Saturday Aug, 24 2019 09:15:57 PM

NDBC BIDA BALITA (7.23.19)

NDBC BALITA • 14:30 PM Tue Jul 23, 2019
249
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JULY 23, 2019 (TUE)
7:00 AM

HEADLINES:

1. BARANGAY CHAIRMAN, patay habang dalawang iba pa, sugatan sa pamamaril sa Midsayap, North Cotabato.

2. Ilang lugar sa North Cotabato, binaha matapos ang malakas na ulan kahapon.

3. Walong illegal miners, arestado sa T’boli, South Cotabato

4. Dating NPA na sumuko na,  hihingan ng tulong ng South Cotabato provincial government para kumbinsihin ang kanilang kasamahan na sumuko na din 

 

-0-

 

Muling itinulak ni Pangulong Duterte ang pagsasabatas ng parusang kamatayan.

Sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address o SONA kahapon, binanggit ng pangulo ang limang buwang giyera sa Marawi City dahil sa pag-atake ng Maute ISIS-inspired terrorist group.

Aniya, tone-toneladang iligal na droga ang nadala sa bansa habang nasa 175 ang nasawi at higit dalawang libo katao ang nasugatan sa sumiklab na giyera noong May 2017.

Dahil dito, nais niyang maisabatas ang death penalty para sa mga krimen na may kinalaman sa iligal na droga at plunder.

Nabatid na sa ngayon, karamihan sa mga mambabatas sa Kongreso at Senado ay pabor sa nasabing panukalang batas.

 

-0-

 

Ipinangako naman ni Pangulong Duterte na sa takdang panahon ay ipagbabawal niya ang pangingisda ng mga Chinese sa karagatang sakop ng exclusive economic zone ng bansa.

Sa kanyang SONA, muling sinabi ng pangulo na dapat maging maingat ang pamahalaan sa anumang plano sa West Philippine Sea.

Ipinaliwanag rin ng pangulo na hindi ngayon ang tamang panahon para tapatan ng pwersa ng pamahalaan ang ginagawang pananakop ng China sa lugar.

Tiyak aniyang mapapatay lamang ang mga sundalo sakaling mag-deploy siya ng military personnel sa lugar.

Ipinaliwanag rin ng pangulo na mananatili ang maayos na sitwasyon sa mga pinag-aagawang isla sa South China Sea sa pamamagitan ng ugnayan ng claimant-countries.

-0-

 

Hinikayat naman ni Pangulong Duterte ang publiko na i-report ang mga kaso ng korupsyon sa gobyerno.

Sinabi ng pangulo na maaaring i-report ng sinuman ang kaso ng korupsyon at iba pang reklamo sa Palasyo ng Malakanyang sa pamamagitan ng 8888 hotline.

Tiniyak ng pangulo na lalabanan ng Malakanyang ang korupsyon sa pamahalaan.

Nagpaalala naman ang pangulo na i-report lamang ang mga totoong kaso ng korupsyon para hindi makasakit ng ibang tao.

Kasunod nito, ipinag-utos ng pangulo sa mga local government unit at mga ahensya ng gobyerno ang pagpapaigting ng kampanya laban sa katiwalian.

 

-0-

 

Patay ang isang barangay Chairman habang sugatan naman ang dalawang iba pa sa pamamaril sa Midsayap, North Cotabato.

Nakilala ang nasawi na si Alcon Tubasan, 44 anyos, Punong Barangay ng Barangay Tumbras, Midsayap.

Sugatan din ang asawa ni Tubasan na si Armia, 39 anyos at ang tanod nitong si Samanudin Bacar Inok.

Sa report ng Midsayap PNP, pasado alas-nuebe ng umaga kahapon habang pasakay na ang mga biktima sa kanilang motorsiklo pagkatapos nilang kumain sa Otso Kainan restaurant sa Poblacion 8 nang biglang dumating ang apat na hindi pa nakikilalang mga suspek sakay ng dalawang mga motorsiklo at pinagbabaril ang mga biktima gamit ang cal. 45 pistol.

Patay on the spot si Tubasan na tinamaan sa ulo, habang nasa kritikal na kondisyon naman si Inok.

Samantala, nasa ligtas ng kalagayan ang may bahay ni Tubasan na nagtamo nang tama ng bala sa paa.

Alitan sa pamilya o rido ang nakikitang motibo ng mga otoridad sa naturang pamamaril.

 

-0-

 

NAPASAKAMAY NA ng mga otoridad sa ikinasang buy bust operation ang habal-habal driver na hinihinalang drug runner at pusher sa Cotabato city.

Nakilala ang suspek na si ALI ABDUL DUBAN, 22 years old, single, at taga Zenaida Subdivision, Barangay Rosary Heights 8 ng lungsod.

