Saturday Aug, 24 2019 09:24:48 PM

NDBC BIDA BALITA (7.29.19)

NDBC BALITA • 09:00 AM Mon Jul 29, 2019
308
By: 
NDBC NCA

NDBC NEWSCAST

HEADLINES:

1. UMAABOT sa siyam na libong mga empleyado, nawalan ng trabaho sa pagsara ng mga Lotto at STL outlets sa South-Central Mindanao.

2. Highway Patrol Group North Cotabato, pinasinungalinan ang umano’y kurapsyon sa kanilang hanay

3. 18 mga barangay sa South Cotabato, dengue hotspots, ayon sa Provincial Health Office ng lalawigan

4. Kampanya kontra ISIS sa Maguindanao, pinalalakas ng AFP

 

-0-

 

SA DETALYE NG MGA BALITA....

 

NASA 800 Small Town Lottery o STL outlets ang nagsara sa Cotabato city at sa South Cotabato bilang pagtalima sa direktiba ni P. Duterte noong nakaraang linggo.

Umaabot naman sa higit isang libong mga manggagawa ang nawalan ng trabaho sa naturang lugar matapos ipinatigil ang operasyon ng STL.

Gayunman, ayon sa pamunuan ng Provident STL, walang dapat ikabahala ang mga may kukobrahin pang panalo dahil maibibigay pa rin ito sa kanila.

Ayon sa Provident STL, maaaring maging pansamantala lamang din ang pagsasara ng STL outlets dahil sa ngayon ay nakikipag-usap na sila sa tanggapan ni P. Duterte.

Sa kabuuan, uaamabot na sa higit 21 thousand lotto at iba pang gaming outlets ang nagsara sa buong bansa at ang iba naman ay ipinasara mismo ng PNP.

Ito ay kasunod naman ng closure order ni P. Duterte sa operasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO at iba pang mga PCSO-sanctioned gaming outlet.

 

-0-

 

“Overkill at OA na umano ang naging aksyon ng PNP sa pagpapasara ng mga lotto outlet sa buong bansa.

Sinabi ni Sen. Nancy Binay na halip sana na tutukan ang STL outlets ay dapat pagtuunan ng pansin ng PNP ang paghuli sa mga kriminal.

Kasunod kasi ng direktiba ni Pangulong Duterte na ipasara ang lahat ng gaming operation ng PCSO ay nagkasa ang PNP ang nationwide crackdown laban sa iligal na pagsusugal.

Ani Binay, dapat nang itigil ng pulisya ang pag-aaksaya ng kanilang oras at tutukan ang pag-iimbestiga sa mga krimen.

Nagpapakita aniya ito ng tila pagkakaroon ng ‘misplaced sense of priority’ ng PNP.

Dagdag ng senadora, wala nang sibli ang pagkandado ng mga pulis sa non-operational betting stations dahil naka-shutdown na ang main servers noon pang Biyernes.

Idiin pa ni Binay na gawing prayoridad ang pagsugpo sa krimen sa pamamagitan ng paghuli sa mga kriminal.

 

-0-

 

TADTAD ng mga tama ng bala ng cal. 45 pistol ang natagpuang bangkay ng isang lalaki sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Nakilala ng DOS PNP ang biktima na si KALID NAVARO ALI, 25 years old, habal-habal driver na taga Brgy. Labungan ng bayan.

Sinabi ni DOS PNP chief, police major Erwin Tabora na isang concerned citizen ang ang lumapit sa kanila upang humingi ng tulong matapos na matagpuan ang bangkay ni Ali sa sa Brgy. Benolen nitong Biernes ng umaga.

Ayon kay Tabora, nanggaling umano ng Brgy. Labungan si Ali at pinakyaw ng hindi pa nakikilalang indibidwal patungong Brgy. Benolen.

Hanggang ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang motibo ng suspek sa pamamaril sa biktima.

Samantala, duguan namang isinugod sa pagamutan ang isang lalaki matapos na pagbabarilin ng di pa nakikilalang suspek sa kanilang lugar sa Barangay Katuli, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Kinilala ang biktima na si ESMAEL ENGGO, 51 anyos.

Base sa inisyal na ulat, pasado alas syete ng gabi kamakalawa habang nakatayo lang sa tapat ng kanilang bahay ang biktima nang lapitan ng suspek at pinagbabaril gamit ang cal. 45 pistol.

Nagtamo ng tama ng bala sa kanang braso at kaliwang binti ang biktima na agad isinugod ng kanyang pamilya sa ospital.

 

-0-

 

PINA IGTING PA ng Joint Task Force Central ang pagtugis sa mga terorista sa North Cotabato at Maguindanao.

Target ng surgical strike ang grupo ni Shiek Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraife ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF-ISIS Inspired Group.

