ng Lake Lahit at 18,000 sqm sa Lake Sebu.

Dinagdag din ni Villa na nagpapatuloy din ngayon ang clean up drive up sa Lake Seloton. Ang clean up drive sa Lake Sebu na pangunahing tourist destination sa South Cotabato ay pinaglaan ng pamahalaang panlalawigan ng mahigit P80,000.

Ayon kay Villa katuwang ng PEMO sa clean up drive ang mga opisina ng Lake Warden at Municipal Agriculturist ng Lake Sebu.

 

-0-

 

 

 

 

 

Agri and fisheries top industries in the proposed BARMM investments list

COTABATO CITY  -  Agriculture and Fisheries are top industries which the Bagnsamoro region can offer to investors both foreign and local...

Pope names new Sorsogon bishop

SORSOGON - Pope Francis has appointed Fr. Jose Alan Dialogo of the Manila archdiocese as the new bishop of Sorsogon.

The...

Bishops push for greater mining accountability

KIDAPAWAN CITY - Mindanao bishops have joined the initiative for the government to hold mining firms accountable for the environmental and...

The Word of God is living and effective

Reading 1ROM 1:16-25

Brothers and sisters:
I am not ashamed of the Gospel.
It is the power of God for the...

MILF infighting sends civilians fleeing

DATU MONTAWAL, Maguindanao  – A long standing territorial dispute between members of Moro Islamic Liberation Front in Maguindanao erupted...