Monday Oct, 14 2019 06:28:35 AM

NDBC BIDA BALITA (7.24.19)

Breaking News • 15:30 PM Wed Jul 24, 2019
212
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JULY 24, 2019 (WED)
7:00 AM

HEADLINES:

1. MARTIAL LAW sa Mindanao, posibleng palawigin pa ng isang taon.

2. Barangay Kagawad, arestado matapos makuhanan ng iligal na armas habang isa pa, nakatakas matapos na makumpiskahan ng iligal na droga sa magkahiwalay na mga operasyon sa Mlang, North Cotabato.

3. BATA, patay habang higit 100 pamilya ang nawalan ng tahanan sa sunog sa General Santos city.

 

-0-

 

 

MULING itutulak ang karagdagang isang taong pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Sa isinagawang post-SONA press briefing ng gabinete ni Pangulong Duterte, sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr. na irerekomenda niya ang pagpapalawig ng martial law sa rehiyon.

Layon aniya nitong makontrol ang terorismo sa Mindanao.

Kailangan pa aniyang pagbutihin ang deployment technical equipment sa lugar.

Nagsimulang isailalim sa batas militar ang Mindanao nang sumiklab ang giyera sa Marawi City noong 2017.

Kamakailan lamang ay walo ang patay at 12 iba pa ang sugatan sa magkasunod na suicide bombings na naganap sa isang military camp sa Indanan, Sulu.

Samantala, pakikinggan naman umano ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ni Esperon para sa posibleng pagpapalawig ng isang taon sa martial law sa Mindanao.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador panelo, si Esperon ang higit na nakaalam sa sitwasyon sa Mindanao region.

Pakikinggan din aniya ng Pangulo ang rekomendasyon ni Esperon na hindi na isama sa martial law ang Davao City na hometown ng pangulo.

Sakaling palalawigin pa ng isang taon ng Pangulo ang martial law sa Mindanao, ito na ang ika-apat na pagkakataon na ipatutupad ang batas militar sa naturang rehiyon.

 

-0-

 

 

Patay ang anim na taong gulang na bata sa sunog na naganap sa Barangay Dadiangas South, General Santos City, kahapon ng madaling araw.

Sinabi ni City Disaster Risk Reduction and Management Office Action Officer Bong Dacera, nakulong sa nasusunog nilang bahay ang batang babae at tanging mga buto na lamang nito ang inabutan ng kanyang pamilya.

Naiwan umano sa bahay ang bata dahil ang nagtatrabaho sa palengke ang kanyang magulang.

Aabot naman sa 123 mga pamilya ang naapektuhan ng sunog.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, overloading ng kuryente ang naging sanhi ng sunog.

Marami umano kasing mga iligal na koneksyon ng kuryente sa lugar.

Tinatayang nasa 600 libong piso ang inisyal na halaga ng naabong mga ari-arian sa naturang sunog.

 

-0-

 

 

Duguang isinugod sa ospital sa Cotabato city ang isang batang lalaki na aksidenteng nabaril ang sarili ng pinaglalaruang Holen Gun sa kanilang bahay sa Upi, Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si DATU JAY GUIAMAN, 13 anyos.

Nabatid na habang masayang pinaglalaruan ng bata ang kanyang Holen Gun kahapon ng tanghalin nang aksidente nitong makalabit ang gatilyo ng baril habang naka tapat sa kanyang mukha dahilan upang matamaan ito sa kanyang mata.

Sa iba pang balita, patuloy pang pinaghahanap ng mga otoridad ang lalaking suspek sa tangkang pagbaril at pagpatay sa isang negosyanteng taga Parang, Maguindanao,

Matinding takot umano ang naranasan ng negosyanteng si 

ABDULRANIE ABAD CATONG, 30 anyos, may asawa at taga Brgy. Macasandag, Parang matapos umano siyang tutukan ng baril at tangkang paslangin ng suspek sa Bagsakan area, sa Mother Barangay Poblacion, Cotabato City noong Linggo ng hapon.

Nagtungo umano siya sa nabanggit na lugar upang makipagkita sa isang taong kakausapin niya para sa kanilang fruit business nang magkaroon sila ng di pagkakaunawaan.

Isang lalaking suspek umano na nakilala lamang sa pangalang Harris ang lumapit sa kanila at bigla na lamang umanong bumunot ng cal. 38 revolver at itinutok  sa biktima at kinalabit ang gatilyo pero maswerteng pumalya at hindi pumutok ang baril.

 

-0-

 

KINUMPIRMA na ng Indonesian police kahapon na ang mag-asawang Indonesian ang nasa likod ng suicide bombing sa Jolo Cathedral noong Enero na ikinasawi ng 23 katao.

Sinabi ni Indonesian National Police spokesperson Dedi Prasetyo na isang lalaking naaresto sa Malaysia noong Hunyo na nakilalang si Yoga Febrianto ang kumilala sa mag-asawang sangkot sa pambobomba.

Si Febrianto ay may ugnayan sa Islamic State.

Kinilala ni Febrianto ang mag-asawang suicide bombers na sina Rullie Rian Zeke at Ulfah Handayani Saleh.