Maliban sa grupo ni Toraife ay tinutugis rin ng militar ang anim na mga dayuhang terorista na kinakanlong ng BIFF.

Tuloy pa rin ang air to ground assault ng militar sa Liguasan Delta at SPMS Box sa Maguindanao.

Sa report ng AFP, nasa 13 mga miembro ng BIFF na rin ang nasawi, marami sa mga ito ang sugatan at isang sundalo naman ang binawian ng buhay.

Lumobo naman sa mahigit 300 mga pamilya ang lumikas sa hangganan ng North Cotabato at Maguindanao sa takot na maipit sa bakbakan ng militar at rebeldeng grupo.

Hindi naman mabatid kung nagpaabot na ng tulong ang Maguindanao provincial government sa mga pamilyang nagsilikas bunsod ng operasyon ng militar.

 

-0-

 

HALOS WALANG MALAY nang isugod sa pagamutan ang isang ginang matapos siyang magtamo ng mga sugat at pasa sa iba’tibang parte ng kanyang katawan dahil sa pambubugbog ng kanyang sariling mister sa Cotabato city.

Nakilala ang biktima na si MUTYA MACABAGON, 40 anyos, taga Mother Barangay Rosary Heights.

Base sa inisyal na ulat, pasado alas kwatro ng hapon kamakalawa nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa hanggang sa mauwi sa pambubugbog ng suspek na si THO MACABAGON, 60 anyos, sa kanyang misis.

Pinaghahampas pa umano ni Tho ng kahoy na dos-por-dos ang misis ngunit mabuti na lamang at nakatakbo palayo ang biktima.

Sa ngayon ay nasa mesalang kondisyon si Mutya na patuloy na ginagamot sa ospital.

 

-0-

 

Kampanya kontra droga, mas palalakasin ng otoridad sa North Cotabato

Nais ngayon ni North Cotabato Governor Nancy Catamco na mas palakasin ang anti-illegal drug campaign sa buong lalawigan ng North Cotabato.

Ito ang hamon ng gobernadora sa mga matataas na opisyal kabilang ang Philippine Drug Enforcemnet Agency o PDEA at Local Police. Nabatid na isa ang North Cotabato sa buong rehiyon 12 na may pinakamaraming nakumpiskang droga at marami din ang mga gumagamit nito.

Ang nasabing datus ay mula sa PDEA region 12 sa kanilang isinagawang anti-illegal drug operations noong taong 2017 at 2018. Kaugnay nito, ipinag-utos ni Governor Catamco ang pagbabalik ng Provincial Anti- Illegal drug abuse council na pinangunahan mismo nito.

Nakiusap din ang gobernador ang PDEA sa pamamagitan ni ni Director Naravy Duquaitan na magpadala ng kopya upang ma-update ang pagsagawa ng Join Anti-illegal drug campaign ng PDEA, PNP at AFP sa North Cotabato.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Mahigit 8,000 mga empleyado, nawalan ng trabaho kasabay ng pagpapasara ng STL outlets sa North Cotabato

Mahigit sa 8,000 na mga indibidwal ang nawalan ng trabaho matapos na ipasara ng Cotabato Police Provincial Office ang lahat ng Small Town Lottery Outlets sa buong North Cotabato simula noong sabado. Pinangunahan ni Provincial Director Police Colonel Maximo Layugan ang pagpapasara ng mga gaming operation sa ilalim ng PCSO kasabay na rin ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng mga regional offices.

Sa naging panayam ng Radyo- Bida kay Layugan, sinabi nitong sinunod lamang ng PNP ang kautusan ng Pangulo at maari anyang maaresto ang sinumang magpapatuloy ng opearsyon o lalabag sa nasabing kautusan. Posible din anyang tataas ang mga illegal activities tulad ng krimen, droga at pagnanakaw.

Maging ang illegal numbers game, pero anya huhulihin nila ang sinumang lalabag sa kautusan. Samantala, una na ring inanunsiyo ni dating Vice mayor Rodolfo Gantuangco na siyang operator ng small town lottery na pinamamahalaan ng miracle pick gaming station na inihinto nila ang operasyon kasabay na rin ng utos ng pangulo.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Highway Patrol Group North Cotabato, pinasinungalinan ang umano’y kurapsyon sa kanilang hanay

Itinanggi ng Highway Patrol Group na may nangyayaring kurapsyon sa pagitan ng mga motorista at sa iilan nilang mga tauhan.

Sinabi ni HPG North Cotabato OIC Head PEMS Alberto Rosas na paiimbestigahan nito ang sinumang nasa likod ng panghihingi ng pera sa mga motoristang may biolasyon sa pagmamaneho.