Pinangunahan ni Police Station 1 commander Police Captain Romel Canto at ng PDEA BARMM agents ang operasyon sa tapat ng Catholic Cemetery sa Sinsuat Avenue pasado alas kwatro ng hapon kamakalawa.

Napagbentahan ni Duban ng iligal na droga ang isang pulis na nagkunwaring buyer dahilan para siya ay madakip.

Nakuha mula sa suspek ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu at marked marked money na ginamit sa operasyon.

 

-0-

 

INIWAN na lamang ng dalawang mga pinaghihinalaang kawatan ang kanilang motorsiklo at ang baterya na balak nilang nakawin matapos silang makita ng security guard sa isang compound na kanilang pinasok sa Sinsuat Avenue, Barangay Rosary Heights 13, Cotabato City.

Ayon sa gwardyang si JHON MICHAEL SANORJO,30 anyos, na taga Brgy. Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao, pasado alas tres ng madaling araw kahapon nang makita umano nito sa loob ng compound na binabantayan ang dalawang di nakilalang mga magnanakaw.

Nataranta ang dalawa kaya iniwan na lamang ng mga ito ang kanila sanang nanakawing dalawang mga baterya ng sasakyan na nagkakahalaga ng pitong libong piso.

Maging ang kanilang sinakyang motorsiklo ay iniwan na rin ng dalawa sa takot na abutan ng gwardya at mahuli.

Agad namang nagtungo sa Police Station 2 ang Security Guard para iulat ang insidente.

Nasa kustodiya ngayon ng pulisya ang motorsiklo na naiwan ng mga suspek.

 

-0-

 

Indigent Non-LET passers na taga North Cotabato, makatanggap ng tulong mula sa Provincial Government

Tiniyak ng Provincial Government na makakatanggap ng tulong ang mga interesado at kwalipikado na indigent Non –LET passers na taga North Cotabato.

Ito ang tugon ni North Cotabato Governor Nancy Catamco sa tanong ni Schools Division Superintendent Romelito Flores, kung papaano matutulungan ng pamahalaang panlalawigan ang mga di lisenyadong guro.

Kasama ni Schools Division Superintendent Romelito Flores ang iba pang kawani ng Department of Education Kidapawan City Division sa pagbisita sa opisina ng bagong gobernadora.

Bukod sa programa ng libreng pagsusuri para sa mga guro, nagpanukala din ang gobernador sa iba pang gawain para sa mga kabataan tulad ng sports para sa kapayaan, pagsasanay sa pamumuno at programa sa kamalayan sa kalusugan ng isip.

Tiniyak din ni Flores sa gobernadora ang kanilang suporta at pakikipagtulungan sa lahat ng kanyang mga pagsusumikap sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon sa mga kabataan sa lalawigan. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

National Highway sa bayan ng Kabacan, North Cotabato, nakatakdang ayusin ng Department of Public Works and Highways o DPWH

Aasahang maaayos na ang mga nasirang daan sa National Highway sa bayan ng Kabacan, North Cotabato. Ito ang ipinahayag ng lokal na pamahalaan sa publiko matapos na makausap ng ahensya si DPWH Regional Director Engineer Basir M. Ibrahim.

Aasahan din anyang magagamit ang mga diversion road sa pagsisimula ng pagsasaayos ng mga daan. Ilan na nga rito ang Saranay St., Aglipay St., Antonio Luna St., Sunset Drive, at Sunrise Drive na aasahang maging mabigat ang daloy ng trapiko pero mas magiging magaan kung matatapos na ang proyekto.

Nilinaw naman nito na hindi pa ito ang road widening bagkus gagawin muna re-blocking n aibig sabihin aayusin ang outer lanes ng bayan mula sa Masagana Highway hanggang sa crossing USM Avenue.

Ito na rin umano ang panahon upang maisagawa ang pagsasaayos ng kanal ng Mercado St. papuntang Roxas St. Sa ngayon, isinasaayos na ng lokal na pamahalaan ang lahat ng kailangan at papeles upang mas mapabilis ang pagtapos ng proyekto. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Pambato ng Kidapawan City sa Mindanao League Muay Thai Championships, nag-uwi ng medalya

Nasa ikalimang pwesto ang Kidapawan City mula sa labin-isang Mindanao Cities na sumabak sa Mindanao League Muay Thai Association of the Philippines Championships. Nakapag-uwi ng tatlong ginto, apat na pilak at isang tansong medalya ang mga kalahok na mula sa lungsod na ginanap sa Butuan City.

Ang kumatawan sa nasabing kompetisyon ay mga miyembro ng Kidapawan City National High School at Alternative Learning System. Nakalaban nila ang ang ibat-ibang kalahok mula sa Davao City, Gensan, Zamboanga, Butuan at iba pang malalaking lungsod ng Mindanao.