Ang pag-amin ni Febrianto ay kinumpirma rin ng Islamist militant na si Novendri na naaresto naman ng pulisya noong Biyernes sa Padang, West Sumatra.

Nabatid na nagtungo sina Rullie at Ulfah sa Turkey noong 2016 para sumali sa Islamic State ngunit nahuli sila ng Turkish authorities at nai-deport pabalik ng Indonesia.

Sinasabing ang pagkakasangkot ng mag-asawang Indonesian sa pambobomba sa Jolo Cathedral ay nagpapakita ng pagkakahalintulad ng Islamist militants na may operasyon sa Indonesia, Malaysia at Pilipinas.

Layon umano ng mga Islamic militants na bumuo ng ‘caliphate’ sa Southeast Asian region.

Samantala, kinumpirma naman ng AFP - Western Mindanao Command ang presensiya ng pitong foreign terrorists na sumapi na umano sa Abu Sayyaf Group o ASG at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.

Ayon kay Western Mindanao Command chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana, ang pitong foreign terrorists ay kasa-kasama ngayon ng mga local terrorist group sa Basilan, Sulu at Central Mindanao.

Sabi ni Sobejana, sinasanay umano ng mga banyagang terorista ang local terrorists sa paggawa ng mga improvised explosive devices at nagsasanay din ng mga susunod na suicide bomber.

Hindi naman tinukoy ni Sobejana kung saang mga bansa nanggaling ang mga sinasabing foreign terrorist na aniya ay pawang mga ISIS-inclined.

Kaugnay nito ay hinimok ng heneral ang publiko na maging alerto at agad na isumbong sa mga otoridad kapag may napansing kahina-hinalang mga dayuhan sa kanilang lugar.

 

-0-

 

ABOT sa 496 na mga newly hired police officer ang sabay-sabay na nag-donate ng dugo sa inilunsad na bloodletting activity kahapon sa Regional headquarters ng PNP-BARMM.

Sinabi ni PNP BARMM - Regional Health Services chief Police Col. Rellie Canlas na katuwang nila sa naturang aktibidad si retired IPHO Maguindanao chief Dr. Tahir Sulaik.

Ayon kay Canlas, pagkatapos ng nabanggit na aktibidad ay itatalaga na ang naturang mga bagitong pulis sa iba’t ibang police stations sa BARMM.

Ang nakolekta namang mga dugo ay agad dadalhin sa blood bank ng Cotabato Regional Medical Center at Maguindanao Provincial Hospital sa Datu Hoffer, Maguindanao.

Samantala, bagaman at nagretiro na, tiniyak naman ni Dr. Tahir Sulaik na tuloy-tuloy pa rin siyang magbibigay ng kanyang serbisyo kung saan siya kakailanganin.

Nagretiro sa serbisyo si Sulaik noong July 19 subalit mananatili pa din siyang doktor at puwedeng magpatuloy sa pagbibigay ng medical services sa kanyang mga kababayan.

 

-0-

 

DSWD 12, nagsisimula na sa pamimigay ng social pension ng mga senior citizen sa rehiyon

Ipinaliwanag ng DSWD 12 ang dahilan ng pagka-antala sa pamimigay ng social pension ng mga senior citizen sa rehiyon.

Sa naging panayam kay Senior Citizen Focal Person Lavinia Saraw, sinabi nitong nagsagawa pa ang ahensya ng data cleansing at revalidation sa lahat ng mga benipisyaryo.

Pero sa ngayon anya ay nagsisimula na sila sa pamimigay ng pension ng mga senior citizen simula pa sa buwan ng hunyo.

Ang 3,000 na cash na matatanggap ng bawat benipisyaro ay ibibigay ng mismong regional office sa pamamagitan ng kanilang special disbursing officer sa kada lungsod at bayan.

Para sa first batch ng kanilang pay-out, kahapon ay nakatanggap ang mga senior citizen mula sa bayan ng Kabacan, Banisilan at President Roxas North Cotabato.

Habang ngayong linggo naman ang mula sa bayan ng Pigcawayan at sa Aleosan Cotabato. At kung wala ang pangalan sa partial list na kanilang ipinalabas sa bagong sistema ng DSWD ay maaring makipag-ugnayan lamang sa OSCA office ng kada lugar.

Habang nilinaw din ng opsiyal na ang makakatanggap lamang ng benipisyo ay ang mga senior citizen na walang natatanggap mula sa ibat-ibang mga social security pension. VC-SARAW Si Senior citizen focal person Lavinia Saraw. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

DSWD 12, nagsisimula na sa pamimigay ng social pension ng mga senior citizen sa rehiyon

Ipinaliwanag ng DSWD 12 ang dahilan ng pagka-antala sa pamimigay ng social pension ng mga senior citizen sa rehiyon.

Sa naging panayam kay Senior Citizen Focal Person Lavinia Saraw, sinabi nitong nagsagawa pa ang ahensya ng data cleansing at revalidation sa lahat ng mga benipisyaryo. Pero sa ngayon anya ay nagsisimula na sila sa pamimigay ng pension ng mga senior citizen simula pa sa buwan ng hunyo.