Nabatid na dumulog sa himpilan ng Radyo Bida ang isang motorista matapos umano itong pagbayarin ng isang libo at limang-daang piso kapalit ng pag-release ng kanyang motorsiklo na na-impound ng Highway Patrol Group. Ang nasabing reklamante ay nakitaan ng impoundable violations na itinakda ng Land Transporation Office o LTO.

Imbes kasi na bigyan siya agad ng TOP ay binigyan lamang ito ng impounding receipt at pinapunta umano sa tanggapan ng HPG upang makipag-areglo sa halagang 1,500 pesos. Bagamat mas mababa kung ikukumpara sa babayaran nito sa LTO, hindi naman umano ito tama dahil isa itong uri ng kurapsyon.

Nabatid din na abot mula 13,000 pesos ang nakatakda sana nitong bayaran sa LTO, pero siningil na lamang umano ito ng 1,500 ng HPG kapalit ng pagrelease ng kanyang motorsiklo. Ang biolasyon nito ay expired ang OR/CR ng kanyang motorsiklo at walang side-mirror.

Sa panig naman ng HPG North Cotabato, ang sasakyang kulang-kulang ang accessories gaya ng side-mirror ay nasa listahan ng kanilang impoundable violations. Pero sinuguro ng hepe ng HPG na paiimbestigahan nito ang sinuman sa kanilang tauhan na gumagawa ng naturang irregularidad.

 

-0-

 

Pamimigay ng social pension sa mga senior citizens, pamamahalaan na ng DSWD sa halip na mga LGU, ayon sa Social Marketing Service Director ng nasabing ahensya

Hindi na idadaan pa sa mga lokal na pamahalaan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang social pension para sa mga senior citizen.

Ipinahayag ito ni DSWD Social Marketing Service Director Caezario Joel Espejo. Sa halip ayon kay Espejo, ang nasabing benepisyo para sa mga nakatatanda ay ibibigay na mismo ng mga tauhan ng ahensya. Layunin nito na matiyak na walang pension sa iba pang ahensya ng gobyerno ang mga benepisyaryo ng social pension program.

Ayon kay Espejo nais ding matiyak ng ahensya na ang mabibigyan ng nasabing tulong ay totoong mahirap, walang permanenteng trabaho, problema ang araw araw na gastusin, at hindi sinusuportahan ng mga kaanak.

Ayon kay Espejo nagpapatuloy ngayon ang releasing ng social pension sa mga benepisyaryo na makatanggap ng tig P6,000 sa unang anim na buwan ng 2019.

Sinabi ni Espejo na dahil sa validation at cross matching ng ahensya sa kanilang listahan, naantala ang distribution ng DSWD ng social pesnion Dinagdag din ni Espejo na para sa mas mabilis na releasing ng pondo nagdagdag din ng Disbursing Officers ang DSWD.

 

-0-

 

18 barangay sa lalawigan, dengue hotspot, ayon sa Assistant Provincial Health Officer ng South Cotabato

Makikita ang 18 mga barangay sa South Cotabato na dengue hotspot sa mga bayan ng Surallah, Polomolok, Sto. Nino, Norala, Koronadal, Tupi at Tantangan.

Kinumpirma ito ni Assistant Provincial Health Officer Dr. Alah Baby Vingno. Ayon kay Vingno nakatutok ngayon ang fogging at misting operation ng provincial health office sa mga dengue hot spot sa lalawigan. Dinagdag din ni Vingno na 91 mga barangay sa South Cotabato ay mayroong clustering ng dengue cases.

Ito ay matapos makapagtala ng tatlo hanggang apat na kaso ng dengue sa magkasunod na apat na linggo. Kaugnay nito, umapela naman si South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. sa mga mamamayan ng lalawigan na magsagawa ng “Operation Kulob”.

Ayon kay Tamayo mahalaga ang pagbaliktad ng anumang bagay na pinamumugaran ng lamok . Paliwanag ni Tamayo ang kaya lamang kasing puksain sa fogging at misting operation na ginagawa ngayon sa mga dengue hot spot ang mga malalaki nang lamok.

Ayon kay Tamayo inaasahan nito na sa pagtutulungan ng mga mamamayan at mga lokal na pamahalaan ay masawata ang dengue na kumitil ng 21 buhay sa South Cotabato nitong taon.

 

-0-

 

PRO 12 Regional Director may paalala sa mga police officials kasunod ng pagpapasara ng mga Lotto at STL outlets sa rehiyon

Tiyaking nakasara ang lahat ng Lotto at Small Town Lottery o STL Outlets sa kanilang areas of responsibility. Ipinagutos ito ni PRO 12 Regional Director Brig. General Eliseo Tam Rasco sa mga opisyal ng mga police units sa rehiyon.

Sinabi ito ni Rasco matapos pangunahan ang inspeksyon at pagpapasara ng lahat ng games outlet ng Phililippine Charity Sweepstakes o PCSO sa General Santos City at karatig lugar.