Nagwagi ng gold sina Sofrino John Pepugal, Christian Jay Boquerin, at Jhoniel Aquino. Silver medalists naman sina Chris Wilfred Dellona, Felix Alfonso Bilbao, Chrisitian Nudalo at Vince Galon. Bronze medal winner naman si Carl Pajes.

Samantala, nakatakdang parangalan ang mga lumahok sa July 2019 Convocation Program ng City Government ngayong linggo tanda ng kanilang matagumpay na kampanya sa prestihiyosong torneo ng Muay Thai sa Pilipinas. Bahagi ng One Team, One City One Goal Sports Development Program ng Kidapawan City Government at partner agencies nito. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Ilang lugar sa North Cotabato, binaha matapos ang malakas na ulan kahapon Binaha ang ilang mga lugar sa North Cotabato dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan kahapon hangggang kagabi.

Kasabay ng state of the nation address ng Pangulong Duterte kahapon ay siya ring malakas na pagbuhos ng ulan sa lalawigan.

Sinabi ni Kidapawan City Disaster Risk and reduction office head Psalmer Bernalte, ilang mga ilog ang namonitor na umapaw hanggang sa pumasok na sa mga bahay dahil na din sa malakas at walang tigil na pag-ulan at ilan ding mga biyahero ang nastranded.

Anya, natumba din ang puno ng kahoy sa isang bahay sa Barangay Nuangan habang nakaharang naman sa daan ang natumba ding kahoy sa Barangay Manongol. Agad naming nakapagresponde ang City 911 upang maputol ang kahoy upang makadaanan ang motorista sa lugar. Hindi din muna pinadaanan ng mga malalaking sasakyan ang tulay sa Relocation site sa Barangay Magsaysay ng lungsod kagabi.

Samantala, patuloy na pinaalalahanan ng mga otoridad ang publiko lalo na ang mga bahay na madalas binabaha at landslide prone areas na maaring lumikas agad kung patuloy ang pagbuhos ng ulan.

Dagdag pa ni Bernalte, may mga designated evacuation center naman para sa apatnapung barangay ng lungsod kung kailangan ng lumikas ang mga mamamayan lalo na kung magsimulang umapaw ang tubig sa mga kanal.

Una ng nagpaalala si City Disaster Risk and Reduction and Management head sa publiko na iwasan ang pagtapon ng mga basura sa sapa lalo na ngayong panahon ng tag-ulan na posibleng dahilan din ng pagbaha. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Tulong ng mga sumukong NPA member para kumbinsihin ang dating mga kasama na sumuko na rin, hiniling ng gobernador ng South Cotabato

Hikayatin ang kanilang mga dating kasama na magbalik loob rin sa pamahalaan. Ito ang hiling ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. Sa mga sumukong myembro ng NPA sa lalawigan.

Sinabi ito ni Tamayo matapos ipatupad ang libreng hospitalization, pagpapagamot at edukasyon sa lahat. Binigyan diin ni Tamayo na dahil sa mga ito wala nang dahilan para lumaban sa gobyerno ang mga rebelde sa South Cotabato.

Ayon kay Tamayo isinusulong ng kanyang administrasyon na ayusin ang mga programa ng lokal na pamahalaan para matiyak na mapapakinabangan ng lahat ng South Cotabatenos.

Inihayag ni Tamayo na marami nang nagbago at nagawa ang gobyerno para mapunan ang pagkukulang nito sa mga mamamayan. Matatandaan na ang mahigit P1.9 million na tulong ng pamahalaan ay naibigay na ng pamahalaang panlalawigan sa 34 na mga sumukong NPA member sa South Cotabato noong nakaraang linggo.

 

-0-

 

Pondo para sa 2019 Tuna Festival inihahanda na ng lokal na pamahalaan ng Gensan

Nanatili pa rin sa P4 million ang pondo ng inilaan ng lokal na pamahalaan para sa Tuna Festival ng General Santos City ngayong taon. Ito ang ipinahayag ni Gensan City Councilor Shandee Llido-Pestano.

Ayon kay Pestano, sisikapin ng lokal na pamahalaan na madagdagan ang nasabign budget sa pamamagitan ng private sponsorship.

Paliwanag ni Pestano, tuloy pa rin kasi ang mga insitutionalized na event sa nasabing festival na nangangailangan din ng sapat na pondo. Ang mga ito ay ang street dancing competiion at float parade na madalas dayuhin ng mga mamamayan.