Ang 3,000 na cash na matatanggap ng bawat benipisyaro ay ibibigay ng mismong regional office sa pamamagitan ng kanilang special disbursing officer sa kada lungsod at bayan.

Para sa first batch ng kanilang pay-out, kahapon ay nakatanggap ang mga senior citizen mula sa bayan ng Kabacan, Banisilan at President Roxas North Cotabato. Habang ngayong linggo naman ang mula sa bayan ng Pigcawayan at sa Aleosan Cotabato.

At kung wala ang pangalan sa partial list na kanilang ipinalabas sa bagong sistema ng DSWD ay maaring makipag-ugnayan lamang sa OSCA office ng kada lugar. Habang nilinaw din ng opsiyal na ang makakatanggap lamang ng benipisyo ay ang mga senior citizen na walang natatanggap mula sa ibat-ibang mga social security pension.

 

-0-

 

Publiko, hinihikayat na makilahok sa isasagawang clean up drive sa mga paaralan at mga Barangay sa North Cotabato

Ilulunsad ang malakawang clean up drive ng mga mamamayan na mula sa third district ng lalawigan ng North Cotabato.

Ayon kay Third District Congressman Jose “Ping-Ping” Tejada, hinihiyakat nito ang mamamayan ng kanyang nasasakupan na makilahok sa isasagawang clean up drive sa bawat Barangay lalong-lalo na sa mga paaralan.

Layon nitong matulungang mapuksa ang dumadaming kaso ng dengue sa mga bayan ng Tulunan, Mlang, Kabacan, Matalam, Carmen at Banisilan North Cotabato. Matatandaang nangunguna pa rin ang North Cotabato sa buong SOCCKSARGEN na may pinakamaraming kaso ng dengue batay sa pinakahuling datus ng Department of Health o DOH.

Sinabi ng kongresista, hindi kailangang magdeklara ng state of calamity ang isang lalawigan para lamang na magtrabaho dahil anya mas mabuting magtarabaho muna upang hindi na kailangang magdeklara pa ng Dengue outbreak. VC-TEJADA Si Third District Congressman Jose “Ping-Ping” Tejada. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Mga indigent patients, nakabenepisyo ng libreng medical at dental program sa Kidapawan City

Abot sa isang libong mga indigent patients ang nabigyan ng libreng serbisyong medikal, at dental outreach program sa Kidapawan City.

Ito ay nagsimula kahapon at magpapatuloy hanggang ngayong araw na isinasagawa sa City Gymansium. Ang programa ay sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan at ng With Love Jan Foundation. Nakabenipisyo sa naturang programa ang mga mamamayan na mula sa ibat-ibang Barangay ng lungsod.

Libre na ang pagpapakonsulta, pagbibigay ng gamot, dental services gaya ng pagbunot at pagpapasta ng ngipin, laboratory services at reading eyeglasses ang ibinigay sa kanila.

Maliban sa mga serbisyong nabanggit, nagbigay din ng mga tips at mahahalagang impormasyon ang mga doctor at health service providers sa kung papaanong maiingatan ng mamamayan ang kanilang kalusugan at maka-iwas sa sakit. Karamihan sa mga pasyenteng nabigyan ng libreng serbisyo ay mga matatanda,buntis ,mga bata at maging Persons With Disability o PWD.

Tumulong din ang ilang mga private medical practitioners mula sa Kidapawan City na nagbigay din ng libreng serbisyo para saa mga mamamayan. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Laborer, arestado sa isinagawang anti-illegal drug operation ng PNP sa Pikit, North Cotabato

Huli ng PNP ang isang lalaki sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Sitio Pug-Pug, Barangay, Poblacion Pikit, North alas 6:00 kagabi.

Kinilala ang naaresto na si JOHN LANTACA aka“BOBOY”, 38 years old, may asawa, isang laborer at nakatira sa nasabing lugar. Ang buy bust operation y isinagawa ng PNP laban sa suspek na nakuhanan ng dalawang pakete ng pinaghihinlaang shabu at 500 peso bill na siyang ginamit na maeked money.

Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Siya ay temporaryong nakapiit na sa custodial facility ng Pikit PNP at nakatakdang sasampahan ng kaukulang kaso ngayong araw. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

 

Karne mula Bulacan patungong Marbel, pinigil sa Tacloban dahil sa ASF scare

TACLOBAN CITY - Abot sa P1.6 million pesos na halaga ng assorted frozen pork meat products mula sa Bulacan ang naharang pasado alas 10:00...

Once troubled Basilan town now has radio station

BASILAN --- Stakeholders will launch Monday a “peace radio” in the former shabu capital of Basilan province whose municipal government got...

3 Soccsksargen hospitals lose PhilHealth accreditation

GENERAL SANTOS CITY -- The Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) has suspended and withdrawn the accreditation...

NGO spearheads outreach program for IPs in Maguindanao

UPI, Maguindanao – In celebration of Indigenous Peoples (IP) Month this October, local officials and non-government organization organized...

No casualty, damage in NoCot magnitude 5 quake: PDRRMC

KIDAPAWAN CITY -- Disaster management officials reported zero casualties and damage to properties from the magnitude 5...