Kasabay ng paglalagay ng mga tarpuline at stickers ipinaliwanag ng mga pulis sa mga may ari ng STL at Lotto outlets ang mga dahilan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapasara sa mga ito. Ipinagutos din ni Rasco sa mga pulis na arestuhin ang mga lalabag sa utos na ito ng pangulo.

Sa Koronaddal City nanguna sa pagiikot sa mga lotto at STL outlets si Chief of Police, Lt. Col. Rey Egos, noong Sabado ng umaga. Kalakip sa mga ipinasara nila ang mga lotto outlets sa mga mall ng syudad.

Kaugnay nito, ipinahayag naman ni South Cotabato PNP Provincial Director, Police Col. Joel Limson na magiikot 24 oras ang mga pulis sa lalawigan. Layun nito na matiyak na maisasara ang lahat ng lotto at STL Outlets. Matatandaan na ipinagutos ni Pangulong Duterte ang pagpapasara sa lahat ng games ng PCSO dahil umano sa talamak na korupsyon.

 

-0-

 

Draft ng amendment sa Charter change minamadali ng DILG

Target ng Department of the Interior and Local Government o DILG na matatapos sa susunod na buwan ang draft ng amendment sa saligang batas para mabago ang ilang mga mahalagang probisyon nito at maisulong ang Federal Form of Government.

Ipinahayag ito ni DILG Undersecretary Jonathan Maglaya. Si Maglaaya kasama ang mga kasapi mga ng Inter-Agency Task Force on Federalism na pinamumunuan ng DILG ay nanguna sa “Dagyaw 2019” regional town hall meeting sa Koronadal City.

Bahagi ito ng nationwide consultation sa Charter Change.

Ayon kay Maglaya inaasahan nilang maisumite kay Pangulong Rodrigo Duterte ang draft ng consitution amendment sa ikalawang linggo ng Setyembre.

Kapag ito ay naaprupahan ng Pangulo, agad nila itong ibibigay sa Senado at Kongreso. Sinabi ni Maglaya na kalakip sa nais nilang baguhin sa 1987 consitituion ang mga restriction sa economic provision, at ilang electoral reforms.

Kalakip dito ang pagpapalawig ng term ng mga inihalal na lokal na opisyal mula tatlo sa apat na taon. Binigyan diin ni Maglaya na nasa agenda pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang charter change kahit na hindi ito nabanggit sa kanyang pinakahuling State of the Nation Address.

Paliwanag ni Maglaya nasa proseso pa rin kasi ng paggawa ng draft ng amendments ang DILG at iba pang ahensya ng gobyerno. Binigyan diin ni Maglaya na kailangan nang baguhin ang ilang probisyon sa 1987 Constitution para makaagapay sa pagbabago ng panahon.

 

-0-

 

Pagpapatuloy ng mga proyekto sa ilalim ng SOCCSKARGEN Area Development Project tiniyak ni DA Secretary Pinol

Tuloy pa rin ang mga proyekto sa ilalim ng SOCKSARGEN Area Development Project ng Department of AGriculture. Tiniyak ito ni DA Secretary Manny Pinol nang pangunahan nito ang SOCKSARGEN Area Development Board Meeting sa Koronadal City.

Kalakip sa mga proyekto nito ang pagsasaayos ng General Santos City Airport, Makar Port Development pawang mga nasa General Santos City. Tuloy din ang Central Mindanao Airport Development.

Tinalakay din sa pagpupulong ng mga ito ang Task Force on SOCCKSARGEN Food Basket, at mga farm-to-market roads.

Ang SOCSKSARGEN Area Development Project ay isang special project ng DA na naglalayong matulungan ang mga lokal na pamahalaan sa Rehiyon Dose na mapalago ang mga potensyal ng rehiyon sa agrikultura at iba pang industriya para sa patuloy na paglago ng ekonomiya sa lugar.

 

 

 

Cotabato City bags 8 awards from DOH

COTABATO CITY - Cotabato City got not just one, not just two, and not even just three, but eight awards during the 2019 Regional Awarding...

DFA-Basilan gov't passport services gains headway

BASILAN  - More than a thousand residents have benefited from the joint passport processing program of the office of Gov. Jim Salliman and...

Gun licensing amnesty program for BARMM recommended

COTABATO CITY --- Peace advocates wants a firearm licensing amnesty for civilians in the Bangsamoro region to complement the...

NDBC BIDA BALITA (8.24.19)

HEADLINES:

1. OPERASYON ng Small Town Lottery o STL sa Cotabato City at South Cotabato, posibleng sa Setyembre pa umano...

PNP acquires 10 new choppers

DAVAO CITY--The Philippine National Police (PNP) has acquired 10 new helicopters to further enhance its crime-fighting capability, an...