Kinumpirma din ni Pestano na hindi na ang Philippine Fisheries Developpment Authority ukon PFDA ang magiging partner ng Gensan LGU sa tuna festival. Ayon kay Pestano, ito ay hiniling mismo ng PFDA. Sa halip ayon kay Pestano magiging partner ng LGU sa Tuna Festival ngayong taon ang Phil Export at isang Non-governmet Organization. Gaganapin ang 2019 Tuna Festival sa unang linggo ng Setyembre.

 

-0-

 

Negosyo center na ikalawa na sa syudad, inilunsad ng DTI 12 sa General Santos City

Napapakinabangan na ng mga mamamayan sa General Santos City ang ikawalang negosyo center na inilunsad doon ng Department of Trade and Industry o DTI.

Ayon kay DTI 12 Regional Director Dorecita Delima ito na ang ika 53 Negosyo Center sa bansa. Ang nasabing Negosyo Center ay matatapuan sa ground floor ng bagong LGU Investment and Tourism Building. Ipinahayag ni Delima na ay angkop sa pangangailangan ng mga lalawigan, lungsod, at first-class municipalities ang serbisyo ng nasabing pasilidad.

Pinamamahalaan ito ng isang business counselor at support staff mula sa LGU na tutulong sa pangangailangan ng mga mamumuhunan.

Ayon kay Delima matatagpuan sa reception area ng nasabing pasilidad ang receiving counter,computers, at Library. Ipinahayag ni Delima na itinayo nila ito para matugunan ang pangangailangan ng dumaraming Micro, Small, and Medium Enterprises sa region 12 lalong lalo na sa General Santos City.

 

-0-

 

Walong illegal miner, inaresto ng mga pulis sa T’boli, South Cotabato

Kulong ang walo katao matapos mahuli ng mga pulis na iligal na nagmimina sa T’boli, South Cotabato. Kinilala ng T’boli PNP na pinamumunuan ni Police Major Bernie Faldas ang mga umanoy inarestong illegal miner na sina Rolly Angay, 19 years old; Jover Calim, 27: Benjo Calim, 19; Toto Benito,30; Ariel Layag29, Jomel Layag, 31; Ike Bawela, 52 at Awek Calibay, 41 years old.

Nakuha ng mga pulis sa mga ito ang mga gamit sa iligal na pagmimina at sampung sako ng mineral ore. Ang nasabing mga illegal miner ay naaktuhan ng mga pulis na nagmimiha sa mining area ng Sitio Tunnel, Barangay Kematu, T’boli. Nabatid na ang nasabing lugar ay mariin ngayong minomonitor laban sa iiligal na pagmimina ng T’boli PNP.

Inihahanda na ng mga pulis ang kasong illegal mining laban sa mga ito.

 

 

-0-

 

Binata patay sa pananaksak ng kainuman sa Banga, South Cotabato

Sinaksak ang nasawing biktima habang natutulog sa tinutuluyan nitong kwarto sa Barangay Bololmala, Tupi, South Cotabato.

Kinilala ng Tupi PNP na pinamumunuan ni Police Major Joseph Forro III ang biktima na si Ricky Lasanas, 32 years old, binata at nakatira sa Barangay Lagao, General Santos City. Ang biktimang si Lasanas na nagtamo ng maraming saksak ay dead on arrival sa ospital.

Suspek sa krimen ang nakainuman ni Lasanas at kapatid nitong si si Jimpaul, 24 anyos si Alvin Lok, 23 anyos ng Bololmala, Tupi. Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na habang nagiinuman nagtalo ang magkapatid at suspek.

Matapos masuntok ang biktimang si Ricky ,umuwi na ang suspek na si Lok. Ngunit pagbalik nito tinangka niyang saksakin ang lumapit sa kanya at nakatakas at nakahingi ng tulong na si Jimpaul.

Pagkataps nito binalingan naman umano ni Lok si Ricky at pinagtataga habang mahimbing na natutulog. Matapos ang krimen ang suspek na si Lok ay agad na tumakas at patuloy pang pinaghahanap ng mga pulis.

 

-0-

 

 

Cotabato City bags 8 awards from DOH

COTABATO CITY - Cotabato City got not just one, not just two, and not even just three, but eight awards during the 2019 Regional Awarding...

DFA-Basilan gov't passport services gains headway

BASILAN  - More than a thousand residents have benefited from the joint passport processing program of the office of Gov. Jim Salliman and...

Gun licensing amnesty program for BARMM recommended

COTABATO CITY --- Peace advocates wants a firearm licensing amnesty for civilians in the Bangsamoro region to complement the...

NDBC BIDA BALITA (8.24.19)

HEADLINES:

1. OPERASYON ng Small Town Lottery o STL sa Cotabato City at South Cotabato, posibleng sa Setyembre pa umano...

PNP acquires 10 new choppers

DAVAO CITY--The Philippine National Police (PNP) has acquired 10 new helicopters to further enhance its crime-fighting capability, an...